Muling Pagkikita

1711 Words
DANA POV Sa bilis ng panahon matatapos na ang aming unang taon sa kolehiyo. Hindi namin kasama si Julie ngayong kolehiyo dahil sinundan si Rod, ang kanyang kasintahan sa La Salle lipa para kumuha ng pagkainhinyero. Bukas gaganapin ang aming finals kaya walang pakundangan ang aming pag-aaral para sa pagsususlit. Inaalagaan ko talaga ang aking pangalan dahil isa ako sa dean’s lister. Exhausted ang buong araw kaya naisipan naming kumain sa mall at sumagi din sa isip namin ang pumunta sa bar dahil biyernes naman ngayon. “Dana kumain muna tayo sa McDonald’s para maiba naman!” Suggest ni Jenny since wala kaming magustuhan dito sa loob ng mall. Lumingon ako sa gawi ng McDo at nakita kong hindi naman masikip. “Sige, doon na nga lang tayo para maiba.” Pagpayag ko dahil matagal na akong hindi kumakain doon. Nakakamiss talaga kumain ng fried chicken basta Mcdo at Jolibee, chicken joy nila agad ang pinakamasarap jan!. Nasa kasarapan kami sa pagkain habang nagbabasa ng aksidenteng mapalingon ako sa aking alas dose. Kahit nakaside view lang siya, mararamdaman mo ang good vibes at ang umaalingawngaw niyang kapangyarihang taglay! Namimilipit tuloy ang aking leeg para makita ang kabuuan ng kanyang mysteryosong mukha! Kamalasan nga lang nakatagilid siya, kaya hindi ko makita ang buo niyang mukha. Ang sexy niya ngumuya ng burger at ang panga niya perfect na perfect sa paggalaw. Medyo matangos ang ilong at kulay kayumanggi ang balat. Malamang matangkad kapag tumayo at ang ganda ng katawan. Makikita ang gandang hubog ng kanyang katawan sa hapit niyang damit. Nagwawala ang matitigas niyang muscles sa masikip niyang suot na polong nakatupi hanggang siko. Manipis ang kanyang tiyan na mapapaisip ka kung ilang abs ang nakatago doon. Mamulamula ang kanyang manipis na labi na parang masarap halikan. Oh my gee! Kinikilig na ako sakanya, eh, kalahati palang ang nakikita ko paano kapag humarap na siya mapapatumbling na ba ako! "Hoy! Babe napapaano ka baka sumakit ang leeg mo niyan at ang pagkain mo kailan kaya matatapos yan!" Panirang moment sa akin ni Jenny. “H-h-Ha! A-a-ah! Bakit aalis naba tayo?” Nataranta kong tanong sakanya. Umirap siya sabay tampal ng aming mesa. "Babe! Earth ka naman gurl anu ba yan! Hindi ka pa nga tapos kumain eh, paano tayo aalis! Malamang kanina pang nabuburyong na si manong kakahintay sa paglabas ko." Maktol niyang nakasimangot. "Sorry babe nakarating nanaman kasi ako sa aking fantasy world." Pagsisinungaling ko. "Haha. Tigilan mo na yan Daniella Marie, kasi ang prince charming ni cinderella sa kwento lang 'yun. Walang cinderela sa totoong mundo!" Okray niyang sagot. Sasagot pa sana ako kaso lumingon siya? Kinikilig at natorete ang aking puso! Syeeet! Bakit ako nagkakaganito! Maraming gwapo na akong nakita pero hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Anung nangyayari ba sa akin? Napaawang ang aking bibig ngunit walang katagang gustong lumabas, paano ba naman kasi isang adonis lang naman pala ang lalaking nasa sulok. Ang unfair ng life bakit ang perfect niya, lahat ng tao sa loob kahit lalaki napapalingon sakanya. Kahit hindi siya magpapansin, mapapansin siya dahil sa taglay niyang sumisigaw na kagwapuhan, isama pa ang ganda ng kanyang katawan. Side view palang ulam na, paano ang pagharap sinabawan na ba at mapapasarap ka sa paghigop! "Girl bibig mo naman, baka pwedeng isara mo bago mapasukan ng langaw na may dalang bacteria. Halika kana baka makarating kana sa dulo ng fantasy world mo at sisigaw kapa dito nakakahiya." Panirang moment ulit ni Jenny. Hinayaan kong hatakin niya ako palabas pero sa hindi inaasahan lumingon sa amin si adonis! Paksyet! Nagwawala na ang aking puso at nasabawan na ang aking utak ayaw gumana. Lalo pa akong natorete sa pagsalubong sakanyang mata. Syeet na malagkit! Teka! Hindi ba siya si hunk saviour ko one year ago? Biglang napako ang aking paa sa sahig at nanghihina ang aking tuhod para humakbang. Tingin palang niya yan paano na kapag mahawakan niya akong muli, lalambitin na ba akong wala ng bukas! Idagdag mo pa ang kanyang labing nakaawang na parang nag-aanyaya para lantakan ng halik. "Babe naman ang bigat mo kaya, baka naman gusto mong ihakbang 'yang mahahaba mong hita." Nahihirapang sita ni Jenny dahil hindi talaga ako makagalaw parang slow motion ang lahat sa isang titig lang niya. Dahil hindi pa rin ako natitinag napatingin si Jenny sa aking mukha. "Girl ang putl-" Naputol niyang sasabihin paglingon kong saan nakapako ang aking malagkit na tingin. "Giiirrrlllll!... ang gwapo niya!" Ipit niyang tili sabay higpit sa pagkakahawak at mabaon ang kanyang mahahbang kuko sa aking makinis na balat. Pinutol ko ang aming malapit ng magpikachung titigan at hinatak si Jenny palabas! Pagdating sa labas nagtititili at nagtatatalon si Jenny sa kilig. "Girl bakit hindi mo ako inabisuhan na may papa---papakin pala doon sa sulok." Sigaw niyang hatak sa akin. Kahit ganyan umasta o magsalita si Jenny ay isa pa rin siyang birhen. Nahawaan lang sa bibig ng mga iba pa naming kakilala. Madalas malalaswa ang lumalabas, kaya pati ako natutong magmura. Murang di naman maxadong masakit sa dibdib, kaya pa namang lamunin ng aso. Nasa bahay na ako pero hindi parin maalis sa isipan ko ang lalaking nakita ko sa McDonalds. My only saviour! Kahit anu pang suot o ayos ng kanyang buhok ay sumisigaw pa rin ang kagwapuhan niyang taglay. Kahit siguro magpakalbo siya, magniningning pa rin siya! God ipakilala mo siya sa akin! Oh My Gee!.. Sino ba talaga siya? Last year ko siyang unang nakilala bilang isang bad boy image at ngayong taon naman pumapalahaw siyang isang modelo ng sikat na underwear, anu naman kaya next year! Mayroon bang hindi babagay sakanya? Natotorete na akong nagpagulong-gulong sa kama hanggang mahulog sa sahig. Aray! Ansakit naman, kasing sakit ng katotohanang hanggang tingin ko lang siya. Nakaramdam ako ng lungkot na mayroong nagmamay-ari na sakanya. Sabagay, sa taglay ba naman niyang kagwapuhan na iyon. Malabong wala siyang asawa o girlfriend! Tahan na Daniella, darating din ang para sa iyo! Pagpapagaan ko sa aking sarili. ***************** Si Coach Jonas ang bantay ngayon dito sa gym. Isa rin siyang makisig na lalaki, ideal maging girlfriend o asawa pero hindi ko siya type. Kahit anung tingin ang gawin ko sakanya hindi man lang akong makaramdam ng kilig katulad ni my saviour! Haaay! Bakit ba ang hirap ang mga final exams. Kung akong matalino nahihirapan paano pa kaya ang mga average lang! Napabuntong hininga akong tumayo at nagmamadaling ipinasa ang aking papel sa kagustuhang makarating agad sa McDonald's. Pagkaabot ko ng aking test paper, nahawakan ni coach ang aking kamay. “Oh! Sorry Ms. Dana I didn’t mean it!” Hinging paumanhin niya pero halatang sinadya naman niya 'yun. “Okay lang po sir!" Sabay talikod at patakbong pumunta sa McDo. Nakakatawa lang, hindi ko aakalain na mararamdaman ko rin ang naramdaman ni Julie kay Rod kaya pala. Nakakabaliw pala talaga, magagawa mo ang mga bagay na hindi mo aakalaing kaya mong gawin. Dana Calling…… “Dana nasaan kana ba, bakit naman hindi mo ako inantay?” Nagtatampong sagot niya sa tawag ko. “Sorry Jenny nauna na kasi ako dito sa McDonalds para makapagreserve ng magiging upuan natin malay mo punuan dahil finals." Pasimpleng sagot ko sa nagtatampo kong bestfriend. “Tekaaa! Bakit McDo ulit girl? Kahapon at noong nakaraang araw jan na tayo kumain ah!” Nagtatakang tanong niya. “Ah kasi bakasyon na, hindi na tayo makakapunta dito, aantayin kita at mag-oorder ako ng paborito mo ha.” Putol ko sa aming usapan. Hello! Anu yun suhol lang niya at biglang doon nanaman ang venue! Kunot noo kong tanong sa sarili ko. Pagdating ko sa loob nakita ko siyang hindi mapakali at panay lingon sa kung saan na parang may hinahanap. “Dana, my kasabay ba tayong kakain at ang haba ng leeg mo jan?” Biglang tanong ko pag-upo sakanyang harapan at tumingin sa lugar kung saan napadpad ang kanyang mata. “A-ah! Wala naman check ko lang, hindi naman pala maxadong madaming tao ngayon anoh? Akala ko madami kaya nauna na ako dito!” Pagsisinungaling niyang sagot sabay yuko at sinimulanng lantakan ang kanyang pagkain. “Teka nga lang Dana ha! My naaalala lang ako sa ganyang kinikilos mo?” Malisyosong tanong ko sakanya at may patambol-tambol pa sa mesa. “Ano naman ‘yun Jen ha!” Nag-aalala niyang tanong. “Ganyan na ganyan si Julie noong nabihag ni Rod ang kanyang malanding puso." Tinitigan ko siya sa kanyang mata pero ayaw tumingin sa akin. "Teka nakita mo na ba si Prince Charming mo dito? Prince Charming na ba siya talaga? Nasaan siya para makilatis ko na?” Sunod sunod kong tanong. “Hoy! Jenny hinay hinay lang sa pagtatanong ha at mahina ang kalaban. Oo nakita ko lang siya at hindi ko naman nakausap o nalapitan man lang dahil naging tuod at umurong dila ko. Nung biglang humarap sa atin dahil maingay ka, tumigil yata ang mundo dahil my nagpakitang diyosa sa kagwapuhan at hunk ang katawan!.” Kinikilig niyang sagot. “At umaasa kang makikita ka naman niya malay ba niya kung sino ka. Ang prince charming sa panaginip lang yun kaya tigilan mo na ang kahibangan mo friend nilingon ka lang niya oy!” Taas kilay at nakangusong patutsada ko sakanya. Umismid siya at kinain lahat 'yung kanyang ice cream. "Jen, hindi lang siya prince charming! Nakakalunod ang taglay niyang kagwapuhan, makakalimutan mo kung sino ka!" Bigla niyang turan. Napataas ang aking kilay na tumingin sakanya. "Talaga!" "Kung alam ko lang lalaitin mo ako hindi na kita binilhan ng pagkain mo para pumila ka jan sa mahabang pila na yan." Kunwaring my tampong niyang sagot. Napahalakhak naman ako. Tampuhin siya talaga! "Hahahahaha." "Gusto mo bang malaman kung sino ang tinutukoy ko?" Dahan dahan niyang iniangat ang kanyang mukha para salubungin ang aking tingin. "Sino nga ba girl?" Mapang-asar ko pa ring tanong! "Naalala mo yung lalaking gwapo kahap-" Naputol kong sasabihin dahil sa kanyang pagtili, masasamang tingin ang ibinato ng mga tao sa loob sa amin. "Girl!.... Siya ba?" Tumango akong nakanguso sakanya. "OMG! Prince charming nga!" Muli nyang pagtili. Hindi na namin tinapos ang aming pagkain, binitbit nalang namin palabas dahil masama ang tingin ng mga tao sa aming paligid. Kulang nalang lamunin nila kaming buhay! Si Jenny kasi panay ang tili akala mo sinisilihan ang pwet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD