Chapter 2

3126 Words
"BUT THERE is still hope, right? M-makakakita pa siya uli, 'di ba, Tito? We just have to wait for the donor." Nagising si Cammi sa pamilyar na boses na iyon ng best friend niyang si Julianna. Hindi maikakaila ang matinding pag-aalala sa boses nito. Pero para kanino? Kumunot ang noo niya. Sino ang pinag-uusapan ng mga ito? Unti-unti, kahit nakakaramdam pa ng panghihina at pangingirot ng katawan sa hindi niya malamang dahilan ay pilit na binuksan niya ang namimigat pang mga mata. Pero kadiliman ang sumalubong sa kanya. Ilang beses siyang kumurap. Pero iyon at iyon pa rin ang nakikita niya. Sumibol ang kaba sa dibdib niya. Was she still dreaming? Kinapa niya ang mga mata para tiyakin na wala ngang nakatabing na kung ano roon pero sa kabila ng bahagyang p*******t ng mga iyon ay wala naman siyang nahawakan roon. "Cammi," Nabosesan niya ang boses ng Ninong Carlos niya, ang matalik na kaibigan ng kanyang ama na kasalukuyang tumatayo bilang Vice President sa kanilang kompanya. Naramdaman niya ang pagdantay ng kamay nito sa balikat niya. "N-ninong," Kinapa ni Cammi ang kamay nito at mahigpit na hinawakan. "Bakit gano'n? Bakit hindi kita makita? Ano’ng nangyayari? Nasa'n kayo?" Bumangon siya mula sa pagkakahiga. "Bakit madilim? Please turn on the lights, Ninong. I'm scared. I-" "Calm down, Cammi." Muli ay narinig niya ang boses na iyon ni Julianna. Naramdaman niya ang paghawak nito sa isang kamay niya. "Ngayon ka lang nagising pagkalipas ng tatlong araw. Baka mabigla ang katawan mo kung-" "I don't care!" Ayaw man ni Cammi ay nakapagtaas pa rin siya ng boses. Her anxiety kept getting worse for every second that passes. "Turn on the lights! You're scaring me!" "Cammi, listen to me." Anang Ninong Carlos niya. "You have to be strong now more than ever." Gumaralgal ang boses nito. "Makakakita ka rin. I promise you that. Makakahanap rin tayo ng eye donor para sa 'yo. The doctors assured me that you are on their number one list for a cornea transplant should there be a donor. And-" "W-what? What did you... S-say?" Pakiramdam ni Cammi ay pinapangapusan siya ng hininga sa narinig. Nangilid ang mga luha niya. "E-eye donor? Cornea t-transplant? What are you talking about?" Animo masisiraan ng bait na nasapo niya ang noo. "Hindi ko kayo maintindihan. Bring me to my Dad. I'm sure he has a better explanation than this. Nasaan ba si Dad?" Ilang sandali ang lumipas bago siya nakarinig ng tunog. Pero hagulgol iyon na sigurado siyang nagmula sa kaibigan niya. Lalong kinabahan si Cammi. Patindi nang patindi ang takot at kaba na nararamdaman niya. Maliit pa lang siya ay ayaw niya na sa dilim. At madalas, sa tuwing nagba-brownout at natatakot siya noon, ay ama niya na ang nakakasama niya at napapayapa na siya. Inalis niya ang mga kamay na nakahawak sa kanya at pilit na tumayo. Pero pinigilan siya ng malalaking mga kamay na iyon na nahinuha niyang sa Ninong niya. "Let me go! Dalhin nyo ako kay Daddy o kaya ay dalhin n’yo siya rito! Bakit ba kasi wala siya ngayon pang kailangan ko siya? Tell him that I'm scared, ninong." Pumiyok ang boses ni Cammi. "Because I really am. Ayaw niyang natatakot ako. Sigurado magmamadali iyon para puntahan ako. Please bring me to him." Muli ay walang sumagot. Nagwala na siya. Sa kabila ng pagpipigil sa kanya ay nagpumilit pa rin siyang makatayo. "Ano ba! Bakit n’yo ba ko pinagkakaisahan? Daddy!" Namamaos pang pagsigaw niya. "Daddy, where are you? Daddy-" "Henry is gone. Hindi na siya nakaabot pa sa ospital. He suffered from acute subdural hematoma. The doctor told us that his brain bled inside. I'm so sorry, Cammi." Kasabay niyon ay nakaramdam si Cammi ng kung anong likidong tumulo sa kanyang braso. Natigilan siya. Dahan-dahang umangat ang mga kamay niya at kinapa ang mukha ng matanda. Lumuluha ang Ninong niya. "Ninong," gulat na sinabi ni Cammi. Bumitiw na siya rito kasabay niyon ay inalis niya ang mga kamay nito sa kanyang mga braso. Wala sa sariling bumalik na siya sa pagkakaupo. Mahigpit siyang niyakap ng humahagulgol ring si Julianna. "I'm so sorry, Cammi. Pero kahit wala na si Tito Henry, nandito kami ni Tito Carlos para sa 'yo. Hindi ka namin pababayaan, pangako. Kakayanin mo 'to. Sa ngayon, hayaan mo na munang ako ang magsilbing mga mata mo." Namalisbis ang mga luha ni Cammi. Naulinigan niya ang sinseridad sa boses ng kaibigan. She and Julianna had been the best of friends since elementary. Nagkahiwalay lang sila nito noong kolehiyo nang piliin niya ang Mass Communication habang fine arts naman ang kinuha nito. Sa kabila ng magkaibang kurso ay iisa naman sila ng Unibersidad na pinasukan. Despite their different career choices, their friendship still continued and grows over the past years. Bukod sa ama ay ang kaibigan ang karamay niya. Lalo na at nagkahiwalay na rin ang mga magulang nito. Ang ama nito ay may iba nang pamilya sa Cebu habang ang ina nito ay nurse sa Korea. And like Cammi, Julianna was an only child, too. Ang mga similarities na iyon ang dahilan kaya lalo silang napalapit sa isa’t isa. "Please leave." Halos pabulong na lang na sinabi ni Cammi nang makabawi. Tinanggal niya ang mga braso ng kaibigan na nakayapos sa kanya. "Leave... Don't make me beg." Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng kaibigan pero inignora niya iyon. Nahiga siya sa kama at mariing pumikit. "Cammi, nasa labas lang kami ng Ninong Carlos mo. Babalik kami mamaya. Whenever you feel like talking, tawagin mo lang ako. Pupuntahan kita agad." Garalgal pa rin ang boses na wika ni Julianna nang marahil ay makabawi na mula sa pagkabigla. Hinagkan siya nito sa ulo. "God surely has his plans. Please don't forget that." Ilang saglit pa ay narinig niya na ang mahihinang mga yabag na iyon hanggang sa pagbukas at pagsara ng pinto. Napahikbi si Cammi hanggang sa unti-unti na iyong nagkaroon ng tunog. Sa ikalawang beses sa buhay niya mula nang yumao ang kanyang ina ay muli siyang tumangis. Ninong Carlos' tears were more than a wake-up call to her. Naalala niya na ang lahat. Impit na napasigaw siya sa tindi ng sakit na nararamdaman. The nightmares came back. Sana... sana siya na lang ang nagmaneho noong gabing iyon. Disin sana ay siya ang nasa posisyon ng kanyang ama. O kaya sana ay hindi na lang siya nagising pa. Hindi tulad nang ganito. Mag-isa na lang siya ngayon. Sa gitna ng kadiliman, takot, galit at paghihinagpis na bumabalot sa buong pagkatao niya nang mga sandaling iyon, saan niya ilulugar ang sarili? Sana ay siya na lang ang nasawi o kaya ay isinama na rin siya ng kanyang ama. "Matatanggap ko siguro ang pagiging bulag sa kabila ng hirap, Dad, basta kasama kita." Cammi's voice cracked. "Pero ito... itong nangyayari, paano ko tatanggapin? How can I face this darkness? How can I face your... death?"   "MAGPAPAIWAN na lang ako rito. Hindi ko na kayang sumama pa sa inyo." Naghihirap ang loob na sinabi ni Jarren sa kanyang ama. Ilang minuto na lang ang natitira sa kanila bago ito tuluyan nang kukunin ng mga pulis. Kusa na itong sumuko. Likas naman naman na mabuting tao ang kanyang ama. Nagkataon nga lang na sumablay ito nang dahil sa pagpapakatanga sa pag-ibig nito para kay Beatrice. Inilahad nito ang buong pangyayari sa mga pulis. Dagdag pa roon ang mga ebidensya na mula sa CCTV na nakakabit sa kalsada na naaktuhan ang mga nangyari. Magkasunod na kaso ang isinampa sa kanyang ama ng kampo ni Cammi. There was drunk driving and a first degree vehicular homicide. Habang buhay na pagkakabilanggo ang sentensya sa huli. Hinintay lang ng mga pulis na bumuti ang kondisyon ng katawan nito kaya pagkalipas ng apat na araw na pagbabantay rito ng mga awtoridad ay ngayon lang ito pormal na maihahatid sa bilangguan. May tama na ng alak si Eduardo nang puntahan nito ang sinabing address rito ng empleyado nito. Ayon sa ama ay kailangan daw nito ng alak para magkaroon ng lakas ng loob na tuklasin ang katotohang kay tagal nitong kinatakutan. May dala rin itong bote ng alak sa kotse nito. And when he saw Beatrice, he stopped driving a few meters away from his wife's love nest. Doon umano nito inubos ang laman ng boteng dala nito saka muling nagmaneho. The liquor in Eduardo's system plus his unstable emotional state that night caused the accident. Ayon sa CCTV footage ay nag-iba ito ng lane bukod doon, matulin din ang naging pagpapatakbo nito kaya nabangga nito ang papalikong kotse sa kalsada na siyang minamaneho ng ama ni Cammi. Huli na ng makapagpreno ang kanyang ama. Sa lakas ng naging impact ay umikot ang nabanggang kotse bago iyon tumaob alas dose y medya nang gabing iyon. "I am so sorry, son." Pumiyok ang boses ni Eduardo. "I'm sorry I failed you again. I-iyong mga n-nangyari sa mga McNiall, habang buhay kong dadalhin iyon sa puso ko." "This is more than a failure, Dad." Imbes ay mapait na sagot ni Jarren. Pinakatitigan niya ang ama. Eduardo suddenly looked older than his age. His eyes were as troubled as Jarren's. His face reflected that of a child: lost. Napahugot siya nang malalim na hininga, isang bagay na para bang nakasanayan niya nang gawin sa nakalipas na mga araw. Inihabilin na ni Eduardo sa tiyuhin niyang si Danilo na nakababata at nag-iisang kapatid nito ang architectural firm. Ang huli ay isa ring arkitekto at siyang tumatayong pangalawang tagapangasiwa roon na ngayon ay tuluyan nang mamumuno roon dahil wala naman siyang hilig sa architecture. Nakatapos si Jarren ng Business Management. Isa sa mga interes nila ni Gavin, ang kaklase niya at naging matalik na kaibigan sa kolehiyo, ang pagiging disk jockey. But they wanted a station of their own. Ginusto nilang ipasok ang pinaghalong mga idea nila at napag-aralan sa negosyo sa sarili nilang istasyon. Dahil pareho sila ni Gavin na nagmula sa may-kayang pamilya ay nanghiram sila sa kani-kanilang ama ng puhunan may limang taon na ang nakararaan. Napulsuhan nila ang gusto ng masa kaya sa awa ng Diyos ay tumabo iyon sa ratings dahilan para maibalik nila ang mga ipinuhunan sa kani-kanilang mga ama pagkalipas ng halos dalawang taon. "Do you know why I would rather stay here? Dahil ang hirap kung ako pa mismo na anak mo ang isa sa maghahatid sa 'yo sa lugar na maglalayo sa atin sa habang buhay. I... I just can't take that." Nag-init ang mga mata ni Jarren bago mahigpit na niyakap ang ama na kasalukuyan nang nakaposas nang mga sandaling iyon. Regrets filled his chest. "Dad... hindi ba ako sapat? You could have called me. Sana hinayaan mo na lang si Beatrice. O kaya sana nagpasundo ka sa akin 'tapos sabay na lang nating hinarap ang lalaking iyon. Sabay tayong masasaktan pero sabay din tayong babangon pagkatapos. We would go to a bar, have a drink or two, wake up with a hangover the next day but we would continue our lives together because that was how it was supposed to be. And none of these things could have happened. Ang daming sana... Alam mo ba iyon?" Gumalaw ang mga balikat ng ama tanda ng pag-iyak nito. Lalo siyang kumapit rito. Gusto niya itong sisihin, sigawan, kastiguhin pero para saan pa? Malaki ring bahagi ng puso ni Jarren ang gustong sugurin ang ina at ipamukha rito ang nangyari dahil sa kagagawan nito. Ni hindi pa ito nagpapakita sa kanila ng ama matapos ang aksidente kahit na ipinaalam niya na iyon rito. Nang bumukas ang pinto at pumasok na ang mga pulis sa hospital room ng ama ay bumitiw na siya sa huli kasabay ng pagpihit niya patalikod sa mga ito para itago ang pagluha. Pakiramdam niya ay sinasakal siya ng paulit-ulit habang naririnig ang mga yabag na iyon papalayo sa kanya. He had lost the two most important people in his life just like that. Dahil nang mawala ang ina ay nawala na rin sa kanya ang ama. But this loss... It was too much for a son. Ang akala niya ay separation by death na ang pinakamasakit at pinakamahirap na uri ng paghihiwalay pero hindi pa pala. Dahil mas masakit pa rin ang ganitong klase ng paghihiwalay ng mga naturingang buhay pero hindi naman maramdaman. And Cammi's loss... How could Jarren ever deal with that? Muling nagsikip ang dibdib niya. He had been admiring the young reporter for years now. Nakilala niya ito noong nasa madilim pa siya na bahagi ng buhay niya, nang malaman niya ang pagtataksil ni Beatrice sa kanyang ama may dalawang taon na ang nakararaan. Back then, Cammi was covering a news about the actor who happened to live next to his condo unit. Nang makita niya ang dalaga, sa gitna ng bigat na dinadala niya, pakiramdam niya ay nagliwanag pa rin ang lahat sa kanya. Halatang nahihirapan noon ang dalaga na makakuha ng balita dahil mailap ang aktor pero hindi ito natinag. Punong-puno ng determinasyon ang magagandang mga mata nito. Sa gitna ng iba pang reporters roon ay nangibabaw pa rin si Cammi. Marahil ay dahil na rin sa kapansin-pansing dugong banyaga nito. Her wavy long hair was reddish-brown while her eyes were as dark as the night. Malaporselana ang kutis nito at matangkad rin ito kompara sa karamihan. There was something about Cammi's eyes that intrigued him. Simula noon ay inaabangan niya na ang pagbabalita nito gabi-gabi hanggang sa matagpuan niya ang sariling kulang kapag hindi ito napapanood sa telebisyon. The determination in her eyes for some reason, gave him hope to live on. There was a certain light emanating through her. At nakakahawa ang liwanag na iyon. Since then, he secretly called her his light. But that light faded because of the accident. Ngayon na ang hinahangaan niya naman ang nakararanas ng kadiliman, magawa niya kayang makalapit rito kahit paano at maibalik ang liwanag rito? Pero sa paanong paraan kung ang sarili niyang ama mismo ang nag-alis niyon mula sa dalaga?   "MA'AM, hindi pa po ba tayo uuwi? Kabilin-bilinan ho ng Ninong Carlos niyo at ni Miss Julianna na hindi kayo maaring magtagal rito. Baka daw po makasama sa kalusugan ninyo. Noong nakaraang linggo lang po kayo nakalabas ng ospital, ma'am. 'Wag niyo po sanang abusuhin ang katawan ninyo." Mahabang sinabi ni Theresa, ang private nurse na kinuha para kay Cammi ng Ninong Carlos niya. Kung tutuusin ay hindi niya naman kailangan ng nurse dahil hindi naman siya imbalido pero wala siyang nagawa nang magpumilit ang ninong niya para daw may maging kasa-kasama siya na gamay mag-alaga sa tulad niya. Ilang beses na siyang inalok nito na tumuloy sa bahay nito pero matigas na tumanggi siya. Si Julianna, nang ma-realize na hindi siya aalis sa bahay nila ng ama ay nakiusap na pansamantala siyang samahan pero ayaw niya. She just wanted to have some time to mourn alone. But here she was, stuck with a nurse. "Go," Imbes ay malamig na sagot ni Cammi. "Tatawagan na lang kita para puntahan ako kapag gusto ko nang umuwi. Sa ngayon, sa kotse ka na muna. I don't want to hear your voice." Sadyang inilagay ni Julianns sa speed dial ng cell phone niya ang contact number ni Theresa para madali umano niyang matawagan ang nurse sakaling kailanganin niya ito. Kampante ang kaibigan na matatawagan niya kaagad si Theresa dahil gamay niya pa rin ang paggamit sa cell phone dahil pareho iyon ng unit sa dating cell phone niya kaya kahit hindi niya nakikita ang gadget ay kabisado niya pa rin iyon kahit pa brand new ang gamit niya nang mga sandaling iyon dahil kasama ang cell phone niya sa mga nasira sa nangyaring aksidente. She breathed sharply. Sa isang iglap ay bumalik ang matinding pagkamuhi ni Cammi para kay Eduardo San Gabriel. Kulang na kulang pa kung tutuusin ang habang buhay na pagkakabilanggo nito sa laki ng utang nito sa kanila ng ama niya. Kay dami nitong ipinagkait sa kanya dahil sa pagiging makasarili nito. Ipinagkait nito sa kanya ang liwanag, lalo na ang pagkakataon na makasama ang ama-ang tanging natitirang kapamilya niya. At ngayon na libing ng ama ay ni hindi man lang niya ito makita sa huling pagkakataon. Tumaas-baba ang dibdib ni Cammi sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman. "Pero ma'am-" "Bingi ka ba? I said leave or I will fire you, damn it! Ayoko sa mga taong simpleng instruction lang, hindi pa maintindihan!" Nang makarinig siya ng mga kaluskos palayo ay saka lang siya bahagyang nakalma. Katulad ng nurse ay gusto rin sana ng Ninong niya at ni Julianna na manatili sa tabi niya pero ipinagtabuyan niya ang mga ito. Cammi couldn't take the pity which was evident in their voices. Sagad na ang awang nadarama niya para sa sarili para makidagdag pa ang mga ito. In her darkest moment, she realized she had no one. Tanging si Julianna lang ang naging kaibigan niya dahil kahit pa nakikisalamuha sa kanya ay bahagyang dumidistansya pa rin sa kanya noon ang mga kasamahan niya sa trabaho dahil sa pagiging anak niya ng may-ari ng pinapasukan nila. Ninong Carlos was almost like a father to her. Attentive sa kanya ang huli maging ang kaibigan niya pero hindi niya mapigilang maghinanakit sa dalawa. They didn't have to treat her like an invalid most of the freaking time. Umantak ang kalooban ni Cammi sa hindi na mabilang na pagkakataon. She had always been patient with people. Pinalaki siya ng ama na may malaking pang-unawa sa mga nangyayari sa paligid. But that patience and understanding left her system after the accident. Nang yumao ang ama, pakiramdam niya ay kasama nitong namatay ang lahat ng pag-asa niya at gana niyang mabuhay. Ni hindi siya makabalik sa trabaho niya para ma-distract man lang ang sarili. Sa sitwasyon niya, malabo nang makabalik pa siya. Ang ninong niya na dati ay vice president roon ng ama ang siyang namamahala ngayon sa Broadcasting company. "Daddy..." Cammi whispered agonizingly. "Bakit? Bakit mo naman 'ko iniwan kaagad? When you died, it was the end of me living with the light. Para akong tipak ng kahoy sa gitna ng napakalawak na dagat. Walang tiyak na direksiyon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng alon." "Hayaan mong samahan kita. Hayaan mong ako ang magsilbing pansamantalang mga mata mo para makita mo ang direksiyon." Anang isang baritonong boses. "Poprotektahan kita. Hindi kita hahayaang tangayin ng alon. At sa gitna ng sinasabi mong napakalawak na dagat, sinisiguro ko sa 'yo na hindi ka mag-iisa." Nagsalubong ang mga kilay ni Cammi. Hindi niya na tinangka pang punasan ang mga luha niya tutal naman ay hindi niya tiyak kung nasaan ang nagsalita. It was useless to hide now. Lihim na sinisi niya ang sarili na nagpadala siya sa bugso ng damdamin dahilan para hindi niya maramdaman ang pagdating ng lalaki. "Who are you?" "My name is Jarren. Jarren dela Vega. I'm officially declaring myself to be your eyes from now on. And you are not allowed to say ‘no’." "What?" "You shouldn't say no to a blessing, Cammi. That's bad manners."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD