Stella's POV
Natapos na kami kumain at nag hiwa-hiwalay na kami ng grupo nila Blaise, pumunta na sila sa S Class at kami naman sa B Class. Nang palapit na kami. Nakita naming may mga wizards na nag lalabasan sa room.
“Anong meron Fred bakit naglalabasan kayo?” tanong ni Mile sa kaklase naming lalaki.
“Wala yung Prof natin sa Skilled Magic so may free time tayo ng isang oras.” sagot ni Fred at nag patuloy na sa paglalakad. Pumasok na kami sa room at nilapag ang mga gamit namin.
Walang klase, ano kayang gagawin ko ngayon?
“Nice wala tayong Prof ngayon.” tuwang sabi Mile at nag stretching pa.
Napahawak ako bigla sa puson ko.
“Guys restroom lang ako.” paalam ko dahil nararamdaman ko ng may gusto ng lumabas.
Tumango sila bilang tugon kaya lumabas na ako at naglakad na papuntang restroom. Teka, saan ba ulit yung restroom dito? Hhmm! Naglakad pa ako para mahanap yung restroom.
Sa sobrang laki ba naman ng school nato hindi mo makakabisado lahat ng lugar lalo na kung bago kapalang. Feeling ko mawawala ako, medyo malayo-layo nadin ang narating ko, Muntik na ako maligaw buti nalang may nakita akong floating sign ng restroom. Nang sa wakas nakita ko ang pinto ay pumasok na ako agad at ginawa ang dapat gawin.
Pag tapos ay ko lumabas na ako. Ang laki talaga ng school nato, habang naglalakad kasi ay tumitingin-tingin muna ako sa paligid. Wala ng masyadong tao dahil nasa klase na yung iba, kita ko tuloy kung gaano ito kalawak pag walang mga nasa paligid.
Kakaiba din ang atmosphere sa lugar na ito, may pagka-ginhawa pero minsan nakaka-bigay sayo ng kakaibang pakiramdam na parang may nanonood sayo. Medyo mabigat para saakin, pero baka paranoid lang siguro ako, o baka ang mga bully lang din sa school nato ang mga yon. Uso din pala ang mga bully dito.
Kailangan ko talaga mag-ingat pag mag-isa ako.
Liliko na sana ako nang mapatigil dahil may nakita akong maliit na gate sa may labas ng school. May mga halamang nakapaligid sakanya, parang may humatak sakin para puntahan yon. Kaya ayon nga ang ginawa ko, lumakad ako papunta don. Tumitingin-tingin pa ako sa paligid baka kasi may makakita sakin.
Wala naman akong klase, wala naman sigurong masama kung sumilip lang ako sandali?
Tuluyan na akong lumapit sa gate nang masiguradong walang tao sa paligid. Nakita kong walang lock ang gate kaya binuksan ko yon at dahan-dahang pumasok, huminga pa ako ng malalim bago yun gawin. Nang maka-pasok namangha ako sa nakita ko.
Isang garden.
“Wow!” bulong ko.
Ang ganda, may mga halaman at may fountain din sa gitna na may statwa ni Cupid. Ang cute, may hawak syang pana na hugis puso.
Nag lakad pa ako. Tumingin din ako sa taas, may mga ibat-ibang kulay ng butterflies na lumilipad. Ang ganda naman! Ngayon lang ako nakakita ng garden na ganto kaganda.
May mga table at upuan din akong nakita. Maganda dito tumambay pag-gusto mo ng lugar na tahimik maliban sa library. Sakto ang lugar nato.
Nakakatuwa na may ganitong katahimik na lugar.
Umupo muna ako. Sinong mag aakalang may gantong lugar pala dito sa school? Medyo malayo naman to sa mga classroom kaya walang masyado ingay bihira din atang may mga wizards na dumadaan dito. Pumunta ako sa may mga bulaklak, hinawakan ko ang mga to. Gusto ko sana pumitas ng tulips kaso baka hindi pwede. Kaya tinignan at hinawakan ko nalang ito.
Napangiti ako, ang bango. Gusto ko talaga ang garden, nakakalungkot lang dahil bihira akong makakita ng garden sa lugar namin. Kaya ngayon gusto ko busugin ang mga mata ko ngayon. Minsan lang ako makakita ng ganito kaya lulubusin ko na.
Strum Strum
Napatigil ako sa pagtingin ng mga bulaklak nang may narinig akong tumutugtug ng gitara. Napatayo pa ako sa gulat. Muntik na akong atakihin sa puso. Jusko!
Napatingin-tingin ako sa paligid, May kumakanta.
Rarely, loving can go sideways.
Yet, (this) this is all I recognize
although it can be troublesome, we will make a way so it can always be alright
Ang ganda ng boses. Teka, may tao dito?
Loving is the thing that we could get connected.
As I keep your picture on my phone
Represents keeping our love in my memory
Its' like time is infinity (ooh ooh ooh)
Maingat akong naglakad. Nasa likod ng fountain ang kumakanta.
Please hold me tight, and never let go off me
So I wont be ever alone
I'll protect you, I will be with you
As long as you're here till the dawn
Sumilip ako kung sino yon at nagulat ako nang makitang si Blaise pala. Marunong sya kumanta? At mag gitara?
Please hold me tight, and never let go off me
So I wont be ever alone
I'll protect you, I will be with you
As long as you're here till the dawn
May hawak syang gitara at nakaupo sya sa bench. Napa titig ako sakanya. Bakit sya nandito? Wala din ba syang klase?
Come on let's cure each other using love, yet this is all I recognize
Keep a picture of me on your phone, so you wont ever feel that your'e alone
Well it's just you and me, holding me tightly
It's like sitting under the tree
Never let go off me, keep me in your memory
'Cause like time is infinity
( It's like time is infinity)
Tumalikod ako at sumandal sa may fountain. Dinama ko ang bawat pagkanta nya at napapikit nalang ako sa sobrang lamig ng boses nya. Para akong henehele, grabe yung bawat bigkas nya ng lyrics, parang ibang tao sya ngayon at hindi yung Blaise na una kong nakausap sa cafeteria.
Hindi ko alam na marunong sya kumanta.
Talented din pala sya ano? Ang iba din siguro. May angking talento pala ang mga wizards. Masasabi kong ang dami kong nalalaman sa mundong ito.
Please hold me tight, and never let go off me
So I wont be ever alone
I'll protect you, I will be with you
As long as you're here till the dawn
Please hold me tight, and never let go off me
So I wont be ever alone
I'll protect you, I will be with you
As long a—
Napadilat ako nang tumigil sya. Tumingin ako sa gawi nya, pero wala na sya.
“T-teka nasaan na yon?” bulong ko humarap nako at—
“Ay palaka!” napasigaw ako at lumayo sakanya.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Kailan pa sya napunta sa likod ko? Ang bilis naman nya.
“Baakit ka nandito?” walang kaemo-emosyong tanong nya.
“N-nanghuhuli n-ng palaka.” sabi ko at agad napa tampal ng noo ko. Masyado nya naman kasi akong ginulat, yan tuloy kung ano-ano nasasabi ko.
Wala namang palaka sa garden nato Stella.
“Pinaglolo-loko mo bako?” seryoso nyang sabi.
Bakit ang gwapo nya parin kahit seryoso? Teka, erase-erase.
“Ahm ano kasi... ahm hehe sorry sa istorbo, aalis na ako.” sabi ko at tumalikod na.
“Tsk I can't believe there's a mortal here in Magiaca.” bulong nya pero narinig ko. Kaya medyo napatigil ako.
“Yeah, I think you should leave.” sabi nya.
Parang napantig ang tenga ko sa sinabi nya. Ano daw? Humarap ako sakanya. Pati ba naman sya sangayon na Kailangan akong paalisin dito? Kunot noo ko syang tinignan.
“Abat ang sasama nyo!” bulyaw ko.
Napatigil sya. Grabe bakit parang bigla akong nainis, kanina lang pinupuri ko sya ah. Nanikip ang dibdib ko, gusto kong umiyak dahil sa inis na nararamdaman ko pero ayoko naman ipakita sakanya ang pagiging mahina ko.
Talaga bang salot ako na pati sa mundong to ay hindi din ako tanggap? Atat na atat pa silang palayasin ako sa school nila. Hindi ko din naman ginustong nandito ako eh.
“Arg! Shut the f**k up.” iritado nyang Sabi dahil napalakas ang sigaw ko sakanya.
Abat minumura pa ako di nya alam nakakasakit sya.
“Anong sinabi mo? Oo wizards kayo pero hindi ko hahayaang ganituhin nyo ako!” bulyaw ko ulit sa lahat ng tao sakanya ata ako mas naiinis at nasaktan dahil sa sinabi nya.
Sa tono palang kasi ng pananalita nya mararamdaman mong wala kang kwenta. Parang kasalanan ko pa na hindi dapat ako tumayo sa harapan nya.
Hindi ko kasalanang nandito ako pero sana man lang wag nila akong ipag tulakan diba?
“Whatever.” sabi nya ulit.
“Ano yon?” bulyaw ko.
“Shut up Deaf.” sabi nya at sinamaan ako ng tingin. Dahil sa inis ko sakanya hindi na ako nasisindak sa mga titig nya. Akala ko pa naman din mabait sya.
“Hindi ako bingi. Sino ka para sabihan ako ng ganyan!?” sabi ko sakanya na may halong inis.
“Tsk! Can you just leave? before I'll burn you to death.” sabi nya pa.
“Pano pag ayaw ko? sige nga.” taas kilay kung sabi. He smirked.
“For a Mortal that doesn't have magic, you sure are hardheaded.” sabi nya habang naka ngisi parin.
Hindi ko alam na nakikinig pala sya nung nag kwe-kwento ako kanina sa cafeteria. Kumakain lang kasi sya nun at di man lang tumitingin sakin.
“Nakikinig ka pala.” sabi ko at nag cross arms.
“Of course I have ears.” mapangasar nyang sabi at namilosopo pa.
“Obviously all of us have ears.” sabi ko pabalik.
“Really you have one too?” kunyaring gulat nyang tanong.
Nainis ako lalo, bumuntong hininga ako. Bakit ko paba kinakausap tong Wizard nato? Gusto ko lang pagmasdan ang mga bulaklak ng mapayapa, pero nawala ako sa mood dahil sakanya.
“Makaalis nanga dito kainis.” tumalikod na ako at aalis na sana nang may naamoy akong parang nasusunog sniff sniff Napatingin ako sa palda ko at don ko nakitang nasusunog na ito. Lumaki ang mga mata to.
“Aaaahh!” sigaw ko at sinusubukang tanggalin. Napangiwi pako dahil sa init. Muntik pa ako mapaso.
“Aahh! Tanggalin mo to.” sigaw ko sakanya.
Pero tinitigan nya lang ako. Seryoso ba sya na titignan nya lang ako?
Sinubukan ko ulit tanggalin pero lumalaki lang yung apoy. Nataranta na ako hindi ko na alam ang gagawin ko nang maramdaman ko nang umaakyat na ang apoy sa uniform ko. Nasusunog na talaga ako!
Kaya wala akong nagawa kundi ang tumalon sa... fountain.
PLASSHHH
“Aaahh! Bwiset!” sigaw ko nang makaahon ako at tinignan sya ng masama.
Ngayon gusto ko na talagang umiyak. Basang-basa ako. May palaka pang tumalon sa ulo ko. Akala ko ba walang palaka dito? Meron pala. Nangilabot ako, agad ko yung inalis sa ulo.
Joke lang naman na naghahanap ako ng palaka eh!
“Hahaha!” malakas nyang tawa.
Napatigil ako at naka ngangang napatitig sakanya. Did he just laughed? Naramdaman nyang nakatitig ako sakanya at bigla nalang bumalik ang pag ka seryoso nya. Ang bilis ah.
“Muka kang basang sisiw.” naka-ngisi nanaman nyang sabi. Dahil don bumalik nanaman yung inis ko.
Feeling ko sasabog ako sa inis. Ayys! Gusto kong mag wala.
“Bakit mo ginawa yon?” nanggagalaiti kong sabi. Wala akong pakealam kung sya pa ang pinakamataas na wizard dito. Tama bang sunugin nya ang palda ko?
“I told you to leave, pero ang tigas ng ulo mo.” walang emosyong nyang sabi.
“Hindi ako aalis sa school hanggat hindi ko napapatunayang may magic ako!” bulyaw ko sakanya. Napakunot ang noo nya hanggang sa sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi nya.
Ngiting nang aasar, na parang sinasabi ng ngiti na yon na napaka tanga ko.
“I told you to leave this garden not the school, stupid.” iiling-iling nyang sabi. Napatigil ako at hindi nakapag salita, nanlaki din ang mga mata ko.
Iba ang ibig nyang sabihin? Napayuko ako at iniisip ang mga pinag-sasabi ko kanina. Sandali kong natulala.
“This is my favorite place because it's quiet. Ayokong may ibang tao pag nandito ako and for the record walang sino man ang
pumapasok habang nandito ako. Ikaw lang.” blangko ang mukhang paliwanag nya.
Diniin nya pa ang huling salita na “ako lang” Lalong hindi ako nakapag salita. Ngayon gusto ko nalang ilublob ang sarili ko sa fountain. Ang dami kong sinabi kanina sa garden nya lang pala ako pinapaalis, napahilamos ako sa muka ko.
Eto ba ang natutunan mo sa mortal world Stella? Gumawa ng kahihiyan?
“Anyway, goodluck walking in the hallway looking like that.” mapang asar nyang sabi sabay mabilis na naglakad papaalis.
Teka iiwan nya ko dito? Napataas ang kamay ko na dapat sanang pipigilan sya pero napamaang nalang ako nang sinara nya na ang gate ng garden.
“Bwiset ka LIYAB!” naisigaw ko nalang at alam kong narinig nya yon dahil hindi pa sya nakakalayo.