Chapter 13: Confused

1113 Words
Nang marinig ni Purissa na mag-isa na naman si Aimee sa bahay ay hindi siya nagdalawang-isip na samahan ito. Nakasandal ang likod ni Purissa sa headboard ng kama ng kaibigan. Pinagmasdan niya si Aimee. Bagsak ang mata nito at malaki ang eyebags. Si Aimee man ang pinaka-jolly sa kanilang dalawa ay ito ang kadalasan magkaroon ng breakdown. Hindi assurance ang pagiging masayahin ng isang tao para hindi na ito makaranas ng kalungkutan. Ang masayahin ay madalas pa magtago ng pinagdaanan. They are afraid to speak because they do not want to destroy the image they created in the eyes of the public. "There are two people who may have a greater impact on your life than you realize. First, there's the one who got away but is still in your heart. Finally, there's the one you never thought would surpass the first and remain in your life despite all of your tears... The one who confused you. " Habang seryosong nagsasalita na para bang expert sa love life si Purissa ay nakikinig nang buong puso si Aimee. Tutok ang mga mata nito sa mukha niya subalit hindi nakalampas sa pansin nito ang kanyang ayos. Suot ni Purissa ang pula nitong pajama na may disenyo ng pusa. Kahit maluha-luha ay lihim si Aimee napangiti. "Cute mo," pagputol ni Aimee sa seryosong atmospera sa kanilang paligid. Umirap si Purissa bago nagpatuloy sa pagsasalita. "You are confused why he is even affecting you. Why, you could not help but appreciate his efforts. Recognize his values. You love the way he lives. You get worried every time he's not in the mood and on his own because you grow to know him as you watch him silently and you know it's not so him. " Para lang ba kay Aimee ang mga salitang lumalabas galing sa kanya? Hindi mawari kung bakit habang binibigkas niya ang mga ito ay may imahe ng lalaki ang tumatakbo sa isipan niya. Is she confused too? Pumasok sa isipan niya ang biglang pagiging tahimik ni Kiko makatapos niya itong tanggihan nang yayain siya nito na libre. Hindi lang basta pagtahimik dahil ilang araw na si Kiko walang kibo sa kanya. Sa kanya lang naman nagbago ang pakikitungo nito. Sa mga araw na lumipas ay mas napalapit si Kiko sa mga tao. Likas kasi itong pala-kaibigan. Lahat nakakausap nito at nginingitian nito maliban sa kanya. "You are also confused when you roll out in the morning, waking up from the dream of him. The butterflies he gave you, the blushes he caused you, and the smile you offered him were different from before," she continued. Binalot ni Aimee ang sarili sa kumot. Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa human sized teddy bear na bigay ni Kon. Mula sa pagkakatulog ay nagigising si Aimee mula sa panaginip na naroon si Kon. Gumising siya na may mabilis na pagkatakbo ng puso. Sa tuwing binabalikan niya ang mga alaala nilang dalawa ay automatiko siyang napapangiti. Kapag aksidenteng naglalapat ang kanilang mga balat ay para bang may kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan. Higit sa lahat ay hindi niya mapigilang pamulahan ng pisngi kapag ngumingiti ito sa kanya. Napatitig si Aimee sa mukha ng teddy bear. Ano na itong nararamdaman niya? "In some ways, he is the one who can make up your day after it is saddened by the memory of the other person in your life." Ang sinabi ni Purissa ay totoo. Nakaka-relate si Aimee. Makatapos niyang malungkot over her past ay kapag to the rescue sa kanya si Kon ay nakakalimutan niya ito. Magpahanggang ngayon kasi ay may epekto pa rin kay Aimee ang first love niya. Friend niya pa rin ito sa social media accounts niya kaya kitang-kita niya kung paano ito magpatuloy sa buhay nang wala siya at para bang wala itong niloko. Her first love fooled her. Pinaniwala siya nito na may pag-ibig sa kanilang dalawa only to find out na niligawan lamang siya ng lalaki hindi dahil sa pagmamahal kundi para asarin si Kon. Ang babaw ng dahilan nito para makagawa ng ikakasakit ng tao. Aimee and that man broke up five months ago. Sariwa pa rin sa kanya ang mga alaala na yun. Aimee's confused. Is her relationship with Kon considered cheating? Not to anyone else but herself. When you lost someone you wanted, but there is someone you take for granted. Granted... Hindi niya alam kung suitable ba itong salita sa relasyon niya kay Kon. Granted na bang matatawag kong ang presensya nito ay nagpapagaan sa mabigat niyang buhay? "Sinabi ko sa'yo noon na huwag mo paasahin si Kon. Subalit napagtanto ko na kung bakit hindi mo siya kayang ipagtabuyan." Sinuklay-suklay ni Purissa ang buhok ng kaibigan na ngayon ay nasa lap na niya nakaunan. Tumingala si Aimee sa kanya. "Ano ang napagtanto mo, bestie?" "May nararamdaman ka na kay Kon. Paunti-unti nang nagpapakita ang senyales nito na dapat noon pa man ay lumabas na," nakangiti niyang tugon. "Totoo. May mga oras na para na akong baliw kakangiti kapag naaalala ko si Kon. Pero hindi ko pa rin sasabihin sa kanya." Nakasimangot si Aimee nang maalala niya ang personalidad ni Kon. Alam niyang mas papahuligin siya nito "Bago ang lahat ay kailangan mo munang alisin sa buhay mo ang una mong kasintahan." Tumango si Aimee at ngumiti nang maaliwalas. "I will!" Akala ni Purissa ay mag-aalok na si Aimee na mag-movie marathon nang umupo ito at harapin siya. Yun kasi ang kanyang nakagawian na gawain nito. "Sino kaya ang the one who got away mo at ang taong nasa likod ng ngiti mo ngayon?" parang bata na tanong ni Aimee. "Ikaw 'tong pinag-uusapan natin dito, bakit napunta na naman sa akin?" reklamo ni Purissa. "I am a messed up girl, bestie. But you could not hide from me the confusion in your eyes. Blame your eyes kasi. You have such deep eyes na kahit sino ay nalulunod dito." "Inaano ka ng mata ko? Saka hindi ako naguguluhan. Wala naman kasing rason kung bakit," maktol ni Purissa na kinatawa ng kaibigan. "Tinitigan mo pa kasi ako kanina kaya nabasa ko ang emosyon mo na umaapaw sa mga mata mo. Hindi ka ba naguluhan kung bakit ka yinaya ni Kiko sa isang date?" "Hindi. Kung oo, bakit tinanggihan ko siya?" maagap na sagot ni Purissa. "Hindi ka ba naguguluhan na makatapos ka niyang yayain ay iniiwasan ka niya?" muling tanong ni Aimee. "Oo na, naguguluhan ako ngunit walang romance involvement doon. Hindi katulad mo." Ang tawa ni Aimee ay dumagundong sa apat na sulok ng kwarto. "That's a sign of romantic feelings, bestie. That's also according to you. You are slowly but surely falling for Mr. Stranger, s***h Mr. Kiko. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD