Chapter 12: Soft

1137 Words
Dati matapos ni Purissa sabihin ang totoo sa ibang tao — makatapos niya ang mga ito hampasin ng katotohanan — ay hindi naman siya nakakaramdam ng kahit ano. Lalo na kung hindi naman siya sa kanila malapit. Balewala lang ang lahat. Para sa kanya ay mabilis lumipas ang sandali, makakalimutan din nila ang lahat. May isang salita siya. Lahat ng mga lumalabas sa bibig niya ay hindi niya binabawi. Pinanindigan niya ito lalo na kung alam niyang siya ang nasa tama. Hindi niya rin ugali magsalita nang mali. Ngunit ano ang nangyari sa kanya? Ano itong kanyang nadarama? Hindi niya naman si Kiko kaano-ano. Hindi kaibigan. At ni hindi niya makausap nang masinsinan para masabi niya na kahit papaano ay close sila. Kaya nagtataka siya kung bakit gusto niyang bawiin ang mga salitang kanyang nasabi kahit tama naman yun? Bakit hindi siya pinapatahimik ng puso niya at may pag-alalang bumabagabag sa kanyang dibdib? Nag-alala siyang baka dibdibin ito ni Kiko. Baka kung ano ang isipin nito... Habang namamalengke sila ay nakasunod lang si Kiko sa likod ni Purissa. Gusto niya itong lingunin. May nagtutulak sa kanya na tingnan kung ayos lang ba ito... Kung nasaktan ba niya ito? At kung ano ang reaksyon ni Kiko sa nangyari. Napalunok siya ng sarili kong laway. Tumigil siya sa paglalakad na nagpatigil din kay Kiko sa pagtutulak ng shopping cart. She is Purissa Alvarez Lee. She was a woman who was confident in everything she did in her life. She was an honest woman who was not afraid of fighting for what was true and showing what she thought. She had known herself so far. She was so sure of everything, but since that night... She became the woman she never imagined herself to be. Did her stone-cold heart already melt? Hindi niya ugaling magtiwala agad sa mga taong misteryoso. Hindi siya mabilis lumambot sa mga taong mababait lalo na sa isang estranghero. Higit sa lahat malabo sa malabo na magkagusto siya sa lalaking walang identidad. Damn this... Sa unang pagkakataon ay nanggigil siya sa sarili ko. Sa tanan ng buhay niya ay ngayon lang siya biglang nahiya at na-conscious sa mga pinagsasabi niya. Can a man really change a woman? Is he capable of causing havoc on her peaceful world? Nabigla si Kiko nang humarap siya. Muntik pa nitong mabitawan ang hawak na lata ng sardinas. His eyes. He has the same eye colors as her. How did it become so special from her point of view? Kiko, sino ka ba talaga? Nagulat man ay ngumiti pa rin si Kiko kay Purissa. Wala itong kaalam-alam na ang ngiti nito ay sapat na para kahit papaano ay pagaanin ang nakokonsensyang loob ni Purissa. At least, hindi siya galit. Muling ibinalik ni Purissa ang atensyon sa mga goods na nasa harapan niya. Bumalik sa mundo kung saan pakiramdam ng nasa paligid niya ay siya lang ang naroroon. Ang pagmasdan si Purissa ay ang tanging nagawa ni Kiko sa mga oras na yun. Masyado nang humahanga si Kiko rito na maging ang bawat pagpitik ng mga kamay nito ay sinusundan niya. Na-a-amaze siya kung paano ni Purissa hinarap ang sitwasyon nila kanina. Wala naman kasi siya dapat na ikainis sa babae. Bakit siya maiinis kung may punto naman itong wala naman talaga sa kanilang nagbago dahil simula't sapol ay hindi naman sila ganun nagkakasama. Mabuti pa ang pamilya ni Purissa ay madalas ni Kiko makasama subalit ito ay hindi. May sariling mundo ito at hindi siya roon kabilang. Ganunpaman ay hindi ibig sabihin ay susuko na siya sa misyon na binigay niya sa sarili na mapalapit dito. Mas lumaki pa nga ang kanyang motibasyon at dahilan. Habang tinutulak siya nito nang papalayo ay mas umaapoy ang kanyang pagnanais na makilala pa ito. Hindi para sa misyon kundi dahil sa nagtutulak na parte ng utak niya. He is dying to know her more. Gusto niyang maunawaan ang tumatakbo sa isipan ni Purissa at kung bakit ito ganito sa kanya. He wants to solve her beautiful mystery. Bago pa man makalayo si Purissa ay humabol na siya sa paglalakad. Sa pagkakataong ito ay sumabay na siya rito. "Gusto ko sanang bumawi sa 'yo. Can you let me?" he asked out of nowhere. Nabigla si Purissa sa tanong niya pero nagpanggap ito na walang narinig. Nagpatuloy pa rin ito sa paghahanap sa mga nakalista sa papel. Hindi sumuko si Kiko sa hindi pag-intindi sa kanya ni Purissa. Kahit magmukhang tanga ay humarang siya sa daanan nito. Purissa looked at him in disbelief. "Ano ang ginagawa mo?" pagtataray nito sa kanya. He looked away when Purissa caught him thinking of what he should say. He pouted his lips and ran his fingers through his hair. This is not the first time he is going to do this, but why is he feeling nervous? It is because he is Kiko right now and not someone who has got the confidence? He can even feel his ears getting red. This is not him. Not so for him. He was never a soft boy, but a wild one. "May naipon ako sa pagpapasada ng tricycle at pagsa-sideline..." He looked at her like a lost baby. "Is it okay if I treat you outside after this?" "Bakit mo ako..." She looked at him with clueless eyes. Hindi talaga ni Purissa maintindihan ang ugali ni Kiko, ang hilig ng lalaki gumawa ng mga bagay na hindi naman dapat? "Ililibre?" pagpapatuloy nito. "I want to be close to you and have the right to take tantrums whenever you ignore me." TUMAHIK ANG NAGKAKAGULONG board members nang pumasok ang nagmamay-ari at ang kasalukuyang Chief Executive Officer ng Guetriez Construction Group of Company. Isang director lang ang naglakas-loob na salubungin ang CEO. Binalewala nito ang pagpigil ng kasamahan nang tumayo ito. "Mr. Guetriez, you are here," namamahanghang pagbati nito. Mr. Falcon Guetriez stared at the director blankly. "Obviously," he said calmly and authoritatively. "After all, this is my company, so why wouldn't I be here?" he added, his smile lopsided. "Words were circulating within the company that you ran over to an abandoned location because there was a report of a dead young man on it." Dumiin ang pagkakapatong ni Mr. Gutierrez ng kanyang kamay sa ibabaw ng mesa. Pinanatili niyang diretso at walang bahid na anong emosyon ang kanyang mukha. "I never thought such fake news would invade my prestigious company, and you believe it, Mr. Chua. It is such a disappointment to know that. " Hindi na siya nagtaka pa kung paano nalaman ng direktor ang isang bagay na confidential at bilang lang ang dapat makaalam. Ganunpaman ay nagpanggap pa rin siyang nagulat. "The assumptions, on the other hand, were incorrect. Juan Miguel, my only legitimate heir, is still alive. Practice your bow, because the new CEO is on his way home."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD