"Hi baby tara na sa kuwarto may ipapakita ako sayo." Mapang-akit na sabi ni Lucy. Kakauwi ko lang galing trabaho at talagang pagod ako. Si Megan naman ay kasalukuyang nakatira sa condo ko doon na daw muna siya dahil gusto niyang mag-isa. "Kumain ka naba?" "Yes nagdinner na ako kasama si Nikko yung kaibigan ko." Sabi ko. Ngunit ang totoo niyan ay pumunta ako sa bahay ni Ruby at nasa labas lamang ako ilang oras din akong nakatambay habang nasa loob ng sasakyan ko ngunit walang lumalabas na tao at bukas lamang ang ilaw. "Okay tara na dali." Hila niya sakin. Sumunod naman ako sakanya habang hinihila niya ako at tuluyan na kaming pumasok sa kuwarto. Puro ilaw ng kandila, mga pulang petals ng bulaklak ang nakakalat at isang romantic music na pinapatugtog niya. Namangha naman ako sa ganda