Pierho Sandoval

1620 Words
CHAPTER THREE MALALIM na ang gabi nang dumating si Bia sa lugar kung saan sila magkikita ng mga kaibigan niya. Nag-text ulit sa kaniya si Sahara nasa dating gawi lang daw ang mga ito, pamilyar pa rin sa kaniya ang lugar na iyon. Ilang beses na rin siya nagawi sa d’on, tulad nga ng sinabi niya mahilig sa night life ang mga kaibigan niya. Nagpalinga-linga si Bia sa paligid, hinanap ng mga mata niya sina Sahara. Marami ng tao; naghahalo na rin ang amoy ng sigarilyo maging ng mga alak. Ito talaga ang ayaw na ayaw ni Biatriz. Iyon nga lang wala siyang pweding pagpilian, alangan naman hindi niya siputin ang mga kaibigan niya. “Bia.. Bia..” Narinig na sigaw ng pangalan niya. Agad siyang lumingon kung saan nagmumula ang sigaw na ‘yon. Agad sumilay ang ngiti sa labi niya ng makilala ang tumatawag sa kaniyang si Maxine. “Hi! Akala namin hindi ka na pupunta,” bungad sa kaniya ni Sahara. Isa-isang humalik sa kaniya ang mga kaibigan niya. Halos naka-inom na rin ang mga ito, may ilan na kasing kopeta sa mesa at alak na halos nakahalati na lang. Umupo siya patabi kay Heather nang bigyan siya nito ng isang kopeta na kung hindi siya magkakamali wine ang laman n’on. Ito lang naman ang kaya niyang inumin, ayaw niya sa hard drinks mahina ang alcohol tolerance niya. “Hindi ka na nagbago late ka na lang palagi,” ani ni Heather sa kaniya. Sumimsim muna siya bago sinagot ito. “Nag-isip pa kasi ako kung pupunta ba ako,” sagot niya rito. “Loka! May balak ka pa palang hindi sumipot huh.” “Nagbibiro lang. S’yempre na-miss ko rin kayo,” aniya. Napansin niyang mas umingay ang paligid, sabayan pa ng ingay ng mga kaibigan niya. Kaniya-kaniyang bida ang mga ito. Tahimik lang na nagmamasid si Bia. Kaya pala ang bigat ng katawan niyang umalis kanina. Gusto niya man mag-enjoy wala siyang magawa, umiiral na naman yata pagiging kj niya. “Hey! Are you okay?” untag sa kaniya ni Ariella. Nagtaas siya ng tingin dito. Napakaganda kasi ng kaibigan niyang ‘to. Though alam niya namang maganda na noon ang dalaga. Iba lang siguro ang dating nito n’ong mga sandaling ‘yon, lalo pa sa suot nitong Saint Lauren Strapless velvet mini dress. Amoy na amoy niya rin ang pabango nito ang paborito ng dalagang chanel perfume. “I’m fine..” matipid niyang sagot dito. Winagayway nito ang kopeta sa ere at nakipagsayaw sa iba nilang kaibigan. Hindi naman sila lumalayo sa table nila, hanggang d’on lang sila. Ang isa sa mga bagay na nagugustuhan niya sa mga ito. They’re wild when it comes to drinking, but one of the best things of her friends, they doesn’t go anywhere. Kung nasaan sila doon lang sila hangga’t sa mapagod ang mga ito. They’re wild when it comes to drinking, but one of the best things of her friends, they doesn’t go anywhere. Kung nasaan sila doon lang sila hangga’t sa mapagod ang mga ito. Napakunot-nuo siya nang biglang huminto ang mga ito sa pagsasayaw. “Okay. Since nandito tayo para mag-enjoy, bakit hindi na lang natin sagarin ang araw na ‘to?” biglang untag sa kanila ni Sahara. Mukhang may binabalak na naman yata ang loka, aniya. Nagpalinga-linga si Biatriz at hindi inaasahan nang mapahinto ang tingin niya sa isang lalaki sa may ‘di kalayuan. Kilalang-kilala niya ito, sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Pierho Sandoval? Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tumayo sa harap ni Sahara at nang mga kaibigan niya. “I’m in!” untag niya sa mga ito. Sabay-sabay na sinundan ng mga kaibigan niya ang gawi ng tinitingnan niya. “Si Pierho Sandoval...” sabay na sambit ng mga ito at nilipat ang mga tingin sa kaniya. Liningon niya ang mga kaibigan. “Sigurado ka ba, Bia?” tanong sa kaniya ni Ariella. Muli niyang pinasadahan ng tingin si Pierho, wala pa rin itong kasamang nakatayo sa may hindi kalayuan mula sa kung saan sila nakaupo. “Ngayon na ang tamang oras para maihigante ko si Maddy, Ariella, wala naman siguro masama kung sakyan natin ang trip ni Sahara,” sambit niya sa mga ito. Napailing-iling si Sahara sa naging turan niya rito. Lihim nga siyang nagpapasalamat sa kaibigan sa ideyang mayroon ito sa kanilang magkakaibigan. “But make sure na kaya mo, walang sisihin bandang huli, Biatriz,” turan ni Sahara sa kaniya. Napansin niya ang mga kaibigan nang nagkaniya-kaniya na itong tayo para puntahan ang ilang mga prospect nito. Hindi rin siya nagsayang ng sandaling gawin niya ang para sa kaniya at walang iba kundi si Pierho nga. Hindi na siya pwedi pang maghanap ng iba sa club na iyon. Ito na ang panahon na kailangan niyang rumesbak sa lahat ng ginawa nito para kay Maddy. Matutuwa ang kapatid niya pag nalaman ang bagay na iyon o kung hindi man matuwa ito. At least nagawa niya ang pinangako niya sa sarili niya. Isang pagtikhim ang pinakawalan ni Bia nang nasa harap na siya ni Pierho. Agad naman itong tumingin sa kaniya at napakunot-nuo ang mga mata. Halatang kinikilala siya, lihim niya na lang hiniling sa sariling sana hindi siya nito makilala at masisira ang planong mayroon siya para dito. “Yes?” anito ni Pierho sa kaniya. Maingay ang paligid, may kadiliman din ang bahagi kung nasaan silang dalawa ngayon. Nilingon niya pa ang mga kaibigan niya, pero kahit isa sa mga ito wala man lang siyang may makita. Nagkaniya-kaniya na talaga yata ang mga ito. “Nag-iisa kasi ako and I think nag-iisa ka rin, tama ba? Baka sakaling magsama na lang tayo kung okay lang sa’yo?” kunwang nahihiya niyang tanong para dito. Kunot-nuo lang ang siyang naging tugon sa kaniya ng lalaki. “Pero kung hindi okay, ayos lang din. Maghahanap na lang ako ng walang kasama para ma-feel kong ligtas naman ako,” aniya pa. Her voice trying to convince Pierho. Sa pagkakilala niya rito, alam niyang hindi naman siya mahihirapan sa binata. “Pauwi na rin kasi,” narinig niyang tugon ni Pierho sa kaniya. Great! Sigaw ng isip niya. Mas magkakaroon siya ng maraming pagkakataong masolo ito at magawa niya ang ilang bagay na gusto niya pag magkasama sila palabas sa lugar kung nasaan man silang dalawa. “Pwedi mo ba ako’ng maihatid sa amin? Promise. Hatid lang, wala kasi ako’ng dalang car and I think hindi na safe kung uuwi ako’ng mag-isa..” kyeme niyang pakiusap dito. Isa pang tingin ang pinagkaloob sa kaniya ni Pierho. “Are you playing with me?” bahagya siyang natigilan sa naging tanong nito sa kaniyang hindi niya lubos na inaasahang maisip iyon ng binata. “I saw you kanina, may mga kasama ka at kung hindi ako magkakamali kaibigan mo sila..” Napalunok si Bia sa narinig niyang sambit ni Pierho sa harap niya. Isa pang lingon ang pinakawalan niya sa paligid, hinahanap ng tingin ang mga kaibigan niyang sinasabi rin ni Pierho. Wala yata siyang kawala rito at mukhang nakilala siya ng binata. “By the way, nasaan na sila? Iniwan ka ba nila?” Lumiwanag ang mukha ni Bia sa naging tanong sa kaniya ni Pierho. Mukhang nakumbinse na yata niya itong kailangan niya ng company of someone, kaya ito ang naisipan niyang puntahan. “Okay. Okay. Magsasabi na ako ng totoo, may mga kasama ako kanina. But they leave me without any words to say, hindi ko nga alam kung bakit nawala sila bigla,” kunwang maktol niya sa harap nito. Hindi niya na pwedi pang itigil ang anumang pag-arte niya sa harap nito at mukha naman itong naniniwala na sa kaniya. “Wala ka ba talagang car? Mukha naman yatang imposible, Ms.” Sabi nito. Napaismid si Biatriz. Mukhang hindi yata ito naniniwala sa kaniya at kahit na ano ang sabihin niya rito may kontra ito. “Okay. Thank you na lang, hahanap na lang ako ng pweding makakasama. Pasensiya ka na, akala ko kasi safe ako sa iyo, kaya ikaw ang napili ko. Nagkamali lang pala ako,” maktol ni Bia. Akma na sana siyang tatalikod nang biglang hawakan ng lalaki ang braso niya. “Okay. Come with me. Baka konsensya ko pa kung mapano ka.” Muli siyang napalingon dito. “Isasama mo na ako? Ihahatid mo na ako?” tanong niya. Kitang-kita niya ang pagtikhim ni Pierho sa harap niya at pag-iwas ng tingin nito sa kaniya. “Wala naman ako’ng choice hindi ba? Tulad nga ng sabi ko baka kunsensiya ko pa kung mapano ka,” ulit pa nito. Lihim na napangiti sa sarili si Biatriz. Umayon sa kaniya ang panahon ng mga sandaling iyon. Hindi yata siya binigo ng universe at pinagbigyan siya sa hiling ng puso niya para kay Maddy. Mukhang hindi naman siya mahihirapan kay Pierho. “Luma lang ang car na gamit ko, pero umaandar pa naman ng maayos. Okay lang ba sa iyo?” tanong ni Pierho. Napakunot-nuo siya, mukhang hindi naman yata kapani-paniwala ang sinabi nito tungkol sa sasakyan nito at noong nag-aaral pa lamang sila halos Luxury cars ang gamit nito. “Okay lang ba sa iyo?” muling untag ng binata sa kaniya. “Anything. Ang importante lang naman may makakasama ako at umuwing ligtas lang.” “Great! Akala ko pa naman maarte ka, dahil kung hindi okay sa iyo mag-taxi na lang tayo at babalikan ko na lang ang sasakyan ko rito,” sambit ni Pierho sa kaniya. Hindi sinasadyang mahuli niya ang tingin nitong pinukol sa kaniya. Bigla niyang binawi ang tingin niya rito nang may maramdamang kakaiba sa damdamin niya sa emosyon ng mga mata ni Pierho Sandoval.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD