Chapter 5: Special Someone

1239 Words
"Mga pasaway." Pigil ang ngiti ni Purissa nang kumaway si Kiko sa kapatid niyang si Mathew. Sumama ang lalaki sa paghatid sa kanilang magkapatid sa school nila, si Mathew para mag-aral at siya para magturo. Ang nakangiting mukha ni Mathew ay napalitan ng pagkaseryoso nang makita nito ang mga barkada. Ang atensyon nito ay tinutok na lang sa libro na hawak at nagpatuloy na sa paglalakad — nagpapanggap na walang kaibigan na nakita. Napailing si Purissa sa inakto ng kapatid. Ano na naman kaya ang nakain ng moody na si Mathew? Kung gaano ito ka-jolly sa bahay nila ay ganun din naman ito kaseryoso sa eskwelahan. Hinayaan na lang niya ang kapatid. Mamaya na lang niya ito pagsasabihan. Hindi siya makaalis sa gate dahil may hinihintay pa siya. Mula sa hindi kalayuan sa pwesto niya ay binalik niya ang paningin sa Papa niya at kay Kiko na nakikipagkwentuhan pa sa mga tricycle driver. "Hindi na 'yan dahil sa kapeng barako, bessy. Crush mo na ang hottie na 'yun!" "Aimee!" saway ni Purissa sa kakarating palang na kaibigan. "Dapat talaga ay hindi ko na lang sinabi sa 'yo ang nangyari sa akin tuloy ay kung ano-ano na naman ang pumapasok sa malikot mong isipan." Umikot ang mga mata ni Aime. "Kahit hindi mo yun kinuwento sa akin ay mahahalata at malalaman ko pa rin na crush mo na talaga siya, Purissa Lee! For your own information, matagal na kitang kaibigan kaya alam ko ang mga simple mong galawan. Kung makatitig ka kay Kiko ay nakakatunaw. Yung tipo na para kang manunuklaw—" Hindi na makakayanan pa ni Purissa ang marinig ang mga susunod na salita ng kaibigan. Nilagyan niya ng buo na pandesal ang bunganga ni Aimee na nagpatigil sa pagsasalita nito. Ngunit ang kaibigan talaga niya ay si Aimee Yup, hindi ito nagpatinag sa pandesal. Matapos nitong mabilis na nguyain at lunukin ang pagkain ay nagpatuloy ito. Bahagya pang lumayo para hindi niya maabot. "Look, bestie. Huwag ka nang mag-in denial. Normal lang naman na humanga sa isang makisig na binata. Saka sa ugali naman niya na katangi-tangi ay hindi na talaga ako magtataka na nagka-crush ka sa kanya. Alam ko kasi na mas trip mo yung mababait, good boy ika nga." "Hindi ba ay masiyado namang maaga para humanga ako sa kanya?" Napatampal si Aimee sa noo. "Ang paghanga ay hindi nangangailangan nang mahabang panahon. May makasalubong ka lang sa daan na gwapo at sinundan mo ng tingin hanggang sa mawala o kaya naman ay may marinig kang magandang boses na kumakanta at pinakinggan mo ito hanggang matapos ay paghanga na ang mga yun. Nagka-crush ka na." "Alam mong hindi ako ganun..." "I know and hindi rin yun ang point ko. Hindi rito mahalaga na nalaman ko na crush mo siya. Ang point dito ay hanggang kailan mo 'yan mararamdaman, Purissa Lee? Saan ka dadalhin ng paghanga na 'yan? "May paghanga kasi na mabilis mangyari pero mabilis din matapos subalit may paghanga rin na mabilis mangyari pero hindi matapos-tapos. Sa tingin mo, saan ka sa dalawa?" "Kung paghanga nga itong nararamdaman ko, sigurado ako na matatapos ito agad, Aimee," mabilis na sagot ni Purissa. Pinatitigan ni Aimee ang kaibigan. "Paano mo nasabi? Eh, nasa iisang bahay lang kayo tumutuloy. Araw-araw mo siyang makikita sa ayaw o gusto mo. Hindi mo siya maiiwasan." "Dahil isa siyang estranghero. Ilang araw pa lang ang lumilipas magmula nang makita namin siya. Sa loob ng mga araw na yun ay walang pagbabago sa kanya. Kahit tinatawag na namin siyang Kiko ay para sa akin ay nanatili siyang hindi ko kilala. Ang paghanga sa isang estranghero ay hindi permanente lalo na kung malayo pala siya sa inaasahan ko." " He's a stranger, yes. You have a point that your crush on him might be temporary because you do not truly know him yet. But did you not consider that a moment would come when it might be a reason for you to like him more? I am afraid, bestie. I am afraid na baka umusbong pa ang nararamdaman mo sa isang tao na walang kasiguraduhan na wala pang minamahal na iba. Kaya mas mabuti pang alam mo na kung ano ang nararamdaman mo habang maaga pa para may tiyansang makontrol mo ito." Napabuntonghininga si Purissa. Sumulyap siya kay Kiko. Ganun na lang ang pagtambol ng kanyang puso nang lumingon din ito sa kanya. Napalunok siya sa sariling laway. Umiwas siya ng tingin kay Kiko at saglit na mariin na pumikit. "Let's go, Aimee." "Hindi pa tayo tapos mag-usap," nakangusong sagot nito. Nanginginig ang mga daliri na hinawakan niya ang braso ng kaibigan. Ang pagkakanguso ni Aimee ay napalitan ng ngisi nang mapagtanto ang nangyayari. Kilalang-kilala niya ang kaibigan. Alam niyang naninibago ito sa nararamdaman. Ito ay naguguluhan o kaya ay nalilito sa pagbabago nito sa sarili. "Bilisan na natin. Marami pa tayong lilinisin," palusot ni Purissa. "Oo nga pala. Kaya ayaw na ayaw ko na nagiging masama ang panahon, eh. Stress na naman tayo sa mga lilinisin." Sumukong nagpadala si Aimee sa paghila sa kanya ni Purissa papasok sa campus. Bago pa man sila tuluyan makapasok ay malumanay ang mga mata na muling lumingon si Purissa. Ano ba itong natagpuan niya kay Kiko? Bakit ngayon pa siya nagkaganito? Hindi na siya bata para hindi malaman ang nangyayari sa kanya ngunit bakit sa lahat ng lalaki ay ito pa? Bakit sa lalaki pa na wala siyang pag-asa? Hinihiling niya talaga na wala lang ang nararamdaman niya — na sana'y nabibigla lang siya. Mawawala rin 'to, daanan lang at hindi mananatili. "PASENSYA KA na sa panganay ko, Kiko." "Po?" Sa gilid ng mata ni Maximo ay nakita niya ang kaguluhan sa mukha ni Kiko. Hawak ang manibela at ang paningin ay nasa kalsada siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi lingid sa kaalaman namin na nasusupladahan ka minsan ni Purissa o 'di kaya naman ay umaakto ito na wala ka sa paligid. Sana ay maunawaan mo siya, Hijo. Sinisiguro ko sa 'yo na mabait naman ang anak ko." May sumilip na ngiti sa labi ni Kiko nang maunawaan ang gusto nitong sabihin. "Huwag po kayong mag-alala, Tito. Naiintindihan ko naman po na hindi pa siya sanay sa presensya ko. Saka po ay nakikita ko naman po na mabuti ang loob ng anak niyo higit kaninuman," taas noo niyang tugon. "Malay niyo rin po ay maging mag-best friend pa kami," biro niya. Nagulat si Kiko nang humalakhak ang matanda. "Aabangan ko 'yan." Kahit na hindi nakikita ni Maximo ay tumango pa rin si Kiko. "Sa totoo lang po ay magaan ang loob ko sa kanya," walang pagdadalawang-isip niyang pag-amin. "Siguro po ay sa kadahilanan na siya ang unang nakakita sa akin." Kiko's black eyes twinkled as he remembered the first time he met Purissa. Even though he is weak at the time, he can clearly feel her presence, and even though his eyes are closed, he knows she is looking at him. She was there for him when he needed someone the most. She appeared just when he thought no one would come to his aid. She entered his life unnoticed, yet it had a big impact on him. She suddenly engulfed something in his heart. Purissa Lee is his special someone. He cannot afford to pass up the opportunity to be close to her and get to know her better. She can ignore his presence, but he's not going to stop pursuing her... or gaining her trust.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD