Chapter 6: Under the Moonshine

2173 Words
"Hi," bati ni Kiko kay Purissa. Naniningkit ang mga mata dahil sa tamis at lapad na pagkakangiti nito sa babae. Muntik nang malaglag ni Purissa ang payong sa pagkagulat. Mabuti na lang ay mabilis niyang napagalitan ang sarili at napakalma. Sino nga ba ang gugustuhin na mag-over react kung ang kaibigan niyang si Aimee ay tutok na tutok sa kanilang dalawa ni Kiko? Kahit paggalaw ng kanyang pilikmata ay sinusundan nito nang may nakakalokong ngiti sa labi. "Nasaan si Papa?" Hindi niya mapigilang magpakita ng disappointment sa kanyang boses. Mukhang naramdaman ito ng kaibigan dahil palihim siya nitong siniko. "Hello!" Maagap na nilahad ni Aimee ang kanang palad sa kaharap. "I'm Aimee, Purissa's best friend." Bakas man ang pagkahiya kay Kiko dahil hindi nakalampas sa kanya ang pagkadisgusto kay Purissa nang siya ang makita ay pinilit niya pa ri niyang ngumiti kay Aimee. "Kiko." Hindi na hinintay pa ni Aimee na makalapit ang kamay ni Kiko sa kanya. Siya na mismo ang humuli sa kamay nito at nakipagkamay. "I've heard a lot about you," makahulugan aniya. May kaguluhan ang dumaan sa mukha ni Kiko. Aimee slightly chuckled. "Nagkwento sa'kin si Purissa tungkol sa nangyari sa 'yo. I hope you get well soon." The moment Aimee let go of Kiko's hand—she would not going to let go of if not only Purissa fake a cough—Kiko shyly scratched the back of his neck before he responded. "Thank you, Aimee. And it's nice to meet you." Nang nagpaalam muna si Kiko upang samahan si Mathew na kumakain sa may push cart na nagtitinda ng street foods ay malaya nang pinagalitan ni Purissa ang kaibigan. "What was that? Grabe naman yung paghawak mo sa kanya. May papisil pa talaga, Aimee." "Selos ka?" nakangising turan ni Aimee. "Charot!" bawi nito nang tumalim ang tingin ni Purissa. Ang pilya nitong ngiti ay nawala. Napalitan ito ng pagkaseryoso. "Bes," may kung ano sa tono ng boses ni Aimee. Hinawakan pa nito ang laylayan ng damit ni Purissa. Sa nakitang pagbabago sa ekspresyon sa kaibigan ay nagkaroon ng pag-alalala kay Purissa. "Pansin mo rin bang masyadong expensive kung magsalita si Kiko?" bulong nito sa kanya. Nakuha ni Purissa ang ibig sabihin ng kaibigan. Hinila niya ito papunta sa gilid at pasimpleng sumulyap sa dalawang lalaki. "Yes, I've noticed. Maging ang pagsalita niya ng tagalog ay may something." Bumuka ang bibig ni Aimee para sumagot sa kaibigan. Bago pa man ito makabigkas ng salita ay napatili na ito nang masaksihan ng dalawang mga mata ang pagtumba ng matandang guwardiya sa sementong daan. "Manong Gacilio!" Mabilis na lumapit si Purissa at agad na tiningnan ang kalagayan ng matanda. Si Aimee na nabigla sa nakita ay segundong natulala. Nang makabawi ay agad din itong tumabi sa kaibigan na ngayon ay pinupulsuhan na si Manong Gacilio. "Masyadong mabagal ang pulso niya," may pangamba na imporma ni Purissa sa katabi. Balak na sana niyang tawagin ang kapatid at si Kiko pero bago pa man niya yun ay nakalapit na ang mga ito. Walang pagdadalawang-isip na kinarga ni Kiko ang matanda. Halos itakbo na ito papasok sa loob ng tricycle. Sa motor sumakay si Mathew at Purissa habang si Aimee ay sa loob ng side ng tricycle. May kapatid itong nurse kaya may alam ito sa first aid. Kinakailangan din ng komportableng espasyo ni Mang Gacilio kaya si Aimee na lang ang kasama nito. Purissa eyes landed on Kiko's broad back. While she was stunned and panicking, he remained calm and composed. Hanga sjya mabilis nitong pagkilos sa kabila ng injuries na iniinda pa rin nito. Kiko responded more fastly than them. NAKAHINGA NANG maluwag silang lahat nang marinig ang sinabi ng Doctor matapos nitong tingnan si Manong Gacilio. Kailangan lang daw ng matanda ng mahabang pahinga. Masyado raw kasi nitong inaabuso ang sarili nitong mga nakalipas na araw. However, if may be a good news to them but to Manong Gacilio, it was not. Malungkot ang mga mata nito. Iniisip kung paano ang pang-araw-araw ng pamilya niya kung magpapahinga siya. Mag-day off nga lang siya ay malaki na ang nawawalang opportunity ngayon pa kayang ilang Linggo siya rini-require magpahinga? Hindi niya makakayanan ang umupo lang at panoorin ang pamilya na nagugutom. Umalis na ang doktor ngunit hindi pa rin nagsasalita si Manong Gacilio. Sa harap niya ang dalawang guro na kapansin-pansin ang pag-aalala sa mukha. Alam kasi ng mga ito ang iniisip ng matanda. Hindi man nila aminin ay sa kaibuturan ng puso nila ay naiintindihan nila ito. Para sa mga katulad nila na paghihirapan muna ang lahat bago makuha ay ang simpleng pahinga ay malaking bagay na. Malaking kawalan na. Their time are important, and even seconds are counted. Minsan nga ay hindi pa sapat, kailangan pang lumuha ng dugo. It was too harsh but that's the reality for them. "Papa!" Ang katahimikan ay naputol nang isang malakas na boses ang nag-echo sa apat na sulok ng pampublikong silid. Maging ang iba pang pasyente ay napatingin sa pinanggalingan ng boses. Isang dalagita ang halos madapa na sa katatakbo makayakap lang sa ama. Sa likod nito ay ang isang ginang na maluha-luha na rin. Nagkatinginan sina Purissa at Aimee bago tahimik na lumabas sa silid na yun. Sinalubong ni Manong Gacilio ng yakap ang anak at ang asawa. Gulat man sa pagdating ng mga ito ay mas nanaig pa rin ang pangungulila sa puso niya. "Pa, sabi ko naman po sa'yo na huwag mong bugbugin ang sarili mo. Ayos naman po kami. Paano kung may nangyari sa'yo nang masama sa pagkakabagsak mo? Papa naman. Alam mo namang mas mahalaga ka sa'min kaysa sa mga pera na yan, diba?" Napangiti si Purissa sa sarili bago nagpatuloy sa paglalakad. Sometimes people think that money was everything but that's not true. Mahalaga ang pera pero mas mahalaga ang kalusugan. What are you going to do with your money if your health was also at stake? It going to be wasted. Mapupunta lang sa wala. Walang kapalit ang buhay kapag nawala. Hindi na mababawi pa kumpara sa pera. Kaya kailangan din ingatan ng tao ang sarili. Kailangan na huwag abusuhin at sagarin. Nakasalubong nila ni Aimee sa pasilyo ang pinsan niyang si Kon. Ito ang napakiusapan nilang dalawa na sunduin ang asawa at anak ni Manong Gacilio. Sa unang pagkakataon ay nawala ang pagkairita ni Aimee sa tuwing nakikita si Kon. Pinili pa nitong magpaiwan kay Purissa at nagpahatid na lamang sa lalaki. Gusto rin kasi niya itong makausap at ilibre ng street foods bilang pasasalamat. Nang marinig ang plano ni Aimee ay walang kapantay ang tuwang naramdaman ni Kon. Sa wakas kasi matapos ang ilang taon na pangungulit at panliligaw ay napansin na rin siya ng kanyang long time beloved. PIGIL ANG HININGA NI CONSTANTINO nang mas lumapit ang mukha ni Aimee sa kanya. Nanigas siya sa kinatatayuan nang lumapat ang hinlalaki nito sa labi niya. Nag-pause sa kanya lahat kasama na roon ang galaw ng mga tao na nasa paligid. Ang atensiyon niya ay nakatutok lang sa babae na matagal na niyang pinangarap at pinapangarap pa magpahanggang ngayon. Matagal na siyang nanliligaw sa dalaga. Sa sobrang tagal ay ang mga katrabaho niyang kasabayan niya noon sa panliligaw sa mga nagugustuhan nila ay nagkatuluyan at nagka-asawa na. Bagaman kahit umabot pa hanggang sa pumuti ang buhok niya ang panliligaw niya kay Aimee ay hindi siya susuko. Hihintayin niya ang dalaga. At kahit saanman pumunta si Aimee — kahit sa empyerno pa — ay hindi siya magsasawang samahan ito. Ika nga ng iba follow your dreams. "Kon," matigas na tawag ni Aimee sa kanya. Napakurap siya at nagdadalawang-isip na tinuro ang sarili. "Natulala ka. Ayos ka lang ba?" Nang mapagtanto ang nangyari ay nahihiyang tumawa siya at tumango. Aimee's actions were misunderstood by Kon. While Aimee was thinking it was nothing at all, no malice and such, Kon was thinking they were about to kiss. Aimee sighed in relief. Tinapon nito ang tissue paper na ginamit nang punasan nito ang sauce na nasa labi ni Kon. Para kasing bata na kumain ng kwek-kwek ang lalaki; kumalat ang sauce sa gilid ng labi nito a dahil pinagtitinginan na sila ay hindi nakatiis si Aimee kundi punasan ang lalaki. Tinuro ni Kon ang bata na palakad-lakad sa harapan nila, may bitbit itong basket at sampaguita sa kamay. "Gusto mo ng penoy?" Lumawak ang ngiti ni Aimee. "Paborito ko 'yan kaya syempre gusto ko! Ikaw gusto mo ng balut?" "Ikaw ang gusto ko," biro niya. Saglit na nawala ang ngiti sa labi ni Aimee. Tinitigan siya nito. She was serious, and he could not read her emotions. Nang bumalik ang ngiti ni Aimee ay may pumiga sa puso niya. Bumalik muli ang sigla ni Aimee. Umakto ito na walang narinig na mga salita galing sa bibig ni Kon. "Paulit-ulit kitang gugustuhin at pipiliin kahit pa pinaparamdam mo sa akin na wala akong pag-asa kahit katiting," bulong niya nang talikuran siya ni Aimee. Under the moonshine, Kon wished for a moment to come when Aimee would not see him as her best friend's cousin but as a man... as her lover. MAG-ISA SI PURISSA NA tinahak ang daan papunta sa parking lot. Naabutan niyang nakasandal si Kiko sa tricycle habang ang kapatid niya ay nakatulog na sa loob. Seryoso siyang lumapit sa lalaki. Matapang nitong sinalubong ang kanyang mga mata. Hinihintay ang kanyang sasabihin. "Thank you," it was brief and short but Purissa's voice was full of emotions. It was not that loud but Kiko clearly heard those words which made him smile in sincerity. Ilang segundong katahimikan ang dumaan bago muling nagsalita si Purissa. Pinipilit niyang magkaroon ng conversation kay Kiko kahit maikli lang. Makabawi man lang siya sa pagsusuplada niya rito. "About Manong Gacilio..." Nangangapa sa sasabihin na napatigil siya saglit. "Pahinga lang at pag-iwas ng stress ang kailangan para maging healthy ulit siya." "Good to know," may ngiti pa rin na sagot ni Kiko. May humaplos sa puso ng lalaki nang makita ang pamumula dahil sa hiya ang pisngi ng dalaga. He was touch that she was doing her best to talk to him. He know it was not easy. Kiko thinks that her effort to personally thanked him was more than enough. Magaan ni Kiko na pinatong ang kamay sa tuktok ng ulo ni Purissa. Bahagya niyang ginulo ang buhok nito. His sudden action stunned Purissa. She stares at him with so much confusion. She was really confused why she liked what he just did. Tumunog ang cellphone ni Purissa kaya agad naputol ang titigan nilang dalawa ni Kiko. Ilang hakbang na lumayo ang dalaga bago sinagot ang tawag. "Luca." Kumunot ang noo ni Kiko nang marinig ang pagbigkas ng dalaga sa pangalan ng kausap. Ibang-iba ang tono ng boses nito kumpara sa nakagawian niya nitong lumipas na mga araw. Masyadong banayad at malambing ang boses nito ngayon. Napaisip tuloy si Kiko na baka sa kanya lang malamig makipag-usap ang dalaga. "Woah, you gonna help them?" tuwang-tuwa ani Purissa. Makatapos niyang ikwento ang nangyari ay nag-alok ng tulong sI Luca. "Yes. I'll ask my parents to nominate their children as scholars. Ayos din kaya kay Manong Gacilio kung lumipat siya sa company ng mga magulang ko?" "Damn," Purissa said in amusement. "I will encourage him. I really owe you a treat, Luca. Uwi ka na kaya para malibre na kita?" Luca chuckled. "Alam mo talagang libre lang ang katapat ko, ano? Hintay lang, malapit na akong umuwi." "Finally... I missed you so much, you know that right?" "And that... Is that your spells para mas lumambot ako sa 'yo?" "Kind of," Purissa jokingly retorted. "But seriously, I don't need to put you under my spell. You are a nice person since then. " "Ah, kaya pala naging ideal man mo 'ko," walang paligoy-ligoy na anito. "Luca!" Naningkit ang mga mata ni Purissa. "Who told you that?" Binitawan ni Luca ang sandok na hawak at pinasan yun sa isa pang chef. Prente siyang sumandal sa pader at namusal gayunpaman ay nakangiti pa rin siya nang sobrang lapad. "You didn't deny it! Woah!" Nagtinginan ang mga nagtatrabaho sa kanya nang tumawa siya nang pagkalakas-lakas. Hindi yun ang unang beses pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin silang sanay na ang may pagka-seryosong Luca Palermo Parisi ay jolly kung makipag-usap sa isang babae. Nawindang si Purissa sa narinig. But instead of feeling negative, she smiled too. A bright smile. "It was true that you were my ideal man pero noon yun. 'Di na ngayon!" she denied while they are both laughing crazily. "Kuya Kiko?" paos ang boses na tawag ni Mathew sa atensyon ni Kiko na parang estatwa lang na nakatayo habang nakatanaw kay Purissa. Napangiwi si Kiko sa sarili. Kailan pa siya nacing tsismosa? "Y-Yes?" Bumaling ang ulo ni Kiko sa kagigising lang na si Mathew. "Pasensyahan mo na ang ingay ni Ate. Ganyan lang talaga 'yan pagkausap si Kuya Luca lalo na pag masaya siya." Kiko looked back at Purissa. Under the moonshine, she was glowing because of her smile. And he wanted to see that often.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD