Chapter 10: Almost

1311 Words
Napasulyap si Kiko sa opisina nina Purissa at Aimee nang lumabas dito ang mga estudyante. Bahagya pa siyang napapikit nang tumama sa mata niya ang sinag ng araw. Gamit ang tuwalya na nakasampay sa kanyang balikat ay pinunasan niya ang pawis na tumutulo sa kanyang mukha. Wala siyang kaalam-alam na pinanonood siya ng mga dalagang guro na halos mangisay na sa kilig nang walang ka-effort-effort siya at natural na magmukhang hot sa ilalim ng araw. Daig pa ng mga ito ang nakakita ng artista at modelo. Tanghaling tapat ay nabubusog ang kanilang mga mata. "Ano ang ginagawa niyo?" striktong puna ng head teacher nang makita ang ginagawa ng mga guro. Halos mapatalon sa gulat ang mga ito at nagsiyuko bago nagmamadaling umalis dahil sa pagkahiya. "Aba'y kung tumulong ang mga yun sa paglilinis kaysa manoood lang sa isang binata edi sana tapos na," she mumbled. Nang hinatid ni Kiko ang magkapatid sa skwelahan ay narinig niyang naghahanap ang guard ng maaaring magputol ng mga d**o. Sakto naman na mahina ang daloy ng pasahero ni Kiko kaya siya na lamang ang nagboluntaryo. Dagdag pagkakakitaan din ito, aniya sa isipan. Sandali ni Kiko iniwan ang pag-grass cutter sa gilid ng hallway upang pumasok sa opisina nila Purissa. "Hindi ka pa ba kakain—" Hindi na natapos ni Kiko ang sasabihin nang maabutan niya si Purissa na siyang katangi-tangi na lamang nasa loob na may kausap. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nito napansin. Sa kilos palang ni Purissa ay may ideya na siya kung sino ang kausap. Iisang tao lang naman kasi ang pinapakitaan nito ng pagka-jolly. Napakurap si Kiko nang tumawa si Purissa nang mahina. Pinagmasdan niya ang paggalaw ng mga balikat nito dahil sa pagtawa at ang sinasayaw ng hangin mula sa electric fan na mga hibla ng buhok na nakatakas sa pagkaka-ponytail. Nang matigil ang kanyang mga mata sa leeg nito ay napaiwas na lamang siya ng tingin. "Hey," sa pagkakataon na ito ay may kalakasan na niyang tinawag ang pansin ang babae. Sa gulat ni Purissa ay pinatay niya nang wala sa oras ang kanyang laptop. Napangiwi ito nang hindi man lang nakapagpaalam sa kaibigan. Tumayo si Purissa upang harapin si Kiko. Suot ni Purissa ang teacher uniform nila, sakto lamang ang sukat kaya kitang-kita ni Kiko ang kurba ng katawan nito. Subalit nang tumingala siya upang umiwas ng tingin ay laking gulat na lang niya nang humakbang nang mabilis papalapit sa kanya si Purissa. Lihim na napalunok si Kiko nang mapalapit ang mukha nila sa isa't isa. Hindi lang si Kiko ang naapektuhan sa lapit nilang dalawa. Maging si Purissa ay pinagsisihan ang ginawa. Sa pagpigil niya ng kanyang hininga ay sa tingin niya ay para siyang bulkan na sasabog na at ang init ay napunta lahat sa kanyang mukha. Subalit hindi man sila komportable sa posisyon nilang dalawa dahil sa kakaibang sensasyon na pumapaloob sa kanilang mga kalamnan ay hindi nila maintindihan kung bakit wala sa kanila ang magawang umaatras at umiwas ng tingin. Pero bukod doon ay hindi maitatanggi ang kaba sa dibdib nila. Unti-unting lumapit ang mukha ni Kiko kay Purissa nang hindi pinuputol ang kanilang tinginan. Nang isang dangkal na lang ang kanilang layo ay tumigil si Kiko. Bumaba ang kanyang tingin niya sa mapupulang labi nito. Kiko's lips were shaped into a tiny smile. His smile imprinted on her; it had an impact she couldn't shake. Bago pa man tuluyang maglapat ang labi nila ay binaling na ni Purissa ang kanyang ulo sa ibang direksyon. Nang mahinto sa gulat si Kiko ay kinuha na niya itong pagkakataon para gawin ang dapat. Walang emosyon ang mukha na binigay niya kay Kiko ang d**o na kinuha niya sa ulo nito. Sa ekspresyon palang ni Purissa ay sapat na yun para maipaliwanag kung bakit ito lumapit. Walang salita na tinalikuran ni Purissa si Kiko. Naguguluhan siya sa inakto ng lalaki ngunit pinipigilan niyang mag-isip pa man ng kung ano. Nababahala man ang kanyang isipan ay mas pipiliin na lang niyang kalmahin ang sarili. Bumaling lang siya sa kanyang likuran nang naramdaman niya ang paglayo ni Kiko. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ay saka lamang siya nagkaroon ng lakas na humarap. Inaakala niyang siya na lamang ang tanging tao sa silid ngunit dumagundong ang kanyang dibdib nang naroon pa rin ito. Magkapantay ang mga labi nito at bakas sa mukha ang pagkaseryoso. Malayong-malayo sa Kiko na palangiti. Para bang ibang tao na ito ngayon. "Do you love him?" Wala si Kiko binanggit na pangalan subalit naunawaan na ni Purissa kung sino ang tinutukoy nito. Bukod kasi sa lalaking yun ay wala naman siya ibang nakakausap pa. Hindi na rin ito ang unang beses niyang marinig ang tanong ito. Kaya hindi na niya kailangan pang mag-isip ng isasagot. "Mahal ko naman talaga siya." Sinadya ni Purissa na diinan ang una at huling salita. Pakiramdam ni Kiko ay pinukpok ang kanyang ulo sa sobrang dami ng kanyang iniisip. Wala siyang binanggit na pangalan subalit alam na alam ni Purissa ang isasagot indikasyon na sigurado ito sa nararamdaman. Muling naglapat ang mga labi ni Kiko, sandali siyang nanahimik bago sumagot, "I see." Hindi na naalis ang pagkakabusangot ni Kiko hanggang sa makauwi sila. Pareho rin na tahimik lamang ang magkapatid na Lee na ikinataka ng mag-asawa. Hindi nila alam kung ano ang mga kinain nito at sabay-sabay na wala sa mood. Nasa loob ng kwarto si Purissa nang matanggap niya ang tawag ni Aimee. "Nakita ko kayo kanina!" Hindi niya nakikita si Aimee pero sa tono ng boses nito ay nakangisi ito katulad ng sinend nitong emoji sa kanya bago tumawag. May pagkabaliw ang kaibigan niya kaya hindi na rin siya magtataka kung nakita talaga sila nito at imbes na iligtas siya sa sitwasyon na yun ay pinabayaan siya nito. It was a horrific situation. She wanted to chastise her for not fleeing. Why can't she just run away from Kiko and yet she just acts like what she did in their first meeting? She felt she had the strength to avoid him, but her body was not cooperating. She's becoming increasingly strange. She doesn't understand what's going on with her body and mind. "Wala kang nakita," walang ganang sagot ni Purissa bago ito pagbagsak na humiga sa kanyang kama. Naubos ang enerhiya niya ngayong araw. Walang natira sa kanya kahit katiting. Drain na drain siya. Ang gusto na lang niya ay ang ibalot ang sarili sa kumot at makatulog nang mahimbing. Bumilog ang labi ni Aimee sa gulat. "Wow. Kulang pa yung nakita ko? Dapat pala hindi muna ako umalis." Ilang segundo ang lumipas na walang naririnig si Aimee kundi ang paghinga ni Purissa. "Seryoso, best friend..." Minulat ni Purissa ang napapapikit na mga mata. Sa salitang seryoso kasi nagsisimula ang advice nito sa kanya sa buhay na nais niya rin marinig paminsan-minsan. "Nakuha ko ba ang atensyon mo?" pagpatuloy ni Aimee na sinabayan pa ng tawa. "Silly," aniya. Lihim na natawa si Purissa. Maswerte pa rin siya na merong Aimee sa kanyang buhay. May liwanag itong dala na nagpapagaan sa buhay niya. At ito lang naman ang kaisa-isang kapwa niya babae na nakatagal sa kanyang ugali. Bago si Aimee dumating sa buhay niya ay si Luca lang ang meron siya maliban sa pamilya. Both Aimee and Luca saved her in different but similar ways. When they became her friends, that's when she realized what a true friend was. Someone who would always love and accept her despite her imperfections. Someone who would understand her just by looking at her eyes. Someone who she can be comfortable with. Without them, she would not be the woman she is today. Purissa couldn't help but miss Luca when she thought about him. She absolutely loves her best friends. Hindi siya nagsinungaling kay Kiko. Mahal niya si Luca. Walang mas hihigit pa sa pagmamahal bilang kaibigan at kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD