Chapter 9 Despise

2466 Words
Stella's POV Maaga ako nagising. Alam nyo na, ayoko namang ma-ulit ang nangyare kahapon. Nandito ako ngayon sa sala, kumakain kasama sila Mile. Wala akong ginawa kahapon kaya umuwi nalang ako. Hindi nila ako pinagklase, pag-eensayo daw muna ang atupagin ko. “Musta training Stella?” tanong ni Bela. Tumingin ako sakanya at kinagat ang tinapay na hawak ko. Hindi ko pa pala sila nasabihan, paano ba naman pagod sila kahapon kaya hindi kona inistorbo. May misyon daw sila kahapon eh, alam ko namang kailangan nila ng pahinga. “Ngayon ang totoong simula ng training ko.” sabi ko. Inubos ko na ang tinapay ko at uminom ng hot choco. “Oh? Hindi pala kayo nakasimula kahapon. Pero sabagay, mukang busy din kasi si Blaise at ang mga S class kahapon eh.” kibit-balikat na sabi ni Bela. Siguro nga. Halos lahat ata ng wizards busy sa misyon daw na nabanggit nila. Wala pa akong alam sa misyon na yan. “Galingan mo Stella. I'm Looking forward to see your magic, muka ka kasing malakas" sabi ni Mile. Napatigil ako. Hinintay ko syang magsabi ng “joke Lang” pero mukang seryoso sya. Tumikhim ako bago magsalita. “Nako Mile wag moko biruin ng ganyan. Ako? Malakas? Hindi ko nga mapagtanggol ang sarili ko.” sabi ko at humalumbaba. Napa buntong hininga pa ako dahil sa sinabi ko. Alam kong mahina ako. Halata sa katawan at kilos ko, wala akong alam sa iba. Aaminin ko din na may paka-duwag ako. “Sus! Masyado mong dina-down ang sarili mo. Ang mabuti pa pag butihan mo nalang ang training mo.” sabi ni Bela. Tumango ako. Natapos na kami kumain at umalis na. Sasabay na ako sakanila para hindi ako ma-late. Nang makarating na kami sa school ay pumunta na sila sa room at ako naman ay naglalakad na papuntang training room. Nakarating na ako. Tinignan ko muna ang oras, 7:58 na, Just in time. Binuksan ko na ang pinto at pumasok. BBOOSSHH “Ay kalabaw!” napasigaw ako dahil may bumulusong na namang fire ball sa direksyon ko. Tinignan ko ng masama si Blaise. “Para saan yun? On time naman ako ah?” kunot noong tanong ko. “Always stay alert at all cost.” sabi nya at naglakad papunta sa gawi ko. “Let the training begin." sabi nya at ngumisi. Parang masama ang kutob ko dito ah. Gumawa ulit sya ng fire ball at binato yun sakin. Napatakbo ako dahil sinusundan ako ng fire ball. “Aaahhh! Bakit may fire ball na naman?!” sigaw ko. Takte! Hindi man lang muna ako pinaupo para mag pahinga. “Try to let out an energy through your hands.” sabi nya. Kahit naiinis ay sinunod ko padin sya. Sinubukan ko mag labas ng enerhiya sa kamay ko pero hindi gumagana. “Ayaw naman eh!” sigaw ko at tumatakbo parin. “Try harder!” sigaw nya dahil nasa malayo na sya. Anak ng! “Hindi ko nga magawa!” frustrated kong sabi. Halos mangiyak-ngiyak na ako. “Concentrate Stupid.” ayan na naman sya sa stupid. Tsk! Pumikit ako at nag concentrate. Dinilat ko ang mata ko at... “Putek wala talaga!” sigaw ko at nagulat ako ng lumaki lalo ang fire ball. Wala na akong matakbuhan dahil sa pader na nakaharang, tinakpan ko nalang ang mata ko at hinanda ang sariling matusta. Papalapit na ang fire ball! “Tsk!” rinig kong singhal ni Blaise. Inalis ko ang kamay ko sa mga mata ko at tinignan sya. Wala na ang fire ball at nakatayo na sya sa harapan ko. Tumayo na ako at inayos ang sarili. “Walangya ka! papatayin mo ba ako?!” bulyaw ko pero seryoso lang sya. Napatampal nalang ako sa noo ko. Grabe sya sakin! “Trinay ko lang kung lalabas ba ang magic mo pag nasa panganid ka.” sabi nya. “May nangyare ba?” may halong sarcasm ang tono ng pag tanong ko. Tinalikuran nya ko. “Tara.” binaliwala nya ang sinabi ko at naglakad na. Bumuntong hininga nalang ako at sumunod sakanya. Pinaupo nya ako sa gitna ng training room. Malawak ang training room at walang ibang laman kundi isang table at sofa lang na nasa gilid, ngayon ko lang napagmasdan ng maayos tong kwarto. Kulay brown ang sahig at kulay puti naman ang pader hanggang kisame. “There are 3 phenomenon that might let you know your magic. First, is the day you are born, it will appear the moment you will have knowledge in life. Second, when you are in danger, most of the time... if someone's in danger a magical force will come out, that happens to some other wizards. And the third is to concentrate, let the inner you see the spirit that is hidden inside.” pagtalakay nya habang naglalakad pa-ikot sa pwesto ko. “In your case is obviously not the first one.” parang may halong asar pa yun nung sinabi nya. Napasimangot tuloy ako. “Now this time I need you to close your eyes and concentrate.” utos nya. Ginawa ko ang sinabi nya. Pinikit ko ang mga mata ko. Ano na naman kayang balak nito? “You have 30 minutes *snap*” he snapped his fingers and before I could say anything I already fell a sleep. Dinilat ko ang mga mata ko at wala akong makita kundi kadiliman. Teka! Nasaan ba ako? Paano ako napunta dito? Bumangon ako at nag unat-unat. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko, matagal ata akong nakahiga. Kahit napaka dilim ay sinubukan kong maglakad para mag hanap ng labasan. Naramdaman kong nasa isang kweba ako dahil sa mga batong nakakapa ko, maya-maya ay may nakita akong ilaw sa malayo. Tumakbo ako papunta don, medyo malayo ang tinakbo ko. Nang makalabas na ako ay napanganga ako sa ganda ng paligid, puro halaman at puno. May nakita din akong waterfalls, rinig ko ang buhos ng tubig pababa dahil medyo malapit ako. May mga ibon, kuneho, usa at iba pang mga nilalang din na nandito. Habang nagmumuni-muni biglang may tumawag sakin. “Stella.” napalingon ako sa babaeng tumawag sakin. Naglalakad sya papunta sa direksyon ko. Napa kurap-kurap ako, ang ganda nya kasing ganda nya ang paraisong kinatatayuan namin. Napakahaba ng kulay brown nyang buhok, hanggang talampakan nya at may pag ka curly. Yellow ang kulay ng mga mata nya at naka puting dress sya hanggang tuhod, sobrang puti din nya. “Sino po kayo?” tanong ko nang nakalapit na sya. Ngumiti sya sakin ngiting nakakaginhawa ng pakiramdam. “Hindi mo ba ako naaalala Stella?” tanong nya. Umiling ako. Ngayon ko lang sya nakita. “Ako ang isa sa mga boses na tumatawag sayo.” sabi nya na nakapag pagulat sakin. “Kayo yun?” gulat kong tanong. Tumango sya. “Hindi lang yun Stella marami kami at malapit mo na silang makilala.” sabi nya. Kaya pala marami ang boses na naririnig ko. “Nasaan sila?” tanong ko. May parte sakin na gusto silang makilala lahat. Tinignan ko pa ang paligid baka sakaling nandito ang tinutukoy nya, pero tinuro nya lang ang kwintas ko. “Nandyan lang kaming lahat sa kwintas mo.” sabi nya. Napahawak naman ako sa kwintas ko. “Lagi ka naming kasama Stella. Naalala mo ba yung pinagtulungan ka at biglang umilaw ang kwintas mo?” tanong nya. Tumango ako. Paano ko makakalimutan? Nakatatak na ata yun sa isipan ko. “Ako mismo ang may gawa non Stella.” sabi nya na may ngiti sa labi. “Ta-talaga?” gulat kong tanong. Tumango sya. “Pano nyo nagawa yun?” tanong ko ulit. “Dahil ako ang ligh—” “Stella!” napadilat ako dahil tinawag ako ni Blaise. Inalog-alog pa nya ako para tuluyang magising. Tinignan ko sya ng masama. “Ano ba Blaise?” bulyaw ko. Nag-uusap pa kami ng babae. Istorbo naman to. “Sabi ko 30 minutes lang, isang oras ka ng naka ganyan. Look at yourself.” seryosong sabi nya. Isang oras? Ang tagal ko pala. Tinignan ko ang sarili ko at nakita kong tagaktak ako ng pawis. Grabe pinagpawisan ako dun? “Tumayo kana.” sabi nya. Tumayo naman ako. Nagulat ako nang naglabas sya ng fire phoenix. “Te-teka wala bang time out?“ sabi ko. Pero nirelease nya na ang fire phoenix papunta sa direksyon ko. “Ilagan mo lahat ng atake ng Fire Phoenix ko, Ako mag sasabi kung titigil na ba o hindi.” maatoridad nyang sabi. Wala akong nagawa kundi tumakbo ng tumakbo at napapasigaw nalang pag naglalabas ng apoy ang fire phoenix nya. “Bwiset ka talaga LIYAB!” sigaw ko sa inis. “Shut up!” sigaw nya pabalik. Mile's POV Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kasama sila Ice, hinihintay namin si Stella at Blaise. BLAG Oh! Speaking of the Beauty and the Beast nandito na sila. Padabog na sinubsob ni Stella ang mukha nya sa table, mukang pagod na pagod sya. “How's it going?” tanong ko at sumipsip ng ice tea. Inangat nya ang mukha nya at muntik kona mabuga sakanya ang ice tea na iniinom ko. “Pfftt Hahaha Stella ang hagard mo.” gulo gulo ang buhok nya at may mga abo sa mukha. Galing siguro yon sa apoy ni Blaise. “Pano ba naman kasi yung Liyab nayon, walang patawad.” sabi nya sabay turo kay Blaise na umoorder ng pagkain. Nilahad ko sakanya ang isang panyo para punasan ang mukha nya. “Hahaha anong nangyare?” natatawang tanong ni Ice. Nakita kong natatawa din ang iba naming kasama. Tapos na syang magpunas, nilapag muna ni Stella ang panyo bago sya magsalita. “Pinahabol-habol ako ng mga apoy nya. Una fire ball tapos fire phoenix tapos ang malala fire dragon, ang laki nyon jusko!” kwento nya with hand gesture pa. Natawa ako lalo. “Napag daanan ko din yang ganyang hirap Stella.” sabi ni Bela. Napatingin si Stella sakanya. That story again. “Talaga?” tanong ni Stella. Tumango si Bela, marami ding napag daanan si Bela bago nya narating ang kinatatayuan nya ngayon. Humigop ako ng ice tea ko sabay lapag sa lamesa, lahat naman ng tao may kanya-kanyang paghihirap. Kahit ako hindi din madali ang pinag daanan ko. “Nung una din akala ko wala akong Magic, nalungkot ako non kasi ako lang yung batang wizard na hindi pa nalalaman ang Magic nya.” kwento ni Bela. Kalaunan ngumiti si Bela kay Stella. Mukang ikwe-kwento nya nadin kay Stella ang na kwento nya samin. “Pano mo nalaman ang magic mo?” tanong ni Stella na naging interisado sa kwento ni Bela. “Hahaha mag kwe-kwento na nga ako. Malalaman mo din naman ang magic mo, also make this as your motivation." Sabi ni Bela kay Stella. Lahat kami nakatingin sakanya pati nadin si Blaise na kakadating lang. Stella's POV Nagsimula na syang mag kwento. Gusto ko talaga malaman, nacu-curious kasi ako. Hindi ako sanay na seryoso si Bela, lagi kasi syang pala biro, pag mag seseryoso ang mukha nya parang ibang Bela ang nakikita ko. “Kami ni Mama lang ang laging mag kasama sa bahay. Masaya kami pero alam nyo yung pakiramdam na parang may kulang?” malungkot nyang sabi. Hindi kami naka imik at nakinig lang sakanya. “Simula pag ka bata ko hanggang sa lumaki ako hindi ko nakita o nakapiling man lang si Papa. Marami akong katanungan pero hindi ko yun binabanggit kay Mama. Pero isang araw nagtanong ako sakanya kung bakit wala si Papa, 11 years old ako non.” tumigil sya at huminga ng malalim. “Kwinento nya sakin kung bakit. Sabi nya nag karoon ng digmaan dito noon, ang pinaka unang digmaan sa pagitan ng Wizards at Dark Mages, kasali sila sa digmaan. Si Mama ang lumalaban isa syang script wizard katulad ni Madam Trina at si Papa ang nasa academy lang para tulungan ang mga nasugatan, isang healer wizard daw si Papa. Pinakamagaling na healer sa buong Magiaca, in just a second kaya ka nyang pagalingin agad. Kaya mabilis na nakakabalik ulit sa laban ang mga Wizards. Marunong din naman makipag laban si Papa pero mas kailangan daw sya ng mga nasugatang Wizards.” sabi nya. Patuloy parin akong nakinig. “Sabi pa ni Mama kakapanganak ko palang nun nang mangyare ang digmaan. Si papa daw ang kasama ko nun, nang pa onti na ang mga kalaban pumunta daw si Mama sa academy. Pero naramdaman nyang may mali kasi napaka tahimik ng academy. Nang nakadating na sya sa kinaroroonan namin, nakita ni Mama na may mga kalaban na nakapasok at nung pinuntahan nya kong saan kami. Nakita nyang lumalaban si papa, pero yun na pala ang huli nyang kita kay Papa dahil biglang may tumama na pana sa mismong puso ni Papa.” may tumulo na luha sa mata ni Bela. “Karga-karga ako n-ni papa nun nung nakikipag laban sya *sob* para sakin daw dapat ta-tama yun pero si papa mismo ang... sumalo.” pabulong na bigkas nya sa huli. “Alam nyo ba ang mas masaklap? Okay na sana kami ni Mama, tanggap naman namin, tanggap ko na wala na si Papa pero nung 15 years old ako kinuha din nila sakin si Mama sa mismong birthday ko pa. Sumugod sila sa bayan namin and that was the day I saw my Mom laying on the ground breathless.” hindi na napigilan ni Bela ang umiyak lumapit kami ni Mile at Kera sabay namin syang niyakap. Ramdam ko ang hirap at lungkot nya. “Sshhh tahan na Bela.” pagpapatahan ni Mile. Umayos ng upo si Bela at pinahid ang luha nya, ngumiti sya samin. “Nung nabubuhay pa si Mama nag pursigi akong alamin ang magic ko non, lahat ginawa ko pero walang nangyare. Pero nung sinabi nyang healer wizard si papa, naisip ko na baka healer din ako kaya trinay ko sugatan ang sarili ko. Nung una walang nangyare, mawawalan na dapat ako ng pagasa pero nakita kong unti-unting naghilom ang sugat ko. Dun kona nalaman na isa akong healer wizard, sayang nga at hindi ko napakita kay Mama ang kakayahan kong mang gamot, hindi nya na naabutan ang pagkakaroon ko ng magic. Pero natutunan ko ng tanggapin ang lahat.” nakangiting sabi ni Bela. Napangiti nadin ako. “Hehe sorry guys, nagdrama ako ng wala sa oras.” sabi ni Bela at nag peace sign. Nakangiti sya kahit may luha sa mga mata nya, natawa na lang kami sa itsura nya. “Okay lang yun Bela.” sabi ni Tob. “Hahaha naalala ko nung unang kwento mo samin muntik ng umiyak tong si Tob hahaha.” tawa ni Kera. Natawa din tuloy kami. “Hindi naman ah.” tanggi ni Tob at napakamot sa batok. “Oo nalang.” sabi ni Kera habang bahagyang natatawa. “Anong balak mo Bela?” biglang tanong ni Jack kay Bela. “Hhmm? gusto ko malaman kung sino ang may gawa nun kay Papa at kay Mama. I want him to pay, not just for my parents but to the whole Magiaca. Madami na silang pinsalang nagawa, oo sinabi kong tanggap ko pero hindi ko sinabing hindi sila mag babayad. After all this years, I still despise Dark Mages.” sabi ni Bela na may halong galit. “Dont worry tutulungan ka namin.” sabat ni Mile at tinapik ang balikat ni Bela. “Count us in.” sabat ni Mike. Tumingin kaming tatlo sakanila. “Yeah we're like a team remember?” sabi ni Kera. Tumango silang lahat sa sinabi ni Kera, hindi ko akalaing may makikita akong mga taong handang tumulong sa kaibigan nila. Napangiti ako. Tumingin ako sa gawi ni Blaise, nakangiti sya pero nung nakita nya ako bumalik yun sa pagiging seryoso. Ang sungit talaga kahit kailan! Bumaling sakin si Bela. “Lalo kong kinamuhian ang mga Dark Mage nang gumawa nanaman sila ng pangalawang digmaan at dun nawalan ako/kami ng isang kaibigan.” mapait syang ngumiti. Nawalan sila ng kaibigan? Hindi kona naitanong kung buhay paba ang kaibigan nila o hindi, dahil kinulit na nila si Bela para hindi na sya malungkot. Nakisabay ako sa kanila dahil ayoko din namang mapuno ng kalungkutan ang table namin. Natapos na kaming mag kwentuhan at kumain kaya naghiwa-hiwalay na ulit kami, oras nadin ng klase. Papunta na akong training room kasama si Blaise. Eto nanaman po tayo, mag tra-training nanaman ako ng malala. Sana talaga malaman ko na ang magic ko. Kung meron man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD