"May... dumi ba ako sa mukha?" Halos hindi na makita ang mata ni Ran sa sobrang pagkakangiti kay Keres. Kita ang pamumula sa makinis na pisngi ni Torikara nang sunud-sunod itong umiling. Umiwas din ito nang paningin sa binata. Sabay kasi silang pupunta sa isang salo-salo. May mga bibinyagang mga bagong panganak na dayo. Ang tatlong pinunong dayo ang mangunguna sa pagdiriwang. Pagkakataon na niya iyon para makilala ang mga pangunahing kaaway ng ina. Nagprisinta ang guwapong si Ran na siya nang sasama sa kaniya nang mauna na ang mag-asawang Belle at Tamak. Hindi niya alam kung anong klaseng mahika ang ginamit nito para mapa-oo siyang sumama. Basta ang alam niya, masarap sa pakiramdam ang ganito. Na nasa malapit lang ang binata, napagmamasdan at nakakausap. Pilit niyang nilalabanan ang gan