Kabanata 4
The Choice
Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko na hinintay na magising si Inay pagkat umalis na ako at pumunta sa bahay nila Isobel.
Hanggat maari ay ayoko siyang makausap kahit pa gusto kong pag-usapan namin ang tungkol sa problema ngunit paano kung pareho kaming hindi alam kung kukuha ng pera.
"Ano na ang plano mo ngayon?" Tumabi ng upo sa'kin si Isobel kung saan katatapos lang namin mananghalian at nanonood ng telebisyon.
"Hindi ko alam," mahina kong sagot.
"Sa tingin mo totohanin ni Turo yung sinabi niyang ikaw ang gagawing collateral sa mga utang niya? Gosh scary!" Nanlaki pa ang mga mta nito matapos ay umiling.
Ngumuwi din ang mga labi ko na tila gusto pang maduwal, lalo pa nang maalala ang pagmumukha ni Turo. Malaking lalaki ito na bilugan ang mukha, kulang na lang ay kagyan ng pulang bola sa ilong ay payaso na. May makapal na labi at nanlilisik na mga mata.
Isa-isang nagsitindigan ang balahibo ko sa katawan at mabilis na pinilig ang ulo.
"Ah, basta hindi ako papayag sa gusto ni Turo," pinal kong sinabi.
Sabay na nga kaming pumasok ni Isobel sa trabaho. Maaga pa lang ay napansin ko na si Rosario sa dati niyang pwesto na may kaharap na isang Sanmig light. Sa tingin ko ay naghahanap na naman ito ng pwede niyang alokin ng trabaho.
Iniwasan kong mapadaan sa pwesto n'ya at inabala ang sarili sa ibang customer ngunit hindi maiwasang na hindi ko dumaan doon sa tuwing kukuha ng order ng ilang customer.
Pansin kong nakuha n'ya ang pansin ni Isobel na siyang nag assist dito nang um-order kaya nabahala ako at hinintay ko itong makabalik ng counter.
Agad kong nilapitan si Isobel at hinila ito sa isang sulok. Bakas naman ang pagtataka sa kaniyang mukha dahil sa ginawa ko.
"Anong sinabi saiyo?"
Kumunot ang noo niya sa'kin. "Anong naman ang sasabihin?"
Umatras ang dila ko matapos ay umiwas nang tingin. Balak ko na rin sana itong talikuran nang pigilan n'ya.
"Kung hindi ako nagkakamali siya yung sinabi mong mag-aalok saiyo ng trabaho?"
Bahagya akong tumango. "Pero hindi ko tinanggap."
Agad na nagliwanag ang mukha n'ya sa'kin. "Kung gano'n, ako na lang ang ipasok mo!"
Mabilis akong umiling dito. Ayokong maging siya ay mapahamak kung gagawin ko 'yon. Tumalikod na ako dito at bumalik muli sa trabaho ngunit hindi na ako mapakali dahil panay ang sulyap ko sa banda ni Rosario kung saan kanina pa ito kausap si Isobel.
Hanggang sa hindi na ako makatiis at nilapitan ko na ang mga ito.
"Debinna, kamusta? Nakapag decide ka na ba kung tatanggappin mo ang trabahong inaalok ko sa'yo? Balita ko kailangang kailangan mo daw ng malaking pera ngayon?" Ngumiti ito sa'kin habang hawak sa kamay ang baso ng inumin.
Mabilis lumipad ang tingin ko kay Isobel na ngumiti ng bahagya sa'kin. "Kung ano man 'yang trabaho na 'yan tanggapin mo na. Malaking tulong din 'yan sa malaking utang ni Aling Sussy."
Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko akalain na sasabihin n'ya mismo kay Rosario ang problema ko. Ngunit hindi ko din siya masisi pagkat nilihim ko rin naman sa kanya ang trabahong alok sa akin ni Rosario.
Dumiretso ang tingin ko kay Rosario na mas lumuwang ang ngiti sa'kin.
"Ang mabuti pa bumalik na tayo sa trabaho at baka mapagalitan pa tayo ni Madam Gertrud," sambit ko kay Isobel bago tumalikod.
Mabilis naman akong sinaundan ni Isobel at siniko. "Bakit ba ayaw mo pang tanggapin yung trabaho sabi n'ya kayang kaya mo raw kitaan ang limang milyon na utang ng Inay mo kay Turo kung papayag ka lang."
Nagtiim bagang ako at hindi nagkumento.
"Kung ako siguro ang aalokin niya ng gano'n kagandang trabaho tiyak na tatanggapin ko1"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito. "H-hindi ka ba n'ya inalok?" nagtataka kong tanong.
Nagkibit balikat naman ito sa'kin. "Ikaw daw ang gusto n'ya, kaya tanggapin mo na. Baka si Rosario na ang solusyon sa problema mo!" Hinawakan pa n'ya ang aking dalawang kamay na tila bininigyan ako ng lakas ng loob.
Muli akong sumulyap sa banda ni Rosario na ngayon ay may kausap na sa kaniyang cell phone. May punto nga si Isobel pero nagdadalawang isip pa rin ako sa alok n'ya. Kaya sa huli ay tinuloy kong muli ang aking trabaho.
Subalit gano'n na lang ako napalingon sa may entrada ng club nang mahirinig ko ang sigaw ni Inay na tinatawag ako kaya may ilang customer sa club ang napalingon sa kanya. Mabilis kong iniwan ang ginagawa at agad lumapit dito upang manlumo sa nadatnan niyang itsura.
Sira-sira ang damit nito at walang suot na tsinelas sa pa. Gulo rin ang buhok nito at higit sa lahat ay may pasa gilid ng kaniyang labi at dugo doon.
"Ano hong nangyari sa inyo?!" Agad kong binisita ang mukha nito at napansin kong maga ng bahagya ang isa nitong mata.
"S-si Turo!" Humahagulgol itong yumakap sa'kin.
Hindi ko na rin napigilan pang pumatak ang mga luha dahil sa halo-halong emosyon. Galit para kay Turo at awa para sa sinapit ni Inay.
"H-hindi lang ito ang matatamo ko sa susunod kung... hindi ko maibibigay sa katapusan ang utang ko sa kanya... at ikaw daw ang isusunod n'ya," aniya sa nanginginig na boses.
Kagat labi akong pumikit at upang palakasin ang loob subalit labis ang takot na nararamdaman ng aking puso.
"Hayup talaga yang Turo na 'yan!" May diin kong sambit.
"Tatanggapin ko kung ano man ang gustong gawin sa'kin ni Turo, huwag lang ikaw anak."
Mas dumiin ang pagpikit ko at agad na pumasok sa isip ko si Rosario.
Kumalas ako dito at sinapo ang kaniyang magkabilang balikat.
"May kakausapin lang ho ako sandali. " ibinilin siya kina Tony at Nick na siyang tumango naman sa'kin.
Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Rosario na siyang naroon pa rin sa kaniyang pwesto. Malalaki ang hakbang na nilapitan ko siya na siyang tumingala sa'kin buhat nang mapansin ako.
"Tinatanggap ko na ang alok mo!" buo ang loob kong sinabi.
@@@
Tumingala ako sa isang gusali kung saan dito ang sinasabi niyang meeting place namin ni Rosario.
Pagpasok ko palang ay agad na akong in-assist ng isang unipormadong lalaki papasok sa isang reaturant. Hindi ko rin mapigilang ilibot ang paningin sa loob ng gusali na tiyak kong isang five star hotel.
"Dito ho tayo," pukaw sa'kin ng lalaki na siya akong pinaupo sa isang silya kaharap ang isang bakanteng lamesa.
"Pakihintay n'yo lang si Ms. Batungbakal."
Tumango naman ako dito matapos niya akong iwan ng isang baso ng juice.
Sa puntong ito ay hindi ko maiwasan na bisitahin ang ilang customer na kumakain din sa lugar. Halatang mga sopistikada at may mga sinabi sa buhay ang mga bumibisita dito para kumain. Magagara din ang mga damit at ayos nila na tanging sa magazine at telebisyon ko lamang makikita.
Doon ko naman napansin ang paglapit sa akin ni Rosario. Ibang iba ang pustura n'ya ngayon kumpara noong nakaharap ko siya sa club. Sa tingin ko ay mamahalin din ang suot niyang kulay red na slit dress habang tangan sa isang kamay ang coin purse. Dumagdag din sa hubog ng kaniyang katawan ang mataas niyang heels.
"Sorry, for keeping you waiting. May kausap lang akong kliyente kanina." Naupo ito sa aking harapan matapos ay dinampot ang menu na nasa lamesa.
"Mag order muna tayo ng food bago tumungo sa main topic," aniya na bumaba na muli ang pansin sa menu.
Gano'n din ang ginawa ko, pumili lamang ako ng alam kong mura lang na pagkain at muling sinipsip ang juice sa aking baso matapos maka-order.
"So, kamusta ang trabaho mo sa club?" Umpisa niya.
Pinasalikop niya ang dalawang kamay at sinapo ang baba habang nakatukod sa lamesa ang dalawang siko. Tila hinihintay na mag kwento ako tungkol sa personal kong buhay.
"Maayos naman. Hindi man gano'n kalaki ang sahod ay napapagkasya ko naman sa amin ni Inay."
Tumango lamang ito sa'kin.
"Sa totoo lang sapat na ang kinikita ko at wala na akong hihilingin pa kung hindi lang ako nagka problema." Kagat labi akong umiwas ng tingin diot.
"Kaya nga nandito ako para tulungan ka. Kung ano pa 'yan handa akong magbigay ng solusyon sa ano pang problemang darating." Maluwang na ngayon ang mga ngiti niya sa'kin.
Kumunot ang noo ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako sigurado sa trabahong gagampanan ko sa kanya.
"But before that, kailangan mo ng bonggang bonggang make-over!"
Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.
"Are you ready?!"