CHAPTER TWO

2448 Words
  NAPAMULAT si Marissa nang marinig ang iyak ng isang sanggol. Ang katabing baby pala niya ang umiiyak. Akay-akay ito ng ina na may isa pang anak na batang lalaki sa tabi. Nais niya sanang daluhan ang babae dahil mukhang nahihirapan ito sa dalawang inaalagan nang may tumapik sa kanyang balikat.Paglingon ni Marissa ay ang asawa pala iyon ng doktor.             “Excuse me,” tawag sa kanya ng babae. “Pasensya ka na. Pero pwede bang magpalit muna tayo ng upuan. Tutulungan ko lang siya. Sandali lang naman. Please?”             Nilingon niya ang katabingbabae at mukhang hirap nga ito dahil hindi tumitigil ang bata sa kakaiyak.             Sa tingin niya ay wala namang masama sa hinihingi sa kanya kaya pumayag na rin siya. Agad silang nagpalit ng upuan ng asawa ng doktor.             “Vince, mahal. Dito muna ako ha?” paalam ng babae sa asawa.             Vince. Iyon pala ang pangalan ng lalaki.             Simpleng tumango lang si Vince at pagkatapos ay hinarap siya. “Pasensya ka na, ha?”             “Para saan?”             “Ang kulit kasi ng misis ko.” “Ayos lang ‘yon sa akin. Sa totoo lang maswerte ka at mukhang napakabait niya. Hindi niya natiis ang umiiyak na sanggol.”             Rumehistro sa mukha ni Vince ang isang ngiti. Nahigit ang kanyang hininga nang mas umapaw ang kagwapuhan nito. Hindi kalabisan kung sasabihin niyang pwedeng-pwede itong maging isang artista o modelo.             “Nakilala ko siya sa isang medical mission sa Visayas. Nang mamatay ang buong pamilya niya dahil sa landslide, naging isang volunteer siya para sa mga mahihirap. Her positive outlook in life really amazed me. That’s what made me fall in love with her.” Buong pagmamahal na sinulyapan ng lalaki ang kabiyak nito. Inaamin niya, nakaramdam siya ng inggit sa babae. Hindi dahil mayroon itong isang gwapong asawa na mahal na mahal ito kundi ay mayroon itong matatag na kalooban. Isa kasi iyon sa mga kailangan niya. Ang maging matatag ng mga sandaling iyon.             “Swerte din naman siya at natagpuan ka niya. Impressive ang mga doktor na nagseserbisyo sa charity.” Marami siyang kilalang doktor na puro pagpapayaman lang ang alam. Nakakalimutan nang magserbisyo sa mga mahihirap.             Tipid na ngumiti si Vince. “Wala na siyang pamilya. She has no one else but me. At siya naman ang sandalan ko.”             “Bagay naman din talaga kayo sa isa’t isa. Isang maalalahaning doktor at isang napakaganda at mabuting volunteer.” Hindi labas sa ilong iyon. Totoong nakakahanga para sa kanya ang mag-asawa. Muling sinulyapan ni Vince ang asawa at saka ngumiti. “I know.” Naputol ang kanilang pag-uusap nang biglang nag-alarm ang kanyang digital watch. Sigurado siyang alas singko na ng umaga dahil iyon na rin ang nagsisilbing alarm clock niya para magising. Tuwing ganoong oras nagsisimula ang araw niya. At ang unang-una niyang ginagawa ay i-text ang ina at batiin ito ng ‘good morning’. Dahil nakatira siya sa bahay ng kanyang pasyente ay nakaugalian na niyang gawin iyon para hindi siya ma-miss ng ina.             Isinilid niya ang kamay sa bulsa ng jacket para kunin ang cellphone. Pero nang maramdamang wala roon ang hinahanap ay napabuntong-hininga na lamang siya. Naiwan nga niya pala iyon sa mansyon. Paano na lang niya ipagbibigay alam sa ina ang nangyari sa kanya? Kailangan na talaga niya itong tawagan para ipaalam na ayos lang siya. Na nasa mabuti siyang kalagayan.             Nilingon niya ang doktor at napansing may kausap ito sa cellphone. Tila sumibol ang pag-asa sa puso niya. Dahil mabait naman ang lalaki, may posibilidad na pahihiramin siya nito ng cellphone para makatawag.             Habang hinihintay niyang matapos ito ay hindi niya tuloy maiwasang marinig ang mga sinasabi nito sa kabilang linya.             “Yes, Ma. We’ll be there by ten… Yes, Katrina is with me. Please be nice to her. She’s a very lovely woman. Magugustuhan niyo siya.”             Katrina. Iyon pala ang pangalan ng asawa ni Vince. At tulad ng sinabi nito, sigurado siyang magugustuhan ng sino man si Katrina.Napakabait at masiglahing babae kasi iyon.             Nang matapos na itong makipag-usap gamit ang cellphone ay napansing niyang nakatitig na lang ito sa labas ng bus. Iyon na yata ang hinihintay niyang pagkakataon.             “Uhmm... excuse me,” lakas loob niyang tawag kay Vince.             Lumingon naman agad ito. “Bakit?”             “Pwede bang…uhm... makitawag sa cellphone mo? Naiwan ko kasi ang sa akin,” pagsisinungaling niya.             Ngumiti ang lalaki at agad iniabot sa kanya ang gadget. “Sure.”             Tama nga siya. Napakabait ng doktor pati na rin ng asawa nito. Hindi kaya pinadala ito ng Diyos para tulungan siya sa kanyang kasalukuyang problema?             Pagkahawak niya sa cellphone ay agad niyang inalala ang number ng ina. Mahirap nang mali ang kanyang matawagan. Nang masigurado ang numero ay nagsimula na siyang mag-dial. Matapos ang ilang ring ay sinagot naman agad ng ina ang kanyang tawag. Kailangan pa niyang lumipat sa likod na bakanteng upuan para lang hindi marinig ng doktor ang pag-uusap nila ng ina. Ayaw niyang malaman nito ang kanyang sitwasyon.             Halos umiyak naman ang kanyang ina sa kabilang linya. Lubhang nag-aaala ito sa nangyari sa kanya. Lahat na yata ng pampalubag loob ay sinabi na niya para lang mapanatag ito. Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyang kumalma ang kausap. Pinaliwanag niya rito ang dedisyon niyang magpakalayo-layo. At kahit pa medyo tutol ito ay naintindihan naman siya. Sinabi na lang niya rito na mag-iingat siya at tatawag muli sa susunod na pagkakataon.             Nang matapos ang pag-uusap nila ng ina ay bumalik na siya sa upuan. Magpapasalamat na siya kay Vince nang naramdaman niya ang biglang pagpreno ng bus. Sa lakas niyon ay nasusubsob ang kanyang mukha sa upuan sa kanyang harapan. Pero bago pa man niya maanalisa ang mga nangyayari, bigla na lamang dumilim ang kanyang paligid.   “YOU killed my grandfather!”             Nanginginig ang buo niyang katawan habang minamasdan ang walang buhay na si Lolo Greg. Yakap-yakap ito ni Anthony. Si Erica naman na asawa nito ay nasa gilid lang at umiiyak din.             “Kahapon lang ay maayos naman siya. Sabi nga ng kanyang therapist na gumagaling na siya! Bakit ngayon ay ganito ang mangyayari?” sigaw ng lalaki sa kanya. Siya naman ay basa na ang pisngi dahil sa pag-iyak.             Medyo sumama ang pakiramdam at nahihilo siya matapos ang pananghaliankanina kaya minabuti niyang umidlip sandali. Kinunan pa niya ng vital signs ang matanda at binigyan ng gamot bago matulog. Sinigurado niya munang maayos ang kalagayan nito bago ang sarili. Gulat na gulat na lang siya nang pagkagising ay wala na itong buhay at nagsisisigaw na si Anthony.             “Hindi po! Okay naman siya kanina.” Pinilit niyang magsalita kahit nahihirapan dahil sa pag-iyak.             “I don’t believe you! Kung hindi ka naging pabaya, buhay pa sana si Lolo!” hysterical na sagot ni Erica. Nagtataka siya rito dahil noon pa man ay hindi ito malapit sa matanda.             Nilapitan ni Erica ang nakahilerang mga gamot at medical paraphernalia sa kalapit na mesa. Isa-isa nitong tinitingan ang mga iyon na tila ba nag-iinspeksiyon.             “Hindi ka kaya nagkamali sa pagbigay ng gamot? O baka hindi mo lang talaga naibigay ang gamot niya?! Natutulog ka kasi! Hindi mo siya binabantayan nang maayos!”             Pakiramdam niya ay sinaksak siya sa puso dahil sa mga narinig mula kay Erica. Hinding-hindi niya kayang tanggapin ang paratang nito!             “Masama po kasi ang pakiramdam ko kanina kaya umidlip ako sandali. Pero sigurado po ako, maayos na maayos siya kanina. Nag-usap pa nga po kami. Maganda naman daw po ang pakiramdam niya.”             “Baka inatake siya habang natutulog ka! Kung hindi ka natulog at binantayan mo siya ay hindi ito mangyayari! Kasalanan mo ito!”sigaw ni Anthony.             Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa lalaki. Pero malabo talagang atakihin sa puso ang matanda dahil wala naman itong sakit sa puso. At napaka-stable na ng kondisyon nito para bigla na lamang mai-stroke ulit. Hindi rin naman tumataas ang blood pressure nito dahil sa antihypertensive medications. Kaya nakakapagtataka naman kung bigla na lang itong mamamatay sa loob ng isang oras niyang pagkaidlip.             There must be some other reason. Ibubuka niya sana muli ang bibig upang magbigay ng paliwanag kay Anthony nang nanlilisik ang matang hinarap siya nito.“Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo ay sana ‘di na kita kinuha bilang nurse niya. Mamamatay tao ka pala!”             Hindi lang ang puso niya ang nadurog sa narinig. Pati buong pagkatao niya ay tila nawalan ng dangal.   “MRS. Santiago…Mrs. Santiago, gising po!”             Inimulat ni Marissa ang mga mata at tiningnan ang paligid. Hindi siya makapaniwala. Kailan pa siya nawalan ng ulirat sa gitna ng kanyang shift? Paano siya napunta sa private room ng hospital? At sino ang staff nurse na nasa harap niya ngayon? Bago ba ito? Ngayon lang kasi niya ito nakita.             “Mrs. Santiago, okay lang po ba kayo?” tanong sa kanya ng nurse. Inilapag nito ang hawak-hawak na patient’s chart sa bedside table at lumapit sa kanya.             Kahit medyo nahihilo ay agad siyang bumangon. “Okay lang ako. Teka bakit ako nandito? Dapat nasa ICU ako. Doon ako assigned!” Bababa na sana siya nang pinigilan siya ng nurse. “Teka lang po, Mrs. Santiago. Huwag po kayong masyadong malikot. May swero po kayo sa kamay.”             Agad na napadako ang tingin niya sa kanyang braso. Mayroon ngang swero roon. “Teka? Bakit ako may ganito? Pang pasyente lang ‘to! Nurse ako sa ospital na’to!”             Umiling ang nurse. “Kalma lang po, Mrs. Santiago. Maaaring naguguluhan po kayo sa mga oras na ito dahil po sa nangyari sa inyo. Huminga muna po kayo nang malalim at mag-isip nang mabuti. Kalimitan po ng mga naaaksidente ay may post traumatic stress.”             “S-sinong naaksidente?”             “Kayo po, Mrs. Santiago.”             “Teka nga! Bakit mo ba ako tinatawag na Mrs. Santiago? Hindi ako si Mrs. Santiago. Ako si Marissa Oliver. Nurse ako rito at sa ICU ako assigned.”             “Mrs. Santiago…”             “Hindi nga ako si Mrs. Santiago. Tingnan mo ‘yang chart mo. Hindi ‘yan Mrs. San—” Natigilan siya nang mabasa ang nakasulat sa heading ng chart.             Katrina Santiago. Agad niyang ininspeksyon ang intravenous fluid tag sa bote ng kanyang swero.             Katrina Santiago.             Binasa niya ang nakakabit sa kanyang wrist tag.             Katrina Santiago.             Ano bang nangyayari? Kailan ba siya naging si Katrina Santiago?             Inikot niya ang pangingin sa loob ng kwarto. Hindi ganoon ang itsura ng mga kwarto ng St. Simon Medical Hospital na pinagtatrabahuhan niya.             Pero nagtatrabaho pa nga ba siya sa ospital? Hindi ba’t… Tila isang sampal ang biglang pag-agos ng memorya sa kanyang isip. Unti-unting naalala niya ang mga nangyari sa kanyang buhay. Kung bakit siya umalis sa dating ospital na pinagtatrabahuan at naging private duty nurse. Kung anong nangyari sa kanyang matandang pasyente. Kung bakit siya hinahabol ng mga pulis ngayon. Kung bakit siya sumakay ng bus. At bakit siya nakahiga sa hospital bed ngayon. Hindi na niya mapigilan ang sarili na mapahagulgol. Bakit ba niya nasalo ang lahat ng kamalasan sa mundo? Ano bang pagkakamali niya at binigyan siya nang ganitong karma? Naramdaman niya ang paglapat ng palad ng nurse sa kanyang balikat. “Alam po namin na mahirap ang pinagdadaanan ninyo ngayon. Pero mahal po kayo ng Diyos kaya niya kayo iniligtas. Mayroon pa po kayong misyon sa mundong ito, Mrs. Santiago.” “Hindi nga ako si Mrs. Santiago!” bulyaw niya sa nurse kaya naman napaatras ito. Alam niyang ginagawa lang nito ang trabahong pag-aalaga sa kanya. Alam niya iyon. Isa din siyang nurse. Pero sa mga oras na iyon ay gulong-gulo ang isip niya. Hihingi na sana siya ng patawad nang makitang nakalapag sa mesa ang medical chart niya.  Agad niya iyong kinuha. “Teka po! Ma’am, ‘di niyo po pwedeng basahin ‘yan,” pigil sa kanya ng nurse na pilit kinukuha sa kanyang kamay ang chart. “At sinong maysabi? Karapatan kong malaman ang kondisyon ko.” “Dapat po kasing ang doktor na ang magpaliwanag sa buong kondisyon ninyo.” Hindi na niya pinakinggan ang nurse at binulatlat na ang laman ng chart. Binasa niya ang admission date at nalaman niyang magsasampung araw na mula noong pinasok siya roon. Binasa niya rin ang nurses notes at nalamang wala siyang malay hanggang kani-kaninang pagkagising niya. Nagkaroon din pala siya ng sugat sa kanyang ulo. Hinanap niya agad ang resulta ng kanyang CT-Scan at nakahinga siya nang maluwag nang malamang wala namang internal injury sa kanyang ulo. Sinilip din niya ang iba pa niyang mga laboratory exams. Mabuti na lamang at wala ring mga problema ang mga iyon. Wala man siyang matinding problema sa katawan ay malaki naman ang problema niya sa pagiging komplikado ng mga pangyayari. Binalikan niya ang unang pahina ng chart at binasa ang mga detalye tungkol kay Katrina Santiago. Walang nakalagay na birthday roon. Pati address ay wala rin. Ang tanging nakasaad lang roon ay kung sino ang asawa nito. Vince Robert Santiago. Vince… Saan nga ba niya narinig ang pangalang iyon? Vince and Katrina. Tila napaka-pamilyar sa kanya ang mga pangalang iyon. Tila ba… Tama! Hindi siya pwedeng magkamali. Nakasabay niya sa bus ang mag-asawang iyon. Pero paano naman nangyaring siya ang inaakalang si Katrina? Sinilip niyang muli ang chart at naghanap ng impormasyon. Natutop na lamang niya ang bibig nang makita ang nakasaad sa chart tungkol sa asawa ni Katrina. Oh my God. Ayon doon ay deceased na ang lalaki. “Totoo ba ang nakasaad dito. Si Vince… wala na siya?” Nakita niya sa mukha ng nurse ang pagkaligalig sa tanong niya. Hindi rin naman niya ito masisisi. Hindi kasi tungkulin ng isang nurse ang magpaliwanag sa mga maseselang impormasyon. Bilang isang nurse ay naiintindihan niya iyon. Pero kailangan talaga niyang malaman ang mga nangyayari. “Okay lang ako. Sabihin mo ang totoo. Anong nangyari sa kanya?” “Pero mas mabuting ang mga kamag-anak mo o si doc po ang magpaliwanag sa inyo sa mga nangyari.” “Pero kailangan kong malaman ngayon.” “Pero, Mrs. Santiago.” “Please. I need to know.” “I’ll tell you.” Pareho silang napalingon ng nurse sa may pinto ng kwarto. Nakatayo roon ang isang matandang babae. Nakasuot ito ng magkaternong puting seda na blusa at saya. Hindi maipagkakaila ang pagiging elitista nito base sa ayos at mukha. Magtatanong ulit sana siya nang nagsalita ang babae. “I’m sorry Katrina. Vince is dead. You lost your husband. And I lost my son.”        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD