His Handsome Savior
DANA POV
"Dana, tapos ka na bang magbihis? Baka hindi na tayo makakaabot!" Tanong ni mommy na naghihintay sa sala. "Malapit nang matapos mommy, bigyan mo lang ako ng ilang minuto pa." Sagot ko kay mommy.
Ngayong araw matatapos ang aking buhay high school. Not a typical high schooler, pero at least magtatapos akong may mataas na marka. Gustung gusto kong pumunta sa paaralan upang makita ang aking mga kaibigan, ngunit kakaunti ang totoo. Si Jenny at Julie ang tunay kong mga kaibigan. Si Julie ay baliw na baliw sa kanyang kasintahan. Kasabay ng pagtatapos namin ng high school ang kanilang engagement. Hindi na sila mapaghihiwalay kailan man. Mabait at mapagmahal si Ron, isama pang matangkad at gwapo. Hindi pa kami nagkaroon ng pagkakataon ni Jenny na makipagnobyo kahit na isa kami sa mga kababaihan na tumitili kapag nakakakita ng gwapo at macho.
Magtatapos ako bilang Valedictorian ng aming batch, ditching the darling of the crowd being the Salutatorian. Galit na galit siya sa amin, hindi naman namin alam ang dahilan. Hindi siya kasing ganda at hindi rin sexy, pero varsity player at muse siya ng aming paaralan. Anuman ang kanyang dahilan, hindi kami interesado doon.
“Bilang isa niyong guro natutuwa kaming lahat na magtatapos kayo pagkatapos ng apat na taon na pagpupuyat at pag-aral niyo. Ang pagtatapos na ito ay hindi pagsasara ng inyong pintuan kundi pagbubukas ng panibagong yugto ng inyong buhay. Hindi magiging madali ang susunod na kabanata ng inyong buhay, ngunit nasisiguro kong makakayanan niyo ang lahat sa gabay ng inyong magulang at bagong guro.” Pahayag ng aming principal. “Bago natin ibigay ang inyong mga diploma na patunay na natapos niyo na ang high school pakinggan natin ang mensaheng inihanda ng ating Valedictorian ngayong taon, mangyaring umakyat sa entablado Ms. Dana Clemente!” Masigabong palakpakan ang maririnig habang umaakyat ako sa entablado. Ang darling of the crowd groups murmured that I don't deserve being Valedictorian. Inayos ko ang aking sarili sa pag-akyat sa entablado, patutunayan ko sakanila na I deserved it.
“Maraming salamat po, aming mahal na punong-guro. Magandang hapon sa ating mga mahal na magulang, guro at mga nagsipagtapos ngayong taon." Huminga ako ng malalim, inilibot ko muna ang aking mata sa mga tao bago nagpatuloy.
“Actually, naghanda ako ng mahabang sheet ng speech ko, but I opted not to disclose. Half of the crowd, screams I don't deserve standing here giving my speech." Iwinagayway ko ang mahabang papel na pinagsulatan ko at tumingin sa lugar nila. "Hindi ko rin alam kung paano ko ito deserve, hindi ko naman ito hiniling, pero ang alam ko lang ginawa ko ang lahat ng makakaya ko maipasa ang lahat ng aralin ko." Naghiyawan ang mga tao, sumigaw ang isang lalaki. "Just cut the crap, you're rich! Binili mo ang grado mo." Sigaw niya. Napangiti ako na hindi apektado sa sinisigaw niya. Hinabol siya ng mga gwardiya at pinalabas. I continue my speech, ending telling a funny story para hindi sila antukin.
“Patuloy po nating abutin ang ating mga pangarap, hindi dahil gusto ng ating magulang kundi dahil gusto nating maging matagumpay. Mag-aral tayong mabuti at maging matagumpay na tao sa hinaharap na ipagmamalaki ng ating mga magulang. Tulad ng sinabi ng ating punong-guro, ang ating susunod na paglalakbay ay hindi kasing-dali ng naranasan natin dito, ngunit sinisiguro ko sa inyo na ito ay kawili-wili at sulit. Thank you parents and teachers for molding our capabilities." Nakangiting pagtatapos ko. Ramdam ko ang pagpulikat ng aking paa habang nakatayo ng matagal gamit ang mataas kong sapatos. Nagmamadali akong bumaba ng entablado, hindi ko napansin ang lalaking nakatayo sa tabi ng entablado. Ako ay natisod at nalaglag sa entablado, nakaramdam ako ng hilo sa paggulong ko at ang pagtama ng aking noo sa semento. May sumisigaw na nag-aalala, may mga natatawa sa kasawian ko. Tumayo ako para maglakad nang nanginginig ang mga paa ko dahilan para matumba akong muli, ngunit hindi ako tuluyang bumagsagk sa sahig. Isang matigas na braso ang sumalo sa akin. Tumingala ako para makita ang aking tagapagligtas.
Natigilan akong natulala sa taglay niyang kagwapuhan at mabangong amoy na manonoot sa iyong ilong na gusto mo pang singhutin. Mukha siyang hari sa nakatali niyang kulay kayumangging mahabang buhok. Ang kanyang makapal na itim na kilay na parang inahit sa ayos at mahahabang malantik na pilik mata ay nagbibigay-diin sa kanyang matapang na personalidad. Siya ay malakas at matipuno ang pangangatawan na akala mo ay isang modelo ng mga brief or isang lifeguard. Nakakalunod din ang tumingin sakanyang kulay karagatang mata. Mapapatingin at mapaplunok ka sa ganda ng kanyang mapupulang labi na gusto mong halikan. "Miss, okay ka lang ba?" Tanong niya gamit ang malalim niyang boses. Nanginig ako sa kiliting dulot niya sa aking katawan. Pakiramdam ko namula ang aking mukha. Tumango ako at kanyang tinulungang makatayo ng tuwid. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa pagdampi ng kanyang palad sa aking balat. Naglakad ako pabalik sa aking upuan na nanginginig. Naikuyom ko ang pawisan kong kamao habang pabagu-bago ang malakas na t***k ng aking puso. Lahat ay bago sa akin, ang reaksyon ng aking katawan sa pagdampi ng kanyang balat at ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Pinapakalma ko ang aking sarili habang ang punong-guro ay isa-isang tinatawag na ang mga pangalan para tanggapin ang aming mga diploma. Sino siya, ano ang ginagawa niya sa paaralang ito? Bakit ako nakakaramdam ng mga ganito? Nataranta ako habang tinatawag ang pangalan ko. Nanginginig akong namumutla papalapit sa entablado. Nakita ko siyang nakatitig sa akin ng masinsinan na akala mo hinuhubaran ang buo kong pagkatao, nakailang lunok din siya.
"Congratulations!" Sabi niya sabay abot sa kanyang palad. Pinagpapawisan ang palad ko na nakatingin sa palad niya. Inabot ko ang aking diploma, nagmadali kong inabot ang kanyang palad. Naramdaman kong muli ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan. Parang isang boltaheng niyayanig ang buo kong kalamnan. Namumula ang aking mukha na tumingin sakanya. Ramdam niya rin siguro dahil sa malalim niyang pagbuntong hinga sabay lunok pero nagawa pa niyang pisilin ang aking kamay bago bitawan.
"Salamat!" I manage to utter not showing any signs na apektado ako sa kanya. Bumuntong hininga akong tumingin sa mga mata niya bago tumalikod. Nakaramdam ako ng pananayo ng aking balahibo habang naglalakad pababa ng entablado. Dana konti pang lakad kaya mo yan!
Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat pagkatapos matanggap ang mga diploma at sabay-sabay naming inihagis sa ere ang aming mga toga sa tuwa hudyat ng panibagong yugto ng aming buhay.
Inilibot ko ang aking paningin kung nandoon pa ba siya, pero hindi ko na siya nasulyapan. Narinig kong nagbulungan ang mga tao tungkol sa kanya. So, he is one of the best alumni, that's explains why he is here. Nanlumo ako, pakiramdam ko may nawala sa akin at hinahanap ko ang kanyang matipunong bisig. Siguro crush lang ito since I'm just 16 turning 17 years old. Yung gwapo niyang iyon, malamang may asawa na siya. Bihira na ngayon ang guwapong hindi pa taken.
I sigh heavily, shaking my head, approaching my parent's seat. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at kumuha ng ilang litrato bago umalis.