Stella's POV
Lumabas na ako sa garden at naglakad na papuntang B Class. Tumingin-tingin ako sa paligid, baka kasi may makakita sakin. Buti nalang walang katao-tao dahil nasa room parin sila. Nakakahiya pag may nakakita sakin, pwetan ko pa naman ang nasunog, buti nga yung palda ko lang eh.
“Stella!” nakita kong patakbong pumunta sila Mile sa direksyon ko. Malapit na kasi ako sa room kaya natatanaw na nila ako.
Naunang nakarating si Mile sa harap ko kasi syempre dahil speed ang magic nya.
“Kanina ka pa namin hinahan—”
“Anong nangyare sayo?” gulat na tanong ni Mile.
“Gosh, Stella what happened?” tanong ng kakadating lang na si Bela. Napakamot ako ng ulo.
“Gawa to ni Liyab.” mahinang sabi ko sakanila.
“Liyab?” takang tanong nila. Nalilito silang tinignan ako.
“Si Blaise pala.” pagtatama ko.
“Ah si Blaise hahaha ang cute ng nickname, Liyab.” sabi ni Bela na medyo natatawa. Napakamot nalang ako ng ulo ko dahil hindi naman cute yon, para sakin nakakainis sya.
“Pero teka bat ka nag ka ganyan?” tanong ulit ni Mile habang nakatingin sa basang katawan ko at sunog na palda.
Bumuntong hininga ako. Kainis! Bakit ba kasi kailangan sunugin ang palda ko?
“Pumunta kasi ako sa garden, hindi ko alam na nandon pala sya. Nakita ko syang kumakanta pero napansin nya ko. Nagka-inisan kami, aalis na sana ako pero nagulat nalang ako ng nasusunog na ang palda ko. Ayaw nya naman ako tulungan kaya... wala akong nagawa kundi tumalon sa— Fountain.” paliwanag ko sa kanila tahimik sila nung una pero maya-maya.
“Hahahaha!” humagalpak ang dalawa ng napakalakas. Napa-ismid ako. Pagtawanan ba naman ako?
“Hhooo! hahaha ano kayang itsura mo non Stella? hahahaha.” tawang-tawang sabi ni Bela.
“Hahaha! malamang mukang basang sisiw.” sabi naman ni Mile habang tawang-tawa din. Nakahawak pa sila sa tyan nila dahil sa kakatawa.
Pano ko nga ba ulit naging kaibigan ang mga to?
“Hayss! Bwiset kasi yung Liyab na yun eh.” pagmamaktol ko. Tumigil na sila Mile, pero halata mo paring natatawa sila.
“Hahaha! Ganyan talaga sya Stella, pag naiinis sya sa isang tao or pag mang tri-trip sya.” sabi ni Mile.
“He holds the top level, he can do whatever he wants. Well, he has his limits tho.” sabi ni Bela.
“Next time wag kana pumunta sa favorite place nya, para di na yan mangyare ulit.” dagdag nya pa.
Napasimangot ako. Ang ganda kaya ng lugar na yon ang sarap lang balikan, pero wag na nga lang. I'll take note of what Bela said. Mas mabuti na sigurong hindi ko na sya kausapin.
He's magic is also dangerous. Ramdam ko padin ang sakit sa kamay ko nang sinubukan kong tanggalin ang apoy sa palda ko. Nangitim nga ang mga kamay ko eh, mabuti't hindi nasunog, hindi ko alam kung bakit naisipan kong hawakan ang apoy sa palda ko kahit alam kong makakapahamak ito sakin.
“Pfftt Okay tama na nga. Tara may extra akong uniform sa locker kuhain natin.” sabi ni Bela at nag lakad na kami papuntang locker nya.
Nang nakadating na kami, kinuha nya na ang extrang uniform nya at binigay sakin. Agad ko naman yun kinuha. Pumunta ulit ako sa comfort room para isuot ang uniform. Buti nalang kasya sakin ang uniform, medyo masikip nga lang kasi mas matangkad ako kay Bela.
“Thanks Bela.” pagpapasalamat ko sakanya.
“No prob.” sabi nya at nag wink pa.
Tumawa lang ako. Pumunta na kami sa room, Saktong-sakto ang pagka-pasok namin dahil pumasok nadin ang Prof namin sa P.E.
“Goodafternoon Wizards.” bati ng prof namin. Tumayo din kami at bumati pabalik.
“I'm Mr. Hector, your prof in P.E.” sabi ni sir.
Nag discuss lang si Mr. Hector ng mga dapat namin gawin para sa klase nya. Maya-maya may biglang kumatok sa pinto.
Knock knock
Isang babaeng nasa mid 40's ang pumasok. Kulay brown ang buhok nya, green ang mga mata at naka salamin. Matanda na sya pero kahit ganon kita parin ang ganda nya.
May nakita akong brown na folder na hawak-hawak nya.
“Is there anything I can help you Headmistress Ginna?” malumanay na tanong ni Sir at nag bow.
Sya pala ang Headmistress dito. Agad kaming tumayo at nag bow para mag bigay galang. Napatingin-tingin sya sa room namin. Mukang may hinahanap.
“I'm looking for Stella, Stella Mayumi Montella.” sabi nya. Kaya napatingin sa gawi ko si Mr. Hector.
“She's here.” sabi ni sir sabay turo sakin. Ngumiti sakin si Headmistress Ginna.
“Come with me, we just found you a trainer.” sabi nya at nauna nang lumabas.
Tumingin ako kela Mile. Tumango sila sakin kaya tumayo na ako para sumunod palabas.
Nakahanap na pala sila ng trainer ko? Ang bilis naman.
Tahimik kaming naglakad. Pasimple akong sumulyap sakanya. Nagulat ako nang malamang natingin din pala sya sakin.
“So you're Stella?” paninigurado nya.
“Yes po, Headmistress.” magalang kong tugon.
Tinitigan nya ako, para akong nalulunod sa kulay berde nyang mga mata. I just realized that Wizards has rare eye colors. Karamihan sakanila itim ang mata pero ang iba may kulay.
“You know what, you remind me of someone. By any chance do you know Irene Emilia Latimer and Peter Pierre Latimer? Para kasing ikaw ang anak nila.” sabi nya.
Nagtataka akong napatingin sakanya. Imposible naman yun dahil alam ko sa sarili ko kung sino ang tunay kong mga magulang. Pero bakit parang kilala ko din sya? Imposible talaga! Nasa mortal world ako at sya nandito, pano naman kami mag kakakilala? Awkward akong ngumiti sakanya.
“Imposible po yun Montella po ang mga magulang ko.” magalang kong tanggi.
Humarap sya sakin, nagulat ako dahil may tumulong luha sa kaliwa nyang mata. Pinunasan nya yon agad. Parang tumatak sa isipan ko ang pagtulo ng luha nya.
Pasimple nalang akong umiling.
“Tama ka, pasensya na may similarities kasi kayo.” mahinang sabi nya.
I think she's longing for the persons she mentioned. I also felt sad, like something inside me breaking seeing her cry.
“Nasaan na po ba sila? parang gusto ko po sila makilala.” tanong ko. Tumingin sya sakin at umiling.
“Matagal na taon na ang nakalipas pero hindi ko padin alam kung nasaan sila.” malungkot nyang sabi.
Doon ko sya hinawakan sa kamay nya at binigyan sya ng panandaliang comport. Masyado kasing malungkot ang mga mata nya.
“Wag na po kayong malungkot, sigurado po akong mahahanap nyo din sila.” sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ito. But seeing her sad makes me sad, I want to ease her sadness even just for a little time. Nalilito tuloy ako kung bakit ganto nararamdaman ko. Ngayon ko palang naman sya nakikilala, ginulo nya ang buhok ko sabay ngiti sakin.
“Ang bait mong bata, sige na nandito na tayo kakausapin kana ng asawa ko tungkol sa trainer mo.” sabi nya at naglakad na. Asawa nya pala si Headmaster Lee.
Tinignan ko sya habang naglalakad papalayo. Napahawak ako sa dibdib ko, para kasing napagaan ng loob ko sakanya.
Humarap na ako sa pinto at kumatok.
Knock knock
“Come in.” narinig kong sabi ni Headmaster sa loob.
Binuksan ko na ang pinto at pumasok. Naglakad ako papunta sa table ni Headmaster.
“Pinatawag nyo daw ako dahil nakahanap na daw po kayo ng trainer ko.” sabi ko. Tumango si Headmaster Lee.
“Kailangan namin hanapan ka agad para mapabilis ang pag alam kung may magic kaman o wala. Anyway, wala pa sya kaya mag hintay muna tayo sandali. Kahit kailan talaga yung batang yon palaging late.” naii-stress nyang sabi.
Hmm! Sino kaya ang magiging trainer ko? Sana naman mabait at di nang tri-trip at sana maayos kausap. Ayy Basta! Kahit mabait nalang ok na ako dun.
“Maupo ka muna Ms. Montella.” sabi ni Headmaster.
“Nako Stella nalang po.” sabi ko at umupo na sa sofa.
“kay Stella.” sabi nya na may kasamang mahinang tawa.
“Sino po ba magiging trainer ko?” tanong ko.
“Mamaya makikilala mo na sya.” nakangiting sabi ni Headmaster. Tumango nalang ako, while I silently pray na sana mabait ang trainer ko.
“Nakausap ko din po pala si Headmistress para daw pong pamilyar ako sakanya. Parang ako daw po yung anak ni—” napatigil ako dahil nakalimutan ko yung pangalan na sinabi ni Headmistress.
Magsasalita na sana ako ulit nang tinaas ni Headmaster ang kamay nya para patigilin ako.
“She always says that to the girls who look like the Princess.” sabi ni nya. Ah so hindi lang pala ako ang nasabihan nya non?
“Wag mo ng pansinin, my wife can be a little weird sometimes.” dagdag pa nya. Napa tango-tango ako.
Naglabas ng mga papeles si Headmaster, Mukang mga documents yun na kailangan nyang pirmahan. Nagasikaso muna sya, habang may ginagawa si Headmaster ay inabala ko ang sarili ko sa pag tingin ng mga paintings sa office nya.
Ilang sandali lang, bumukas na ang pintuan. Napalingon ako don, laking gulat ko kung sino ang pumasok. Dahil sa gulat ko napatayo ako sa kinauupuan ko.
“This is Blaise Gerome Nevera your Trainer.” ngiting sabi ni Headmaster, pero ako di ako natutuwa.
Parang tumaas ang blood pressure ko.
“You Again/Ikaw nanaman.” sabay naming sabi at nakaturo pa sa isat-isa.
Pinabalik-balik tuloy ang tingin ni Headmaster saming dalawa.
“Great you two know each other!” tuwang sabi ni Heatmaster. Pero nanatili lang kaming nagtitigan ng masama, sana pala nag dasal pako ng maigi.
Hindi ko inaasahan na sya ang magiging trainer ko.
“Hahaha Okay tama na yan. Maupo na kayo ” umupo na kami sa sofa tulad ng sabi ni Headmaster. Pero ang masasamang tingin namin sa isat-isa ay hindi naalis hanggang sa maka-upo kami.
Mahaba ang sofa kaya umupo ako sa dulo habang sya nasa kabilang dulo naman. Nasa isang sofa naman si Headmaster.
Oo napakalayo namin tatlo, pero ayoko namang lumapit sakanya.
“Ahm Sure kayong ganto tayo kalayo mag uusap-usap?” tanong ni Headmaster.
Tumango kami. Mahaba talaga ang sofa, kung ikukumpara sa ordinaryong sofa sa mortal world, mas mahaba ang sofa nato. Napa buntong hininga si Headmaster.
“Bahala nga kayo, so Blaise 2 weeks mo syang itri-train. Kailangan malaman nya ang magic nya bago mag simula ang leveling. Pero balita ko maeextend pa ang araw ng leveling. Pagnnangyare yun marami pa syang araw para mag train.” sabi ni Headmaster.
Mag sasalita ulit sya pero biglang sumabat si Blaise.
Bastos na Wizard. Nasabi ko nalang sa isip ko.
“Is there any other trainer?” malamig na tanong ni Liyab. Halatang ayaw nya ko itrain. Harap-harapan pa nyang tinanong kung may ibang pwedeng mag train sakin.
Ayaw ko din naman sakanya!
“Ikaw ang pinaka malakas sa M.A kaya ikaw na mag train sakanya, para nadin malaman nya agad ang magic nya. Come on Blaise, malaking tulong to sakanya para di sya pang initan ng mga wizards. Alam nating malaki ang galit nila sa mga mortal.” sabi ni Headmaster.
Tumango si Liyab at bumuntong hininga, wala na nga talagang ibang pwedeng magturo sakin kundi sya.
“At ramdam kong may magic sya kaya kailangan mo syang tulungan.” dagdag ni Headmaster.
Medyo napangiti ako, mabait si Headmaster Lee hindi basta-basta nanghuhusga. Although hindi rin ako sigurado kung may magic ba talaga ako, baka ma-disappoint ko lang si Headmaster.
“Okay.” yan lang ang tanging sinabi nya.
Umaliwalas ang mukha ni Headmaster sa pagsangayon ni Blaise.
“Good.” tangong sabi ni Headmaster at ngumiti saakin. Ngumiti nalang din ako, muntik pa itong maging ngiwi.
“Dalawa ang tdaining na gagawin mo sakanya. Una Training para malaman nya ang magic nya at pangalawa ang totoong training yun yung matutunan nya kung pano controlin at sanayin gamitin ang Magic nya. Kailangan paghandaan ang leveling. Hindi sapat ang lesson na nakukuha nya sa school, Kailangan ng matinding training para magising ang natutulog na kapangyarihan sa katawan mo stella.” paliwanag pa si Headmaster at lumingon sakin.
Kung natutulog man ang magic ko, sana gumising na sya agad.
“So okay ba sayo yun Stella?” ako naman ang tinanong ni Headmaster.
“Wala naman akong choice eh.” sabi ko at bumusangot ang mukha.
“Okay everything is settled you may now go.” sabi nya.
Halos sabay pa kami ni Blaise tumayo at nag bow kay Headmaster bago lumabas. Napapangiwi nalang ako sa nangyayare.
“This is an unlucky day huh?” sabi nya na may nakakaasar na ngisi. Tell me about it.
“Tigil-tigilan moko Liyab di ako natutuwa.” sabi ko at nag cross arms.
“Neither do I.” sabi nya at nag cross arms din.
“And would you quit the pet name? it sucks.” sabi nya pa. Mapang asar akong ngumiti sakanya.
“Bakit ang cute kaya. Blaise, tagalog nun Liyab hahaha!” tawa ko.
Muka naman syang estatwa dahil di manlang nag react. Umismid ako, walang effect ang joke ko, better luck next time.
“Tsk! Suit yourself. Bukas ang start ng training mo, be here at exactly 8:00am, make sure you're not gonna be late and…” tumigil muna sya at lumapit sakin.
“Be ready to face, Hell.” bulong nya sa tenga ko sabay pag litaw ng isang nakakaasar na ngisi.
Umalis na sya sa harapan ko at naglakad na papalayo. Nagtaasan ang balahibo ko sa ginawa nya. Ramdam ko parin ang pisngi nya sa pisngi ko dahil nag dikit ito nung bumulong sya sakin. Tuluyan na syang nawala sa paningin ko.
Huhuhu! Bakit ba kasi sya ang naging Trainer ko?