Chapter 15 Shadow

2220 Words
Stella's POV “Light Sphere!” bigkas ko. Nasa training room ako ngayon at dahil wala si Blaise mag-isa lang ako dito. Hawak ko ang libro sa kaliwang kamay ko at ginagamit ko naman ang kanan para mag labas ng magic. Nagpra-practice ako ngayon ng paggawa ng light sphere. Sabi sa libro makakatulong ito pag may gusto kang ikulong, kaso lang... “Ang hirap!” sigaw ko at sumalampak sa sahig. Kanina pa ako dito, hindi man lang mabuo ang light sphere na ginagawa ko. Ang ganda pa naman ng picture dito sa libro. Bilog sya na may kulay puti na liwanag, may nakakulong dito na hindi ko alam kung anong uri nang nilalang. Ang maganda sa pag-gamit nito ay pwede mo ikulong ang isang tao, ilang buwan o taon man kahit pang habang buhay pa. Makakawala lang sya kung papakawalan mo o may magpapalaya sakanya. Balak ko sana to gamitin sa mga nangbubully sakin, kaso hindi pala to basta-basta pwedeng gamitin. Nakaka drain sya ng lakas. Malaking epekto ito sa katawan ng isang wizard at dahil dito kaya pinili kong sumuko nalang. Siguro mahabang panahon pa bago ma-perfect ang spell nato. Nilipat ko pa ang pahina ng libro para pumili ng susunod kong gagawin. Knock knock Narinig kong may kumatok kaya napatingin ako sa pintuan. I saw Almira opening the door while she plastered a smile at me. “Hello!” maligalig nyang bati. Lumakad sya papunta sa pwesto ko. I smile when she's already infront of me. “You look exhausted,” sabi nya nang tinapat nya ang mukha nya sa mukha ko para tignan ako ng maigi. Halata ba? “Wala to,” sabi ko. Sinara kona ang libro at nag lakad papunta sa lamesa. Ang hirap pala talaga pag walang nag tra-train sayo, kahit magbasa ako ng sandamakmak na libro pag hindi ko ito naintindihan hindi ko magagawa. Bumuntong hininga ako, ano bang alam ko sa magic diba? “You need to freshen up,” her voice sounded so sweet again. Ang cute lang pakinggan. Humarap ako sakanya at kinonutan sya ng noo. “Kailangan ko pa mag training. At bakit pala nandito ka? May klase ka pa ah,” pagdududa kong sabi pero biro lang naman. Tumawa sya. Even her laughter sounds sweet. “Ang boring kasi eh kaya mas pinili kong dalawin ka,” hindi ko akalaing magagawa nyang mag cut ng class dahil lang sa bored sya. Napa iling-iling ako. “Bumalik kana, I'm fine here,” pagkumbinsi ko. Pero hindi parin sya nagpatinag, para talagang kumakausap ako ng isang batang makulit. “I'm serious you need to freshen up let's go outside,” sabi nya at hinila ako. Nagpadala nalang ako sa hila nya dahil medyo pagod pa ako sa pinaggagawa ko kanina. Dapat pala talaga hindi ko na pinilit yung spell na yon, kung nandito lang si Blaise baka magawa ko yun ng maayos. “Teka! Where are we going?” takang tanong ko. Malapit na kasi kami sa gate ng M.A. Mukang lalabas kami ng Academy. Bawal pa kami lumabas ah? “At talagang dinamay mo pa ako mag cutting class,” I said in disbelief. She giggled. Nag hum sya ng isang tono ng kanta. Pagtapos nun walang kahirap-hirap Kaming lumabas ng gate. Nakita kong na estatwa ang mga kawal na nagbabantay nung dumaan kami. “Anong ginawa mo?” gulat kong sabi. Hindi na gumagalaw ang mga kawal na nagbabantay sa gate. Siguro akong sya may kagagawan non. “Wag ka mag-alala, I just froze them para hindi tayo sitahin paglalabas tayo. Mga 20 seconds babalik din sila sa dati,” napamaang lang ako sa sinabi nya. Kung mortal world lang to, malamang may nakakita na samin na nag cutting. Hindi ko din na experience mag cutting sa mortal world. Looking at Almira she looks like an angel, kaya hindi ko akalaing may tinatago syang kalokohan. “We better go back,” I won't tolerate her wrong doings. Napatigil sya. “Please Stella? kahit ngayon lang samahan moko. Promise ngayon lang to, I just want to go outside. Gusto ko din may kasama para pag may mangyare nandyan ka para iligtas ako,” ngiting sabi nya at nag pa-cute pa para pumayag ako. Napa hilot ako sa noo ko. Talagang dinamay nya pa ako, at pano sya nakakasigurong maliligtas ko sya pag may mangyare? Napa hinga ako ng malalim at tinignan ulit sya. Nag puppy eyes sya sakin at pinag dikit ang dalawang palad nya. “Please!” pag-pilit nya. Bumuntong hininga ulit ako. Hindi ko pa na tra-try mag cutting. Oh well there's a first time for everything. “Sige pe—” “Yes!” malakas nyang sigaw. Hindi man lang ako pinatapos. Hinawakan ko sya sa mag kabilang balikat. “Pero ngayon lang to, sasusunod umattend kana sa mga klase mo.” paalala ko. Tumango sya habang may malawak na ngiti sa labi ny. Lagi na ata syang naka ngiti ngayon. At akala ko pa naman may pagka-emo sya dahil una kong kita sakanya naka black sya at medyo seryoso ang mukha, mali pala ako. “Yes yes~” naka ngiting sagot nya. Napailing ako para akong ate na pinag-sasabihan ang kapatid na babae. Medyo bumagsak ang balikat ko. I never experience having a sister or a brother. Lumakad na kami hanggang sa nakarating kami sa isang village. Ang daming tao, mukang nasa parang palengke kami, madami kasing paninda. “Pano nga pala kayo nakakakuha ng mga pagkaing katulad sa mortal world?” natanong ko. Parehas kasi ang mga tinitinda dito. “Tama ka. Magkaparehas ang mga pagkain na tinitinda pero dito parin nang gagaling ang mga pagkain na yon. May mga taniman para sa mga gulay at prutas dito sa magiaca. Sa mga karne naman may mga hayop din dito,” paliwanag nya at itinuro sakin ang isang farm na may ibat-ibat uri ng mga hayop. Medyo malayo pero kita naman namin na farm yun. May mga simbolo ang mga katawan ng mga hayop, parang mga tattoo lang. Ngayon ko lang nalamang may mga hayop pala dito katulad ng sa mortal world. Ang galing lang dahil kakaiba ang mga nakikita ko. “Tara mag libot pa tayo~” excited nyang sabi at lumakad na. Sumunod nalang ako sakanya. Hindi ko naman sya pwedeng iwan, baka mapano pa sya. Hahakbang ko na sana ang isang paa ko pero bigla akong napatigil. Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa aking naramdaman. “Stella halika na!” sigaw ni Almira. Nakalayo na pala sya at ako nanatiling naka tayo sa pwesto ko. Sandali kong iniwas ang tingin sakanya at nagpalinga-linga sa paligid. Ano yun? Bakit nakaramdam ako ng ganon? Isang nakakatakot na aura, lang naman ang naramdaman ko. “Huy!” napahawak ako sa dibdib ko nang sumulpot si Almira sa harapan ko. “Okay kalang ba? Bakit parang hindi ka mapakali? Don't tell me na c-cr ka?” medyo natatawang sabi ni Almira. Nagawa pang mag biro. Umiling ako, hindi ko magawang makitawa ngayon sakanya. Ramdam ko parin ang mga balahibo ko na nakatayo, napahimas ako sa magkabilang braso ko. “May naramdaman kaba? Na parang nakakakilabot?” tanong ko at tumingin ulit sa paligid. Lumaki ang mga mata nya at tumingin-tingin din sa paligid. “Uyy wag ka naman manakot ang mabuti pa maglibot na tayo. Tara!” hinawakan ako ni Almira at naglakad na kami. Medyo nawala ang kaba ko dahil alam kong may kasama ako. “Tignan mo to Stella,” itinuro nya ang dress na naka display sa isang boutique. Napatingin ako don. Maganda naman kaso nga lang itim namay halong violet. I'm not a fan of dark colors, yellow kasi ang favorite kong kulay. “Maganda pero mas maganda siguro kung yellow, red o kahit anong maliwanag na kulay. Masyadong dark eh,” sabi ko sabay balik ang tingin sakanya. “Gusto ko yan,” nakatitig sya sa dress na may ngiti sa labi. Medyo na weirdohan ako sa ngiti nyang yon, pero binaliwala ko nalang. Ano namang masama kung gusto nya yung dress diba? Tinignan ko yung price. “7 silver nickels,” dumukot ako sa bulsa ko ng pitong pilak. Para syang mga bariya. Binigyan ako nila Mile nito, para daw may pera man lang ako sa bulsa. Hindi ko naikwento sakanila ang nangyare sakin kahapon, mas mabuting hindi ko nalang ipaalam, baka kasi kung anong gawin nila. Naisipan ko nadin mag trabaho para katulad nila mag ka-pera nadin ako, pero hindi pa ako tuluyang nahahasa sa pag-gamit ng nagic, sa ngayon sakanila muna ako aasa. “Ako na ang bibili,” napatigil sya at napatingin sakin. Ngumiti ako at pumasok sa boutique. Maraming magagandang at makukulay na damit, pero itong itim na dress lang ang nai-iba. Itinuro ko yun sa babaeng nagbabantay para kunin at ipasukat kay Almira. Nagtingin din ako ng mga damit habang hinihintay syang mag-sukat. Window shopping lang muna ako, eala din naman akong nagustohan na damit at saka ang daming damit din ang binili sakin nila Mile. Hindi ko na kailangan dagdagan pa, siguro ay sasusunod nalang. Kailangan ko na talaga magka-trabaho. “Bagay ba?” napalingon ako nang lumabas na sya. Hindi ako agad nakapag-salita. Hindi dahil bagay sakanya, kundi parang nag-iba sya nang sinuot nya ang dress. Bigla kong naalala na ganon din ang suot nya nung nakita namin sya. Favorite nya talaga siguro ang itim? But seriously. She doesn't look like a sweet girl when wearing black outfits, she looks totally different. “Ahm pangit ba?” alanganin nyang tanong. Kahit nag-iba ay nandon padin ang makulit nyang pagkatao. Napangiti ako. “Bagay na bagay,” ngumiti din sya at pumasok na ulit para mag-palit. Binayaran kona ang damit pagkatapos iharap sa counter. Lumabas na kami. “Thank you Stella~” magiliw nyang sabi. Nakayakap sya sa paperbag na parang may kukuha nun sakanya. Natawa ako. “You're welcome,” kada lakad namin tumitigil sya para tignan ang mga paninda. Kahit ako ganon din. Pumasok naman kami ngayon sa isang store na puno ng pagkain. Nagkahiwalay kami kasi tumakbo si Almira sa stall na puno ng candy. Ako naman nandito sa mga stall ng mga junk foods, na-miss ko kumain ng mga ganito. Naalalal ko halos ito lang ang kinakain ko minsan sa school. Sa pag-uwi ko lang nararanasan makakain ng kanin ng matiwasan, madami kasi ang gumugulo sakin noon. Pero wala na sakin yon ngayon. Kukunin ko sana ang isang junk food nang may biglang dumaan na anino sa harapan ko. Napa -atras ako, ayon nanaman ang pakiramdam na yon. Nawala ang anino pero ramdam ko parin ang presensya ng kung sino mang may gawa non. Napatingin ako sa labas saktong nasa may salamin ang mga junk foods na pinag-pipilian ko. At dun nakita ko sa labas ang isang anino ng lalake. Naka sandal sya sa puno, hindi ko makita ang mukha nya. “Sino ka ba?” bulong ko na parang maririnig nya ako. Nanatili akong nakatitig sakanya. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko sya kilala at parang ayokong kilalanin pa sya. Para akong nakipag staring contest sa anino, hindi ko alam kung pano ako iiwas. Natatakot ako baka may mangyare sakin pag-umiwas ako. “Stella,” “Ayy Kalabaw!” sigaw ko sa sobrang kaba. Napahawak ako sa dibdib ko at pinakalma ang sarili. “Tara na, wala ka pang napipili?” tanong nya nang makitang wala akong hawak sa kamay ko. “May lalaki sa labas,” turo ko sa labas. Tumingin din sya. “Oo marami” takang sabi nya. Akala nya siguro ang mga taong naglalakad ang sinabi ko. Umiling ako. “Sa may puno,” itinuro ko ulit. “Wala naman,” tumingin ako ulit dun wala na ang lalake. Huminga ako ng malalim. Why do I feel so scared? “Pagod kana ata bumalik na nga tayo,” ngiting sabi nya. Tumango ako at lumabas na kasabay nya. Hindi ko parin nakalimutan ang pakiramdam na yon. Anong kailangan non at bakit kami sinusundan? Dahil ba kay Almira? Napatingin ako sakanya, baka hinahanap sya ng Dark Mage na yon. Pero pano pag hindi? Ayysss! Sumasakit ang ulo ko kaka-isip sa lalaking yun. Parang na stock sa utak ko ang imaheng naka sandal sya sa puno, paulit-ulit ko syang nakikita at ayoko nito. Pumasok na kami sa M.A habang dala-dala ko ang mabigat na pakiramdam nato. Napagalitan pa kami dahil nalaman pala ni Headmaster sa lumabas kami. Inamin naman ni Almira na sya ang nagyaya sakin, pero hindi ko hinayaang sakanya lang magalit si Headmaster. “Wag nyo nalang ulitin. And Almira don't cut class again, you're just new here, follow the rules.” maatoridad na pagpapaalala ni Headmaster. Tumango si Almira. “Yes po, pasensya na ulit Headmaster.” nag-promise syang hindi na uulit. Nagkahiwalay na kami pagkatapos mapagalitan. Pumunta na sya sa dorm nya at ako kela Bela, sasabay na ako sakanila umuwi. Dahil sa nangyare kanina gusto ko munang may kasama, kahit hindi nya ako sinaktan ang lakas parin ng epekto ng presensya nya sakin. Ngumingiti nalang ako pagnapapansin nila Mile ang pagka-balisa ko. Ayoko namang alalahanin pa nila ako. Muli akong pumikit at sandaling huminga ng malalim. Napahimas ulit ako sa braso ko. Simpleng shadow lang ang nilabas nya, pano pa kaya pag-inatake nya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD