Chapter 3: Typhoon Kiko

1139 Words
"Natural ba 'yan?" Tumigil sa pagtitig si Purissa sa kanyang laptop nang magsalita ang nasa kabilang dulo ng lamesa. Nang inangat niya ang ulo para tingnan ang lalaki ay pinagsisihan niya iyon. Masyado siyang nakapokus sa paggawa ng lesson plan kaya hindi niya napagtantong kanina pa ito nakatitig sa kanya. Hindi man lamang kumurap nang magpakita siya ng pagkailang. Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito. "Ang alin?" tanong niya nang hindi sinasalubong ang mga mata nito. "Every detail about you," halos pabulong na sagot ng estranghero na kanina lang ay nag-aagaw buhay nilang niligtas. "Pardon?" Biglang natawa si Purissa. Joke lang yun, diba? Nang good time lang para huwag palayasin, isip-isip niya. Natigil ang kanyang pagtawa nang hindi man lamang iniwas ng lalaki ang paningin nito. Confident nitong hindi inaalis ang mga mata sa kanya — confident sa sarili na ito ay nagsasabi nang totoo. Now that he is near to her and the lights are so bright, she cannot help but notice him. He looks more like a knight than a prince with those bruises on his face. His eyes are black; he has thick eyebrows; a pointed nose; a perfect jawline; and naturally red lips. He is 5'10 and has a well-built body. He is the kind of manly and sexy man that has bad boy looks because of the bandages he had, but with his eyes, everyone can tell he has a soft heart that almost every girl dreams of having, but not Purissa. She will not deny that he is gifted, but she will not buy it. Alam na alam na kasi niya na ang mga may mga ganitong itsura ay makamandag na nagpapadelikado rito na hawakan. Paano niya nasabi? Mayroon siyang pinsan na loko-loko na nag-eexist sa mundo at magpapatunay nito. Hindi naman niya nilalahat. May mga matitino pa rin namang mga lalaki at isa na roon ang best friend niyang si Luca na ang atensyon lang ay nakapokus sa pamilya at restaurant nito. Hindi lang talaga niya mapigilang mang-judge na alam naman niyang hindi maganda dahil hindi niya ito kilalang tunay. Wala rin siyang kaalam-alam sa kwento nito sa buhay. "May naisip na akong pangalan." Mula sa arko ng kusina ay parang batang sumilip muna si Mathew bago umupo sa tabi niya. Napabuntonghininga siya nang makita ang seryoso nitong mukha. Nilamon siya ng kuryusidad kung ano ang laman ng isip nito. Kilala niya kasi ang nag-iisa at nakakabata niyang kapatid, seryoso ito sa buhay pero kapag makaisip ng kalokohan paminsan-minsan ay sagad. "Ako ang mama niyo, Mathew. Kaya ako ang magpapangalan sa kanya." Napangiwi si Mathew nang pabirong kinurot siya ng kanilang mama sa tagiliran makatapos nitong ngitian nang sobrang lapad ang estranghero na kinukupkop nila. Masaya namang binalik ng lalaki ang ngiti ng ginang. Malayo sa iniisip ni Purissa at ng kanyang papa ang nangyari pag-uwi nila. Akala nila ay mapapagalitan sila ni Emma — ang kanilang ilaw ng tahanan — nang ikuwento nila ang rason kung bakit sila umuwi na nang madaling araw subalit kabaliktaran ang naging reaksyon nito nang makita ang lalaki. Naging mabait agad si Emma rito at agad na inasikaso. "Ma, lahat naman ng tao ay may pangalan kaya hindi na kailangan na bigyan niyo pa siya ng bago." Natigil si Purissa sa pagsasalita nang panlakihan siya ng ina ng mga mata. Naging harsh ba ako? Napakagat-labi si Purissa bago nahihiyang lumingon sa binata. Wala sa kanya ang atensyon nito kundi nasa kay Mathew. Base sa mga mata nito ay nakita niya ang kasabikan na marinig ang pangalan na ihahain ng kanyang kapatid. Muli siyang napaiwas ng tingin. Binalik na lang niya ang tingin sa kanyang laptop at doon tumulala. May pagkakataon talagang mas magandang itikom na lang niya ang bibig. Kahit kailan talaga ay hindi sumasabay ang salita niya sa gustong sabihin ng kanyang puso. Hindi talaga siya kailanman gagaling sa pagpapakita ng tunay na nararamdaman. She really does not know how to properly express herself. "Kiko." Nang marinig ang pangalan na yun ay parang may malaking mga letra na bumubuo sa Kiko ang nag-appear sa kanyang screen. Bigla na lang din lumitaw ang mukha ng lalaking estranghero na ngayon ay may pangalan na. IT IS A RAINY MORNING. Ang malas ng araw na ito para kay Purissa. Araw ng Biyernes, ang huling araw ng klase niya ngayong week ay masaganang inulan pa. Hindi lang basta ulan dahil bigla na lang nagkaroon ng weather forecast. Hindi niya alam kung bakit ngayon niya lang nabalitaan na may bagyo palang papalapit sa kanilang probinsya. Ang mga plano niya para sa klase — ang mga aktibidad na hinanda niya ay nasayang dahil sa bagyo. "Magandang umaga, Pilipinas. Ako po si Kara Baltazar, ang inyong lingkod. May dala po akong update tungkol sa paparating na Bagyong Kiko na may international name na—" Hindi niya na napagtuunan ng pansin ang balita dahil tahimik na dumaan sa harapan niya ang kanyang kapatid. Nakabuntot dito ang lalaking dinala nila ng ama sa kanilang bahay. Hindi niya nilubayan ng tingin ang dalawa hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa kusina. Ang araw niya ay nasira dahil kay Bagyong Kiko. Bahagyang umangat ang kanyang kilay nang muling lumabas si Kiko. "Hi." Aakalain ng iba na dahil sa ngiti na nakaplaster sa mukha nito ay matagal na silang magkakilala. "Kain na raw sabi ni Tita," anito. She helplessly nodded her head. Hindi niya alam kung ano ba ang trip ngayon ng pamilya niya. Hindi naman sobrang lawak ng bahay nila o malayo ang distansya ng kusina sa sala para mag-utos pa ang mga ito na tawagin siya. Dati naman kasi ay sumigaw lang ang mama niya na kakain na ay okay na. Tahimik na lamang siyang tumayo at nagpatiuna sa pagpasok sa kusina. Ramdam niya ang malalalim na titig sa kanya ni Kiko na naglalakad sa kanyang likod. "May masakit pa ba sa 'yo, Hijo?" bungad na tanong ni Emma kay Kiko. Magpahanggang ngayon kasi ay bakas na bakas pa ang mga napagdaan na paghihirap ng lalaki. Nakakaramdam silang lahat ng awa at kuryusidad kung ano nga ba ang tunay na nangyari rito. Subalit ay wala silang magawa kundi ay kimkimin na lamang ang mga nadarama. Sa biglaang pagtigil ni Purissa sa paglalakad ay may matipunong katawan ang tumama sa likod niya. Sakto namang hindi sinasadyang nasiko niya ang sikmura nito. Narinig niya ang mahina nitong pagdaing na ikinalingon niya. Nakangiwing umatras si Kiko nang makasalubong niya ang matatalim na mga mata ng dalagang sumagip sa kanya kagabi. Bagaman ay may katangkaran ay katamtaman lamang ang lapad ng katawan ni Purissa kaya hindi mapag-alaman ni Kiko kung bakit ganun na lang ito kalakas. "Sorry," Purissa uttered, without sincerity in her voice. She was too distracted to let her heart speak. Her mind was in too much of a mess when her eyes met his.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD