SUMISIKIP ang dibdib ni Marissa habang pinagmamasdan si Mama Betty na nakahiga sa malawak nitong kama. Nakatulog na ito matapos painumin ng gamot ni Keith. Ang huli naman ay nakadalo pa rin sa ginang at pinapakinggan ang dibdib nito gamit ang stethoscope.
Naging napakabait ng ginang sa kanya. Hindi niya nanaising magkasakit ito.
Lumapit si Keith sa kanya matapos nitong i-check ang heart sounds ni Mama Betty.
“Cheer up, Katrina. She’ll be fine.”
Naniniwala naman siya sa sinabi ng doktor. Pero hindi lang iyon ang ikinabahala niya.
“Kasalanan ko kung bakit nai-stress si Mama Betty. I should’ve known better.”
Tinapik ni Keith ang kanyang balikat. “It’s not your fault. Matagal nang hypertensive at may sakit sa puso si Tita Betty. At saka ilang araw na rin niyang napapabayaan ang sarili. Inamin niya sa akin na nakakalimutan niya ang pag-inom ng gamot dahil sa dami ng iniisip.”
Mas lalo pang nanikip ang kanyang dibdib. “Dahil rin sa akin ‘yon. Inalagaan niya ako nang mabuti sa ospital. It cost her health.”
“Well, sabihin na nating tama iyon. Pero huwag nating alisin ang katotohanang namatayan siya ng anak. Kung nakita mo lang ang hitsura niya noong inilibing si Vince. Akala ko talaga magkakaroon siya ng stroke or heart attack. That was her worst condition.”
At muntikan na naman ngayong gabi.
“It’s my fault.”
“Hindi, Katrina. Matagal na ang sakit ni Tita. She just needed time to rest.Ang sarili naman niya ang alagaan.”
Naalala tuloy niya ang sariling ina. May sakit rin ito tulad ni Mama Betty. Pero heto siya ngayon at wala man lang naitulong.
“Huwag ka nang mag-alala. Kumpleto naman ang mga gamot niya. Basta inumin lang niya ang mga iyon at magpahinga nang mabuti ay magiging okay na siya. ‘Di bale, sasabihan ko ang mga kasambahay na palagi siyang paaalalahanan sa mga gamot niya. Nailista ko na rin kung kailan ipapainom ang mga ito.” Ipinakita ni Keith ang isang papel na puno ng mga instruction sa pagpapainom ng gamot.
“Ako na lang.” Kinuha niya mula sa kamay nito nag papel at mabilis na binasa iyon. “Okay, ako na ang bahala rito. Pwede bang mag-request ng sphygmomanometer at stethoscope? Pati na rin ECG machine?”
“A-ano?”
“Ako na ang magbibigay ng gamot niya.”
Umiling si Keith. “Hindi ‘yon.”
“Ano ba ang sinabi ko?”
“You wanted me to provide you medical equipments including an ECG machine.”
Nakagat niya ang labi. Ano bang pinagsasabi niya? Binubuking na yata niya ang sarili! “Ah… kasi…”
“Marunong ka bang gumamit ng mga sinabi mo kanina?”
“Uhm… ‘Yong BP apparatus, oo. Dahil sa volunteer works natuto ako. Pero ang ECG machine. Naisip ko lang na baka magandang maglagay rito kung sakaling kakailanganin mo. T-tulad na lang ng nangyari ngayon? ‘Di ba mas magandang may available na ganoon dito sa bahay.”
“Well... pwede naman ‘yon. Magpapadala na lang ako rito. Para din naman iyon kay Tita. Tuturuan na rin kita kung paano gamitin nang mabuti ang mga iyon.”
Nakahinga siya nang maluwag nang naniwala si Keith sa naging alibi niya. Sa susunod ay kailangan na talaga niyang mag-ingat kung hindi ay mapapahamak na talaga siya.
Nang masiguro ng doktor na nasa maayos na kalagayan si Mama Betty ay saka na ito nagdesisyong umuwi. Inihatid rin niya ito sa labas ng bahay para na rin magpasalamat dito. Ang hindi niya inaasahan ay ang nakatayong si Lance sa tabi ng kotse ni Keith. Nag-usap pa ang dalawa bago tuluyang umalis ang doktor.
Agad siyang pumasok at umakyat patungo sa kwarto ni Mama Betty. Habang naglalakad ay pinaplano na niya sa isip kung paano ito maaalagaan nang mabuti. Dapat talaga niyang i-follow up ang mga hiningi niyang medical equipments kay Keith. Makakatulong iyon upang ma-monitor niya ang kondisyon ng ginang.
Nasa kalagitnaan pa siya ng pag-iisip nang biglang may nagsalita sa bandang likuran niya.
“Now I know how you deceived my brother. Magaling kang kumuha ng loob ng isang tao.”
My goodness! Hindi pa ba tapos ito sa pakikipagtalo? Ano na naman ang iniisip nitong masama tungkol sa kanya?
“Pasensya ka na, Lance. Hindi ko priority ang makipagtalo sa’yo. Kailangan ni Mama Betty ng mag-aalaga sa kanya.”
“Wow!” Lumapit nang bahagya si Lance at pinalakpakan pa siya. “Ikaw na ang ulirang manugang.”
Kaunti na lamang ay mapapatid na ang gahiblang lubid ng kanyang pasensya sa lalaking ito.“Hindi ka ba nag-aalala sa Mama mo? Anong klase kang anak?”
Nahigit niya ang hininga nang bigla nitong hawakan ang kanyang braso at hinila siya papalapit dito. Hindi tuloy niya maiwasang mailapat ang palad sa matigas nitong dibdib. Nang iangat niya ang kanyang mukha ay binati siya ng nag-aapoy na mga mata ni Lance. Nakatitig ito sa kanya na tila ba isang leon na nasa mga kamay ang biktima.
“Katrina…”
Hindi maiwasang mag-init ng kanyang pisngi sa paglalapit nilang iyon ni Lance. Hindi rin niya maintindihan kung paano tumambol ang kanyang dibdib nang lumabas ang kanyang pekeng pangalan sa labi nito.
“B-bitiwan mo ako,” pakiusap niya.
Pero hindi nakinig si Lance. “Alam mo kung bakit hindi kita matanggap-tanggap?”
Hindi siya sumagot bagkus sinalubong lamang ang nagbabaga nitong mata.
“Dahil pinili ka ng kapatid ko—ng kapatid kong walang inisip kundi ang sarili niya. Mas pinili niyang umalis dito, magpakasaya kasama ang ibang tao, at iwan kami ni Mama. Kaya ‘wag na ‘wag mong kwestiyunin ang pag-aalala ko sa nanay ko dahil noon pa man kami nang dalawa ang magkasama.”
She held her breath trying to absorb his words. Ramdam din niya ang sakit at galit sa puso nito. In a split of a second she wanted to touch Lance’s face using her fingers. Pero bago pa man niya nagawa iyon ay muling nagsalita ang lalaki.
“Tapos ngayon, mamamatay na lang siya bigla at mag-iiwan ng biyuda dito sa pamamahay namin?” Umiling-iling ito. “Hah! Kahit sa kabilang buhay ay marunong pa rin siyang pahirapan ako. If not for Mama ay hindi talaga kita patutuluyin.”
Diyos ko! Ano ba ang gulong napasok niya?
Ngayon pang nagdesisyon na siyang alagaan nang ilang araw si Mama Betty ay bigla namang bibitawan ni Lance ang mga salitang iyon?
“Kaya naman babae,” patuloy nito, “sinasabi ko sa’yo. Mag-ingat ka. Dahil walang puwang ang gold digger sa pamamahay na ito.”
Nahigit niya ang kanyang hininga nang yumuko ito at inilapit ang mukha nito sa kanya. “And I know one when I see one.”