Kabanata 5

2229 Words
Kabanata 5 New Life Matapos namin kumain ay umakyat kami sa ikalawang palapag upang tunguhin naman ang isang Salon. Agad kaming sinalubong ng isang manager na nagkipag beso kay Rosario matapos ay humarap sa'kin. "Her name is Debbina, I want you to give her a total makeover," aniya sa kaharap. "Sure, ako nang bahala dito sa alaga mo, Rosario." HInawakan pa n'ya ang magkabila kong balikat. "Paano babalikan na lang kita kapag tapos na, mas kailangan lang akong puntahan sandali." Tumango lamang ako dito habang malakas ang kabog ng dibdib na sinundan siya ng tingin palayabas ng establisyamento. Sa totoo lang kahit na lumaki ako sa club ay ni minsan ay hindi ko sinubukang mattutunan ang paglalagay ng make-up at pag-aayos. Hind naman ako kagaya ni Sapphire na siyang star of the night palagi ng club namin para mag-ayos palagi. Isa pa kuntento na ako sa itsura ko ngayon. Tamang pahid ng polbo at lip gloss ay sapat na sa'kin. "Ako nga pala si Alice. Alam mo bang ang ganda mo? Mukhang hindi ako mahihirapan saiyo. Ano nga ulit ang pangalan mo?" Hinaplos niya ang maganda kong buhok habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. "Debbina po," sagot ko. "Hmm, nice name kasing ganda mo rin. Huwag kang mag-alala ako ang bahala saiyo. Aayusan kita ng bongang bonga." Tumiim naman ang aking mga labi. Wala naman akong masabi sa papuri n'ya at namula na lang ang dalawang pisngi sa hiya. "Wow perfect! You're so gorgeous! Sabi ko na nga ba hindi talaga ako nagkamali" Maluwang ang ngiti ni Alice sa'kin. Tinitigan ko ang repreksyon ko sa salamin. Gaya niya ay hindi rin ako makapaniwala sa naging resulta. Ang mahaba kong buhok ngayon ay may kulay na. Inayos din n'ya ang sabog kong mga kilay na siyang binagayan ng make-up. Halos hindi ko nga nakilala ang sarili dahil malayong malayo na ang itsura ko sa Debbina na simple at walang ayos. "S-salamat ho," hindi ko na napigilan pang sabihin. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at bahagyang yumuko upang bulungan ako. "Basta isa lang ang payo ko saiyo. Choose what makes you happy. Alam kong malaking oportunidad ang naghihintay saiyo at alam ko rin na may isa doon na tiyak kong magpapasaya saiyo. At kapag dumating ang pagkakataon na 'yon. Sana alam mo na kung ano ba ang mas matimbang." Kumunot ang noo ko dito. Wala akong ideya sa kaniyang mga sinabi pero sa huli ay nakuha kong tumango at muling nagpasalamat. "Oh, my God! Ikaw na ba yan Debbina?!" Halos hindi makapaniwala si Rosario nang makita ang kinalabasan ng aking makeover. Namula naman ang dalawang pisngi ko sa hiya. "Sabi ko naman saiyo ako ang bahala dito sa alaga mo," ani Alice dito. "Thank you so much, hayaan mo may bonus ka sa'kin mamaya," sagot naman ni Rosario matapos ay bumaling sa'kin. "So, ano pang hinihintay natin mamili na tayo ng mga dress na susuotin mo!" Maluwang ang ngiti na hinila n'ya ang kamay ko palabas sa Salon na 'yon. Sumakay kami sa kaniyang kotse at nagtungo sa Mall kung saan daw ang tungo namin. Diretso naman kami sa isang sikat at branded na boutique. Hindi ako makapaniwala na dinala n'ya ako dito para lang ibili ng mga damit, sapatos at bags. Wala tuloy ako sa sarili habang sinusukatan ng mga sales lady. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na pumili ng mag tipo ko nang kulitin ako ni Rosario na mamili. "Perfect! Kukunin ko rin ang isang 'yan. Saka yung mga pinili niyang dress. Pati na rin ang mga bags at shoes." Lumunok ako tila hindi pa rin makapaniwala. Iniisip ko pa lang kung magkano ang lahat ng iyon at kung paano ko mababayaran ay parang hindi ko na kaya pang isipin. "Hindi ba sobra-sobra na ito? Baka mas lalong lumaki ang utang ko saiyo at hindi na ako makabayad." Sa wakas ay nagkaboses na akong tumanggi. "Are you kidding me? Hindi pa nga tayo nagsisimula sa trabaho bayad na agad ang inaalala mo?" Ngumiti ito sa'kin habang nakataas pa isang kilay. Nahihiyang nagyuko ako ng ulo. "Ang mabuti pa taposin na natin ang lahat ng ito matapos ay tumungo na tayo sa bago mong magiging tirahan," aniya sa'kin. Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. "Magiging tirahan?" "Oo, sa tingin mo ba sa pustura mo mapapaniwala mo ang mga kliyente mo lalo na kung sakaling malan nilang nasa squatters area ka nakatira?" Tumaas ang kilay niya sa'kin. Naumid naman ang dila ko. Sa punto siya doon pero paano si Inay? "Paano si Inay? Pwede ko ba siyang isama sa titirhan ko?" Kumunot ang noo n'ya bago umiling. "Sabihin mong stay ang trabaho mo dito at buwanan lang uwi," aniya at nagkibit balikat. Natahimik ako habang naghihintay sa mga pinamili namin. Paano na lang si Inay kapag iniwan ko? Tiyak na kukulitin lang siya nina Turo na magbayad. "Alam mong hindi na safe kay Inay ang manatili sa lugar na 'yon," hindi ko na napigilan pang sabihin. Muli ay kumunot ang noo n'ya sa'kin. "Hindi ba sinabi ko saiyo na ako na ang bahala sa utang mo sa lalaki na 'yon? Saka sisiguraduhin kong makakatanggap siya ng monthly allowance sa'kin." Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Bigla ay nagdadalawang isip tuloy ako kung dapat ko ba talagang tanggapin ang trabahong ito. Tahimik lang ako buong byahe habang binabagtas namin ang daan patungo sa siyudad. Napalitan na ng naglalakihang building at establisyemento ang kanina'y mga mumunting bahay na nadaraanan namin. Hindi ko mapigilan ang pagkamangha. Ang totoo kasi niyan ay madalang lang ako mapunta sa siyudad. Tuwing may espesyal na okasyon lamang kami ni Inay napupunta dito at kung minsan ay hindi pa nga natutuloy pagkat kapos sa pera. "Bago ka lang dito? I'm sure you will this place as I do," aniya na hindi inaalis ang tingin sa daan. Bahagya akong tumango at pinagsawa ang mga mata sa nadaraanang gusali hanggang sa pumasok ang sasakyan niya sa malaking bakuran ng isang condominium. Yuko naman ang mga ulo ko habang papasok kami sa loob. May ilan rin kasi na napapalingon sa banda dahil sa ayos at pustura ko ngayon. Isa halos lahat yata ng nakatira dito ay kilala si Rosario na siya niyang binabati. Sa 20th floor ang unit na sinasabi ni Rosario. Habang sakay ng elevator ay hindi ko mapigilang pagpawisan. Malakas rin ang kabog ng dibdib ko sa samo't saring emosyon at nerbyos sa mga pwede pang mangyari. Hanggang sa tumabad sa akin ang unit na sinasabi n'ya. Halos umawang ang mga labi ko buhat nang makapasok. Ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganito ka gandang silid at mukhang mamahalin pa ang mga gamit. Kulay krema ang pintura ng bahay at may makakapal na kurtina sa tiyak kong malapad na bintan. May flatscreen TV rin at kumpleto rin ang gamit nang makapasok ako sa kusina. "From now on dito ka na titira." Nilingon ko si Rosario na siyang naupo sa kulay tsokolate na sofa. "Hindi ba mahal ito? Hindi ko matatanggap..." "Alam ko na ang sasabihin mo, pero hindi ako papayag na hindi mo tatanggapin itong regalo ko sa'yo." Ngumiti ito nang maluwang sa'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanya at walang lakas na napaupo sa kabilang sofa. "This is my gift for you. Soon, pwede mo nang ilipat dito ang nanay mo kung maganda ang performance mo. Malay mo, higit pa dito ang mapasaiyo kung gagalingan mo." Umangat ang gilid ng kaniyang labi sa'kin. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Mas lalo akong kinakabahan sa magiging kapalit ng lahat ng ito. "Oh, siya bukas na lang ako babalikpara makapagpahinga ka na rin." Binuksan niya ang bag at may dinukot doon na pera. "Here's your allowance. Gamitin mo ito para mamili ng mga groceries at mga personal mong gamit dito. " Inilapag n'ya 'yon sa lamesa pagkat tiyak na alam niya na hindi ko 'yon tatanggapin pa. "Paano, see you tommorow!" Tumayo na ito at diretso nang lumabas ng aking unit. Hindi ko na rin ito napigilan pa kahit marami pa sana akong gusto pang itanong sa kanya. Minabuti ko na lang na bisitahin ang aking magiging silid. Gaya ng inaasahan ko de kalidad din ang mga muwebles na ginamit dito. Mas lalo pa akong namangha dahil sa queen size bed na nasa aking harapan. Hindi rin nagpatalo ang vanity na nasa may bandang gilid katabi ng malapad na closet. May bathroom rin sa mismong loob at ilang beses na umawang ang mga labi ko nang makakita doon ng bathtub at shower. "Oh, my god!" Pabagsak kong hiniga sa malambot na kama ang katawan at tumitig sa kulay puting kisame. Para akong nasa panaginip na hindi ko alam kung paano pa ang magising. Sa huli ay sumilay ang maluwang na ngiti sa aking mga labi at niyakap ang malambot na unan sa aking tabi. Is this for real? Talaga bang dito na ako titira magmula ngayon? Hinila ko sa aking bag ang cell phone upamg tawagan si Inay at ipaalam na hindi ako makakauwi. Tiyak na nag-aalala na 'yon sa'kin, subalit hindi ko ito makontak. Kaya minabuti kong i-text na lang ito at sabihing bukas na ako makakauwi. Bumangon ako nang makaramdam ng gutom ngunit walang laman ang fridge at maging ang ilang cabinet doon. Sinulyapan ko ang perang iniwan para sa'lkin ni Rosario. Bilin niyang ipambili ko 'yon ng pagkain at ilang personal kong gamit. Marahan ko 'yon dinampot at nanlaki ang mga mata nang mabilang ang halaga no'n. Tumatanginting na bente mil 'yon. Napapailing ako habang nagpapalit ng damit. Balak kong bumaba at pumunta sa malapit na supermarket. Tutal ay pasado alas siete pa lang naman at tiyak na bukas pa ang mga 'yon. Simpleng denim jeans at white t-shirt lamang ang suot ko na sinusunan ko ng lightweight jacket. Hinayaan ko lang nakalugay ang alon kong buhok na siyang kinulayan ni Alice ng Ash brown. Hindi ko na rin inalis pa ang make-up pagkat sa tingin ko ay napak simple lamang noon. Pinasya ko nang bumaba upang magtungo na sana sa super market nang madaanan ko ang isang restaurant sa hilera ng condominium. Agad akong nakaramdam ng matinding gutom buhat nang makita ang mga pagkain na nakahain sa bawat lamesa ng mga customer. Wala sa loob na humakbang ang mga paa ko papasok at nilibot ng tingin ang buong lugar. Halatang mamahalin ang mga pagkain dito dahil sa yari at disenyo ng lugar. Isa pa may napansin akong tumutugtog ng violin sa bandang sulok ng reaturant. "Hello, may I have the name on the reservation?" tanong sa'kin ng lumapit na waiter. Doon ako kumurap at bahagyang umiling dito. Balak ko na rin sanang umatras at lumabas na ng silid ngunit muli itong nagsalita. "I'll take you to your table," he said with a wide smile on his lips. Wala na akong nagawa pa kundi sundan ng tingin ang waitress. Pansin ko kasi ang pagsulyap ng ilang customer sa'kin kaya naunahan na ako ng hiya. Pinili n'ya ako ng table sa isang sulok matapos kong sabihin sa kaniya na mag-isa lang ako. Agad din naman niyang inabot sa'kin ang menu at gano'n na lang nanlaki ang mata ko sa presyo ng mga 'yon. 500 hundred pesos lang ang nakita kong mura doon. Pansin kong medyo kumukunsumo na ako ng panahon habang naghihintay sa'kin ang waiter kaya pumili na ako ng pinakamurang dish sa lahat na nagkakahalaga lamang naman ng isang libong piso. "Please give me, water only?" Pansin kong kumibot ang mga labi nang waiter matapos niyang kunin sa'kin ang menu. Doon naman ako nakahinga ng malalim at hinintay ang tubig na dala ng waiter. Matapos kong lagukin ang laman no'n ay naglabas ako ng isang daang piso bilang bayad at tip na rin sa kanya. Hindi ko na hinintay na makapagsalita ito pagkat inumpisahan ko na ang maglakad palabas ng establisyamento. Malalaki ang hakbang ko habang binabagtas ang side walk at binibisita ang ilang restaurant ngunit ni isa sa mga 'yon ay hindi ko na sinubukan pang pasukin. Nagliwanag lang ang mukha ko nang mamataan ang isang food cart na dinudumog ng mga tao at namamasyal sa park na 'yon. Tukneneng, pugo, fishball at kikiam ang tinda ni manong. Tiyak na swak ito sa budget ko kung ito na lang ang kakainin ko. Gayon pa man kahit pansin kong maraming napapasulyap sa'kin habang tumutusok ng fishball ay hindi ko na lang pinansin. Labis kasi ang pagtataka nila na ganitong ayos ko ay sa tusok-tusok lamang pala ang punta ko. Ngumiti ako nang mapuno ko ang plastic cup at bahagyang lumayo upang lantakan na ang fishball at pugo. Halos mapalundag pa nga ako dahil sa sobrang init no'n. Sakto naman na susubo sana ako ng malaki nang mapansin ko ang itim na kotse na dumaan sa harapan ko. Pansin ko rin ang lalaking bahagyang nagbaba ng kaniyang sunglasses para ako sulyapan sa kaniyang bukas na binta ng kotse. Tila malakas naman na kumabog ang puso ko nang magtama saglit ang mga mata namin. He has a deep narrow eyes, matangos na ilong at may makakapal na kilay. Hindi rin nagpahuli ang mapula nitong mga labi na akala mo'y sing pula ng makopa. Ngunit mabilis din akong kumurap nang muli niyang ibalik ang suot na sunglasses kasabay nang tila nandidiring tingin sa hawak kong pagkain. "Ang gwapo n'ya," Iyon lang ang tangi kong nausal habang sinusundan ng tingin ang palayo niyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD