"CAMMI!" Kumabog ang dibdib niya. Kasabay nang tuluyang pagdilat niya ay ang pagsigaw na iyon ng kanyang ama. Puno nang pinaghalong takot at tensiyon ang boses nito. Napasulyap siya rito. "Daddy-" Bago niya pa maunawaan kung ano ang nangyayari ay nayanig na siya sa malakas na pag-alog ng sasakyang kinalululanan nila. Terror ran through her veins. Parang bangungot ang sumunod na mga sandali. Naramdaman niyang umikot ang kanilang kotse bago iyon tumaob. Sa pinaghalong pagkahilo, takot at biglang pamamanhid ng katawan ay sinubukan niyang dumilat. Aabutin niya na sana ang ama pero nang akala niya ay tapos na ang unos, nakaramdam siya nang kung anong tumalsik sa kanyang mga mata. Napahiyaw siya sa matinding hapding naramdaman pero walang boses na lumabas mula sa kanyang lalamunan. Para ba