Ruby: Nakatingin lamang sakin si Jacob hanggang sa matapos ang naganap saming dalawa. "Kamusta ka?" Malamig na ang boses nito. "O-okay lang ikaw?" God nauutal ako nakakahiya naman. Hindi nagsalita si Jacob at seryoso lamang na nakatitig sakin habang wala kang mababakas na kahit anong emosiyon. Naghari na muli ang katahimikan saming dalawa. Alam ko kung bakit siya ganto sakin ngayon marahil ay iniisip niya padin na pinaglaruan ko ang damdamin niya. "Malalim na ang gabi tara na ihahatid na kita." Walang kaemo'emosiyon parin ito at tuluyan na siyang tumayo at nagsimulang maglakad. Hindi ko alam ngunit parang pinupunit ang puso ko sa napakalaking pinagbago niya. "Jacob sandali." Tawag ko sakanya. Huminto naman ito ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Tila nakain ko ang dila