Chapter 9: Eagerness

1533 Words
Habang nagbibiruan ang mga kaibigan ni Mathew ay bukod tangi lamang siyang nakahiwalay sa mga ito at tahimik na nanonood ng isang dokumentaryo sa kanyang cellphone. Ang isang bluetooth earphone ay nakasuot sa kanan niyang tenga. Mathew Lee is dressed in a Korean-style white plain t-shirt with a small collar and a loose five-point sleeve, which he has tucked into his Khaki pants that are above his ankle. It shows off his white and fair skin. His outfits would not be complete without his black wrist watch and white shoes. Maiingay man ang tatlo niyang kaibigan na lalaki ay mas nakakaagaw ng atensyon pa rin siya sa mga dumadaan sa kanilang silid-aralan. Maging ang kanyang mga kaklase ay hindi na nasanay sa presensya niya, pasulyap-sulyap pa rin ang mga ito. Sino nga naman ba ang hindi makakatiis na tingnan ang isang Mathew Alvarez Lee? Mathew Lee's Korean blood is strong in his veins. Matthew is 180 cm tall and has a slim build but a toned body. Mathew does have a perfect nose, a sharp jawline, and natural double eyelids. His face is smooth and he has glass skin. He has a pair of black eyes. Aside from having a prince charming aura, he is also known for his brain and leadership. He's a student supreme government president and an international winner of the battle of the brains. "Mathew." Napaiwas ng tingin ang mga kaklase niya at nagpatuloy sa paglalakad ang mga tumigil nang dumating ang kapatid niyang si Purissa. If Mathew is attracting a student's attention, it is same with Purissa with her co-teachers. Ang adviser nila Mathew ay napatulala na lamang sa babaeng guro nang bumati ito at in-excuse ang kapatid. Purissa is a morena. She does have the perfect shape of almond eyes, long lashes, and a pointed nose. She has thick black wavy hair, and she prefers it long. People sometimes mistook her as a Filipina model because of her appearance and long legs. She is 5'5 tall and she is suited to join in the pageant, but she doesn't want to. Purissa Alvarez Lee is the definition of drop-dead gorgeous. She inherited her mother's features, but her personality was very different from her mother. Everything was good for her except her attitude. May pagkasuplada ang awra nito. That's why some of her students are intimidated. Purissa barely smiled. She does not have those expressive eyes and friendly vibes, but if she is comfortable with someone, she will show how bright her smile is. Kagaya kung paano siya ngumiti kay Mathew para ipakita rito ang suporta niya. "Ready ka na, Mathew?" "Opo," maikling sagot ni Mathew makatapos nitong inumin ang mineral water na bigay ng ate. Tinapik ni Purissa ang balikat ng kapatid bago ito umakyat sa entablado para magbigay ng mga salita. It is a career orientation for the Grade 10 students of La Purisima National High School. Mathew Lee, a Grade 12 student of Science, Technology, Engineering, and Mathematics Strand, served as a speaker. "Were you asking if it's necessary to dream if you know you won't be able to follow your dreams in the end? It is, at least for me." Looking at her little brother, Purissa felt proud. The baby she watched play with his toys grew into a fine young man. "Dreaming and setting goals in life allow you to achieve the seemingly impossible. If it falls short of your expectations, it will at the very least help you become a tougher and better person." Isa-isang tiningnan ni Mathew ang bawat mag-aaral na naroon. Gusto niyang iparating sa mga ito ang gusto niya... Ipaunawa sa mga kabataan na katulad niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pangarap. Before finishing his speech, he showed off a sincere and sweetest smile. "So, why not hold on to your dreams while attempting to live in the present for your envisioned future?" "Hey, bestie. Sure ka bang kapatid mo si Mathew?" mapagbirong tanong ni Aimee sa kaibigan. Natawa ito nang makita ang pagdilim ng mukha ni Purissa. Halatang napikon. "Mahiyain ka kasi nung high school habang si Mathew ay confident brainy with a heart," maagap na anito. Pinag-cross ni Purissa ang mga braso. Napaisip din siya kung saan ba nagmana ang kanyang kapatid? Sa mga magulang niya kaya? O kay... "Alangan naman magmana kay Kon?" Pareho silang napangiwi ni Aimee sa ideyang yun. "Girls, pinag-uusapan niyo ba ako?" Sumingit si Kon sa gitna at umakbay sa kanila. Umatras si Aimee habang si Purissa naman ay balewala ang presensya ng pinsan. Nagpatuloy lang si Purissa sa panonood sa nagsasalitang representative ng Grade 12 Humanities and Social Sciences Strand. "Bagay na bagay talaga sa akin ang police uniform ko..." Makatapos ayusin ang kwelyo ay kinapkapan nito ang sarili. "Parang may nakalimutan ata ako?" Bahagyang napailing si Purissa habang si Aimee naman ay pinipigilan ang sarili na magpaikot ng mga mata. Ito ang rason kung bakit hindi nila masabing nagmana si Mathew sa pinsan. "Kuya Kon!" tawag ni Mathew kay Kon. Halos takbuhin na nito ang espasyo sa pagitan nila. Humarap si Kon sa direksyon ni Mathew at kumaway. "Ano yun paborito kong pinsan?" "Kuya naman, bakit hindi mo sinend sa akin ang speech mo?" Tumingin ito sa mga kamay ni Kon at nang makita na wala itong hawak maliban sa panyo ay napatanong ulit ito, "Memorize mo ho ba?" Nagkatinginan si Purissa at Aimee. Nanlaki ang mga mata ni Kon nang mapagtanto kung ano ang kanyang nakalimutan. "Oh, s**t! Naiwan ko yung kodigo ko sa station." Napako sa kinatatayuan si Mathew at umawang ang mga labi sa gulat. NAKAHINGA NANG MALUWAG ang magkapatid na Lee at si Aimee nang bumaba na si Kon sa entablado at pumunta sa pwesto kung nasaan sila. Mabuti na lang talaga ay mabilis ang utak ni Mathew at nakagawa agad ng paraan para matuloy ang speech ni Kon. Ito lang naman ang mabilisan gumawa ng speech ng pinsan. Si Kon ang nag-closing remarks kaya naman ay hinintay na lang nito ang tatlo sa pag-uwi. Habang ang hinihintay sina Purissa at Aimee ay nakaupo lamang ang pinsan sa bench malapit sa guard post. "Wala naman ibang pumuporma kay Aimee, diba?" Nagsawa na lang si Mathew sa pagbilang kung ika-ilan na tanong na ito ni Kon tungkol kay Aimee. "Kung sa mga ganyan ay marami," tinatamad na sagot ni Mathew. Nagpapanggap siyang abala sa cellphone ngunit hindi pa rin makadama ang kanyang pinsan. "Sino-sino?" nagdidilim na bulalas ni Kon. Napabuntonghininga na hinarap ito ni Mathew. Bagkus na sagutin ang pinsan ay nagbigay na lang ng ibang sagot na alam niyang ikatutuwa nito. "Huwag kayong mag-alala, ni isa roon ay walang pinapansin si Ate Aimee." "Mabuti naman." Nawala ang pagkakunot ng noo nito nang makahinga nang maluwag. Umiwas ng tingin si Mathew sa pinsan. Kapatid niya ang bestfriend ng nililigawan nito kaya alam niya ang dahilan kung bakit wala man lang ini-entertain si Aimee sa mga manliligaw nito kabilang na roon si Kon. "Kuya, don't be eager to achieve your dream. Sinabi ko nga kanina na hindi masama magkaroon ng pangarap. But if you are too eager to have it, you will forget what's really the right path. You are not going to see the error in it because you are too focused. You will be blinded by it to the point that you think you will have it in the end without knowing it is not for you. That it is only breaking you. " Si Kiko na papalapit sa dalawa ay tumigil sa paglalakad. Ang mga kamay niya ay pinasok niya sa dalawang bulsa ng kanyang pantalon. He was amazed to hear those from a teenager. "Kung ganoon paano masasabing tama ang ginagawa mo?" Kon responded with a smile, even though inside, the words of Mathew were slapping him. Inaamin niyang mas mature pa si Mathew mag-isip kaysa sa kanya. Ano kaya ang nagbukas sa murang isipan nito sa tunay na mundo? "Masasabi na tama ang ginagawa mo kung masaya ka roon at nagkakaroon ng improvement sa iyo at sa pangarap mo." Tumango si Kon bago guluhin ang buhok ng pinsan na nagpasimangot sa huli. "Kahit na binabasag ako nito ay hindi pa rin ako susuko." Ngumiti nang matamis si Kon na nagpatulala kay Mathew. "Mahal ko kasi si Aimee at masaya ako kapag kasama ko siya kahit nagmumukha na akong aso sa kakasunod sa kanya. Siya lang ang katangi-tanging babae na gusto kong makasama habambuhay." Para maputol ang mabigat na atmosperang bumalot sa dalawa ay lumapit na si Kiko. Tinaas niya ang kamao na agad naman mahinang sinuntok ni Kon. "Para saan yun?" Natatawang turan ni Kon kahit pa sinakyan na niya ito. Bilang tugon ay natawa na lang din si Kiko. Kiko is also eager to see his dreams come true and is not afraid to take risks. He would not think twice about looking like a fool or using someone to win his mission. Pinili na lamang manahimik ni Mathew. Eagerness is sometimes dangerous. Ang pagkasabik sa isang bagay ay nagtutulak sa tao na gawin ang lahat makamit lang ang mithiin na gustong maabot, ikakasama man ito o ikakabuti ng iba. Saan si Kiko dadalhin ng pagkasabik niyang maabot ang kasukdulan ng mithiin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD