CHAPTER ONE
-----
ISANG oras na halos ang nakalipas pagkatapos ibaba ni Bia ang tawag ni Maddy via Skype. Isang taon na ito halos nanirahan sa Amerika. Masaya na rin siya sa kapatid niya, pagkatapos ng pagkasawi sa pag-ibig sa lalaking kahit kailan hindi niya magawang makalimutan at alam niyang ganoon din si Maddy. Ang pagkakaiba lang nila galit pa rin siya rito, samantalang ito alam niyang mahal pa rin nito ang lalaki. Kung may pagkakataong nga lang sana siya gusto niyang makita ito at makaharap na rin. Hindi niya man lang kasi magawa ang bagay na gustong-gusto niyang gawin dito.
Napatikhim si Bia nang makatanggap ng text message mula kay Sahara.
[ Zen Club? ] message ni Sahara sa kaniya.
Kusang umikot ang eye ball ng mga mata niya. Wala siyang gana lumabas ng gabing iyon. Hangga't maaari nga sana gusto niya na lang matulog. Halos hindi pa kasi siya nakababawi sa puyat na nilaan niya sa pag-aaral. Tatlong linggo pa lang mula nang magtapos sila. Pero heto magkakasakit yata ang mga kaibigan niya kung hindi sila makakalabas.
Zen Club? Isa ito sa madalas nilang puntahan noon--- partikular ang night life ng buhay nila. Kung iisipin nami-miss niya na rin naman ang mga ito, lalong-lalo na si Sahara nagsisilbing ate nilang lahat maliban kay Heather.
Mabigat ang katawan niyang bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot niyang kaba na halos unan ang siyang nakapalibot. She really love pillows, isa ang mga ito sa nagsisilbing comfort zone niya pag nalulungkot siya.
Hindi pa rin siya nakakapagdesisyon kung aalis nga ba siya ngayong araw na ito. Mabigat talaga ang katawan niya, pero hindi alam ni Bia kung bakit ang kaliwang bahagi ng isip niya nagsasabing kailangan niyang umalis para puntahan ang mga ito.
[ On the way na kami, Bey. You have to go there. Everyone will coming.] Muling nag-beep ang phone niya latest model ito ng Iphone ang birthday gift sa kaniya ng kapatid niyang si Maddy noong nagtapos siya. Actually--- hindi niya inaakalang makakapagtapos pa siya. Mabuti na lang at magaganda namang empluwensiya sa kaniya ng mga kaibigan niya lalong-lalo na si Maxine ang isa sa matatalino sa kanilang anim--- nagtapos ito ng BSED. Matalino kasi talaga itong sadya, nagtataka nga siya at bakit ito nagawang lokohin ng gagong Lucas na iyon. Sabagay mga halang ang kaluluwa ng magkakaibigan na iyon--- naatim ba naman na pagpustaan si Max. Gago nga! Sigaw ng isip ni Bia.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bia matapos mag-reply kay Sahara na makakapunta siya. As usual isa lang ang naging reply sa kaniya ng kaibigan niya, late na naman daw siya samantalang sina Ariella at Carly ay pupunta na. Well! Kilala niya ang dalawang iyon noon pa man sabik na talaga sa mga night life ang mga iyon. Expected naman na ang mga ito ang mauuna at siya ang mahuhuli; wala namang bago.
Habang nagbibihis si Biatriz naalala niya ang lima niyang kaibigan, malayo na rin pala ang narating ng frienship nila. Hindi niya rin halos aakalaing sabay-sabay silang magtatapos. Una si Sahara na nagtapos sa Business Management mayaman ang pamilya ni Sahara actually bukod kay Heather at Carly ito ang isa sa pinakamayaman sa kanilang anim. Halos lahat naman sila ay mayayaman walang tulak kabigin ang lahat ng mayroon sa kanila, kaya nga halos kinainggitan na sila ng ilang estudyante sa Princeton University noon. Mabuti na lang may isang Heather Arellano na siyang laging naging pumapagitna sa kanilang lahat lalo na kay Maxine; sadyang matapang si Heat, wala itong inuurungan kahit na sino. Good thing may isang Heather sa buhay ni Maxine dahil kung wala, baka nag-suicide na ang isa sa mga kaibigan niyang iyon pagkatapos ng matinding kabiguan kay Lucas. Naalala niya si Carly at Ariella ang isa sa pinakamalapit sa kaniya---naiintindihan kasi ng mga ito ang trip niya madalas. Pag sinabi niyang uuwi na siya, uuwi na siya hindi na namimilit pa hindi gaya ni Maxine kaya madalas silang magtalo ng isang iyon. Bukod kasi sa perfectionist ang kaibigan niyang iyon. Gusto lagi pa siyang present sa kahit na ano'ng lakad nilang lahat.
Naalala niya na naman ang gagong Pierho na iyon. Ito talaga ang naging dahilan kung bakit siya nagbago ganoon din si Maddy. After kasi nito lokohin ang kapatid niya, naging madalang na rin ang pakikipagharap niya sa tao. Parang wala na siyang gustong makasama kundi si Maddy lang. Awang-awa siya rito nang makipaghiwalay si Pierho rito ng walang kahit na ano'ng dahilan. Kaya nga simula noong araw na iyon, gusto niyang makita ito at makatikim man lang ng upper cut sa kaniya. Gusto niyang ipaghigante si Maddy at lahat ay gagawin niya. Iyon ang pangako ni Biatriz sa sarili. Isang beses lang talagang makapaghigante rito okay na siya.
Wala sa sariling pinagmasdan niya ang kabuuan sa life size mirror sa sarili niyang silid; natural lang ang tangkad niya, may katamtamang laki ng pangangatawan, taglay ang morenang kutis, mahaba at makintab ang buhok, singkit ang mga mata niyang namana niya pa sa Lolo't Lola niya sa mother side. Maganda si Bia iyon nga lang gandang hindi katulad ni Maddy.
Bigla niyang na-miss ang bunsong kapatid. Alam niyang maayos naman ang buhay nito sa Amerika kung saan sinundan nito ang mga magulang nila na kapwa nurse sa estados unidos.
"Magiging maayos din ang lahat, Maddy," kausap ni Biatriz sa sarili niya habang nakatingin pa rin sa repleksyon niya sa salamin. Ilang minuto pa ang ginugol niya bago tuluyang nagpasyang magbihis.
Late na siya sa oras na usapan nila si Sahara, kung hindi man siya makakatikim sa mga ito malamang isang dare na naman ang ipapagawa sa kaniya ng mga kaibigan niya.
Napailing-iling siya nang nagpasyang i-text si Sahara.
[Okay. I'm coming.]
---