Stella's POV
Natapos na ang second subject namin at nagsi-labasan na kami. Nakakainis kasi lahat pala ng subject kaklase ko yung magkapatid na yon. Kanina sa Taming Creatures pinagtripan na-naman ako ng mga bruha.
FLASHBACK
Nandito kami ngayon sa parang field walang ibang nakikita kundi puro d**o. Malawak din dito.
“Since it's the first day of class. I'll be showing to you the Creatures that you need to tame and fight.” sabi ni Mrs. Agasta ang prof namin sa Taming Creatures.
Umilaw ang kamay ni Mrs. Agasta. Lumitaw don ang isang hologram at kita namin ang mga Creatures na sinasabi nya. Nagtaka ako kung bakit parang iba ang dragons sa hologram.
“Bakit ganyan? Mas nakakatakot pa sila kesa kay Grandine.” sabi ko kela Mile.
“Yang mga nakikita mo, yan ang mga gamit ng kalaban samin. They use Dark Magic to control them. They're called Dark Mage.” seryosong sabi ni Bela. Pansin ko pag yan ang pinag-uusapan nagiging seryoso sya.
“Bela is there something wrong?” tanong ko at nilapitan sya. Sinubukan ko lang kung magsasabi sya ng problema nya pero nag-iwas lang sya ng tingin.
“Bad memories Stella.” malungkot na sabi ni Mile. Kumunot ang noo ko. Ngumiti si Mile.
“Okay, let's make a deal. Pag nalaman mo na ang Magic mo, sasabihin ni Bela sayo ang History ng Magiaca, pero pag hindi then we wont tell you.” sabi ni Mile.
Gusto ko naman talagang malaman ang dahilan. At pagkakataon ko nadin siguro ito para malaman ang mundong ginagalawan ko.
“Sige.” siguradong sabi ko. Gusto ko din namang may onting nalalaman. Masyado akong walang muwang sa mundong ito.
“Great.” sabi ni Mile. Tumingin ako kay Bela, napailing-iling sya samin.
“Kayo talaga pinagpustahan nyo pa ako" nakataas ang kilay nyang sabi.
Instead of being scared, we just giggled and went on listening again. Pumunta na kami sa control room. Maraming cameras at control buttons akong nakikita, meron ding mga TV screen's na nakikita ang buong field.
“Pag nag tri-training hologram ang ginagamit, pero sa activities totoong creatures na.” sabi ni Mrs. Agasta at may pinindot na button. Lumabas sa screen ang ibat ibat creatures.
Meron silang kanya kanyang kulungan, ang dami nila. Nakita ko din yung dragon sa pinakita kanina ni Mrs. Agasta sa Hologram. Nakakatakot ang itim ng aura nila na halos dark lahat ng kulay. Parang diko kayang lumaban sa nag lalakihang mga halimaw na yan.
“Dont worry hindi na sila kontrolado ng Dark Mages. Hindi nila kayo sasaktan maliban nalang kung di mo sila kayang pakalmahin. That's why all of you needs to learn how to tame them.” sabi ni Mrs. Agasta at lumabas na. Sumunod kami sakanya.
Nakalabas na kami at nandito na ulit sa field.
GGRRRR
Nagulat kami dahil may biglang lumabas na malaking wolf at tumalon sa kinaroroonan namin.
“Aaahh! Werewolf!” sigaw nilang lahat. Nagulat ako nang biglang tumakbo yon sa kinaroroonan ko.
O My Gosh!
“Aahh!” sigaw ko at sa sobrang takot wala akong nagawa kundi tumakbo. Sobrang laki nito.
ROOAARR
The fugde! Ang bilis nya kaya binilisan ko pa ang pag takbo.
“Aarrgg!” sa kamalas-malasan nadapa pa ako.
Dahil sa pag ka patid ko sa bato kaya napasalampak ako sa sahig at nagkaroon ng gasgas sa tuhod.
RROOAARR
Palapit na sya! Katapusan kona talaga! Hindi man lang ako tumagal sa school nato! sigaw ko sa utak ko.
RROOAARR
Napatakip ako sa mukha ko dahil sa sobrang takot. Nanginginig na din ang buong katawan ko.
“Hahahaha!” narinig ko pang may tumatawa.
Wait? may tumatawa? Unti unti kong inalis ang kamay ko sa mukha ko at ayon, nakita ko silang lahat na tumatawa. Maliban kela Bela at Mrs. Agasta na seryoso.
“Hahaha! Such a scardy cat.” sabi ni Yuma na nakapatong sa balikat ng Werewolf habang hinihimas ang ulo nito. What the?
“Hahaha! Polka doted shorts hahaha!” tawa ni Megumi. Bigla nalang akong napatingin sa may uniform ko. Nagulat ako dahil nakataas na pala ang palda ko at kita na ang short ko. Agad akong tumayo at inayos ang palda ko. Nakakahiya!
“Hahahaha!” namumula akong napayuko dahil sa hiya.
Tumakbo papunta sila Mile sakin at tinanong kung okay lang ako. Tango nalang ang naisagot ko sa sobrang kahihiyan. Gusto nadin tumulo ng luha ko buti nagawa kong pigilan.
“Enough! Who released the Giant Werewolf?” seryosong tanong ni Mrs. Agasta.
Tumaas ng kamay si Megumi at Yuma na parang wala lang yung ginawa nila. Sabi na nga ba itong dalawang to. Asar!
END OF FLASHBACK
Kinausap sila kanina ni Mrs. Agasta at pinabalik yung Werewolf. Tapos wala na yun na yun. Di man lang nag sorry, Tsk! Kainis, pero okay lang sanay nako.
Ganon din naman ginagawa sakin sa Mortal World.
Napapapikit nalang ako pag-naaalala ko ang kahihiyan na yon. Dito pa talaga sa bagong mundo ako napag-diskitahan. Napa bumuntong hininga ako.
“Wag mo na isipin yun Stella. Ganyan talaga sila sa mga taong mas mababa sakanila. Wala kapa kasing Magic kaya kinakaya-kaya ka nila. Kailangan mo talagang malaman ang Magic mo para mapantayan mo sila.” sabi ni Mile. Tumango ako sabay buntong hininga ulit.
“Wala naman akong choice.” sabi ko nalang.
Nasa cafeteria na kami at bumili na ng pagkain. Grabe pati cafeteria nila ang lawak para nading syang restaurant, kaso ikaw nga lang oorder para sa sarili mo. May chandelier din, mukang mamahalin.
Kulay white ang mga tables at upuan. Marmol din ang sahig na sq sobrang kintab feeling mo madudulas ka. Dalawa din ang counter nila at mahaba yun kaya hindi masyadong nag sisiksikan sa pila. May menu na lumulutang sa taas ng counter, don kalang titingin para mamili ng oorderin mo. Ang daming pagkain na pag pipilian, grabe ang sasarap tignan yung tipong isang tingin lang matatakam kana.
Dahil sa view ng cafeteria ay medyo bumaba ang lungkot ko at nagawa nitong ilihis ang iniiisip ko.
Pag tapos namin mag order pumunta na kami sa pwesto nila. Nag order ako ng Pizza, spaghetti, burger, orange juice at ang favorite kong shawarma. Waah! Hindi ko akalaing meron sila nito kaya bumili nako ng tatlo. Hehehe! Lahat pala ng pagkain dito katulad din sa Mortal World ang galing. Si Mile naman bumili ng Lasagna, burger, fries, clubhouse sandwich, omelet, ice tea at Waffle.
Oo, ang dami nyang binili. Ang lakas pala nito kumain pero di halata sa katawan nya. Sabi nya dahil daw sa pagtakbo kaya di sya tumataba. Wish I have that kind of Magic. Si Bela naman self-conscious sya. Maingat sa pag kain ang inorder nya nga lang ay Vegetable Salad, isang apple, at fruit shake. Oh! diba Vegetarian ang healer wizard nyo.
“Nandyan na sila bessy!” narinig kong bulang ng isang babae habang kinikilig.
“O My G! How do I look?” tnong ng isa pang babae habang tumitingin sa salamin. Kumunot ang noo ko. Yung totoo? Di nya pa ba nakikita sarili nya kung anong itsura nya? kailangan pa tanungin? Hindi sumagot ang kasama nya dahil nakatingin ito sa pinto, nag ayos nalang ang babae.
Medyo napa-iling ako.
“Pirpek!” maarteng sabi ng babae matapos mag ayos.
Nagmadali silang tumakbo sa may pinto ng cafeteria. Anong meron? Nakita ko ding maraming nasa pinto at parang may hinihintay.
“Kyaaaa! Dadating na ang mga S Class Wizards.” sabi ng babaeng malapit sa table namin. Nakahawak pa sya sa pisngi nyang namumula at kilig na kilig. Kumunot na-naman ang noo ko.
“Anong meron? Bakit ganyan sila! Dadating lang naman ang mga S Class Wizards.” sabi ko base sa narinig ko at humigop sa juice ko.
“Malalaman mo din.” sabi ni Mile na may ngisi sa labi, ganon din si Bela. Binaliwala ko nalang yung gulo sa may pinto at kumain nalang ako ng Shawarma.
“Kkyyaaaaa!”
“S Class Wizards!”
“O M G, ICE!”
“Waaahhh Jackson!”
“Tobyyy my loves!”
“Kera you're so hot!”
“Mike koooo!”
“Kyyaaaa! Blaise Gerome Nevera.”
Nabigla ako sa sigawan nila at muntik ko nang maihagis ang hawak kong Shawarma. Huhuhu my poor Shawarma. Tumingin ako sa gawi kung saan nag sisigawan at nakita kung pumasok ang anim na tao. I mean Wizards, isa sa kanila babae.
Napa kurap-kurap ako. A-ang gwa-gwapo nila. Gosh! Kaya naman pala kinikilig ang mga to. Ang gwapo nila lalo na yung lalaking Blaise ata ang pangalan, sya ang nakakuha ng atensyon ko. Seryoso ang mukha nya at walang emosyon. Ang cool nyang naglalakad bahang nakapamulsa.
Tinignan nya ang lahat ng nagsisisigaw at sinamaan nya ng tingin, kaya napatahimik tuloy sila. Takot sila kay Blaise?
“Hey girls.” bati ni Ice. Nagulat ako nang nasa harap na nila kami.
“Hi S Class.” pang aasar ni Mile. Napakamot tuloy si Ice sa ulo nya, mukang nahiya.
“Mile naman.” tawa ni Ice.
“Upo na kayo.” sabi ni Bela kaya umupo na sila.
Nahihiya ako kasi para silang katulad ng mga greek Gods and Goddesses. Isama pa sina Mile pag itinabi sila sa mga S Class. Mapapagkamalan mo silang kasali, magaganda din kasi silang dalawa.
Napayuko nalang ako habang nakababa ang hawak kong pagkain. Madami nadin ang nagtitinginan, hindi ko alam ang gagawin o sasabihin.
“Eto nga pala si Stella, ang new friend namin.” pakilala sakin ni Mile. Tumingin silang lahat sakin.
“Ahm, Hi I'm Stella Mayumi Montella" nahihiya kong pagpapakilala.
“Stella wag kang mahiya samin.” sabi ni Ice at hinakbayan ako katabi ko nga pala sya.
Buti nalang kahit papaano napapagaan nya ang loob ko.
“Eto si Kera Fenta Fulltana, she's an Air Wizard. Isa sya sa may hawak ng elements, ang hangin.” si Bela ang nag pakilala sa kanila.
“Hi Stella.” bati nya sakin.
Nag Hi din ako. Buti mabait sya may pagka-mataray kasi ang mukha nya, pero kung makikilala mo, mabait naman pala sya.
Kulay blue ang buhok nya at mahaba, matangkad din sya, matangkad din naman ako, siguro ay mag kasingtangkad lang kami. Makinis ang balat nya at medyo maputi din sya. Gray naman ang kulay ng mga mata nya, muka talaga syang Goddess.
“Well kilala muna si Ice Joseph Jefferson the loko-lokong Ice Wizard.” sabi ni Bela. Natawa naman kami.
“Hoy! di naman ah?” sabi ni Ice at nag pout, Hahaha ang–
“Cute.” napatingin silang lahat sakin.
Napatakip naman ako ng bibig. Nasabi ko pala ng malakas. Hay nako Stella.
“Yieeee! Cute mo daw Ice.” pang aasar nila. Napaiwas ng tingin si Ice habang napayuko naman ako, namumula sa hiya.
“Guys!” suway ko mabuti't tumigil naman sila. Grabe! ang dami ko nang nadadanas na kahihiyan ngayong araw ah.
“Hahaha Moving forward, eto si Jackson Timothy Pineda. Isa syang Card Wizard lahat na gagawa nya basta hawak nya ang mga baraha nya.” sabi ni Bela.
Pinakita naman sakin ni Jackson ang cards nya. Mukang ordinaryong cards lang sya pero mararamdaman mo talagang may kakaiba sa cards nya.
He snapped his fingers at nagkaroon ng pictures ang cards nya. Wow! Lumabas ang ibat ibang uri ng magic attacks. Nalaman kong magic attacks ang mga yun dahil sa mga pangalan nila. Nakita kong mag Air Strike at Water Nebula na nakasulat sa baraha nya.
Gaano kaya kalakas ang nga atakeng yun?
“Kaya sya nasali sa S Class dahil magaling syang makipag laban. Malakas din sya, yang mga pictures sa cards nya ay nagagamit nya sa pakikipag laban.” pagpapatuloy ni Bela.
“Hello Beautiful, you can call me Jack.” sabi ni Jackson I mean Jack. Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan, Nagulat ako at hindi agad naka-react.
Hhmm I smell a playboy. Natawa nalang ako kalaunan.
“At wag kang mag papaloko sa mga tricks nyan, dakilang playboy yan.” sabat ni Mile. Napakamot naman ng ulo si Jack.
Bistado na sya agad hahaha.
“Eto naman si Toby Kendo Limer Water Wizard.” banggit ni Bela.
“Correction it's Toby Kendo Limer Gwapo. You always forget how handsome I am.” sabi ni Toby sabay hawi ng buhok at kumindat pa sya sakin.
Kunyare namanh naubo si Bela.
“Yun nga isa syang Water Wizard, ewan ko ba kung bakit yan ang Magic nya mas bagay kasi sakanya ang magic ni Kera napaka HANGIN nya kasi.” Bela said emphasizing the word hangin.
“At least Gwapo.” sabi pa ni Toby.
“Mahangin naman.” bulong ni Bela.
“Anyway next is Mike Ulter Delroza, Earth Wizard.” turo nya sa lalaking naka salamin.
“He's Smart. As. Fuck.” sabat ni Jack at pinalo palo pa si Mike sa balikat.
“Arg! Stop it man.” inis na sabi ni Mike at tinapik ang kamay ni Jack. Tumawa lang si Jack. Inayos nya ang salamin nya at tumingin sakin.
“Nice to meet you Stella.” sabi nya na may ngiti at nilahad ang kamay nya inabot ko naman yon.
Kahit nakasalamin kita mo parin ang gwapo nyang mukha. No wonder ang daming nagkakandarapa sakanila.
“At ang last, eto naman si Blaise Gerome Nevera. Fire Wizard pero kasing lamig ng yelo.” pagpapakilala ni Bela kay Blaise. Tumingin kami sakanya kasi wala syang imik.
“I dont like introduction so dont expect me to say something.” malamig nyang tugon.
Tumayo ang mga balahibo ko nang tinitigan nya ako. Ang itim ng mata nya. Itim din naman ang mga mata ko pero mas itim sakanya. It's like his eyes sense Danger. Nakakakilabot.
“O diba, Hahaha cold as ice sya din ang leader ng S Class at sya ang pinaka Malakas dito sa buong Magiaca Academy, He's holding the top level. That's level 44.” sabi ni Bela. Napanganga ako, napakalakas nya pala.
“Tsk!” rinig kong singhal ni Blaise. Ang sungit naman nito.
Nag patuloy na kami sa pagkwekwentuhan umorder nadin ng makakain ang mga S Class. Habang tumatagal ang kwentuhan unti-unti ko na silang nakikilala. Ang babait nila at puro kalokohan sila Ice, nasabi ko din galing akong mortal world, di nila inaasahan yun. Lalo na si Ice Kasi akala nya dito talaga ako nanggaling, pero di katulad nila Yuma, wala silang sinabing masama sakin mababait silang wizards, partida sila pa ang pinaka malakas.
Napatingin ako sa taong tahimik lang sa tabi minsan nakikisali sya sa tawanan, pero madalas syang walang imik. Napaka cold nya makitungo, isa-isa kong tinignan ang mga S Class. Palihim akong napangiti.
Ang gaan ng loob ko sa kanila, parang matagal ko na silang kilala.