Jacob: "Baby bakit tahimik ka?" Bungad ko kay Lucy habang nakayakap sa likuran niya. Siya naman ay walang imik at nakatitig lamang sa malaking bintana. Huminga ito ng malalim bago magsalita. "Jacob tapatin mo nga ako. Bakit ayaw mo ako dalhin sa master bedroom ng mansiyon mo? Bakit dito pa sa katabing kuwarto? Yon ba ang naging kuwarto niyo ni Ruby?" "Hey wag na nga natin pag usapan yan. Pagaawayan nanaman ba natin to?" Halos lagi kaming nagaaway sa pagiging paranoid ni Lucy. "Tinatanong kita sagutin mo nalang para walang away." Tinanggal niya ang pagkakayakap ko at humarap sakin. "Ano? Bakit di ka makapagsalita diyan?" Tila na pako ang dila ko ng mga oras na yon. "Nakakainis." Rinig kong bumulong ito at ngumuso na parang bata. "Shh baby wag kana mainis okay? Past na yon at di