Chapter 11: Stings

1141 Words
Saturday came and Purissa woke up without having enough sleep... Was an hour of napping considered sleep at all? Sa kabila ng kapaguran ay hindi siya nakatulog sa nagdaan na gabi. Ang papikit pikit niyang mga mata ay nanatiling dilat. Nawala ang kanyang antok at bumalik ang kanyang ulirat. Buong gabing binalikan ng utak niya ang nangyari. Kaya naman kinaumagahan ay walang lakas ang natira sa kanyang katawan. Lumapit si Mathew sa kanya nang makita siyang nakahalumbaba sa mesa na nasa karinderya nila. Makatapos ilapag ni Mathew ang kape nilang dalawa ay tumabi ito sa pagkakaupo at malalim na napabuntonghininga. Inakbayan niya ang kapatid na nasa kanyang kaliwa habang hawak niya sa kanan ang cup. Umuusok pa ang kape kaya sa bawat higop niya ay naiinitan ang kanyang kalamnan. Sinuri niya ang mukha ni Mathew. Wala siyang makita na pagbabago, mas nangingibabaw pa rin ang pagka-chinito nito. "Puyat ka rin?" Kung hindi lang ito humihikab ay hindi niya masasabi na puyat ito. Wala man lang kasing eyebags. Pinatong ni Mathew ang ulo sa balikat niya bago matipid na sumagot, "Schoolworks." Tumango siya at tinapik ang balikat nito. Bigla niyang na-miss ang pagiging teenager. Dati kasi ay schoolworks lang ang gumugulo sa isip at rason ng pagiging puyat niya, ngayon ay hindi niya. Kung hindi problema sa buhay at trabaho ay napupuyat siya sa bagay na walang kasiguraduhan na dapat bang pagpuyatan. Isa talagang palaisipan kung bakit may pagkakataon na tumatakbo sa isipan ang isang tao na pilit ngang iniignora. Kung bakit kailangan pang ipaalala ang mga alaala na kanya ngang binabalewala. Subalit kung balewala ito, bakit umaakto siyang naaapektuhan? Kung wala lang ito, bakit bumabalik ang mga oras na yun sa kanya? Naguguluhan na siya sa kanyang sarili. Ang bawat parte ng kanyang katawan ay hindi na sumusunod sa kanyang pananaw. Lalo na ang parte ng kanyang utak na hindi na nakikinig sa kabila. Mathew's eyes narrowed. The thick brows complimented his fair complexion and his disheveled messy hair. "Why are you staring at Kuya Kiko, ate?" When she realized she had been unknowingly staring at Kiko, who had been busy talking with their parents, she blushed. She avoided Kiko's eyes when he had a sideways glance at her. "Fishy," Mathew commented after watching his big sister's reaction. It was not really a usual moment to see his unbothered sister being bothered by a guy. Especially if the guy was Kiko. Mathew was well aware that her sister did not readily trust others, especially strangers. So what's happening now? Hindi natapos ang oras na yun nang hindi nagkakasalubong sina Kiko at Purissa. Ilang beses man ni Purissa ito ay iwasan ay tadhana na mismo ang nagtutulak sa kanila para magkasama. "Ma, may ginagawa po ako," pagdadahilan ni Purissa nang utusan siya ng ina na mamalengke kasama si Kiko. "Si Mathew na lang po," agap pa niya. Tiningnan siya ng kapatid na para bang isang malaking biro ang sinabi niya. Hindi pa ito nakuntento, inangat pa nito ang ruler na hawak. "May ginagawa rin ako." Napailing ang kanilang ina. "Kung hindi lang ako abala ay hindi ko na kayo kailangan pang utusan pa." Nakonsensya si Purissa sa pagsisinungaling. Wala naman talaga siyang ginagawa. Tapos niya nang gawin ang kanyang trabaho at idineklara niya talaga ang araw na ito para maglinis. Mathew chuckled when she finally volunteered herself. He would like to confirm if his older sister is really starting to take an interest in their adopted guest. "Are you avoiding me?" pagbukas ni Kiko ng usapan nang makarating sila sa kanilang destinasyon. Iniiwasan niya nga ba ito? Definitely. Kailangan pa ba niyang i-deny na umiiwas siya kung halata naman ang ginagawa niya? Katulad ang piliin ang pagpunta sa lugar sa bahay nila kung saan wala ito. Nang hindi man lang siya umimik ay muling nagsalita si Kiko. "Bakit hindi mo man lang ako pansinin?" Sa pagkakataong yun ay napalingon na si Purissa. Mali ba ang pagkakarinig niya at nabingi lang siya? "May nagbago ba sa pakikitungo ko sa 'yo magmula noon?" Purissa maintained eye contact with him while smirking. Kiko was just staring at the first woman who piqued his curiosity and amused him ever since in his life. Purissa ordinarily gives a thrill he wants to pursue. "Sa pagkaka-alala ko ay walang nagbago sa pagitan nating dalawa. Magmula noon ay hindi naman na kita nilalapitan nang hindi kailangan at nang wala nagsasabi sa akin. Nasa bahay ka nga namin subalit hindi ko naman obligasyon na bigyan ka ng pansin higit pa sa kaya kong ibigay." Her voice was overwhelmed with confidence and honesty. Even though she felt confusion in their latest interaction, she's still herself, the Purissa Alvarez Lee everyone used to know. She is an honest woman and is not afraid to speak her mind. Though sometimes, she tends to spill a little too much, she keeps in her mind that she doesn't need to be afraid when she knows she has a point. It might sting a bit. But then again, all of the truth is bitter. Imbes na masaktan sa sinabi ni Purissa ay wala sa sariling napangiti si Kiko. Tumawa pa ito na kinablanko ng mukha niya. Napagtanto niyang hindi rin pala ito matino. NAKASIMANGOT SI AIMEE habang naglilinis sa kanilang bahay. Pahinga niya tuwing sabado subalit pakiramdam niya ay wala siyang karapatan. Umupo lang siya saglit ay parang eternity na. Nang matapos siya pagwawalis ay nanghihina siyang umupo sa upuan na gawa sa kawayan na nasa harap ng kanilang bahay. "Gosh, nakakapagod," bulong niya sa hangin. Tumingala siya sa langit nang punasan niya ang pawis sa kanyang noo. Tirik na tirik ang araw kahit pa panahon ng tag-ulan. Maganda ang oras ngayon pero hindi niya maramdaman. Mas gugustuhin pa niyang manatili sa loob ng eskwelahan kaysa manatili sa bahay nang walang laman. Ang katangi-tanging nagpapaingay sa paligid ay ang hiyawan ng mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada at ang tunog ng dumadaan na mga sasakyan. "Kon," tawag niya sa pangalan ng bagong dating na lalaki. Nakalimutan niyang ikandado ang gate kaya diretso lamang itong pumasok sa kanilang bakuran. "Mag-isa ka na naman?" malumanay nitong tanong sa kanya. Malungkot siyang napangiti. "Kailan pa ba ako nagkaroon ng kasama sa bahay tuwing weekend?" Aimee was always alone whenever she was at home. She should be used to the lifestyle she had, but it still stings. It still bangs her heart because deep inside, she still holds on that a day will come when her family will realize she needs them too. "Nandito na ulit ako para samahan ka." Pinatong ni Kon ang kamay sa ulo ni Aimee at bahagyang ginulo ang buhok nito. Her situation stings, yet it gets better whenever she's with him. That's why she can't let go of him. If it is a sin to use someone, then she must admit she's a sinner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD