Kabanata 7
Party
Tahimik kong hinihiwa ang malambot na steak sa aking plato habang nakikinig sa usapan nina Rosario at Mayor Collymoore. Mula kasi nang maupo ito kasama namin sa lamesa ay hindi na ito tumayo pa.
Marami siyang kwento tungkol sa pamamahala niya sa kanilang lalawigan sa Batangas. Pero dahil nandirito ang ilan niyang negosyo at mga kasosyo ay mas pinili niyang dito maagang i-celebrate ng kaniyang kaarawan. Plano rin daw niyang gawin ang selebrasyon sa kaniyang lalawigan sa mismong araw ng kaniyang kaarawan.
"Pwede din ba kami sumama sa Batangas mayor? Alam mo na for the support, malapit na ang eleksyon," ani Rosario na tila hindi nagbibiro.
Halos maluwa ko naman ang nginunguyang steak dahil sa narinig.
"Pwedeng pwede! Kung gayon ay imbitado kayo ulit sa selebrasyon ng akin mismong kaarawan," aniya na sa'kin mismo sumulyap.
Pilit naman ang naging pag ngiti ko pagkat hindi ako agad nakasagot.
"Of course, mayor! Game na game kami d'yan ng friend ko, diba Debinna?" si Rosario na ngayon ay malaki na ang mata sa'kin habang bakas pa rin ang plastick na ngiti sa labi.
Dahan-dahan naman akong tumango at sa wakas ay nahanap ko ang tamang salita. "Kinagagalak ho namin tanggapin ang imbitasyon n'yo," wika ko.
Pansin kong mas lumuwang ang pagkakangiti sa'kin ng mayor. Kung hindi pa ito nilapitan ng isa sa kaniyang mga body guard ay hindi niya mapuputol ang mga titig nito sa'kin.
"Paano, mauuna na muna ako sa inyo. May mga aasikasuhin lang akong bisita. Huwag din kayong mahiyang humingi ng pagkain lahat ng iyan ay para sa inyo," aniya na. Nakipag kamay itong muli kay Rosario nang tumayo at sa huli ay muling bumaling sa'kin.
Muli niyang nilahad ang kamay sa'kin na malugod ko naman tinaggap. "I'll see you later," lantaran niyang sinabi bago patakan ng labi ang ibabaw ng aking palad.
Mabilis akog nakarinig ng mga bulung-bulongan sa paligid at pagpalakpak ng ilan sa nakitang tagpo. Habang ako ay tila natulos sa kinatatayuan. Nanlamig bigla ang aking likuran at batok nang napagtanto ang ginawa n'ya.
Kung hindi pa ako kalabitin ni Rosariio ay baka hindi na ako gumalaw at bumalik sa pagkakaupo.
"Jackpot! Congrats, you pass our first mission!" Tuwang tuwang bigkas ni Roasrio sa'kin.
Huminga ako nang malalim. Tama ba itong ginagawa ko? Dapat ko pa bang itiuloy ito?
Sinulyapan ko ang direksyon ni mayor Collymoore kung saan may sinalubong ito na mga bagong dating na bisita. Sa palagay ko naman ay likas itong mabait at walang bahid ng korapsyon. Sa tingin ko rin ay pamumulitika lamang ang agenda nito kaya kami inimbitahan sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan sa Batangas.
Umiiling na tinuloy ko na lamang ang pagkain. Paano ay muling tinawag ni Rosario ang waiter at humiling ng sang katerbang dessert.
"Dapat na tayong maghanda sa pagpunta sa Batangas, dapat na rin natin ihanda ang swimsuit natin," aniya.
Muli akong umiling dito. Sa tingin ko ito ay umaayon na ang lahat sa plano ni Rosario.
Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na kami kay mayor. Kung magtatagal pa kasi kami ay baka maghinala na ito sa'kin.
"Hayaan n'yo na ipahatid ko kayo sa isa sa mga driver ko. " Presinta nito nang ihatid kami mismong labasan.
"Naku, maraming salamat mayor. Tamang tama wala kaming dalang sasakyan ngayon, namasahe lang kami kasi nasa carwash yung sasakyan."
Kumunot ang noo ko bago sa huli ay sumang-ayon na lang sa lahat ng kaniyang mga sinasabi.
Sumulyap ito sa kaniyang relong pambisig bago muling magsalita.
“Tutal ay nandito na rin lang halos lahat ng mga inaasahan kong bisita. Maganda siguro kung ako na ang maghatid sa inyo," aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. Ngunit hindi na ako tumanggi pa dahil mabilis nang tinanggap ni Rosario ang alok ng Mayor.
Hindi nagtagal ay nasa harapan na namin ang kulay itim na limousine. Hindi rin magkamayaw ang pagkislap ng kamera sa aking mukha nang makita kaming kasama ni Mayor. Yukong yuko naman ang ulo dala ng matinding hiya.
"Oh, my god! Nakalimutan ko may i-me-meet pala akong client!" biglang sambit ni Rosario.
Humarap ito sa mayor at humingi ng dispensa. "Pasensya na kayo mayor mukhang hindi muna ako makakasabay sa inyo. Mamasahe na lang muna siguro ako. Kailangan ko kasing i-meet itong client ko na kanina pa pala naghihintay."
"Walang problema. Kung gusto mo ihatid ka namin sa meeting place n'yo?"
"Naku, hindi na kailangan. Sa kabilang side kasi ang daan ko. Well anyway its nice to meet uou mayor see you na lang po next time. Kayo na ho ang bahala kay Debinna," aniya.
Natatawa at naiiling lamang dito ang mayor bago sa huli ay tumango.
Bumaling naman agad sa'kin si Rosario na malapad ang ngiti. "Alam mo na ang gagawin," bulong niya bago tuluyang naglakad palayo sa amin habang kumakaway.
Alam kong gawa-gawa lamang niya ang kwento na 'yon. Ginawa lang n'ya 'yon na dahilan upang magkaroon ako ng pagkakataon na gawin ang unang misyon. Kaya kahit labag sa loob ko ay wala akong magagawa.
Ito ang pinili kong trabaho at kailangan ko itong panindigan kahit na anong mangyari.
"Shall we?"
Humarap ako dito at ginantihan siya ng isang ngiti.
Sa ilang minuto naming byahe ay tila nangangapa pa ang mayor. May ilang katanungan ito tungkol sa personal kong buhay na siya ko naman sinasagot.
Hindi ko gustong magsinungaling pero limitado lamang ang binigay kong impormasyon tungkol sa akin.
"Ikaw na lang pala at ang nanay mo ang magkasama sa buhay. Hindi rin nalalayo ang sitwasyon mo sa buhay ko. May nag-iisa akong anak.
Dahan-dahan akong tumango. Hanggat maari ay ayokong pag-usapan ang tungkol sa aking ama. Lalo pa't kakikilala lamang naming dalawa.
Hindi rin ako nakaligtas nang tanungin n'ya kung ano ba ang relasyon meron ako kay Rosario at ang negosyo na meron kami.
"Ahh, Ano... May bubuksan kaming restaurant. Mag business partner kami. Tama 'yon nga," wika ko sa mababang boses.
Nahhihiya akong yumuko nang mapansin kong sumulyap sa akin ang driver ng limousine sa kaniyang rear view mirror matapos ko 'yon sabihin.
"Sounds great. And I will be your first customer then," wika niya.
Biglang nagliwanag ang mukha ko sa sinabi n'ya. "Thanks," tipid ko naman na sagot.
Ilang minuto pa ay narating na namin ang condo kung saan ako nag stay.
"Salamat sa paghatid. Hindi ka na sana nag-abala." Balak ko na sana bumaba nang buksan na ng bell boy ang pinto ng kotse nang maalala ko ang bilin sa akin ni Rosario.
Mabilis akong bumaling sa kanya.
"Would you like to come over for coffee?"
Pansin kong tumaas ang gilid ng kaniyang labi bago sulyapan ang driver nito at tumango.
Hindi nagtagal ay sabay na kaming pumasok sa loob ng hotel. Hindi rin maiwasang may makasalubong siyang kakilala at binabati siya. May ilang nagtanong pa nga tungkol sa birthday celebration na siya naman niyang sinagot.
"May biglaan lang akong importanteng lakad kaya baka hindi na ako makakabalik," anito sa mag-asawang nakasalubong.
Halos sabay nman sumulyap sa akin ang dalawa at pansin ko ang lihim na ngiti ng mga ito matapos ay tumango. Nagpaalam din naman ang mga ito kay mayor kaya nakahinga na rin ako ng maluwang.
Habang sakay ng elevator ay hindi ko na napigilan pa ang magsalita.
"Hindi ka ba nag-aalala na baka kung ano ang isipin ng mga tao sa atin?" mahina kong sambit.
I heard him chuckle. "Bakit ano ba sa tingin mo ang iniisip nila sa atin?"
Ramdam ko ang pagsulyap n'ya sa'kin at ang mainit na titig nito habang nakayuko sa'kin.
Lumunok ako at hindi nakapagsalita.
"They were often seeing me with someone younger than me. Alam ko na ang iniisip nila. But who cares?"
Dahan-dahan akong tumango.
"I'm sorry, I don't mean to offend you,"
Narinig ko ang marahan niyang pagtawa kaya napalingon ako dito. Agad na nagtama ang mga mata namin. Hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko habang pinagmamasdan ang kulay toskolate niyang mga mata.
Mabilis ko rin pinasadahan ang kabuoan ng kaniyang mukha. His face is handsome, jawline is prominent and his nose is high like a bridge. Nangungusap din ang kaniyang mga mata maging ang mapupulang mga labi.
Sa tingin ko ay nasa mid 30's lamang siya base sa ayos, pustora nito. Wala din akong makitang wrinckles sa kaniyang noo.
Kung sakali ngang matuloy ang plano namin ni Rosario na pa-ibigin siya at perahan, makakaya kaya ng konsensya ko na gawin 'yon sa isang inosente at respetadong lalaki na tulad n'ya?