"HINDI KITA kailangan. Hindi ko kailangan ang kahit na sinong poncio pilato." Mariin na wika ni Cammi nang makabawi. Tumayo na siya at kinapa sa bulsa ng kanyang pantalon ang cell phone. Pero nang mailabas niya na iyon ay aksidenteng dumulas iyon sa kamay niya na sanhi marahil ng pagmamadali niya. Natatarantang lumuhod siya at kinapa sa lupa ang cell phone pero hindi niya iyon maabot. Ayaw man niya ay lumukob uli ang takot sa puso niya kasabay ng muling pagbirada ng pagkahabag sa sarili.
Pero sa kabila niyon ay patuloy pa rin siya sa pagkapa sa lupa. Kailangan niya iyon para matawagan si Theresa. Her frustration was growing more and more. Just how long will she have to endure this? Hindi niya alam kung kaya niya pang maniwala sa posibilidad na isang araw, sa dulo ng lahat ng iyon ay may donor siyang matatagpuan para muling makakita. Nawalan na siya ng kapasidad na maniwala. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, hindi niya na alam kung anong naghihintay sa kanya at doon siya higit na natatakot.
Parehong sa iisang orphanage lumaki ang mga magulang ni Cammi. Nagkahiwalay lang ang mga ito noong ampunin ng isang matandang babae ang ina niya noong dalagita na ito. But after ten years, the two met again and fell in love eventually. Noong mga panahong iyon ay mayroon na ring legal na umampon sa kanyang ama. But both of them died a year after Cammi was born. Nasawi sa plane crash ang mga ito pero sa ama niya na nag-iisang itinuring na anak naiwan ang mga kayamanan ng mga ito.
Henry took a risk on broadcasting. Katuwang nito ang ninong Carlos niya sa pagtatayo at pagpapalago ng Broadcasting Company. Nagsimula iyon sa maliit hanggang sa lumaki na nang lumaki sa paglipas ng mga taon. Pero sa kabila ng pagiging busy ng ama ay tiniyak nitong may sapat na oras pa rin ito para sa pamilya nito, para sa kanila ng ina.
Her parents strived so hard to keep their family together because they knew how it felt to not have one. But with both of them now gone, how can she start afresh? Lalo na ngayon? Hindi siya handa... At sa sitwasyon niya, hindi niya alam kung kaya niya pang magsimula uli. Paano ba siya babangon?
Pagkalipas nang ilang minuto ay tumigil na rin si Cammi sa paghahanap. Napapagod na naupo siya sa lupa. Naihilamos niya ang nadumihan ng kamay sa kanyang mukha kasabay nang muli niyang pagluha. If every thing happens for a reason, then what the heck could be a reason for this?
Nasorpresa si Cammi nang maramdaman ang pagyakap na iyon sa kanya mula sa gawing kaliwa niya. Naramdaman niya ang malalapad na dibdib na iyon at mga brasong para bang napakatatag. His masculine scent was all over her. Gusto niyang kumawala sa yakap ng estranghero. But after every thing she had gone through, it was only in the man's embrace did she feel the warmth which was almost as close to what she felt in her father's arms. Somehow, his embrace felt close to home.
"For the past years, I was contented in being your avid fan. Masaya na akong pinakikinggan ka at pinagmamasdan mula sa telebisyon, ang nag-iisang bagay na nag-uugnay sa mga mundo natin. But then I... I found out about what happened to you." Marahang tumikhim ang estranghero. "Napanood ko sa balita noong nakaraang araw. And since then, all I wanted to do was to help you in any possible way. Sa pagkakataong ito, hayaan mo sanang ang simpleng fan naman ang magpasaya sa iniidolo niya. Hayaan mo sana ako, Cammi."
More tears fell from her eyes. Hindi niya alam kung anong iisipin base sa mga napakinggan niya. She wanted to feel glad that somehow, someone idolizes her and her craft. She wanted to feel proud that there was one person in the world that she had influenced in her desire to seek the truth in every news she covered. Pero kahit na katiting na saya at pagmamalaki ay wala siyang makapa sa puso niya. She had lost even the capacity to feel those emotions.
"H-help me find my phone." Imbes ay wika ni Cammi. "I’m tired. I want to go home."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng nagpakilalang Jarren. "Your nurse is just inches away from you, Cammi. Hindi ka niya iniwan. Katulad niya, hindi rin kita iiwan. Alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo ngayon. But sometimes, you just need to take a leap and have faith in people."
Bumitiw ang lalaki sa kanya. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagkuha nito sa palad niya at paglalagay roon ng sa palagay ni Cammi ay cell phone niya. "I'm sticking with what I said. I will be your eyes from now on. Maniwala ka sa akin. Tutulungan kitang makakita gamit ang mga mata ko." May pangako sa boses na sinabi pa ng lalaki bago naramdaman ni Cammi ang pag-angat niya sa lupa. Binuhat siya nito. "Sa kotse ko na lang siya ibababa, Theresa."
Cammi bit her lower lip in grief. Kung ganoon ay nakita rin ni Theresa kung paano siya nagmukhang kawawa sa paghahanap sa cell phone niya samantalang nasa paligid lang pala ito. But somehow, regardless of the shame and pain, the stranger's arms brought her peace. Pakiramdam niya ay pinaghehele siya nito habang buhat-buhat siya. Sa kauna-unahang pagkakataon pagkalipas ng ilang araw ay hinayaan niya ang sariling pumikit at talunin ng pagod at antok.
"DADDY..." Nahinto sa akmang pagbuhat si Jarren kay Cammi pababa ng sasakyan nang marinig niya ang pagbulong na iyon ng dalaga. Pansamantalang iniwan niya na muna ang kotse niya sa sementeryo, ibinilin niya na muna iyon sa guard na nagbabantay roon. Nakisakay siya sa kotse ni Cammi. He just could not seem to let her go. Maagap siyang tumabi rito ilang oras na ang nakararaan pagkababa niya rito sa backseat, nang anyo itong magigising na. Inihilig niya ang ulo nito sa dibdib niya saka niya inakbayan. Ilang sandali pa ay muli itong nakatulog.
Cammi looked really sick. Namumutla na ito. Ayon sa nurse na nagpakilalang Theresa ay wala raw maayos na kain at pahinga ang amo nito. Kahit ano raw pilit nito kay Cammi, hindi pa rin kumakain at natutulog sa tamang oras ang dalaga. Her body was still weak due to the accident. At kanina lang umano nakatulog uli ang dalaga... sa mga bisig niya.
Sa kabila ng libong bagay na bumabagabag sa kanya nang mga sandaling iyon, nang maramdaman niya ang dalaga sa kanyang tabi ay himalang napanatag siya. Nakalimutan niya ang iniindang sakit nang yakapin niya ito.
Parehong madilim ang mundong kasalukuyang kinasasadlakan nila ni Cammi. Maski si Jarren na bukas ang mga mata sa liwanag ay nadidiliman pa rin. But Cammi still managed to unconsciously give him the torch which was exactly what he needed to pass through the darkness. But he will make sure to take her with him. Umaasa siyang sabay nilang malalagpasan ang kadilimang iyon gamit ang munting liwanag na nagmumula rito bilang tanglaw nila.
I will hold on to your light, sweetheart. But please... learn to hold on to mine, too.
"Daddy, help me, please. I'm scared." Muli ay bulong ni Cammi habang nananatili itong tulog. "Ano’ng magiging buhay ko sa mga susunod na taon? May makakasama pa kaya ako? Will someone even bother his self with a mess like me?" Kasabay niyon ay tumulo ang mga luha ng dalaga... Mga luhang paulit-ulit na dumudurog sa puso ni Jarren.
Sa loob ng ilang sandali ay para bang naduwag si Jarren sa laki ng kasalanan sa dalaga. Ginusto niyang lumayo na lang doon at puntahan si Beatrice o ang kanyang ama. He wanted to just shake the hell out of his parents until his anguish diminished. After all, Cammi would not have suffered if not because of them.
But if he would really run away now, will it change the course of their lives?
Even if he blames his parents for countless times, will that bring back Cammi's father? Will that bring back her ability to see?
Ilang ulit na napabuga ng malalalim na hininga si Jarren sa pag-asang mapapawi kahit kaunti ang kirot sa kanyang puso pero hindi iyon nangyari. Naikuyom niya ang mga kamay. Paano niya ba maitatama ang kanilang mga sitwasyon?
"I'm so scared, Daddy."
"Me, too. Believe it or not, I’m just as scared as you are, sweetheart." bulong ni Jarren bago dahan-dahang umangat ang mga kamay niya at pinunasan ang mga likidong naglandas sa pisngi ni Cammi. "Pero hindi kita pababayaan. I promise that in this journey of yours, you will not be alone. And you are not a mess, sweetheart. You will never be." Ani Jarren bago tuluyang binuhat ang dalaga.
Naabutan niya si Theresa na naghihintay na sa garahe. "Just lead me to her room. Doon ko na siya ibababa."
Kaagad na tumango si Theresa at nagpatiuna na sa front door. Marahil ay naisip rin nitong mahihirapan rin ang driver ng amo nito dahil may katandaan na iyon para magbuhat kay Cammi.
Tuloy-tuloy na sila papasok sa magarang bahay ng dalaga. Malaki ang pagpapasalamat niya na kahit na paano ay pinagkakatiwalaan siya ni Theresa nang lapitan niya ito sa sementeryo at sabihin ritong kaibigan siya ng amo nito. Though it seemed to him that the nurse didn't really have a choice but to trust him because Cammi in her current state was proving to be too difficult to handle.
Sumunod si Jarren kay Theresa sa ikalawang palapag ng bahay. Huminto ito sa unang kwarto na naroon pagkatapos ay binuksan ang pinto niyon pati na ang ilaw sa loob. Maingat na inihiga niya na si Cammi sa kama. Inalis niya ang sandals ng dalaga bago ito kinumutan. Masuyong hinagkan niya ito sa noo. He didn't know that it was possible to still feel tenderness despite his countless burdens. "Rest well, sweetheart. Tomorrow, I promise I will come back."
Pagbaba ni Jarren sa hagdan ay nabungaran niya na si Julianna, nakilala niya ang kaibigang ito ni Cammi doon pa lang sa ospital hanggang sa pagsasampa nito at ng Ninong ni Cammi ng kaso laban sa kanyang ama. Nagkakilala na sila dahil nang mga panahon iyon ay kasama niya ang kanyang ama.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Julianna nang makita siya. Maagap itong tumayo mula sa sofa at nagbabaga ang mga matang nilapitan siya. "What the hell are you doing here, San Gabriel?"
"MA'AM, open the door, please. Ano po ba ang nangyayari? Pag-usapan po natin."
Napasigok si Cammi. "Go away!" Nanatili siya sa loob ng banyo sa kabila ng patuloy na pagkatok sa labas ni Theresa. Kinapa niya ang shower saka binuksan iyon pagkatapos ay naupo sa malamig na sahig ng banyo. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na ang rumaragasang tubig sa kanyang katawan. Pero hindi niya iyon alintana. Kahit na may suot pang mga damit ay hinayaan niya lang ang sariling mabasa, umaasang kasamang tatangayin ng animo nagyeyelong tubig ang mga dinadala niya sa kanyang dibdib.
Unti-unti siyang napahagulgol nang maalala ang mga sinabi ni Julianna nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi at ito ang katabi niya.
"Have you seen Travis? May balita ka ba sa kanya?" Alanganing tanong ni Cammi. "Bakit... Bakit hindi niya pa ako d-dinadalaw? You said you called him and gave him my new number. But he never called me. I’m getting worried."
"Cammi..." naghihirap ang loob na sinabi ni Julianna.
"B-bakit?" Kinabahan na siya. "M-may... nangyari b-ba?"
"Iyon nga ang ipinunta ko rito." Ilang sandali pa ay naramdaman ni Cammi ang marahang pagyakap sa kanya ng kaibigan. Tinapik-tapik nito ang likod niya. "Listen carefully, all right? Sasabihin ko ito sa ‘yo dahil mahal na mahal kita, best friend. I don't want you to keep waiting for that bastard." Minsan nang naipakilala ni Cammi sina Julianna at Travis sa isa't isa noong sadyain siya ng kaibigan sa opisina.
"I... I saw him in the restaurant the other night. He was with a pregnant woman."
Natensiyon si Cammi. "B-baka naman kakilala niya lang-"
"That was what I thought, too. But I saw them kissed, Cam." Humigpit ang pagkakayapos ni Julianna sa kanya. "Noong nagpunta sa comfort room ang babae, sinundan ko. Tinanong ko kung ilang buwan na ang bata sa tiyan niya, anim na buwan raw. The woman seemed so friendly and nice that I couldn't hate her though I wanted to. Dahil mukhang biktima rin siya ng sitwasyon. Nang tanungin ko naman kung nasaan ang ama sa paglabas namin ng banyo, itinuro niya si Travis. Fiance niya raw iyon na nag-propose sa kanya noon mismong Valentine's Day. While we were talking, Travis saw me."
"W-what?"
"He's an asshole, Cammi. Pinagsasabay niya kayo ng buntis. Who knows? Baka may iba pa siyang intensiyon since anak ka ng may-ari ng kompanya kung saan siya nagtatrabaho." Bumakas ang galit sa boses ni Julianna. "He even had the nerve to follow me out afterwards. He literally begged me not to tell you. But you are so beautiful, Cam. Inside and out. May mahahanap ka pa na babagay sa 'yo. Isang lalaki na iingatan ang puso mo at magmamahal sa ‘yo hindi lang dahil sa kung sino ka o kung ano ang mga bagay na meron ka kundi dahil kamahal-mahal ka talaga."
Sinikap ni Cammi na huwag nang magpakita ng emosyon hanggang sa pag-alis ng kaibigan nang umagang iyon. Sinamahan siya nitong matulog. Ayaw pa sana nitong umalis kanina pero napilitan ito dahil may exhibit pang kailangang paghandaan.
Travis was the only man Cammi ever trusted aside from her father. But he ended up betraying her. Kung noon ngang halos nasa kanya na ang lahat at nakakakita pa siya ay niloloko na pala siya ng ibang tao, paano pa ngayon na ganoon ang sitwasyon niya? She felt like a fool. She was even more hurt now than she was before. And the worst thing was she could not do anything about it.
"Cammi?" Ilang sandali pa ay ang nakapagtatakang animo naging pamilyar sa kanya kaagad na boses na iyon ni Jarren ang sumunod na narinig niya. Ilang malalakas na katok ang pinakawalan nito sa labas ng pinto. "Cammi, open the damn door or I swear I'm gonna break this!"
But Cammi remained silent. Isinandal niya ang ulo sa marmol na dingding ng banyo saka nanghihinang pumikit. Nanlalamig na siya pero walang kaparis iyon kumpara sa panlalamig na nadarama niya sa puso niya.
Kahit pa naririnig niya ang malakas na pagsira sa doorknob ay hindi siya natinag.
"I know. Forgive this emotional old man." Sa isip ay para bang naririnig niya pa rin ang pagtawa ng ama. "I just miss your Mom, that's all."
"Dad..." Naibulong ni Cammi saka mapait na ngumiti. "Are you with mom now? Sana isinama n’yo na rin ako. We could have been one happy family somewhere now."
Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig niya na ang pagbalya na iyon sa pinto bago iyon bumukas. And so the door lost the fight... Just like me.
"Cammi!" Marahil ay pinatay ni Jarren ang shower dahil tumigil na iyon sa paglagaslas. Tulad noong nakaraang araw ay binuhat siya nito uli.
"Jarren?" Halos pabulong na tanong ni Cammi.
"Hmm?"
"Are you really my fan?"
"Of course."
"Then will you do something for me?"
"Whatever you ask, sweetheart." Mabilis na sagot ni Jarren. Hindi pa rin maikukubli ang pag-aalala sa boses nito. "I will do whatever you ask me to do. I promise."
Despite of the heaviness in her chest, she realized she likes how he calls her. Ganoon rin siya kung tawagin ng kanyang ama. "Take me to a place where I would not be afraid, where I would not get hurt anymore. Can you do that?"