Stella's POV
Kringg kringg
Click
“Aargg!” sigaw ko at bumangon.
Inoff kona ang alarm clock ko. Ang pangit ng gising ko ngayon, parang ayoko nalang mag training. Iniisip ko palang ang magtuturo sakin ay gusto ko ng bumalik sa pagtulog. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, ayoko naman kasi syang makita.
“Why so grumpy?” tanong ni Mile na nakasandal sa pintuan ko.
May hawak syang tasa ng kape naglakad sya papunta sakin at umupo sa tabi ko. Inabot nya sakin yung kapeng hawak nya. Naka pajama parin sya, mukang bagong gising din katulad ko.
“Guess who's my trainer is.” sabi ko at ininom ang kape.
Hmm! Ang sarap ng timpla nya ah. Sakto lang ang asukal at creamer. Hindi matabang, nalalasahan ko ang tamis.
“Hhmm Ice?” hula nya. Umiling ako.
Nako Mile sana nga si Ice nalang, kaso hindi eh. Mga S Class Wizards nga pala ang magtuturo sa mga katulad ko, sa kasamaang palad masungit at masama ang ugali ang napunta sakin.
“Hey! Good morning.” bati ni Bela at pumasok din sa kwarto ko. Umupo din sya sa kama ko, ngayon magkabilaan na silang nasa tabi ko.
“What's up?” tanong nya. Naka pajama din sya, bagong gising pala kaming lahat.
“Where playing guess who's Stella's trainer is. I was wrong in my first guess.” sabi ni Mile at nag pout. Hahaha cute.
“Oh edi si Ice?” hula ni Bela umiling si Mile.
Siguro madalas maging trainer si Ice, kaya sya ang laging nababanggit. Pero bakit hindi sya ang naging trainer ko? Ang daya naman.
“Nasabi ko na yon.” sabi ni Mile.
“Jackson?” hula ulit ni Bela. Umiling ako.
“Tob?” Mile. Umiling ako.
“Kera?” Bela. Umiling ulit ako.
“Nope, nope and nope.” humigop ulit ako ng kapeng hawak ko.
Nag isip pa sila ulit. Nagkatinginan bigla sila Mile.
“Si Blaise!” biglang sigaw nila at tumingin sakin.
Muntik na ako mapaso sa kapeng iniinom ko. Nagpunas muna ako ng labi ko, I rolled my eyes heavenwards then nodded.
“Hmm that's weird diba hindi na tumatanggap ng trainee si Blaise?” tanong ni Mile kay Bela. Tumango si Bela, Hindi na tumatanggap ng trainee? Eh bakit tinanggap nya ako?
Ayy oo nga pala wala na syang choice non.
“Oo nga ngayon lang ulit sya tumanggap at si Stella pa hahaha.” pang-aasar ni Bela. Hay nako!
“Mag ayos na nga kayo.” sabi ko sakanila at tinutulak-tulak palabas ng kwarto. Medyo inaantok pako, kaya matutulog na muna ako, madami pa naman akong oras para maghanda.
“Ikaw din no, kailangan muna mag-ayos.” sabi ni Mile. Tumigil ako sa pagtulak sakanila at nakapamewang na tinignan sila.
“Tinatamad ako.” walang kabuhay-buhay kong sabi sabay hikad sa harapan nila.
“Ikaw bahala ayaw na ayaw pa naman nyon na naghihintay.” bantay ni Mile na may kasama pang nakakalokang ngiti.
Tsk! Unti-unti na silang naglakad papunta sa sala. Bahala sya matutulog muna ako ng mga 10 minutes, humiga nako ulit sa kama ko at natulog.
Mabilis akong dinalaw ng antok.
10 minutes later.
“Stella.” Inalog-alog ako ni Mile. Rinig ko ang boses nya na ginigising ako.
“Hmm antok pako.” sabi ko sakanya habang nakapikit at nagtaklob ng kumot sa mukha.
“Mauuna na kami, mag-ayos kana. Jusko! you don't want the beast to get mad.” babala nya ulit sakin.
Beast-beast pang nalalaman... baka bwiset-bwiset.
“Hhm hhm!” nasabi ko nalang dahil inaantok pako. Narinig ko na ang mga yabag nya na papaalis, pinagpatuloy kona ang pag tulog ko.
40 minutes later.
Bumangon nako at tinignan ang orasan, napahikad pa ako dahil kakagising ko lang. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makitang 7:40 am na.
“s**t!” sabi ko at tumakbo na sa banyo para maligo. 20 minutes nalang at mag e-eight na.
Mabilis akong natapos maligo at nag bihis na ng uniform. Patakbo akong lumabas sa bahay nila Mile, ni-hindi ko alam kung maayos ba ang itsura ko.
“Grandine!” sigaw ko at bumaba si Grandine.
Sumakay nako agad sakanya papuntang school. Buti nalang close na kami nitong dragon nila Mile, kagabi pinasakay nila ako mag-isa kay grandine at pinalipad-lipad hanggang sa masanay ako, buti nga medyo nasanay ako. Ngayon kasi nanginginig padin ang mga kamay ko, at hindi ako tumitingin sa baba. Nakakatakot, pero hindi na masyado tulad ng unang sakay ko.
Katulad ng dati mabilis parin ang paglipad nya kaya kumapit ako sakanya ng mabuti. Maya-maya bumagal na ang lipad nya at unti-unting bumaba sa lupa, diretsyong school nya na ako hinatid. Wala na kasi akong naabutang bus kasi late na late na talaga ako.
“Salamat Grandine.” sabi ko at kumaway kaway sakanya habang tumatakbo. Kinuha ko sa bag ko ang apple at binato sakanya, Sinalo nya yun gamit ang bibig nya.
“Bye-bye.” at nag patuloy na ako sa pagtakbo.
Tinignan ko ang relo ko. 9:00 na, Medyo matagal talaga pag hindi bus ang sasakyan. Ayys! Binilisan ko pa ang pagtakbo pero napatigil din ako nang ma-realize ko na...
“Saan nga ba yung training room?” tanong ko sa sarili ko at napakamot sa baba ko.
Hindi naman kasi ako sinabihan kung saan mag tratraining eh. Tumingin ako sa paligid nakita ko si Kera na naglalakad papasok. Thank Goodness!
“Kera!” sigaw ko at kumaway sakanya. Nilingon nya ko at kumaway din sya sakin. Tumakbo ako papunta sakanya.
Nang makadating nako sa harapan nya ay hinabol ko muna ang hininga ko. Wooh! Grabe higal na hingal ako. Sabi ko kasi 10 minutes lang, masyadong napahaba ang tulog ko.
“Oh you're still here? No wonder the training room is hot like hell.” sabi nya na bahagyang natatawa.
Lalo tuloy akong nag-alangan pumasok.
“Kakarating ko lang, saan nga pala yung training room?” tanong ko na medyo hinihingal pa.
“Nasa second floor, hanapin mo lang yung wooden door na may naka ukit na training room sa taas ng pinto. Now, you better hurry if you don't want to be burn alive.” pananakot nya pa.
Nagpasalamat ako at tumakbo na para hanapin na ang training room. Nang nahanap ko na agad ko yung binuksan nang hindi iniisip ang sasalubong sakin.
BBOOOSSSHH
Umilag ako dahil may bumulusong na Fire Ball sa direksyon ko, tumingin ako sa gawi kung saan nanggaling yon at nakita ko si Satanas— este si Blaise pala. Lumiliyab ang buong katawan nya at nakatingin sakin ng masama. Napaatras ako, nakakatakot sya.
Unti-unting nawala ang apoy sa katawan nya at lumapit sakin. Umatras naman ako ulit dahil sa takot.
“You are 1 hour late!” sigaw nya at biglang nag liyab ang buong training room.
Natulala ako ganto, pala sya kalakas di ako makapaniwala. Buong training room nagliliyab, ang init nadin at pinag papawisan nanako. Para nga akong nasa impyerno.
“Teka-teka huhuhu wag kana magalit di ko na uulitin.” pinag-kiskis ko ang dalawang kamay ko habang humihingi ng tawad.
Kung alam ko lang, hindi na dapat ako natulog. Halos lumuhod ako sakanya, para tumigil lang sya.
“Tsk!” narinig kong singhal nya at naglakad na papalayo. Nawala nadin ang apoy sa buong kwarto, pero wala man lang pinsalang nangyare?
“Blaise.” tawag ko sakanya. Hindi sya lumingon, lumakad ako palapit sakanya.
“Blaise.” tawag ko ulit. Hindi parin sya lumilingon. Nakita kong tumataas baba ang balikat nya at mabigat ang paghinga nya.
Lumapit pako sakanya at hinawakan ang balikat nya. Pinaharap ko sya sakin, nang humarap sya, nagulat ako dahil pulang-pula ang mata nya, yung tipong para ng nag liliyab. Literal, napabitaw tuloy ako at napaatras sa gulat, napatakip din ako ng bibig ko dahil sa takot.
Nanginginig ang binti ko, nagtaka sya kung bakit ganon ang reaksyon ko. Hindi nya ata ramdam ang liyab ng mga mata nya kaya tumingin sya sa salamin sa gilid ng pader. Nagulat din sya sa itsura ng mga mata nya, bigla nalang syang lumayo sakin. Tinitigan ko parin ang mata nya, nakita kung unti-unting naging itim na ulit yun.
Nakahinga ako ng maluwag.
“Blaise.” bulong ko ng humarap sya sakin.
“Let's Start.” sabi nya na parang walang nangyare.
Hindi parin ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Tinignan nya ko at napa buntong hininga.
“If you're scared of me, you may now leave.” walang emosyon nyang sabi. Nabalik naman ako sa katinuan. Agad akong umayos ng tayo.
“Hoy, anong aalis kailangan ko mag training no.” sabi ko sakanya. Nakita kong parang nagulat sya, pero agad ding nawala at bumalik sa pagiging seryoso.
“You're not scared of me?” takang tanong nya.
Oo naman ngayon takot nako sakanya, pero uunahin ko paba ang takot, kesa sa training?
“Well yes, natakot ako kanina, pero naniniwala akong di mo naman ako sasaktan diba?” sabi ko at ngumiti sakanya. Napatitig sya sakin.
“Tsk! Stupid.” bulong nya at tumalikod.
Nakita ko pang bahagya syang napangiti, Wow! Ngumiti? Kunyare nalang hindi ko nakita. Pa-simple akong ngumiti din at sumunod sakanya.
“Fine.” umupo sya sa lamesa at ako sa sofa. Magkaharap kaming dalawa ngayon.
“Before we start, I'm gonna ask you a Question. Anong klaseng buhay ang meron ka sa mortal world at may kakaiba bang nangyare sayo?” tanong nya habang nakatitig sakin.
Ang intense naman nito tumitig, yung tipong parang may ginawa kang kasalanan. Para masagot ang tanong nya ay nilabas ko ang kwintas ko at inalala ko ang masaklap na nangyare sakin sa mortal world.
“Mag-isa lang akong naninirahan isa akong scholar at working student sa school na pinapasukan ko. Maraming ng bu-bully sakin, ni-isa wala akong kaibigan. Isang araw sinubukan kong ipagtanggol ang sarili ko, nakakapagod nadin kasi eh. Ang daming judgemental sa mundo namin, dumating ang oras na lahat na sila pinagtulungan akong laitin. Hindi ko napigilang sumigaw kasabay nun ang pag-ilaw ng kwintas ko, tumalsik silang lahat sa lakas ng impact, maraming nawalan ng malay at ang daming nasugatan. Hindi ko alam ang gagawin ko nun nang hinabol na ako ng mga pulis. Tumakbo ako at diko namalayang napunta ako sa Giaca Forest, yun ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan at yun din ang araw na— napunta ako dito.” kwento ko. Nagulat nalang ako nang nilapit nya ang kamay nya sa pisngi ko.
Pinahid nya ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala.
“Are you okay?” malamig nyang tanong sakin, pero ramdam ko ang pag-aalala nya.
Nasa pisngi ko padin ang kamay nya. Tumango lang ako at inalis ang kamay nya. Ako na mismo ang nag punas ng luha ko. Hindi ko sinasadyang maluha habang nagkwe-kwento, nadala lang ata ako.
“Mag pahinga kana muna, bukas na tayo mag simula.” sabi nya at tumayo na. Hala bakit?
“Uyy teka pano na ang training ko?” frustrated kong sabi.
Nag drama lang ako nag walk out na sya agad.
“Siguraduhin mo ng di ka mala-late bukas, be ready. Tomorrow, you will face real hell, I'm gonna go easy on you." sabi nya pa.
Naglakad na sya papunta sa pinto. Napanganga ako sa narinig.
“Pero teka, Liyab bumalik ka dito.” sunsundan ko na sana sya ng bigla akong napatid at bumagsak sa sahig.
BLAG
“Aray ko po!” daing ko at napahawak sa siko ko.
Buti walang gasgas, pero ang sakit! Napangiwi ako.
“Stupid.” narinig kong bigkas nya at tuluyan nang lumabas.
Muli akong napanganga, okay I accept that. Medyo katangahan nga talaga ang nangyare sakin.
Blaise's POV
While talking to Stella my phone vibrated, I already know who this is so I quickly dismiss the training even know we're not yet starting.
“Pero teka, Liyab bumalik ka dito.” I heard her shouting, then a loud noise.
BLAG
“Aray kopo!” Stella said while looking at her elbow.
“Stupid.” I uttered then continued on walking.
When I finally exit the training room, I immediately pulled out my phone and read the text that they send to me, which I regret.
From: Asshole (Ice)
May misyon dude, puntahan mo kami sa office ni Headmaster. Pero bago yan, may joke ako. Anong tawag sa payat na nag-iisip? Hula ko, hindi mo Alam?
Edi...
Walis thinking.
Hahahahahah!
From: StupidMatherfucker (Jack)
Dude office ni Headmaster, now na.
Ps. Pakisabi sa chix ko sa labas ng office, na umalis na sya busy ako pakisabi nalang kay Mia? Alexa? Dianna? Mica? Ayyss! Hindi ko matandaan ang pangalan. Basta kung sino nasa labas paalisin mo nalang, salamat.
From: Wind (Tob)
Nandito kami sa office bilisan mo bawal pag hintayin ang gwapong tulad ko. Si Ice at Jack lang nakikita ko, ansasama pa ng pagmumukha nila buti nalang may salamin dito. *sigh*
From: Einstein (Mike)
There's a mission go to Headmaster's office Ice, Jack and Tob are already here Kera and I will catch up. We did some paper works, we won't take long.
My head hurts after reading the three messages. Mike is the only one who texted normal so I replied him with a simple “Okay”.
I turned to the wooden door, she's still inside, maybe she's questioning why her training had to be postponed. Well, I'll let her rest just this ones, I want her to be mentally stable before her training. Right now I think she's not in good shape.
Pagkatapos mag send ng message ay naglakad na ako papunta sa office, I remembered Stella tripping on her own feet.
I shook my head and chuckled.
“Stupid.” I whispered again.