Ngiting-ngiti si Paprika habang papasok sa kanilang unit. Sobra s'yang kinikilig dahil sa paanyaya ng Boss n'yang si Jarvis. Buong araw yata s'yang nakangiti matapos n'yang makaharap ito. Walang tigil ang utak n'ya sa kakaday-dream dahil lang sa simpleng paanyaya nito sa kanya. Maybe she was always anticipating that moment kaya ganoon na lang ang naging dating sa kanya nang tuluyan na s’yang anyayahan nitong lumabas ng silang dalawa lang. Pakiramdam n’ya ay magkakaroon na ng katuparan ang isa sa mga pinapangarap n’ya. Hindi n’ya tuloy maiwasang kiligin kapag binabalik balikan n’ya sa utak ang naging pagyaya nito sa kanya kanina.
Hindi kaya magpapaalam na ito sa kanya na manligaw? Ngayon pa lang ay kinikilig na talaga s'ya kung sakali mang magtapat nga ito ng nararamdaman sa susunod na linggo. She was always looking forward to meet someone older than her. Pakiramdam n'ya ay magiging secured s'ya at ang feelings n'ya kung papasok s'ya sa isang relasyon kung saan mas matanda sa kanya ng ilang taon ang magiging nobyo n'ya. She was used to being an independent kaya marahil ay maiintindihan iyon ng mas matanda sa kanya dahil panigurado ay danas na nito ang ganoong pakiramdam. And she was really thinking that Jarvis was one of those matured and independent guys she always wanted to meet and get closed to. Kung ito man ang magiging nobyo n'ya ay paniguradong wala na s'yang mahihiling pa.
Pagpasok n'ya sa unit nila ay nabungaran kaagad n'ya si Llewyn na nakahiga sa kanilang sofa at tulog na tulog. As usual ay nakasuot ito ng puting t-shirt na madalas ay ipinapaloob nito sa uniform. Ang polo nito ay maayos na nakasampay sa gawing ulunan nito. Sinikap n'yang maglakad ng tahimik para naman hindi maabala ang tulog nito. Saglit na napatigil s'ya sa paglalakad nang mapansin ang tila dugo sa gawing gilid ng labi nito. Lumapit pa s'ya ng kaonti para masilip n'ya iyon. Napahawak s'ya sa bibig nang makumpirmang mayroon nga itong sugat sa gilid ng labi. Dinagsa kaagad ng kaba ang dibdib n'ya at agad na nilingon ang kinaroroonan ng kwarto ng kapatid. Halos takbuhin n'ya ang gawi ng kwarto nito at walang alinlangang pinihit ang doorknob at pumasok sa loob.
“Ate?” gulat at nagtatakang salubong ni Pete nang mabungaran s'ya nito. Nakaupo ito sa study table nito at may kung anong ginagawa sa harapan ng computer. Nakahinga s'ya nang maluwag bago tuluyang pumasok sa kwarto nito at isinara ang pintuan.
“Pete,” sabi n'ya na halos habol pa ang hininga. “Akala ko ay kung ano na naman ang nangyari sa'yo,” sabi n'ya na agad niyakap ito. Natawa naman si Pete at saka hinagod hagod ang likod n'ya. Kumalas ito sa pagkakayakap n'ya at hinawakan s'ya sa magkabilang balikat.
“Relax, Ate. I won't ever try to harm myself again,” seryosong sabi nito at nakita n'ya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng kapatid. “I'm really sorry for causing you so much trouble when all you can think about is giving me a better life,” sabi nito at nagsimulang mangilid ang mga luha. This was the very first time that she saw him very emotional. Or was he just trying to suppress this kind of emotions because he was worried about her? Kinagat n'ya ang ibabang labi para magpigil ng luha. Parang nagbabara ang lalamunan n'ya tuwing maiisip n'yang kahit kailan ay hindi n'ya nadamayan ang kapatid sa mga hirap na pinagdaanan nito emotionally. She pulled him again when she knew her tears were about to fall.
“I promise to always be here for you when you need me, Pete. Pangako, hindi ka na mag-iisa both physically and emotionally,” bulong n'ya dito dahil hindi n'ya na mahanap ang sariling boses dahil sa sobra sobrang emosyong nararamdaman n'ya ng mga oras na `yon. “You know you can always count on me, right?” sabi n'ya at mabilis na pinalis ang mga luha at hinarap ito. Pete was bawling his eyes out when she faced him. Para bang sa kauna-unahang pagkakataon ay hinayaan nitong makita n'ya ang totoong nararamdaman nito. At masayang masaya s'ya dahil alam n'yang sa wakas ay natutunan na ring buksan ng kapatid ang sarili nito para sa kanya.
Nagsimula itong mag-kwento ng mga masasaya at malulungkot na pinagdaanan nito. Pati kung kailan nito napagtanto sa sariling hindi ito straight ay nasabi na rin nito sa kanya. Paprika felt like she met the other side of her younger brother just now and she gladly accepted him as a whole.
Nagtatawanan na silang magkapatid nang bigla n'yang maalala si Llewyn na naging dahilan kaya s'ya tulirong napasugod sa kwarto ng kapatid.
“Ah, yes, Ate. Actually, I don't know how to say this. Paano ba? Uhmm…” medyo hesitant pa si Pete nang magsalita. Tumango s'ya at sinabing okay lang na magkwento ito.
“What really happened to him? Don't tell me nakipag-away s'ya sa school?” medyo napangiwi s'ya nang maalalang ganoon naman talaga ang first impression n'ya kay Llewyn. At kung totoo mang nakipagbasag ulo nga ito ay hindi na s'ya magugulat dahil iyon naman ang palaging nasa isip n'ya na gawain nito. Umiling naman kaagad si Pete.
“Actually, Ate, kailangan n'ya ng pansamantalang matutuluyan—”
“What?!” halos mapalakas ang pagkakasabi n'ya dahil bigla n'yang naanticipate ang gustong mangyari ng kapatid. “Pete naman! Hindi naman ganoon kalaki itong unit natin para dumito ang kaibigan mo—”
“Ha?” nagtatakang tanong naman nito dahil sa naging reaksyon n’ya. Mukhang naguluhan ito sa sinabi n'ya kaya tumaas ang kilay n’ya.
“Bakit? Hindi ba, Pete?” alangang tanong din n'ya.
“Ano'ng ibig mong sabihin, Ate?” kunot noong tanong ni Pete. Napakamot s'ya sa pisngi.
“Hindi ba ay balak mo s'yang patirahin dito?” pagkokompirma n’ya sa una n’yang naisip.
“Ha?! Pwede ba `yon? I mean, okay lang ba sa'yo na dumito muna s'ya, Ate?” tanong nito na bakas din ang pagkagulat sa mukha. Umiling kaagad s'ya.
“Hindi,” pag-amin n'ya at kinagat ang ibabang labi. She’s not used to live with some stranger at kahit kailan ay hindi n’ya pa nasubukang makisama sa hindi n’ya kilala ng lubos. Bumagsak ang mga balikat nito at bumuntonghininga.
“Right! Hindi nga talaga pwede. That's why I feel sorry for him,” malungkot na sabi nito na sinulyapan pa ang pinto ng kwarto nito. Napalunok s'ya at napakurap kurap. Bakit parang nakonsensya yata s'yang bigla dahil sa sinabi nito? Rinig n'ya ang eksaheradong pagbuntonghininga ni Pete kaya napakamot s'ya sa ulo.
“Ano ba kasing nangyari? Pinalayas ba s'ya sa kanila?” hindi na n'ya napigilang usisa. Tiningnan s'ya nito at saka muling hinarap.
“Actually, wala rin akong alam sa detalye, Ate. Pero tingin ko ay family problem. Sabi kasi ni Kris ay hindi raw talaga magkasundo si Llewyn at iyong stepfather n'ya kasi feeling daw nung stepfather n'ya ay wala raw itong silbi kay Llewyn,” kwento nito.
“Walang silbi?” usisa n'ya. Tumango tango naman si Pete.
“Financially, Ate. Kasi bukod sa allowance, wala ng hinihingi si Llewyn sa kanya kasi libre naman ang tuition n'ya dahil consistent Dean's lister s'ya mula first year hanaggang ngayon,” kwento nito at nagkibit balikat. “Minsan nga ay suma-sideline din s'yang tutor kaya kahit allowance n’ya ay hindi na s'ya humihingi sa Mommy n’ya at doon sa stepfather n’ya,” kwento nito.
Halos tumaas ng ilang pulgada ang kilay ni Paprika dahil sa mga sinabi ng kapatid tungkol kay Llewyn. Hindi s'ya makapaniwalang kabaligtaran nito ang mga iniisip n'ya nang una n'ya pa lang itong nakita. Sa hindi malamang dahilan ay bigla s'yang na-guilty sa pag-iisip ng kung ano-anong masasamang bagay tungkol dito.
“Eh, Ate, nahihiya nga ako kasi libre n'ya lang akong tinuturuan sa mga projects at sa thesis ko. Hirap na hirap kasi ako sa system na na-assign sa akin last semester,” nagkakamot sa batok na sabi ni Pete. Sa sinabi nito ay parang lalo lamang s'yang na-guilty. Kaya kahit s'ya ay hindi makapaniwalang lumabas sa bibig n'ya na patirahin na lang ang kaibigan nito sa unit nila kapalit ng pagtulong nito at pagtuturo kay Pete.
Napangiwi na lang s'ya matapos s'yang yakapin ng kapatid dahil doon. Parang noon pa lang nag-sink in sa kanya ang naging pagpayag n'yang patirahin ang kaibigan nito sa unit nila.
Pumasok s'ya sa kwarto para magbihis at mamahinga saglit bago magluto ng hapunan. Sinabihan n'ya si Pete na ito na lang ang magsabi kay Llewyn ng sinabi n'ya dahil sa hindi malamang dahilan ay parang ayaw n'yang sa kanya mismo manggaling iyon. Parang nahihiya s'ya na ewan, samantalang wala namang masama doon. Dapat pa nga ay maging proud pa s'ya dahil natulungan n'ya itong makahanap ng matitirahan! Ipinilig n'ya ang ulo at nagpasyang lumabas na para magluto ng hapunan.
Napasinghap s'ya kaagad nang may maamoy na mabango pagkalabas na pagkalabas pa lang n'ya sa kanyang kwarto. Habang palapit s'ya sa kusina ay naririnig rin n'ya ang pag-uusap ng kapatid n'ya at ni Llewyn.
“Si Ate ang madalas na nagluluto, taga kain lang talaga ako dito. Sorry na, Bro. Marunong naman akong maghugas ng pinggan, maglinis at maglaba,” rinig n'yang sabi ni Pete dito. Sumilip s'ya at nakita n'yang nakatayo ito sa gilid at pinapanood si Llewyn na nagluluto. As usual ay nakasuot ito ng apron at naka-sando ng puti. Kitang-kita n'ya tuloy ang malapad na likod nito at ang matipunong mga braso habang naghahalo sa kung anong niluluto nito. Bigla n'ya tuloy naalala noong napagkamalan n'ya ito na si Pete. Niyakap yakap n'ya pa ito ng mahigpit mula sa likod! Bigla s'yang napapaypay sa mukha dahil sa kahihiyan. Ano kaya ang naisip nito nang gawin n'ya iyon? Sa isang banda, mayroon din itong kasalanan sa nangyari dahil hindi man lang nito sinabing hindi ito si Pete!
“Nand'yan ka na pala, Ate! Nagluluto na si Llewyn ng dinner. Ayaw ka daw kasing istorbohin kaya s'ya na ang nagluto,” boses ni Pete ang nagpabalik sa kanya mula sa malalim na iniisip. Humarap naman si Llewyn sa kanya at muntik pa s'yang mapatulala dahil sa itsura nito. Pawisan ang leeg nito at kitang kita ang mamula-mula nitong dibdib. Agad na iniiwas n'ya ang tingin doon at agad na lumapit sa refrigerator.
“T-talaga ba? Pasensya na kayo nakaidlip kasi ako. Don't worry, ako naman ang palaging magluluto—”
“You don't have to. Just take your time resting. Ako na'ng bahala sa dinner. That is... if you wouldn't complain about my cooking,” putol nito sa sasabihin n'ya. Pumalakpak naman si Pete kaya napatingin sila ni Llewyn dito.
“He's a good cook, Ate. I can guarantee that!” sabi nito na mukhang siguradong sigurado.
“At paano mo naman nasabi `yan?” nakahalukipkip na tanong n'ya. Mukhang sinasabi lang kasi nito iyon dahil kaibigan nito si Llewyn.
“Of course! He always pack his lunch kaya natitikman ko ang luto n'ya. I swear, Ate, mahihiya ka nang magluto ng adobo kapag natikman mo ang adobo ni Llewyn!” nagmamalaking sabi pa nito. Nalaglag na naman ang panga n'ya at gustong mapahiya sa naisip. This guy seemed independent at such a young age which was far from her first impression of him. Nakita n'yang ngumisi si Llewyn at nang ibaling nito ang tingin sa kanya ay parang nabasa nito ang iniisip n'yang panghuhusga dito base sa pagkakataas ng kilay nito sa kanya.
“Talaga ba?” idinaan n'ya na lang sa eksaheradang pagtawa ang nararamdamang pagkapahiya dito. “Kung gano'n, kailangan kong matikman muna. To taste is to believe!” kengkoy na habol n'ya sabay ikot para maka-upo na sa hapag. Nagmistula s'yang senorita nang ipaghain s'ya ng mga ito ng pagkain at sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang yata s'ya nabusog ng sobra sa hapunan. Madalas kasi ay hindi s'ya kumakain ng marami sa gabi para na rin sa inaalagaan n'yang figure. Hindi naman s'ya tabain talaga pero ayaw din naman n'yang kumain ng sobra. Healthy living lang, kumbaga!
Panay ang kantyaw sa kanya ni Pete nang halos hindi na s'ya makatayo dahil sa sobrang pagkabusog. Tama nga ang sinabi nitong mahihiya na s'yang magluto ng adobo dahil sa sarap ng luto nito. To be honest, she was quite emotional while eating because she remembered her Mom's cooking. Ang luto ni Llewyn ay nagbigay sa kanya ng ganoong pakiramdam sa hindi n'ya malamang dahilan.
Maybe because that was the very first time that someone cooked for her. Mula kasi nang maulila silang magkapatid ay s'ya na ang palaging nagluluto para sa sarili at para sa kanila. She probably missed the feeling of having someone who cooked for her. She was astonished that Llewyn gave her that kind of feeling. Na kahit kailan ay hindi n'ya inakalang maibibigay ng isang batang katulad nito.