YOUNG

2361 Words
Alang singko pa lang ng umaga ay gising na si Paprika. Sinadya n'ya talagang mag-alarm para magising ng maaga at makapag-jogging. Masyadong maraming carbohydrates ang pumasok sa katawan n'ya nang nagdaang gabi kaya kailangan n'yang ipawis ang lahat ng iyon. Halos dalawang linggo na kasing sira ang routine n'ya dahil sa kabilaang birthday party ng mga kasamahan sa trabaho. Dalawang linggo na rin s'yang hindi nakakapag-jogging na tuwing Sabado at Linggo n'ya lang naman ginagawa.   Nag-stretch s'ya matapos magbihis ng usual outfit n'ya sa pag-jogging at lumabas na ng kwarto. Wala sa sariling naisindi n'ya ang ilaw sa sala kaya muntik na s'yang mapa-atras sa gulat nang may biglang bumangon mula sa sofa. Muntik pa s'yang mapatili sa gulat pero nawala rin naman agad iyon nang makita n'ya si Llewyn na halos nakapikit pa ang mga mata. Wala rin itong suot na pang-itaas kaya mabilis na iniiwas n'ya ang tingin dito.   “I-I'm sorry. Hindi ko alam na d'yan ka natulog,” sabi n'ya matapos tumikhim. Hindi ito sumagot pero nakita n'yang nilihis nito ang kumot na bahagyang nakatakip sa pambaba nito at saka tumayo. Halos manlaki ang mga mata ni Paprika nang automatic na mapako ang tingin n'ya sa gitna ng mga hita nito. Halatang buhay na buhay ang bagay na nasa gitna ng mga hita nito kahit na natatakpan pa iyon ng may kakapalang shorts nito! Hindi n'ya tuloy alam kung paanong pagtalilis ang gagawin n'ya para lang makaalis na s'ya sa harapan nito.   “Where are you going?” kunot pa ang noong tanong ni Llewyn habang kinukusot pa ang mga mata. Lumunok pa s'ya nang isang beses habang pilit ipino-focus ang tingin sa mukha nito.   “Ah! Jogging lang,” mabilis na sagot n'ya at hindi nakaligtas sa paningin n’ya ang paghagod na naman nito ng tingin sa kabuuan n'ya. “S-sige, matulog ka pa! Aalis na rin ako,” paalam n'ya at saka mabilis na nilampasan ito at dumaan sa kusina para kuhanin ang tumbler na madalas n'yang dalhin kapag nag-jojogging. Pagdaan n'ya ulit sa sala ay wala na si Llewyn doon. Mukhang nasa CR ito dahil naririnig n'ya ng kaonti ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower.   Napabuga s'ya ng hangin nang tuluyang makalabas sa unit nila. Malinaw pa rin sa balintataw n'ya ang kahubdan nito na aksidente n'yang nakita nang gabing natulog ito ng lasing na lasing sa kwarto n'ya. Masyado pa namang matalas ang memorya n'ya kaya hindi iyon basta basta maalis sa isip n'ya. Ipinilig n'ya ang ulo at nagpunas ng pawis sa noo. Hindi pa man s'ya nagsisimulang tumakbo ay pinagpapawisan na kaagad s'ya sa kung anu-anong naiisip!   Mula sa building kung saan naroon ang unit na tinitirhan nila ay mayroong open field sa bandang likuran. Ang balita n'ya ay gagawin sana iyong golf course pero mukhang tinutulan ng ilang residente na nakatira sa building na kinatatayuan ng unit nila kaya hindi iyon natuloy. Nitong nakaraang taon lang ay ipinaayos iyon ng may ari at ginawang sport's complex. Kadalasan ay nirerentahan iyon ng mga eskwelahan para pagganapan ng sport's fest ng mga ito. Ang iba naman ay pinagdadausan iyon ng mini concert ng mga hindi gaanong kilalang banda. Madalas din na ganapin doon ang mga events ng subdivision sa malapit.   Wala pang limang minuto ay nakarating na s'ya sa open field at agad na tinapos ang isang lapse. Hinihingal na kaagad s'ya matapos iyon kaya nagpasya s'yang mamahinga muna sa ilalim ng malaking puno ng paper tree doon. Binuksan n'ya ang tumbler na baon n'ya at uminom habang tinatanaw ang kalawakan ng open field. May mangilan ngilang mga nagjo-jogging din na kagaya n'ya at mayroon din namang mga naglalaro ng badminton sa pinaka gitna ng complex. Nanunuot din sa mga braso n'ya ang lamig ng pang-umagang hangin. Kahit kasi kakasimula pa lang ng Setyembre ay ramdam na kaagad n'ya ang lamig lalo na tuwing umaga.   Nang makapahinga saglit ay tumayo na s'ya para sa panibagong lapse. Nag-stretch s'ya saglit bago nagsimulang tumakbo na ulit pero hindi pa s'ya nakakalayo ay narinig na kaagad n'ya ang boses ng lalaking sobrang pamilyar sa kanya. Luminga kaagad s’ya sa paligid at kumunot ang noo.   Papalapit si Jarvis sa gawi n'ya pero hindi ito nag-iisa. Mabilis na inayos n'ya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha n'ya at medyo binagalan ang takbo.   “Who's in her right mind would jog wearing those snickers with heels?” narinig n'yang sermon ni Jarvis sa kasama nitong akay-akay nito sa magkabilang braso. He sounded so annoyed. Kumunot ang noo n'ya nang makilala ang kasama nito. It was Angelica Daviz, ang bunso at unica hija ng Presidente ng kompanya nila. Ang balita n'ya ay sa ibang bansa nag-aaral ito kaya ikinagulat n'yang makita ito doon na kasama pa ang Boss n'yang si Jarvis.   “It hurts na talaga, Jar. I can't walk na!” maarteng sabi ni Angelica at walang pakundangang sumalampak sa damuhan. Nakita n'yang ginulo ni Jarvis ang buhok nito na halatang iritado sa nangyari sa kasama. Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata nila at kitang kita n'ya ang pagsinghap nito nang mamukhaan s'ya. Nakita rin n'yang sumulyap pa ito kay Angelica na nakanguso at mukhang nagta-tantrums na doon.   Huminto s'ya nang madaanan ang mga ito. “Rika, y-you're really here,” alangang bati ni Jarvis sa kanya. Muntik nang tumaas ang kilay n'ya. Paano naman kaya nalaman nitong nandoon s'ya? Isa pa ay ang alam n'ya ay malayo ang condo nito doon. May isang oras din siguro sa tantya n'ya ang byahe para makarating ito sa complex.   “Yes, Sir. Dito ako madalas mag-jogging. And it wasn't really far from my place,” sagot n'yang pinanatili ang pagiging pormal kahit na ilang beses na s'yang sinabihan nitong ituring itong kaibigan kapag nasa labas na sila ng kompanya.   Nakita n'yang tiningala s'ya ni Angelica na halata ang pagsimangot pagkakita sa kanya. Ngayon pa lang ang unang beses na nakaharap n'ya ito ng personal kaya imposibleng may galit na kaagad ito sa kanya. Nagtataka man ay nginitian n'ya ito at nagpakilala.   “Good morning, Miss Angelica. I'm Paprika, the head of HR team,” pakilala n'ya sabay yuko ng bahagya para makipagkamay dito. Ilang sandali at halos mangawit na s'ya ay hindi pa rin nito inaabot ang kamay n'ya. Pinigilan n'ya ang sariling panliitan ito ng mga mata. Ang bata bata pa ay maldita na! Sigaw ng isip n'ya. If she's not mistaken, eighteen years old lang ito pero matangkad ito ng hamak sa edad nito at maganda na ang bulas ng katawan. Kahit hindi n'ya ito patayuin ay alam n'yang halos perpekto ang vital statistics nito.   “Angel,” rinig n'yang babala ni Jarvis dito nang hindi abutin ni Angelica ang kamay n'ya. Parang napilitan pa ito nang abutin ang kamay n'ya at saka mabilis na hinila na ang kamay ni Jarvis.   “Can you please carry me na lang, Jar? I really don't think I can walk pa kasi,” ungot ni Angelica dito. Tumingin pa si Jarvis sa gawi n'ya na tila nagpapaalam at nanghihingi ng pasensya sa inasal ni Angelica. Medyo kinilig na naman s'ya dahil doon pero hindi s'ya nagpahalata dito. Tumango s'ya at ngumiti.   “Sige, Sir. Maiwan ko na kayo,” sabi n'ya at nagsimula ng lumayo pero nahabol pa s'ya nito. Nagulat na lang s'ya nang nasa gilid na n'ya si Jarvis.   “Actually, I went here to see you,” mahinang sabi nito nang hindi nakatingin sa kanya. Parang tumalon ang puso n'ya dahil sa tahasang pag-amin nito pero pinigilan n'ya ang sariling magkaroon ng may malisyang reaksyon. Baka sabihin nito ay napaka-easy to get n'ya.   “Talaga, Sir—”   “Rika, we're not in the office. Di ba sabi ko sa iyo ay ituring mo akong kaibigan kapag—”   “Sige, Jarvis,” sabi n'ya at tumigil sa pagtakbo. Nakita n'ya sa di kalayuan ang halos di na maipintang mukha ni Angelica na nakatingin sa kanila. “Bumalik ka na doon at mukhang may sumpong ang alaga mo,” nakuha n'ya pang magbiro kahit na naghuhuramentado na ang puso n'ya nang ngumiti ito dahil sa biro n'ya.   “I'm sorry about that,” hinging paumanhin pa nito at nangingiting tinitigan s'ya. “See you in the office, Rika,” sabi nito na hindi nilulubayan ng titig ang mukha n'ya. Ibig-ibig na n'yang magtatalon sa kilig pero mamaya na lang kapag nag-iisa na s'ya. Kumaway pa s'ya ng minsan dito at saka mabilis nang tumalikod. Halos mapapikit s'ya at mapabilis ang pagtakbo dahil sa nararamdamang kilig. Ngiting-ngiti s'ya at hindi mapigilang isipin ang mangyayari sa susunod na weekend. Happy days are finally coming, gusto n'yang isagaw pero pinigilan n’ya ang sarili at baka maeskandalo pa s’ya sa ibang mga nandoon sa field.   “I thought you don't have a boyfriend,”   Sa tindi ng kilig na nararamdaman ay gulat na gulat tuloy si Paprika nang may magsalita sa likuran n'ya. Muntik pa tuloy s'yang matapilok dahil sa sobrang gulat! Paglingon n'ya ay nakita n'ya si Llewyn na nagjo-jogging palapit sa kanya. Nakasuot lang ito ng sandong puti at ganoon pa rin ang shorts na suot kanina. Pero ang buhok nito ay mamasa masa pa na halatang galing sa pagligo. Hindi n'ya napigilang mapairap dito.   “Bakit ka ba nanggugulat d'yan? Tsaka ano'ng ginagawa mo dito?” pasupladang tanong n'ya at medyo binilisan ang pagtakbo para makalayo dito. Pero ilang hakbang lang nito ay magkatapat na ulit sila.   “I'm jogging. Can't you see?” sarkastikong sagot naman nito. Umikot ang mga mata n'ya.   “Yeah, right! Jogging after taking a bath? Really, Llewyn?” buska n'ya dito. Nakita n'ya ang paglingon nito sa kanya.   “Bakit? Masama ba `yon?” nakataas ang kilay na tanong nito.   “May sinabi ba akong masama `yon?” irap n'ya dito. Natahimik ito saglit kaya nagulat s'ya nang magsalita ulit ito. Natatanaw na ulit n'ya ang paper tree sa di kalayuan.   “Boyfriend mo ba `yon?” rinig n'yang tanong nito nang nasa harapan na sila ng paper tree. Napahawak s'ya sa tuhod dahil sa hingal. Habol n'ya ang hininga kaya hindi n'ya kaagad mabara ang sinasabi nito. Binuksan kaagad n'ya ang tumbler at agad na uminom doon. Magsasalita na sana s'ya nang may towel nang pumulupot sa leeg n'ya. Nag-angat s'ya ng tingin kay Llewyn.   “You are sweating so much. I can't believe you just talked to that guy looking like that,” kunot noong sabi nito sabay turo sa gawing dibdib n'ya kaya agad na napatingin s’ya sa suot. Medyo mababa ang neckline ng suot n'yang fitted sweatshirt kaya medyo halata nga ang balat n'ya doon lalo na ngayong tagaktak ang pawis n'ya. Napatingin s'ya sa mukha nito at ngumisi.   “Uy, ang swerte ko naman! Mukhang naging dalawa pa ngayon ang kapatid ko. Thanks sa concern, baby brother number 2!” sabi n'ya sabay pisil sa pisngi nito. Nagsalubong agad ang makakapal na kilay ni Llewyn kaya lalo s'yang napangisi at inabot pa ang kabilang pisngi nito. Naglapat ang mga labi nito pero hindi nagsalita. Itinaas n'ya ulit ang isang kamay para pisilin sana ang ilong nito, but this time, Llewyn dodged it by grabbing her arm. Unti-unting nawala ang ngisi n'ya nang makita ang seryosong mukha nitong nakatunghay sa mukha n'ya. Napalunok s'ya nang sinubukan n'yang bawiin ang braso pero hindi nito iyon pinakawalan. Sa halip ay hinila pa s'ya nito palapit sa katawan nito. Namilog ang mga mata n’ya sa gulat.   “Llewyn, ano ba—”   “Didn't I tell you that I am not a baby anymore?” sabi nito na bahagya pang inilalapit ang mukha sa kanya. Unti-unti na n'yang naaamoy ang ginamit nitong sabong panligo at ang amoy mint na hininga nito. Muntik na s'yang mapapikit nang dumikit ang pisngi nito sa gilid ng pisngi n'ya. “I thought, I made myself clear the last time?” bulong nito at agad na naramdaman n'ya ang isang kamay nito sa gilid ng bewang n'ya! Halos mapapikit na s'ya ng tuluyan nang bahagyang pisilin nito iyon.   “S-sorry. I have started being comfortable with you—”   “Really? How comfortable are you with me, hmm?” tanong nito na pinagapang naman ngayon ang isang kamay sa likuran n'ya. Ang lamig na nanunuot kanina dahil sa basa sa pawis n'yang likod ay tila biglang natuyo dahil sa pagkakahaplos ng mainit na palad nito doon. She started being conscious, too. Naliligo s'ya sa pawis samantalang ito ay halos kakaligo lang at mabangong mabango pa!   “Llewyn, basang basa ako ng pawis,” sabi n'ya at bahagyang kumislot para magkaroon ng pagitan ang kanilang mga katawan pero lalo lamang s'ya nitong hinapit palapit sa katawan nito.   “Oh? I thought you were comfortable with me? Do you really mind if I smell your sweat right now?” tanong nitong inilapit pa ang ilong sa ilalim ng panga n'ya na agad na nagbigay ng todong kilabot sa buong sistema n'ya!   She cannot even recall the last time she became this close to a guy. Huling nobyo n'ya ay noong unang taon pa n'ya sa kolehiyo. She didn't even know how Llewyn's voice became seductive in an instant! Or she was just hallucinating because of their closeness?   Bago pa s'ya maapektuhan ng todo sa presensya nito ay buong lakas na itinulak n'ya ito. Nakangisi si Llewyn nang makalayo s'ya dito. Natatawang itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko. Inis na tinapon n'ya pabalik ang towel nito na ipinulupot nito sa leeg n'ya kanina na agad din n'yang pinagsisihan dahil panigurado ay basang basa na iyon ng pawis n'ya at dumikit na halos lahat ng amoy n'ya doon. Bigla s'yang na-conscious pero pinagalitan n'ya kaagad ang sarili.   Bakit naman s'ya maco-conscious eh parang kapatid na n'ya ito? It's not like she was seeing Llewyn as a man!   Nang makita n'yang nakangisi itong nakabuntot sa kanya ay inirapan n'ya ito at binilisan na ang pagtakbo.   She shouldn't be affected by his presence. Para sa kanya ay isa lang itong nakababatang kapatid. There's no way she would feel something different towards him. Llewyn was young. He was ten years younger than him, for crying out loud!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD