GROWING UP!

1320 Words
JAY POV Inanyayahan ako ng principal ng paaralan na dumalo sa ika-150 araw ng pagtatapos. Sinuportahan ni Nanay at tito Abdul ang pagtulong sa paaralang iyon. Upang parangalan sila, tinanggap ko ang kanyang imbitasyon. Humaba ang aming pagpupulong at lumagpas sa inaasahang oras na dapat matapos. Nahuli ako ng ilang minuto, laking pasalamat ko at hindi pa nagsisimula ang parteng kasama ako. Walang makakakilala sa akin dahil pinahaba ko ang aking buhok at kinulayan, nagpatubo rin ako ng balbas. Simula niloko ako ni Joyce at namatay si mommy. Nakalimutan ko kung sino ako. Naging mabagsik ang aking awra at piling magsalita pati ang pagngiti. Sinumpa ko ang aking sarili dahil unti-unting nawawala ang mga taong mahal ko. Nakarating ako sa paaralan ng maayos at nakikinig sa kwento niya. Namangha ako kung paano niya ginawa ang graduation speech na isang uri ng role play. She nailed it, though. Tumayo ako sa tabi ng entablado para magpakitang dumating na ako, nagulat ako sa bigla nalang niyang paggulong pababa ng hagdanan. Masyado pa akong malayo, para matulungan siya. Naglalakad ako malapit sa ibaba ng hagdanan. Sinubukan niyang tumayo, ngunit hindi niya nabalanse ang kanyang sarili sa pagkahulog muli. Nahawakan ko siya bago pa siya muling bumagsak sa sahig at madagdagan ang sugat sakanyang katawan. Kitang kita ko ang mga pasa sa braso at kanyang mukha. Akala ko tatayo na siya pero napanganga siya. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag magdulot ng isang kapahamakan. Napamura ako ng lihim sa angkin niyang ganda, ang mapula-pula niyang labi ay nakakaakit. Bago pa ako makasuhan ng child abuse ay nagsalita ako. Tinulungan ko siyang balansehin ang kanyang sarili bago umalis, aksidenteng nahawakan ko ang kanyang balat. Kinilabutan ang katawan ko sa kakaibang init na yumanig sa aking kalamnan. F**k! Maxado siyang bata para sa akin. Pero ang kakaibang pagtugon ng aking katawan sakanyang katawan ay kakaiba. Natatakpan ang taglay niyang kagandahan sakanyang toga pero makikita mo sakanyang balat na may porselana siyang balat at magandang mukha. Isa-isa kong iniaabot ang kanilang diploma sabay binabati. Tumingin ako sa kabuuan ng mga nagtapos sa taong ito. Nung siya na ang aakyat sa entablado, nakita ko siyang namumutla at hindi mapakali. Tumutulo ang butil-butil niyang pawis sa noo. Nag-aatubili siyang hawakan ang aking palad pero inabot niya parin ito. Siguro naramdaman niya rin ang pagdaloy ng kuryente tuwing magdikit ang aming balat. Marahan kong pinisil ang kamay niya bago bitawan. May sinasabi ang kanyang mga mata sa pagsulyap niya sa akin. Gusto kong magtagal pa para makausap siya, ngunit nakita ko ang aking ama na nakaupo sa isa sa upuan ng mga magulang. Umalis ako sa lugar na hindi lumilingon, natatakot akong magkasalubong ang aming mga mata. Madali niya akong makikilala dahil kaparehas ko lang siya sa mata. ************************* DANA POV Nasa kwarto ako at nag-iimpake ng gamit nang tumunog ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan. Tumatawag si Jenny... "Hello babe, gabi na gising ka pa?" tanong ko kay Jenny. "Babe, yeah, I feel bored lock up in my room. Magbabakasyon ka ba?" tanong ni Jenny. "Yes babe, they choose Palawan to celebrate this year!" Sumagot ako. "I envy you much babe, dinadala ka na naman ng parents mo sa ibang lugar bago bumalik sa school." Malungkot na sagot ni Jenny. Naaawa ako kay Jenny, masyadong busy ang magulang niya sa kanilang mga negosyo at wala na silang oras sakanila. Tanging ang kanilang yaya ang umiintindi sakanila. May kuya siya, pero busy sa pag-manage ng law firm nila na kasisimula pa lang at meron din siyang nakababatang kapatid. Ang kanilang pamilya ay sikat sa mga kaganapan sa kawanggawa, ngunit kawalan ng kalidad ng oras sa kanilang pamilya ang kulang. Siya ay lumaki na puno ng materyal na bagay. Dito sa bahay ang kanyang takbuhan tuwing hinahanap niya ang kalinga ng kanyang magulang. Anak ang turing ng magulang ko sakanila dahil nag-iisa lang naman kasi ako. "Babe, kakausapin ko si mommy para sumama ka. 10 am ang flight bukas." Walang pag-aalinlangan akong nagmungkahi sa kanya. “Babe, huwag ka nang mag-abala pa. Ayokong masira ang family day niyo. Dalhan mo nalang ako ng mga pasalubong." Simpleng sagot ni Jenny pero ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses niya. ********* Nasa byahe kami papuntang Coron, Palawan at tuwang-tuwa akong makakasisid muli pagkarating. Ang paglangoy at pamamangka ang paborito kong water sports bukod sa mga larong bola. Hindi ako isang tipikal na babae na namumuhay na isang prinsesa na walang mga pinagkakaabalahang mga gawain. Oo! Lagi akong sinusuportahan ng mga magulang ko sa ganyan. Bago ko pa makilala ang lalaking dyosang iyon, lagi kong pinapantasya ang pagkakaroon ng prinsipe na bubuo sa akin, ngunit mukhang hindi na prinsipe ang gusto ko. Numumula ang aking pisngi at nag-init ang pakiramdam. Kinikilig akong maalala siyang muli. Dagdag siya sa mga paborito kong sports. Pwede na palang isama si prince charming sa sports! Napangiti nalang ako. Wow!!! Napakasarap naman yakapin ang bisig na yan! Nakangiti akong nakatitig sa isang matipunong lalaki na nakasuot ng hapit na pantalon at t-shirt. Bakat ang kanyang matitigas na kalamnan. Maganda ang hugis ng kanyang mukha na akala mo ay inukit ang perpekto niyang panga. May mapupulang labi na nakakaakit halikan. Malulunod ka rin sa ganda ng malalim niyang mata at mahahabang pilantik na akala mo'y isang manika. Ang kanyang makapal na itim na matulin na kilay ay bumagay sa kanyang malalim na mata at mukha. Maakit kang titigan siya ng paulit-ulit. Wala sa sarili akong nakangiti sa kawalan. "Daniella Marie!" Natigilan ako sa boses ni daddy. “Oh! Sh*t!" I suddenly utter surprising dad. Tumaas ang kilay ni Daddy at tinitigan ako like what the hell did you just say! "I'm sorry daddy, ginulat mo kasi ako!" Nahihiya at taranta kong sagot. Kaya naman tigilan mo na ang pagpapantasya Dana. Matanda kana hindi ka isang bata na naniniwala na mayroong santa claus. Saway ko sa aking sarili. "Ano bang iniisip mo at nakangiti kang mag-isa?" Tanong ni Dad. "Sorry dad." Namumula kong sagot. Ngumiti si mama, sabay kindat sa akin. Hindi ko napansin na huminto na pala ang eroplano at tanging kami lang ang pasaherong naiwan. I mentally scolded myself, natatawang hinablot ko ang aking bag bago pa mairita si daddy. Isang prinsipe lang dati ang pinapantasya ko, pero nung makita ko ang anghel na yun nag-iba na ang gusto ko. Natawa ako sa aking isipan, anghel na pala Daniella ha! Naaalala ko pa ang mga kakaibang kiliting dumaloy sa aking katawan nung dumaiti ang kanyang palad sa aking balat at ang nakakabaliw niyang mabangong hininga. Pagkatapos naming ayusin ang mga gamit namin ay bumaba na kami para kumain ng hapunan. Naiinggit ako sa pagmamahalan ng magulang ko sa isa't isa. Sinusuportahan nila ang isat-isa, malayang naghahalikan at nagyayakapan kung nasaan man sila. Katulad ngayon, masayang nakatitig si mommy kay daddy, habang nililinis ang alimango at sugpo para sakanya. Nagtatawanan sila sakanilang usapan at minsan ay kinikintalan ni mommy ng halik si daddy. Mukha silang isang bagong kasal na naghohneymoon lang. Gusto kong makuha kung anong meron sila. Gusto ko ang lalaking mapunta sa akin ay katulad ni daddy, mapagmahal at pinoprotektahan si mommy. Gabi na, pero hindi pa ako dalawin ng antok. Masarap magtampisaw sa malamig na tubig habang nanonood ng ilang sumisisid. Gusto kong humiga sa puting buhangin at bilangin ang mga kumikislap na bituin. Napangiti ako habang inilalarawan sa aking isipan ang lalaking iyon, ang maganda niyang pangangatawan at malakas na bisig habang sinasalo ako huwag lang matumba. Pakiramdam ko uminit ang katawan ko kakaisip sa kanya. Hindi na ako basta babae. I guess, I'm a woman now. Tumayo ako habang naglalakad sa dalampasigan kasunod ng mga alitaptap, iniisip kong nasa tabi ko siya na pinoprotektahan ako na huwag madisgrasya. May ginawa ba siya sa akin? Ginayuma ba niya ako para hindi siya maalis-alis sa isipan ko? Pumikit ako, dinamdam ang malamig na simoy ng hangin bago ako naglakad pabalik sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD