Chapter 8: Sadness with Longing

2030 Words
Tahimik na binigay ni Purissa ang kape kay Kiko. Nakita siyang walang ginagawa ng kanyang ina kaya siya ang naatasan na ipagtimpla ang lalaki. Kakauwi pa lang kasi ni Kiko matapos nitong mag-volunteer na samahan ang ina niya sa pagpunta sa mansyon nga mga Parisi. "Salamat," masiglang anito nang matanggap ang baso. Naibigay na ni Purissa ang kape pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa tapat ng nakaupong Kiko. Naguguluhan siya nitong tiningnan. Sa klase ng tingin na binibigay niya kay Kiko ay hindi mapigilan ng huli na kabahan. "Bakit hindi mo iniinom ang mga gamot na binili namin para sa 'yo?" walang paligoy-ligoy na puna niya. Bagaman ay nasa ilalim na pag-iisip ay nanatiling normal ang ekspresyon sa mukha ni Kiko. Alam na niya... Kailan pa siya nakahalata? Lihim niya lang ba pinapanood ang mga galaw ko? "Ah, yun..." Napakamot si Kiko sa batok habang namumula ang pisngi. "Nahihiya na kasi ako sa inyo. Alam ko kasi kung gaano kamahal ang mga yun. At saka ayos naman na ang pakiramdam ko." "Ayos na ang pakiramdam?" Gumalaw ang talukap ng mga mata ni Kiko nang mahimigan ang pagiging sarkastiko ni Purissa. Kanina pa nito napapansin na wala sa mood ang babae. Dahan-dahan si Kiko tumango. Hindi niya alam kung yuyuko ba ang ulo niya para maiwasan ang matatalim na mga mata ni Purissa o tama bang nakatingala siya rito at sinasalubong ang tingin nito. Nang makita ni Purissa na na-intimidate si Kiko sa kanya ay napatikhim siya at bahagyang umurong. Hindi niya na naman nakontrol ang sarili. Naihuhos niya ang galit sa sarili kay Kiko. Nakokonsensya kasi siya sa mga sinabi niya kay Aimee. Masyado siyang naging harsh at diretsa. Hindi na siya natuto. Sa lahat ng tao ay dito pa naman siya dapat maging gentle. Makulit man ang kaibigan niya pero mabilis itong masaktan. "Nag-aalala lang ako na mas lumala ang lagay mo," pag-amin ni Purissa. "Kung tutuusin ay hindi lang dapat gamot ang binibigay namin sa 'yo kundi maging pagsuporta na gawin mo ang advice ng doctor. Gusto mo bang pumunta tayo sa Capital City tayo? Naroon ang lahat na kinakailangan mo para makaalala muli." Walang kaalam-alam si Purissa na humigpit ang pagkakahawak ni Kiko sa baso. Mainit pa ito ngunit hindi nito alintana. Doon ito kumukuha ng lakas. "Hindi," kalmadong sagot ni Kiko ngunit ang totoo ay kabaliktaran iyun sa nararamdaman niya. "Sapat na ang ginawa niyo sa akin. Masyado na akong nakakaabala. Gagaling din ako kahit walang tests at treatment.' "Pero..." Ngumiti nang may pangkukumbinse si Kiko. "Pangako, magsasabi ako kapag kailangan ko na. Tungkol doon sa mga gamot, sumasakit lang naman ang ulo kapag pinipilit kong may maalala ngunit maliban doon ay wala na akong maramdaman pa." Base sa mukha na mayroon si Kiko ngayon ay alam ni Purissa na hindi niya ito mapipilit pa. Wala siyang magagawa kundi hintayin itong gumaling at bigyan ito ng good environment. Sa pagbalik ni Purissa sa pagkakaupo sa kabilang sofa at pagtutok sa kanyang laptop ay yun naman ang paglabas ni Mathew galing sa kwarto. Pumwesto ito sa tabi ni Kiko at seryosong nagbasa. "Mystery book?" namamanghang tanong ni Kiko. "Yes," matipid ni Mathew. Ayaw na ayaw nitong naaabala sa pagbabasa. "Wow, nakakabilib naman ang binabasa mong genre. Bagay sa 'yo. Sino naman ang writer na hinahangaan mo, Mathew?" Hindi matago sa boses ni Kiko ang kasabikan sa kanilang topic. Nakahiligan niya noon magbasa — noong mga panahon na maayos pa ang takbo ng buhay niya. Nakangiti ang mga mata na hinarap ni Mathew ang libro sa kanya at tinuro ang ibabang parte. Mula roon ay kitang-kita ni Kiko ng pangalan ng may akda. "Victoria Garcia," Kiko mumbled as his eyes fixated on the mystery book. Tumigil si Purissa sa pag-type sa keyboard ng laptop niya. Sumulyap siya dalawa upang tingnan ang librong hawak ng kapatid upang siguraduhin na mystery book lang yun at hindi pang-adult. The moment she looked at them, she saw the familiar emotions in Kiko's face. It was the same emotions her friend had every time she thought of her first love. Sadness combined with longing. MALUMANAY NA HINAWAKAN ni Don Aguinaldo ang dalawang kamay ng apo niya. "Ria, apo ko." Napatingala si Ria sa mukha ng kanyang lolo at naniningkit ang mga mata dahil sa antok na pinagmasdan niya ang kulay puti na nitong kilay at ang mga matang hindi niya maintindihan kung bakit maluha-luha. "Lo..." Para siyang nahimasmasan sa kalasingan nang tuluyan na ngang bumagsak ang mga pinipigilan nitong luha. "Patawarin mo 'ko, mahal kong apo." Sinubukan ni Don Aguinaldo na huwag siyang pumiyok at matagumpay niya itong nagawa. "Ibig sabihin..." Umawang ang bibig ni Ria. Hindi makapaniwala ang ekspresyon ng mukha na umaalis siya sa pagkakahawak ng kanyang lolo. "Lo, bakit?" Pagak siyang tumawa bago niya tinuro ang sarili. "Bakit niyo 'ko ipapakasal?!" Dala ng pagkabigla at pagkabahala ay hindi niya mapigilang magtaas ng boses. "Paniwalaan mo 'ko na para sa ikakabuti mo 'to," nangungumbinsing turan ni Don Aguinaldo. "Sa ikakabuti ko? Alam niyo po higit kaninuman na ayaw kong magpatali. Hindi ko gugustuhin makasal, ayaw kong magaya sa mga magulang ko." Ria eyed his grandfather, the person she trusted more than her parents and herself, but who ended up being the person who pushed her to the edge of the valley of her worries. Don Aguinaldo did his best to stand strong, even though his knees were getting weaker. Seeing his granddaughter's disappointed eyes was never his wish. But what can he do if marrying her off is the best thing he can do? Kilala na ni Ria ang ugali ng kanyang lolo. Kahit lumuhod at magmakawa siya ngayon sa harap nito na huwag ituloy ang plano nito ay walang saysay. May isang salita ang kanyang lolo. Gagawin nito ang anumang nakaplano lalo na kung nasa isip nito ay nakatatak nang may magandang idudulot ang gusto nitong gawin. Panghahawakan ni Don Aguinaldo ang gusto nitong paniwalaan kahit pa labag ito sa kalooban ng kanyang mga minamahal. Hindi ni Ria natiis ang kanyang lolo kaya nang makita ang ekspresyon nito ay yinakap niya ito Mabigat ang loob at naninikip ang puso na nakapulot ang kanyang mga braso sa bewang nito. Ang lolo niya ang naging sandalan niya magmula nang iwanan sila ng kanyang ama at mamatay ang mama niya. Akma pa sanang yayakap sa kanya pabalik si Don Aguinaldo subalit humakbang na siyang paatras. Hindi makatingin sa mga mata ni Don Aguinaldo n nagsalita siya, "Sana po maintindihan niyo na masama ang loob ko sa inyo ngayon, Lo. Huwag po kayong mag-alala, pagnasanay na ako sa sitwasyon ko at tumagal ay baka maintindihan ko na kayo." Hindi na nakayanan ni Don Aguinaldo na makitang talikuran siya ng apo na may masama itong loob sa kanya. Kahit alam niyang baka mas ikalala ng sitwasyon kapag nalaman nito ang totoo ay hindi na siya nagdalawang-isip na magsalita. "Hindi ko binalak na pangunahan ka, Ria apo ko," mahina niyang simula. Tumigil sa paghakbang si Ria. Hindi pa rin siya lumilingon sa kanyang lolo. "Kailangan natin i-sustain ang family share natin sa Gutierrez Construction Group of Company. Nanganganib mapunta ang lahat sa ama mo, Ria. Inunahan ko lang ang plano ng lalaking yun. Ayaw kong mawala ang lahat na pinaghirapan namin ng mama mo." "Paanong mapapasakanya ang pinaghirapan natin, Lo? Wala pa naman siyang hawak laban sa'tin." Nanginginig ang boses na sumagot si Don Aguinaldo, "Balak niyang pakasalan ang ikalawang major shareholder sa kompanya." Sa naririnig tungkol sa kanyang ama ay hindi niya pigilang magpakita ng dismasya. "Kaka-limang taon pa lang magmula nang..." Pumikit siya nang mariin. Hindi niya kayang banggitin ang salitang yun. Magpahanggang ngayon ay hindi niya pa rin tanggap ang pangyayari. "Alang-alang sa pera magpapakasal na siya? Wala ba siya katiting na respeto man lang? Saka bakit? Hindi niya nga kami nagawang panindigan," pagpapatuloy niya. Puno ng hinanakit ang kanyang boses. Galit din si Don Aguinaldo sa naging desisyon ng ama ng kanyang apo — ang asawa ng kanyang anak. Galit siyang pinabayaan nito ang mag-ina. Umalis ito noong mga panahon na naghihirap dahil sa sakit ang ina ni Ria. Umalis ito na para bang wala ito ni katiting na pagmamahal para sa dalawa. "What a bastard," Don Aguinaldo mumbled when he remembered the past. Sa naalala ay biglang tumaas ang kanyang blood pressure. Napahawak si Don Aguinaldo sa batok nang sumakit ito. Napansin agad ito ni Ria at kahit masama ang loob ay agad niyang inalalayan ang matanda. Pinagmamasdan ni Ria ang mukha ni Don Aguinaldo. Natutulog ito nang mahimbing. Kung hindi lang masama ang pakiramdam nito ay baka kanina pa niya niyuyugyog ang balikat nito para magising ito. Hindi niya matanggap na magpakasal siya para lang mapigilan ang ama niya. "Juan Miguel, kung nandito ka lang..." She did not expect that a time would come when she wanted to ask for help from her best friend. She wanted to run to him and beg him to save her. Nasaan ka na ba kasi? "Ako na ang bahala kay Lolo, Ria." Umangat ang kanyang tingin sa kanyang pinsan na tulad niya ay sa mansyon ni Don Aguinaldo nakatira. Matanda ito ng limang taon sa kanya kaya kahit nasa iisang bahay lang sila ay hindi niya masasabing malapit siya rito. "Kuya Van, may alam ka ba sa plano ni Lolo?" Umiling ito na kinabuga niya ng hangin. Maging ang pinagkakatiwalaan ng kanyang lolo pagdating sa mga desisyon nito ay walang ideya. Mukhang nagpadalos-dalos na naman ng desisyon ang lolo nila. "But trust him. Hindi ka niya ipapahamak," he said with an assuring smile. "Sure ka d'yan, Kuya?" nakangiwi niyang tanong. He showed off his dimples. "Hindi." Sa gitna ng kaguluhan sa kanyang isipan ay nagawa pa ring matawa ni Ria. Nagkaroon noon ng fiancee ang kuya niya gawa ng kanilang lolo subalit umatras ang fiancee nito. Babae rin kasi ang gusto. KINAUMAGAHAN ay maagang gumising si Ria para makausap niya si Don Aguinaldo. Sa kakamadali niya sa pagbaba sa hagdan ay muntik pa nga siyang matapilok. Malaking kabiguan ang naramdaman niya nang malaman na maagang umalis ang Don. Iniiwasan talaga siya nito. "Ayaw talaga mag-explain sa akin ni Lolo?" walang gana niyang tanong sa kanyang Kuya Van. Ginulo ni Van ang magulo na ngang buhok ng kanyang pinsan. "Hintayin mo na lang na maging ready si Lolo. Kilala mo naman yun. Kung gusto niyang magpaliwanag ay siya mismo lalapit sa 'yo. Sa ngayon, wala pa siguro siyang lakas para magpaliwanag." "Kailan siya magiging ready, Kuya? Kapag nasa harapan ko na ang unwanted and unexpected groom ko?" Malumanay itong natawa. "Baliw." Napaismid na lang si Ria na kahit bagong gising ay kumikinang na agad ang pinsan niya. Maging ang bakla nilang hardinero s***h second best friend niya na napadaan lamang ay napatulala na naman. Siya na itong patatas na naligaw lang sa pamilya ng mga mansanas. "Ikakasal ka na, Bestie?" tanong ni Xavi sa kanya pero ang mukha nito ay nakatutok kay Van na naglakad na papalayo. Kinawit niya ang kanyang kamay kay Xavi. Nagdadramang tumingala siya sa six footer na beki. "Babe, it is the right time na yata para sabihin natin kay lolo na nagpapanggap ka lang na isang bading pero ang totoo ay boyfriend kita at mahal na mahal natin ang isa't isa." From staring at Van's sexy back. Xavi slowly looked down at her. They smiled at each other. Napangiwi si Victoria nang batukan siya nito. "Si Papa Migs dapat ang pakasalan mo, hindi ako! 'Di tayo talo, girl," asik ni Xavi. "Bakit naman ako papakasalan ni Migs?" She laughed awkwardly. Nagkasalubong ang kilay ni Xavi. "Seriously? Of course, aagawin ka niya sa supposed to be fiance mo kapag nalaman niya ang sitwasyon. Mahal ka niya, remember?" Napalunok si Victoria at napaiwas ng tingin. Kung ang puso ay may pag-ibig may kakayahan ba itong patigilin ang isang mangyayari na labag sa kalooban? Ano ba ang mayroon sa pag-ibig para ito ang maging dahilan na maging epektibo ang isang sitwasyon? Hindi ba sapat ang kagustuhan lang na mamuhay nang malaya at walang nagdidikta? Sapagkat, minsan ang pag-ibig ay nagdidikta at nadidiktahan din. Kung gagamitin niya lang ang pag-ibig ng iba ay mas pipiliin niya pang mag-isa na lumaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD