Chapter 7: Fate

1468 Words
Palabas ng kanilang bakuran si Purissa nang marinig niya ang usapan ng ina at ng kanilang kapitbahay na may edad nang animnapu. "Aling Reming, may bisita po ba kayo?" tanong ng ina ni Purissa nang mapansin na abala ito sa pagpapalinis sa mga bata sa bahay nito. "Uuwi na sa wakas ang apo ko," masigla nitong tugon. It was indeed good news. Magmula nang maging magkapitbahay nito ay wala man lang ito naging kasama. Mag-isa lamang ito sa buhay sa loob ng limang taon, ni isang kamag-anak ay walang dumalaw rito. Hindi na ni Purissa napakinggan pa ang usapan ng dalawa. Sumakay na siya sa tricycle nila nakaparada para magpahatid sa La Purisima National High School. Nabitin pa sa ere ang pag-upo niya nang mapagtanto na hindi ang ama ang driver. Nalaglag ang kanyang balikat nang makita ang ama na nanggaling sa likod bahay. May dala ito na dalawang niyog. Si Mathew na kakarating lang ay nagsalita, tila'y nabasa ang kanyang iniisip. "Ate, Kuya Kiko will be our taga-hatid sundo from now on. Focus muna raw si Papa sa pagtulong kay Mama sa kainan natin." Kung ganun ay madalas niyang makakasama ni Kiko... NAPAILING SI LUCA nang tawagin siyang tsismoso ni Purissa nang magtanong siya tungkol kay Kiko... Kung kumusta naman itong kasama. "I'm not tsismoso, Purissa. Nagkataon lang talaga na nagkukwento sa akin si Aimee tungkol kay Kiko." Pinagmamasdan ni Luca si Purissa. Hindi siya sanay na may ibang lalaki na bukambibig ito. Matagal na panahon na rin magmula nang may kumuha sa atensyon ng kaibigan niya. Luca is eager to meet Kiko. He wondered what was with the man. How did he actually catch his best friend's attention? What was special about Kiko for Aimee to ship him off with Purissa? May ngisi sa labing tumigil si Aimee sa tapat ng laptop ni Purissa. "May karibal ka na, Loka-loka." Luca tilted his head. "Karibal?" Mula kay Aimee ay napunta ang mga mata ni Luca kay Purissa na inaabala ang sarili sa pag-check ng assignment ng mga estudyante. Sinasadya talaga ni Purissa na magmukhang abala para hindi na magtanong pa si Luca tungkol kay Kiko. "Oo, Loka-loka." Pinagdikit ni Aimee ang lapis at sign pen na hawak. "Nasanay kang ikaw lang ang importanteng lalaki at priority lagi ni Bestie sa buhay niya. Lahat ng atensyon niya napupunta sa 'yo. Sa super close niyo nga sa isa't isa ay napagkamalan na kayong magkasintahan. Pero ngayon na may Kiko na at nasa Italy ka na may six hours behind sa Pilipinas, ang atensyon ni Bestie ay mapupunta lang kay Kiko. Mas magiging close sila kaysa sa inyo." Pinalitan ni Aimee ang sign pen ng isa pang lapis. "Compatible, right—ay, pinatayan ako," natatawang turan ni Aimee nang bigla na lang mawala si Luca. "Kung makapagsalita ka kanina ay parang wala ako rito, ah?" malamig na komento ni Purissa. Nakaharap na si Purissa kay Aimee. Nakapamewang pa. Aimee laughed awkwardly. Before Purissa could even open her mouth to scold Aimee, Aimee ran towards the door to exit. Purissa was left alone in their not-so-large and not-so-small office, with embarrassments for her best friend. How can she face Luca after Aimee's words? HUMINTO si Aimee nang may tatlong rosas ang tumapat sa kanyang mukha. Ang mabangong pamilyar na amoy ng perfume ng lalaki ay humahalimuyak sa kanyang ilong. Naging paborito na rin niya ang amoy nito. Hindi niya matanggi na ito ay kanyang hinahanap-hanap. "Hi." Kon's voice was low and resonant. It appeared to be attractive, masculine, respectable, and dominant. Pasimpleng humawak sa pader ng silid paaralan si Aimee. Binati niya si Kon nang isang matamis na ngiti. Tinatago at tinataboy niya ang sensasyon na bumubuo sa kanyang sistema. Ang tatlong rosas, ang pabango, at ang boses ni Kon ay sapat na para panghinaan ng tuhod si Aimee. Her heart was beating crazily. It was too silly that it was beating so loudly. She was afraid that Kon might notice it. "Uy," untag ni Kon sa tulalang sinisinta. Nagitla si Aimee. Mabuti na lang ay wala nang tinik ang rosas, mahigpit niya kasi itong hinahawakan. "Ayos ka lang ba?" May pag-alala sa boses ni Kon. Hindi naging sapat ang pagtango ni Aimee. Nilapat ni Kon ang palad sa noo ng dalaga. Nang mapatunayan na wala itong lagnat ay nakahinga siya nang maluwag. "Salamat," namamaos niyang usal. Aimee is always bubbly and confident. Hilig niyang mang-asar lalo na kina Purissa at Luca subalit pagdating kay Kon ay hindi gumagana ang utak niya. Nagta-transform siya sa isang teenager na palaging natatameme sa harap ng crush. Sumilip si Kon sa relos. "Kailangan ko nang bumalik. Dumaan lang talaga ako para kamustahin ka. Nag-aalala kasi ako sa 'yo." Naalala na naman ni Aimee ang nangyari sa dumaan na gabi. Nagpanggap siyang sumakit ang ulo para makauwi agad. Ang totoo ay hindi siya komportable sa mga salitang lumabas sa bibig ni Kon — na gusto siya nito. Hindi na bago sa kanya ang narinig ngunit magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin niya alam kung paano ito matutugunan. Dumiretso siya ng tayo. Taas noo niyang sinalubong ang itim na mga mata ni Kon. "Uminom agad ako ng gamot kagabi." Tinapik niya ang braso nito. "Huwag kang mag-alala, ayos na ako." Saglit muna siyang tinitigan ni Kon at sa mga segundong yun ay nakangiti lang siya. Nang masigurado na ayos lang siya ay nagpaalam na ito. Tumanaw lamang si Aimee sa daan na tinatahak ni Kon hanggang sa mawala na ito. "Aimee," tawag ni Purissa sa kaibigan. Lumingon si Aimee kay Purissa. Luminya ang mga labi ng huli nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Aimee. Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa kanila bago muling nagsalita si Purissa. "Kung hindi ka na komportable sa nangyayari, mabuti pang tapusin mo na. Kaibigan kita pero pinsan ko rin si Constantino. Nahihirapan akong makita siyang umaasa sa 'yo, Aimee. Lalo na at alam kong hindi mo pa kayang tugunin ang nararamdaman niya." Lumapit si Purissa kay Aimee. Pinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ng dalaga. "I'm not in the position to say this, but I should be. You know better than anyone else what you really want, and that's not Kon. Stop giving him false hope. The reason you let him stay was not out of love, but out of necessity and selfishness. You are using him to escape your reality and to forget your first love." May mga luhang dumaloy sa pisngi ni Aimee. Mas lumapit si Purissa at yumakap dito. Habang humahagulgol ang kaibigan at nilalabas ang emosyon na matagal nang tinago ay naroon lang siya, nakikinig at handa maging sandalan. TUMINGIN SA MALAYO si Myles Gonza, sa pinakamataas na building na nasa harapan niya ng condominium na tinutuluyan niya. "I'm dying to see the land from above again." Narinig niya ang buntonghining ng kanyang lolo sa kabilang telepono. "You don't have any choice but to do my favor, Myles. Among our families, you are the only person I can ask to do that. " Her grandfather was one of the successful businessmen in Asia. It was really hard for him to ask for others' help. They all have their own lives to live and their beliefs are contradictory to the head of the family, which is their grandpa. They do not like the thoughts running through his head. "Haraboji, I treasure you, but it does not mean I will do that for free." He chuckled. "Then what do you wish for? I can grant or give you anything you ask for. Such as I can name the hacienda after you. " She gave a lopsided smile. "It was a good offer, but I must decline." She's leaning against the wall while holding the telephone in her right hand. "Why is that?" "What I truly desire is for you not to scold me in the future. Whatever I do, whoever it involves." Humawak sa sentido ang matanda. Kung kilalang-kilala siya ng apo niya ay ganun din siya rito. Napaka-crucial ng hinihiling ni Myles. Myles is a free spirit woman. She will do whatever she desires, get whatever she wants, and own the things by hook or crook. Lumaki itong nakukuha ang lahat ng gusto at nasusunod ang nais. It will be hard for him to decline his granddaughter. It will be his loss. "If that's my granddaughter's wish, then I shall grant it." Mas lumawak ang ngiti sa labi ni Myles. Upang hindi na magbago pa ang isip ng kanyang lolo ay binaba na niya ang tawag kalakip nito ay ang pag-save ng recording sa nangyaring usapan. She needs to save it for the future. When she was already content with the sight of buildings, she walked towards the pictures hanging on the wall. "Juan Miguel and Purissa, what a twisted fate we have."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD