“Are you sure about this, Dani? Hindi ka ba nabibigla lang?” paniniguro ni Paprika sa kaibigan at ka-team n'yang si Daniella matapos ipaalam nitong mag-reresign na ito. Halos limang taon na ito sa RD Pharmaceutical at taon taon ay nagkakaroon ito ng awards sa pagiging maagap nito sa pagpasok.
Noong nakaraang sinabi nito na mag-uusap sila, hindi iyon natuloy dahil may importante daw itong aasikasuhin. Halos dalawang linggo rin itong hindi nakapasok at ngayong pagbalik nito ay may dala na itong resignation letter. Kinagat ni Daniella ang ibabang labi at saka bahagyang napayuko. Bumuntonghininga s'ya.
“Are you sure you're really okay, Dani? Hindi ba't dream company mo kamo itong RD kaya nga palagi kang nagsisipag sa pagpasok at sa pagtatrabaho?” sabi n'ya nang hindi ito makasagot kung sigurado na ba ito sa desisyon nitong mag-resign.
“I'm pregnant, Rika,” nanginginig ang mga labing pahayag nito. Napasinghap naman s'ya pero hindi n'ya iyon gaanong pinahalata sa kaharap. Napalunok s'ya nang maalala ang sinabi ng boyfriend nito. Na hindi daw nito ugaling tumakbo sa responsibilidad nito. Ang pagbubuntis naman pala ng kaibigan n’ya ang sinasabi nitong responsibilidad.
“So, boyfriend mo talaga `yong nagpunta dito noong nakaraan?” halos hindi na naman s'ya makapaniwala. Batang bata kasi ang itsura ng lalaki kaya nga napagkamalan n'ya pa iyong anak ni Daniella na s'yang ikinainit pa yata ng ulo nito.
“B-boyfriend?” litong tanong naman nito. Tumaas ang kilay n'ya sa nakitang reaksyon ng kaharap.
“Oo, `yong pumunta dito nung nakaraan. Akala ko nga anak mo kasi hindi ko naman alam kung ilang taon na ang anak mo. Ang kaso mukhang nagalit pa yata—”
“S-sinabi ba ang pangalan? Wala akong boyfriend, Rika. Nakafocus lang ako sa anak ko,” sabi nito at umiling bago yumuko. Kumunot ang noo n'ya sa pagkalito sa sinabi nito.
“Kung wala kang boyfriend, eh sino ang ama ng dinadala mo ngayon?” hindi n'ya na napigilang itanong. Tumingin ito sa kanya at saka napasapo sa noo pagkatapos ay nakita n'yang gumalaw galaw ang balikat nito habang humihikbi. Namilog ang mga mata n’ya.
“Dani! A-are you okay? Bakit ka umiiyak?” sunod-sunod na tanong n'ya habang dinadaluhan ito. Mabuti na lang at nagpasya s'yang sa staff room ng RD Pharma sila mag-usap. At least, kahit mag-uumiyak ito ngayon ay hindi ito mamomroblemang ma-iskandalo sa mga makakakita o makakarinig.
“I was r-raped, Rika. I-iyon ang inasikaso ko nang halos dalawang linggo,” nasabi nito iyon sa pagitan ng paghikbi. Napasinghap s'ya at agad inangat ang mukha nito para makausap ng maayos. Hindi pa nga n’ya napoproseso sa utak ang sinabi nitong buntis ito ay mayroon pa palang mas nakakabigla doon!
“Tell me everything, Dani. Tell me what exactly happened. Oh My God! I'm sorry, wala akong kaalam alam sa pinagdadaanan mo!” sabi n'ya na halos yakapin na ito dahil sa sobrang pagkahabag sa kaibigan. Maybe, she was really that dense. Ni ang sarili nga n'yang kapatid ay hindi n'ya napansing depress, si Dani pa kaya na sa opisina n'ya lang nakakasama? She wanted to blame herself for being so dumb. “I'm really sorry, Dani. I'm sorry,” tuluyan na s'yang napaiyak dahil humagulgol na ng husto si Dani matapos n'ya itong yakapin pagkatapos nitong ikwento ang mga nangyari dito.
Ayon dito ay lumabas daw ito ng hating gabi para bumili ng gamot para sa inaatake ng hika na anak nito. Inamin din nito sa kanya na hindi pala nito tunay na anak ang batang iyon kundi ay pamangkin lang. Mula nang mamatay daw ang kapatid nito sa panganganak ay ito na ang tumayong nanay ng pamangkin. Nakauwi na raw ito at napainom na ng gamot ang pamangkin nang lumabas ito ulit dahil naiwan daw nito ang phone sa pharmacy na malapit lang sa inuupahan nito. Habang naglalakad daw ito sa eskinita pauwi ay namataan daw ito ng isang lasing na foreigner at doon na raw ito sa isang madilim na parte ng eskinita pinagsamantalahan ng walang kalaban laban. Napag-alaman daw n’ya na nakatakas lang pala ang foreigner na iyon sa isang shoot-out matapos i-raid ng mga pulis ang hideout ng mga ito. Awang-awa s’ya sa sinapit nito at hindi n’ya alam kung paano n’ya ito icocomfort dahil sa nangyari dito. All she can think about now was her future. Ang magiging future nito gayong magkakaanak na ito. At ang trabaho nito na iiwanan nito dahil lang doon. Wala s’yang ibang maisip kung hindi tulungan itong ayusin ang problema nito kahit sa kompanya lang dahil alam n’yang mas magiging mahirap ang sitwasyon nito kung mawawalan pa ito ng trabaho ngayon.
“Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong mag-resign, Dani?” malungkot na tanong n'ya matapos nilang kumalma galing sa pag-iyak. Mukhang iiyak na naman ito pero pinipigilan nito na muling bumagsak ang mga luha.
“Ayaw ko sana, kaso... paano ito? Ayaw ko naman na maging tampulan ng tsismis sa opisina,” naiiling na sabi nito. Nanliit ang mga mata n'ya at hinawakan ito sa magkabilang balikat.
“Bakit mo naman iisipin ang mga pakialamero at pakialamera d'yan sa tabi-tabi? They have no freaking rights to judge you! At kung malalaman man nila ang totoo pagkatapos at pagtatawanan ka pa rin nila, ako na mismo ang kauna-unahang makakalaban nila,” determinadong sabi n'ya at pinisil ang balikat nito. “Just stay with us, Dani. I need you here. Promise, ilalakad ko na talaga ang promotion mo para hindi ka na makaalis dito!” habol n'ya pa. Nakita n'yang natawa ito kahit papaano.
She comforted her and she was glad when she decided to stay. Kakausapin na lang n'ya si Jarvis para i-sikreto ang nangyari dito at para na rin hindi maapektuhan ang performance nito dahil sa biglaang pag-aabsent noong mga nakaraang linggo. Isa pa, pwede naman iyon lalo na kung confidential ang rason kung bakit ito lumiban sa trabaho. At least, only the management would know the truth. Iwas na rin sa tsismis.
Palabas na sila sa staff room nang maalala ni Paprika ang lalaking nagsabing boyfriend nito. Mukha namang walang ideya si Dani sa lalaking ‘yon kaya minabuti n'yang ibigay ang calling card na inabot ng lalaki sa kanya nang huling pumunta ito doon.
“Tinawagan ko nga s'ya agad nang i-text mong papasok ka ngayon. Akala ko kasi ay may LQ kayo kaya tinataguan mo,” naka-ismid na sabi n'ya habang naglalakad sila para ihatid ito sa elevator. “Tapos, hindi mo naman pala boyfriend. Pero mukha namang hindi masamang tao kahit mukhang may pagka suplado,” nalukot ang ilong n'ya habang nakatingin sa harapan ng elevator.
“Hindi ko talaga kilala, Rika. Baka nagkamali lang ng—”
Nabitin ang sinasabi ni Daniella nang bumukas ang elevator sa harapan nila at tumambad doon ang lalaking nagsabing boyfriend nito. Muntik na s'yang mapasinghap nang makita ang matikas na matikas na anyo nito sa suot na uniporme. Parang mas naging kagalang galang ito ngayon dahil sa suot nito. Nalaglag ang panga n'ya nang basahin ulit ang calling card na ibinigay nito noong nakaraan. Ni hindi n'ya alam na isa pala itong pulis dahil sa napakabata nitong itsura. Bahagyang yumukod ito sa kanya pagkatapos ay naglahad ng kamay.
“We've met again. Thank you for calling me,” pormal at walang kangi-ngiting sabi nito sa kanya. Alangang tinanggap n'ya ang kamay nito at napatitig sa nameplate na nakaburda sa dibdib nito.
“Nice to see you again, Sir... Uh.. Gozon,” sabi n'ya. Binawi nito ang kamay at saka itinuon ang tingin kay Dani na ngayon ay tulala lang na nakatitig dito. Binalik nito ang tingin sa kanya. “If you'll excuse us, I want to have a word with Ms. Daniella Salve in private,” pormal pa rin na paalam nito. Agad na tumango naman s'ya at hinagod ang likod ng katabi.
“Sure! I'll go back to my office na rin,” ngumiti s'ya ng bahagya at ibinaling ang tingin kay Daniella na mukhang tulala pa rin. “See you next week, Dani. Call me anytime when you need me, okay?” sabi lang n'ya at tinalikuran na ang mga ito.
Pagbalik n'ya sa opisina n'ya ay nadaan n'ya sina Monette at Jona na parehong busy sa kung anong ginagawa sa kanilang monitor. Lalampasan na sana n'ya ang mga ito pero kinawayan s'ya ni Monette kaya napalapit s'ya sa cubicle nito.
“Tuloy kami bukas, Madame, huh?!” nakangising sabi nito na pasimpleng tinadyakan pa ang swivel chair ng katabing si Jona. Sumulyap ito sa kanila.
“Kami na ang bahala sa finger foods, Madame. Alam naman naming marami kang stocks ng alak,” sabi ni Jona na kumindat pa sa kanya. Tumaas ang kilay n'ya pero napangisi din.
Once a month kasi ay nagkakaroon sila ng bonding sa bahay ng isa't-isa. Ngayon ay sa bahay n'ya sila naka-schedule. Mas okay na rin para may makausap si Daniella at para naman mabigyan nila ang kaibigan ng mga words of wisdom dahil sa napagdaanan nito. Panigurado ay magugulat ang dalawa kapag nalaman nila ang nangyari kay Daniella.
“Sige, kita-kits tomorrow night! Magluluto ako ng masarap na pulutan!” game na game na sabi n'ya bago tinalikuran ang mga ito. Tutuloy na sana s'ya sa opisina n'ya nang maalala n'ya ang suggestion n'ya kay Daniella kanina. Huminga muna s'ya ng malalim bago kumatok sa opisina ni Jarvis. Si Frezel ang nagbukas ng pinto ng opisina nito at agad na ngumuso nang makita s'ya. Inilingan n'ya naman ito at pasimpleng binulungan.
“Ilang kape ba ang kailangan mo para makalimutan mo `yon?” sabi n'ya at umikot ang mga mata. Napasapo naman si Frezel sa bibig para magpigil ng tawa.
“4 cups para My Mouth Is Zipped!” nakangising bulong din nito at inilahad ang kamay sa harapan n'ya. Umikot ang mga mata ni Paprika at saka inilapag ang ID n'ya sa palad nito. Bumungisngis ito bago tuluyan s'yang pinapasok.
“Sir, Miss Ramirez is here to talk to you,” anunsyo nito bago ito tuluyang lumabas ng opisina ni Jarvis. Pinaupo naman s'ya nito at agad na tinanong ang sadya. Kinwento n'ya ang nangyari kay Daniella at sinabing sana ay bigyan ng considerations ang mga unannounced absences nito. Nakahinga s'ya nang maluwag nang pumayag ito at sinabing ito na ang bahala at sa Daddy daw nito mismo sasabihin para mas mapabilis ang proseso. Kasalukuyan kasing suspended si Daniella dahil sa pag a-AWOL nito. Nagpasalamat lang s'ya dito at aalis na sana pero pinigilan s'ya ni Jarvis.
Naroon na naman ang pasimpleng paghagod nito sa kabuuan n'ya kaya hindi maiwasang ma-conscious ni Paprika.
“Are you free next weekend?” tanong nito. “Promise, this time it would only be you and me,” habol nito na nagmistulang nabasa ang isipan n'ya. Bigla naman ang pagkabog ng dibdib n'ya dahil sa simpleng paanyaya nito.
“Uhm, yes, Sir. Wala naman akong plano sa susunod na weekend,” sabi n'ya. At kahit siguro mayroon ay willing s'yang i-cancel para lang mapagbigyan ang paanyaya nito. Napaayos ng upo si Jarvis at nagliwanag ang mukha.
“That's good to hear. We will talk about the details next week,” sabi nito na bahagyang nginitian s'ya. Tila gusto na naman n'yang matulala sa ngiti nito. Madalang lang kasing ngumiti ang Boss n'ya pero kapag ngumiti ito ay sobrang nakakawala ng ulirat. Nakangiting tumango lang s'ya pagkatapos ay nagpaalam na dito.
“Goodbye single life na ba next week?” kinikilig na sambit n'ya nang nasa labas na ng opisina nito. Ngiting-ngiti na naman s'ya nang makasalubong n'ya si Frezel.
“Ngiting tagumpay na naman, Madame? Naka-score na ba o silay silay pa rin?” tudyo nito sa kanya sabay abot sa kanya ng ID n'ya.
“Next week ko sasagutin `yan!” nakangising sagot n'ya sabay tapik sa katambukan ng pwetan nito. Pabirong umungol naman si Frezel na tila ba nakikipagharutan sa kama. Napailing na lang s'ya at saka pakembot kembot pang bumalik sa sarili n'yang opisina.