Chapter 4: Kiko's Impact

1080 Words
Nagising si Kiko dahil sa isang pagtama ng isang bagay sa bubong ng bahay na tinutuluyan niya. Siguro dahil sa pagod at bugbog na katawan niya ay hindi niya namalayan na nakaidlip siya. Hindi alintana ang sakit ng paa niya na tumayo siya sa kama na kanyang hinihigaan. Nang buksan niya ang pinto ng kwarto ay naabutan niyang nagkakagulo ang pamilyang Lee. Naglakad siya papalapit sa mga ito. Natigilan siya sa paglalakad nang makita niyang sumisilip ang magkapatid na Purissa at Mathew sa bintana. "Napakalakas ng hangin, Hijo," untag ni Maximo, ang padre de pamilya ng mga Lee. "Mabuti na lang ay may kisame tayo kaya hindi natin ito gaanong ramdam." Tumango siya at bahagyang tumingala sa kisame na siyang malaking bagay nga sa isang bahay. Napakapulido ng pagkakagawa nito na nagpahanga sa kanya. Simple pero iba ang dating lalo na ay binagayan ito ng puting pintura. "Ate, paano kaya yung mga walang bahay?" Mahihimigan ang kalungkutan sa boses ni Mathew. Matipid na ngumiti si Purissa para kahit papaano ay pagaanin ang loob ng kapatid. "Ipanalangin na lang natin, bunso, na may tumulong sa kanila at nawa'y nasa mabuti silang kalagayan." Lumapit si Emma sa dalawang anak. Pumagitna ito at kinulong ang magkapatid sa isang mainit na yakap. May humaplos sa puso ni Kiko sa tanawin na yun. Pamilya… Pamilya ay ang tunay na kahulugan ng tahanan para kay Kiko. Hindi mahalaga kung malaki o maliit ang bahay dahil sa klase ng samahan ng pamilya ang tanging dahilan kung bakit ito nagiging tahanan. Tahanan na anumang mangyari ay masisilungan. Tahanan kung saan ay safe at protektado ang miyembro. "Hijo, gusto mo ba ng gatas? Ipagtimpla kita para makatulog ka ulit nang mahimbing." "Tito…" Napalunok si Kiko, may kung anong bumara sa kanyang lalamunan at nagpapainit sa kanyang mga mata. "Ayos lang po ako," pilit niyang sinaayos ang pagbigkas ng bawat salita, napagtagumpayan niya iyon nang hindi siya mautal. "Huwag kang mahiya, Hijo. Nang tumapak ka sa bahay namin ay naging parte ka na ng pamilya." Ngumiti ito bago ipinagpatuloy ang sinasabi, "Kabilang ka na sa amin, Kiko. Anak na rin kita." Napaisip si Kiko kung ano na bang ginagawa ng sarili niyang pamilya… kung nag-aalala ba ang mga ito at hinahanap din siya? Pakiramdam niya ay may matagal ng tinik sa puso niya… matagal na siyang nangungulila sa pamilya. Pasimpleng pinahid ni Kiko ang luha na tumakas sa kanyang mata nang tumalikod na si Maximo upang ipagtimpla siya ng gatas. Pinagmasdan niya isa-isa ang bawat miyembro ng pamilyang Lee hanggang sa nagkatagpo ang mga mata nila ni Purissa. He gave Purissa a friendly smile. Purissa is uneasy with that smile. She has no idea how a smile can make her heart race so fast. Is she ill? Why is she so tense? What irritates her even more is that Kiko was unaware of his effect on her, especially since the guy also smiled at her brother with the same intensity. Kiko was unaware of the confusion in Purissa. He was preoccupied with making a promise to himself. From this day and until the day he dies, he promises God that he, Kiko, will love and protect this family. Walang sinuman ang makakapanakit sa mga ito. MALALIM NA BUMUNTONGHININGA si Purissa. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapakali. Kumalma na ang panahon ngunit siya lalo na ang kanyang puso ay hindi pa. Kanina pa naglilikot ang mga daliri niyang may nakaipit na ballpen. Paminsan-minsan ay napapakagat na rin siya sa kanyang labi. "Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin?" bulong niya sa sarili. Tumingala siya sa salamin na nasa harapan niya. Napakamot siya sa kanyang kilay nang makitang sobrang lalim ng mga mata niya. Halatang hindi siya nakatulog nang magdamag. Hindi lang ang eyebags ang kinaiinisan niya maging ang mga blankong papel na nagkalat sa kanyang mesa na dapat sana ay scratch niya sa kanyang lesson plan. Oo, wala man lang siya nagawa kahit isa. Tulala lang siya magdamag. "Loko…" Lumaki ang mga mata niyang naniningkit dahil sa puyat. "Don't tell me na nagka-crush ako sa lalaking yun?!" pasigaw niyang bulong habang nakatulala sa salamin. Nang mapagtanto ang sinabi ay pagak siyang natawa. "Impossible 'yun. Epekto lang siguro 'to nang pag-inom ko ng kape na barako." Kumbinsido na tumango si Purissa. Alas-singko pa lang ng madaling araw ay gising na mga tao sa bahay nila. Masakit man ang ulo ay lumabas na si Purissa sa kanyang silid. Araw ng sabado at wala siyang klase ngunit hindi rin ito araw ng pahinga. Maraming iniwan na bagsak na puno at mga dahon ang bagyong Kiko sa labas ng kanilang bahay. Mabuti na lang talaga ay may maliit silang solar kaya kahit nawalan ng kuryente ay may ilaw pa rin sila at makakapag-charge pa ng cellphones. Subalit ano nga ba ang magiging silbi ng cellphone nila kung wala naman signal o internet connection? Panigurado ay nag-aalala na si Luca at ang pamilya nito. Kahit bihira nang manatili sa La Purisima ay may mansyon pa rin na mauuwian ang pamilyang Parisi rito. Napakabuti ng mga puso nito kaya ay napakalapit nito sa mga tao. Mabigat ang loob na kinuha niya ang suklay sa isang sulok. Magiging mahaba ang araw na ito para sa mga mamamayan na naapektuhan ng bagyo. "Nakakainis ang Kikong 'yun," wala sa sariling bulalas niya habang nagsusuklay ng buhok. Sakto naman ang paglabas ni Kiko sa silid ni Mathew na pansamantalang tinutuluyan nito. "Nakakainis ako?" Inosenteng tinuro ni Kiko ang sarili. Walang ideya kung ano ang nagawa niya sa babae — kung bakit ito ay naiinis sa kanya. Mabilis na umiling si Purissa. Biglang nahiya. "H–Hindi ikaw. Ang Bagyong Kiko ang tinutukoy ko." Kinagat ni Purissa ang ibabang labi nang napagtanto niya na nautal siya. Naninibago na talaga siya sa kanyang sarili. Mula sa mata ni Purissa ay bumaba ang paningin ni Kiko sa labi ni Purissa. Bago pa tumigil ang mga mata niya rito ay agad na siyang tumalikod. Tumawa siya nang mahina. "Tulungan ko muna si Tita na magluto!" Bago pa man si Purissa makasagot ay nagmamadali na ang lalaki na pumunta sa kusina. Nagtaka man si Purissa sa inasal ni Kiko ay pinagwalang bahala na lang niya ito. Inisip na lang niya na nahihiya pa ang lalaki sa kanya at baka na-awkward ito katulad niya. Kung may dapat silang matutunan na dalawa ay ang masanay sa presensya ng isa't-isa dahil walang nakakaalam kung hanggang kailan mananatili si Kiko at kung ano nga ba ang mangyayari sa hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD