NANIGAS ang buong katawan ni Marissa habang pinapanood ang pagbaba ng lalaki sa hagdan. Habang palapit nang palapit ito sa kanya ay mas nakaklaro niya ang mukha nito.
Hindi siya maaring namamalikmata lang. Si Vince nga ang nakikita niya!
“Nagulat ba kita?” tanong ng lalaki nang halos isang dipa na lamang ang layo nito. Sa ganoong distansya ay biglang bumalik sa kanya ang panahong nasa bus sila at magkasama sa biyahe. Kung gaano halos magkapantay ang kakisigan at kabaitan nito.
Pero para saan pang sinabi ng lahat sa kanya sa ospital na patay na ito? Gayong napakalusog nitong tingnan at ni galos ay tila wala. At bakit siya nito tinawag na Katrina? Hindi ba nito naaalala ang tunay na asawa?
O baka nabuking ka na Marissa?
Magkahalong kaba at lito ang namamayani sa loob niya. What the hell is happening?!
“How are you, wifey?”
Ikinuyom niya ang nanginginig namga kamay. “V-Vince. H-hindi ko alam…”
Lumapit pa ang lalaki sa kanya at tinitigan siya sa mata. Weird. Mapupungay ang mga mata ni Vince. Laging mayroong saya roon. Pero tila nagbago ito ngayon. Para itong may apoy. May galit. O baka naman namamalikmata lang siya?
“Akala as a patay na talaga ako?” Tumaas ang gilid ng labi ng lalaki. “Sorry to disappoint you pero mukhang hindi ko pa maipapamana sa iyo ang pera’t kayamanan ko.”
May ganoong issue as a pagitan ng mag-asawang Vince at Katrina? Pero napaka-sweet ng mga ito noong nagkasama sila sa biyahe?
And why the f**k is he still referring her as his wife? Hindi ba nito naaalala ang hitsura ng asawa?
Vince moved a little closer. Mas klaro na sa kanya ngayon ang tila galit sa mga mata nito.
Napaatras siya. Hindi rin siya halos makatingin ng deretso sa lalaki. “V-Vince…”
“Stop it!” Umalingawngaw ang boses ni Ma’am Betty. Umiiling-iling ito na tila ba nawawalan na ng pasensya.
“Why, Ma? I’m just telling the truth to my… wife,” pagkasabi ay ngumisi ito sa kanya.
“Not now, Lance!” asik ng ginang.
Lance? Akala niya Vince ang pangalan nito? Bakit ngayon ay Lance na? Ano bang totoo?
Magtatanong na sana siya nang hawakan ng ginang ang kanyang kamay. “I’m sorry, Katrina. Mapagbiro lang talaga si Lance. Vince is no longer with us. Lance made a terrible joke.”
Naguguluhan pa rin siya. Paano naging magkamukha ang dalawang tao? Magkamukha lang naman ang mga ito kung…
“K-kambal kayo ni Vince?” bulalas niya kay Lance. Hindi siya makapinawala. Binibiro lang pala siya ng lalaking ito!
Lance smirked as he shook his head. “See, Ma? Vince didn’t even tell his wife that he has a twin brother? Suwail talaga ang anak mong ‘yon.”
“Don’t speak of him like that, son! He’s still your brother and Katrina here is his wife. Hindi kita pinalaking walang galang.”
“Kahit ngayon ay pinagtatanggol mo pa rin siya. He’s your favorite after all.”
“Alam mong hindi totoo ‘yan,” mariing sagot ng ginang habang minamasahe nito ang sentido. Sino nga naman ang hindi maii-stress sa ugali ng anak nitong tila walang modo kung magsalita. Paano nito napaparatangan nang ganoon ang napakabait na ginang? Ang ina ay laging pantay ang turing sa mga anak. Ganoon ang kanyang ina sa kanilang magkapatid.
Muli niyang sinulyapan si Mama Betty. Hindi na nito minamasahe ang sentido ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang tila pagkahapo. Natatakot tuloy siya na baka tumaas ang presyon nito. May edad na rin ang ginang, madalas sa mga tuladnito ang mayroong ganoong karamdaman.
Kaya naman nagsalita na siya. “Siguro kailangan na munang magpahinga ni Mama Betty. Baka pwede—”
“Mama Betty?”
Hindi mapigilan ni Marissa ang bahagyang manginig sa makapal na boses ni Lance. Nanliit din siya nang muli itong lumapit sa kanya at balutin siya ng anino nito. Pero kahit kumakabog na ang kanyang dibdib ay pinilit pa rin niyang magsalita. “O-oo, si Mama Betty. Mukhang pagod na kasi siya.”
Nahigit niya ang hininga nang tumitig si Lance sa kanya. Tila ba hindi ito naniniwala sa kanyang mga sinabi. Nakatiim bagang din ito na siyang nagpakumpirma sa kanya na hindi nito gusto ang kanyang presensya. Mukhang tama rin siya nang pumasok sa isip niya na delikado ang mapalapit sa lalaking ito. Tila wala itong sinasanto.
“Ang bilis mo namang maging komportable sa pamilyang ito—” tuluyan na nitong inangkin ang kaunting distansya sa pagitan nila, “–mahal kong hipag.”
Bagama’t napaatras ay pinigilan niya ang sariling hindi tumakbo. “H-hindi ko na kontrolado ang mga iniisip mo tungkol sa akin. Ang gusto ko lang ay ang makapagpahinga si Mama Betty.”
Kahit pa gaano kapareho ang mukha nito kay Vince, milya-milya naman ang layo ng ugali ng mga ito. Hindi siya nakaramdam ng pagkaasiwa kay Vince. Pero kay Lance, nangangatog ang kanyang tuhod.
“Tama na ‘yan, Lance!” Pumagitna si Mama Betty sa kanilang dalawa. “Nag-aalala lang si Katrina sa akin.”
Tinapunan siya ng tingin ni Lance bago umatras. Dahil doon ay nakahinga siya nang mabuti.
“T-tayo na po. Kailangan niyo na pong magpahinga,” imbita niya ang ginang upang makaalis na sila sa harap ni Lance.
Kahit hindi siya ang tunay na Katrina ay nasasaktan pa rin siya sa mga naririnig mula sa lalaki. Kung makatingin kasi ito sa kanya ay tila ba may malaki siyang kasalanan dito.
“We’ll talk about this later, Lance,” ani Mama Betty sa anak nito bago sila humakbang paakyat ng hagdan. Pinisil naman ng ginang ang kanyang kamay. “Pasensya ka na hija, ha? Hindi pa talaga siya masyadong nakaka-recover sa pagkamatay ng kakamabal niya. Kaya naman pagpasensyahan mo na siya. Pangako, kakausapin ko siya.”
Sang-ayon siya sa sinabi ginang. Hindi nga rin naman madali ang mawalan ng kapatid. Malamang ay naghihilom pa lamang si Lance sa biglaang pagkawala ni Vince. At malamang kaya hindi nito gusto ang presensya niya dahil heto siya at buhay habang ang kapatid nito ay nasawi sa aksidente.
Pero rason ba iyon para tratuhin siya, bilang Katrina, nang may galit?
Nilingon niyang muli si Lance habang pumapanhik sila ng ginang sa hagdanan. Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya. Nakakapaso ang titig nito na tila nais nitong sunugin pati ang kaluluwa niya.
Pero sino ka ba para magreklamo, Marissa? Mas malala ka pa nga kay Lance dahil nagkukunwari kang si Katrina.
Nakita niya ang pagtaas ng gilid ng labi ng lalaki bago niya ibinalik ang tingin sa hagdan. At kahit na nakatalikod na siya ay ramdam pa rin niya ang init ng titig nito na humahagod sa kanyang likuran.
Umiling siya upang mawala ang mga agam-agam sa isip.
“Okay ka lang ba?” tanong sa kanya ni Ma’am Betty.
Napatigil siya sa paglalakad at napansing nakatayo na sila sa isang malaking pinto. Mukhang iyon na yata ang silid ng ginang.
“Okay lang po ako,” nagpakawala siya ng matamis na ngiti upang kahit papaano ay hindi mag-alala ang ginang sa kanya. “Pumasok na po kayo at magpahinga.”
“Ah! Hindi ko kwarto ito. From now on, this room is yours, Katrina.”
Hindi pa man siya nakakapagsalita ay binuksan na ng ginang ang pinto. Bumungad sa kanya ang malawak at eleganteng silid. Mayroon iyong malaking kama na sakto lamang sa mala-hotel na ayos ng mga gamit roon.
Engot siya kung hindi niya inaasahan na malaki ang ibibigay sa kanyang silid. Pero hindi rin naman niya inaasahan na parangsa isang reyna ang hitsura niyon.
“Masyadong malaki po ang kwartong ito. Parang hindi po—”
“Dating kwarto ito ni Vince. Pinahanda ko talaga ito para sana sa pagdating ninyo. Kaya nararapat lang na dito ka matutulog.”
Muli niyang sinipatang buong silid kaya mas lalo pa siyang napahanga niyon. Sobrang-sobra para sa tulad niyang nagkukunwari.
Sakto na nga para sa kanya ang makitulog siya sa kwarto ng mga kasambahay tutal aalis naman siya kinabukasan. Hindi siya pwedeng magtagal roon. Isang threat si Lance sa buhay niya. Sigurado iyon. Kaya bukas na bukas din ay aalis na siya.
Sinulyapan niya si Mama Betty na namumungay ang mga matang pinagmamasdan ang buong silid.
Patawad po, Mama Betty. Si Katrina ay patay na at ako naman ay isang babaeng nais pang mabuhay upang alagaan ang pamilya. Sana po ay maintindihan ninyo ako.