"HOW FAR do you love me? Come on, sweetheart. Indulge this man a bit.” Amused na ngumiti si Cammi sa narinig. Isinandal niya ang ulo sa dibdib ni Jarren saka ipinaibabaw ang mga kamay sa mga braso ng binata na nakapaikot sa kanyang baywang. Ayon rito ay papalubog na raw ang araw nang mga sandaling iyon. Nakatayo sila sa buhangin kung saan abot na abot ng mga mumunting alon ang hubad nilang mga paa habang nakayakap ang binata sa kanya. Everything felt almost like a dream because it was too serene. Mag-iisang linggo na mula nang aminin nila ni Jarren ang mga nararamdaman para sa isa't isa. And since then, every single moment she spent with him became extra special. He would kiss her and embrace her all the time that it almost drowns her heart for so much joy. Sa susunod na li