Kabanata 3
Calling Card
Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Hindi ko rin agad ma proseso sa isip ko ang kaniyang sinabi.
"Con-Artist?" ulit ko.
Tumango ito bago ngumiti sa'kin. "Kung papayag ka pwede kita ipakilala sa mga milyonaryong negosyante kung saan pwede kang kumita ng higit pa sa sinasahod mo dito bilang waitress."
Mabilis akong tumayo mula sa aking silya habang sunod-sunod na umiiling dito.
"H-hindi ko kaya ang trabaho na sinasabi n'yo. Saka hindi ako bayarang babae!"
Hindi ko na hinintay na magsalita pa ito pagkat tinalikuran ko na siya upang tumungo sa restroom. Doon ay huminga ako ng malalim at tumingala. Hindi ko akalain na aalokin n'ya ako ng gano'n klase ng trabaho.
Oo, mahirap lang kami pero hindi pa ako gano'n kagipit upang kumapit sa patalim.
Sinulyapan ko ang babaeng tumabi sa'kin. Naghugas ito ng kamay at tumingin sa'kin sa repleksyon ng salamin.
"Take it or regret it, ikaw ang madesisyon. Tiyak na malaki ang maitutulong ng pera na kikitain mo kapag pumayag ka sa alok ko," ani Rosario na tuluyan nang humarap sa'kin.
Bahagya akong natawa at umiling. "Kahit ano pang sabihin mo hindi ako papayag sa alok mo. Mabuti pang umalis ka na at huwag nang magpapakita sa'kin!'
Tumaas ang gilid ng kaniyang labi matapos ay may dinukot sa dala niyang coin purse. Nilabas niya mula doon ang isang calling card.
"Here's my calling card. Feel free to contact me whenever you want."
Wala sa loob na inabot ko ang card na 'yon at sinipat ng tingin.
"Call me!"
Hindi ko na ito hinabol pa para ibalik ang crad na siyang nakalabas na ng restroom. Umiiling na sinuksok ko sa suot na uniporme ang card matapos ay lumabas na rin para bumalik na sa trabaho.
Mabuti ay hindi ko na rin namataan sa kaniyang lamesa si Rosario nang gabing iyon kaya naging tahimik ang trabaho ko.
Subalit natigil ako sa pagpupunas ng lamesa nang makarinig ng ingay mula sa labas.
"Debi, nandito ang grupo nina Turo at hinahanap ka!" ani Isobel na tila nawalan ng kulay ang mukha.
Agad kong nabitiwan ang hawak na basahan at mabilis na lumabas ng club. Ngunit agad na natulos ang mga paa ko sa bungad pa lang ng pinto nang makita ko ang grupo nina Turo.
"Ilabas n'yo si Debi kung ayaw n'yong magwala ako dito!" Nanlilisik ang mga mata ni Turo sa galit habang kausap ang dalawang bouncer na sina Tony at Nick.
Halos nasa bente silang katao at ang iba ay may hawak pang baseball bat habang ang ilan ay tiyak na may dalang kargadang baril.
Kilala ang grupo nila bilang matinik na gang sa lugar namin. Malakas rin ang kapit nila sa mga pulis at ilang pulitiko kaya malakas ang loob nilang gumawa ng gulo.
Kaya naman mabilis silang naka-agaw ng atensyon ng mga customer na tila natakot sa dami nila kaya't hindi na tumuloy sa club.
"Anong kailangan mo?" Lakas loob akong humakbang palabas ng club. Sa totoo lang ay ngayon ko pa lang makakaharap ang grupo nila kaya hindi ko maiwasang kabahan ng todo.
Isang ngisi ang agad niyang iginanti sa'kin at ilang sandali pa ay nasa harapan ko na siya habang hinahagod ako ng tingin.
"Ikaw pala ang palaging bukang bibig ng walang hiya mong Ina sa'kin! Kaya pala malakas ang loob ng tarantadong 'yon!" Muli niya akong hinagod nang tingin bago muling ngumisi.
"Sabihin mo, anong kailangan mo sa'kin?" Pilit kong nilalabanan ang pangangatog ng dalawang tuhod.
"Nasaan ang magaling mong Inay, huh?!"
Walang pakundagan niyang hinablot ang braso ko kaya't napangiwi ako sa higpit ng hawak n'ya doon. Batid kong pumalag sina Tonny at Nick nang makita ang ginawa ni Turo sa'kin ngunit wala din nagawa ang mga ito dahil sa ilan niyang kasamang humarap sa mga ito.
"Ilabas mo ang nanay mo kung hindi pareho ko kayong ibabaon ng buhay sa lupa!" Nang-gaganit ang mga ngipin nito at halos mamula na ang mga mata sa galit.
"H-hindi ko alam, kaninang umaga pa siya umalis at hindi pa ulit nagpapakita sa'kin." Wala akong pagpipilian kundi ang sumagot.
"Punyeta! Alam mo ba kung gaanong kalaking pera ang nadispalko ng nanay mo sa'kin? Hindi lang 'yon, maging lahat ng galamay ko ay inutangan niya at wala ni isang binayaran?!"
Lumunok ako ng sunod-sunod. Hindi ko alam kung magkanong halaga ang natangay ni Inay sa kanila pero base sa galit ni Turo ngayon tiyak na malaki ang halaga no'n.
"Magkano ba 'yon at babayaran ko?" Nakuha ko pa rin sabihin kahit pa hindi ako siguro sa mga binitiwan kong salita.
Doon na ito humalakhak sa akin at umiling. "Kahit pagtrabahuhan mo sa club ng ilan taon ang utang ng nanay mo, hindi mo mababayaran. Pwera na lang kung ang katawan mo mismo ang ibabayad mo sa amin!"
Isang malagkit na tingin ang ginawad n'ya sa akin pababa sa aking katawan bago ito dinilaan ang kaniyang makapal na labi.
Tila umakyat ang panlalamig sa aking katawan kasabay ng pagbaliktad ng sikmura ko dahil sa ginawa n'ya.
"Mukhang hindi na ako lugi saiyo," aniya pa at lantaran akong inamoy-amoy.
Doon ko na hindi nakaayanan ang ginawa n'ya kaya't pinadapo ko na ang palad ko sa makapal niyang pisngi. Kulang na lang ay masuka ako sa ginawa n'ya.
Ngunit mabilis niya akong hinablot. Piniga n'ya ang aking dalawang pisngi palapit sa kaniya.
"Aba't bastos ka ha! Manang-mana ka sa nanay mong de-puta!"
"Anong nangyayari dito?"
Doon lamang ako binitiwan ni Turo nang makalapit sa amin si Madam Gertrud.
"Nandito lang naman kami para maningil ng utang!"
Marahas akong binitiwan ni Turo na halos ikadapa ko kung hindi lamang ako nasalo ni Isobel na siyang tiyak mabilis na nagsumbong kay Madam tungkol sa grupo nina Turo.
"Club ito at hindi hanapan ng mga nanawala tao. Kung gusto n'yo sa pulis kayo dumiretso para mag-report!" Matigas ang boses ni Madam Gertrud kay Turo.
"Huwag ka nang makialam dito Madam Gertrud, si Sussy ang pakay namin."
"Bakit dito n'yo hinahanap? Bahay n'ya ba 'to?" Pinag-krus na ni Madam ang kaniyang dalawang braso tumaas pa ang noo kay Turo.
Tiim bagang naman na sumulyap sa'kin si Turo.
"Kung hindi n'yo ilalabas si Sussy sa loob ng bente kwatro oras ay ang anak n'ya gagawin kong collateral sa lahat ng utang n'ya sa akin. Tandaan mo, may isa akong salita!"
"Ang mabuti pa umalis na kayo bago ko pa kayo i-report sa pulis."
Isang ngisi lamang ang ginanti ni Turo bago ako muling iwan ng isang tingin na nagpatindig ng balahibo ko sa katawan.
"Ito tandaan mo, ikaw o ang Nanay mo! Mamili ka!"
Doon naman halos bumagsak ang aking dalawang tuhod nang tumalikod na ito sa amin.
"Ayos ka lang ba, Debi?" tanong ni Isobel na naka-alalay sa'kin.
"Sumunod ka sa opisina ko," ani Madam Gertrud sa'kin na siyang walang lingon na pumasok sa loob ng Club.
Yumuko ang mga ulo na sumunod ako sa kanya sa kaniyang opisina ngunit halos mapatalon ako nang salubungin ako ng mahigpit na yakap ni Inay Sussy na sa tingin ko ay kanina pa nagtatago doon.
"Ayos ka lang ba, anak? Sinaktan ka ba nila?" Puno ng pag-aalala ang tinig ni Inay sa'kin.
Subalit marahas akong kumalas dito at hinarap siya. "Inay, ano na naman ba ho itong gulong pinasok n'yo?!"
Tila naumid naman ang dila nito at unti-unting itong umatras sa'kin.
"Magkano na naman ang nalustay mong pera sa sugal at napasugod nang gano'n si Turo?" Pukaw sa amin ni Madam Gertrud na siyang nakaupo na sa kaniyang swivel chair habang magkasalikop ang dalawang kamay sa lamesa.
Hindi agad ito nakasagot at tila nawalan nang lakas na naupo sa silyang kaharap niya.
"Akala ko makakabawi ako sa casino ngayong araw pero malas talaga," aniya.
Pumikit ako nang mariin at pilit na kinakalma ang sarili. Kanina ko pa siya gustong pagalitan ngunit kapag nakikita ko ang nakakaawa niyang mukha ay lumalambot ang puso ko.
"Magkano?" tanong ni Madam.
"H-Halos limang... milyon," aniya na tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mata.
Umawang naman ang mga labi ko sa gulat at halos umakyat ang dugo sa aking bunbunan.
"Ano, limang milyon?!" Napatayo na sa kaniyang silya si Madam Gertrud na halos hindi makapaniwala.
"Akala ko makakabawi ako sa halos isang linggo ko nang tao. Kaya sa mga tao naman ako ni Turo nanghiram at hindi naman nila akong tinanggihan dahil sabi ko si Turo na ang bahala sa kanila. Pero... Hindi ko akalain na lalaki ng gano'n ang utang ko."
"At sinangkalan mo ang anak mo para lang mapahiram ka?"
Yumuko si Inay at sunod-sunod na tumango kay Madam.
Doon na namuo ang mga luha ko sa mata na siyang walang patid ang pagpatak. Sobrang sakit sa dibdib marinig ang bagay na 'yon mula kay Inay. Tila hinihiwa ang puso ko sa mga nalaman.
"P*tang In* naman Sussy, bakit mo naman ginawa 'yon?!" Hinampas ni Madam Gertrud ang lamesa habang matalim ang tingin kay Inay.
Tumingala naman sa akin si Inay matapos ay humakbang palapit upang yakapin. Sa balikat ko ay umiyak ito nang umiyak habang panay ang hingi ng tawad.
Ngunit tila namanhid ang aking buong katawan at walang lakas para magsalita.
"Hayaan mo gagawa ako ng paraan bukas na bukas din," aniya na sinapo pa ang aking dalawang pisngi.
Ngunit wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi sama ng loob sa kanya. Marahas akong lumayo dito at mabilis siyang tinalikuran upang lumabas ng opisina ni Madam.
Wala akong nagawa kundi ang magkulong sa cubicle ng C.R para doon iiyak ang sama ng loob sa ginawa ni Inay. Hindi ako makapaniwala na magagawa niyang isangkalan ang anak para lang mga bisyo n'ya.
Dinukot ang aking panyolito sa bulsa ng aking suot na uniform para matigilan nang makapa ko doon ang calling card na binigay sa'kin kanina ni Rosario.
Kagat labi kong tinitigan ang card na 'yon bago pumikit.
Ang card na sa tingin ko'y sagot sa problemang kinakaharap ko ngayon.