Chapter 16 Leveling

3171 Words
Stella's POV “Anong ba ang pinag-gaga-gawa mo habang wala ako?” sermon sakin ni Blaise. Napayuko ako at napakamot ng ulo ko. Nakabalik na sya. Sinabi nyang ipakita ko sakanya ang mga spells na kaya kong gawin, kaso wala akong maipakita. “Nag training,” pabulong kong sagot sa tanong nya. Totoo naman na nag training ako, wala nga lang akong nagawang maayos na spell. “You called that training? You're still using the same magic over and over again,” may bahid na inis nyang sabi. Natahimik ako. Gusto ko na din maiyak, nafe-feel ko ang pag ka dismaya nya. Muli syang napailing. “Bukas na ang leveling Stella,” sabi nya. Napatigil ako. “Nakalimutan mo na no?” bumuntong hininga sya. “Bukas na pala,” bulong ko. Masyado kasi akong nabagabag tungkol sa lalaking nakita ko. Sinabi ko na yon sa kanilang lahat, kaya minabuting wag ng palabasin si Almira sa Academy o kailangan may kasama sya kung lalabas. Baka kasi kunin sya nito. Okay lang naman kay Almira na sa dorm lang sya, hindi naman sya nabo-boringan don. “Stella” napapikit ako nang sumigaw si Blaise. “You're spacing out again,” sabi nya pero kumalma na sya. “Sorry,” sabi ko. Pumunta sya sa lamesa at dinampot ang libro na pinahiram nya sakin, muli syang tumingin sa gawi ko "Ngayon tuturuan na kita at hindi ka mag papahinga hanggat wala kang spell na nagagawa,” mariin syang tumitig sakin. Ngumiti ako. “Ikaw lang naman ang hinihintay ko Blaise, sigurado akong magagawa ko na ng maayos ngayon,” sabi ko na may malawak na ngiti. Napaiwas lang sya ng tingin. “Tsk!” singhal nya. Natawa nalang ako. KINABUKASAN Kriinngg kriinng Click Yawn “Good morning self, this is it.” bulong ko at bumangon na. “Good morning Stella!” maligalig na bati ni Mile at inikutan pa ako. Napahawak tuloy ako sa ulo ko dahil nahilo ako bigla. “Mile stop hahaha nahihilo na ako,” sabi ko, Tumigil na naman si Mile. “Hahaha sorry come on let's get ready for the leveling,” tumakbo na sya palabas ng kwarto ko. Hindi halatang excited sya no? “Good morning Stella,” bati ni Bela nang makalabas ako sa kwarto ko. Nakita kong may hawak syang espada. “Good morning din, what's that?” tanong ko sakanya. Tinaas nya ang sword nya at pinakita sakin. Ang ganda, purong puti ang handel nya na may silver na desenyo. “This is the holy sword,” sabi nya. Tinitigan ko ang sword nya may simbolo itong cross na nakakaakit. “Ito ang ginagamit ko panglaban. Lahat ng Healer ay may kanya-kanyang weapon, dahil healing lang ang magic namin. Kailangan din namin proteksyonan ang aming sarili.” sabi nya. Natandaan ko na yan ang lagi nyang dala dala sa tuwing may misyon syang pupuntahan. “Ang ganda,” sabi ko sakanya. Ngayon ko lang na titigan ng malapitan ang espada nya, ngumiti sya sakin pero ngiting malungkot. “Bakit Bela?” tanong ko. “Ahm wala. Ito kasi dapat ang ireregalo ni Mama sa birthday ko pero hindi nya na naibigay sakin. Naghalungkat ako ng mga gamit nya noon at nakita ko to, may note na nakadikit na sinasabing galing to kay Papa at ipapamana sakin.” malungkot nyang sabi. Pero biglang napalitan ang ekspresyon nya at naging galit. “But with the help of this sword, I will revenged my Father and my mothers death. I will kill the ones who killed my parents,” madiin nyang sabi. Ramdam ko ang hinanakit nya at galit sa pumatay sa mga magulang nya. Hinawakan ko sya sa balikat, medyo nanginginig kasi sya habang hawak ang espada nya. Mamaya ako pa ang mapag diskitahan nya. Just kidding. “Pag napagpatuloy mo ang paghihiganti... magiging masaya kaba?” naitanong ko nalang. Bigla napatigil sya at tumingin sakin. “Sa totoo lang hindi ko alam,” mahinang sabi nya. “Wag kang masyadong padalos-dalos Bela,” sabi ko. “You're right, but I will still bring justice for my parents. Hindi lahat kailangan ipaubaya sa karma, ako mismo gagawa ng karma nila,” mukang ayaw nya talaga mag-paawat. “An eye for an eye. A tooth for a tooth.” madiin nyang sabi at umalis na sa harapan ko. Napabuntong hininga nalang ako. Her heart is full of pain and anger. It's better if I let her be. Nag simula na akong mag-ayos, pagtapos ko ay lumabas na ako. Naabutan kong tapos nabdin sila Mile at nag sabay-sabay na kami paalis. Nang nakadating na kami sa school bigla akong binalot ng kaba. “Stella are you okay?” tanong ni Mile. “Mile kinakabahan ako,” pag-amin ko. Nakita kong nag-alala sya sakin pati si Bela. Hay nako Stella, you always let your friend worry about you. “On second thought, nac-cr lang ata ako,” palusot ko. Natawa sila. “Hahaha you made us worried. Sige na, hintayin ka namin,” sabi ni Bela at naglakad na kasabay si Mile. Naglakad na ako papuntang cr. Pumasok ako at nag ilamos para mahimasmas man lang ako. Pagtapos ko lumabas na ako. Pumunta na ako sa pwesto nila Mile, nakita ko sila Ice sa kabilang side namin. Kinawayan ako ni Kera kaya kinawayan ko din sya kumaway din ako kela Ice. Umupo na ako sa pwesto ko. Let's start the leveling for our precious Wizards. Sabi ng Headmistress, sya ang may hawak ng mic. Maya-maya unti-unting tumaas ang pader na sinasabi nila. I gasped after seeing a gigantic wall. “A-ang l-laki,” utal kong sabi. Halos umabot na sa kisame ang pader, eh ang laki ng gym at ang lawak pa. Each Wizard will have their level seen above the monitor. Tinuro nya ang malaking screen at may mga nakalagay na classes and Levels. We have a maximum of 50 levels. 1 - 10 will be E Class Wizards, 11 - 18 D Class, 19 - 25 C Class, 26 - 35 B Class, 36 - 40 A Class and 41- 50 will be know as a strongest S Class Wizard! Sigaw ni Headmistress sa huling sinabi nya dahilan para maghiyawan ang mga Wizards. “Wooohhh!” “Let's aim for the higher level!” “I want to be an S Class!” “Me too!” “Yeaaahhh!” Maraming gusto maging S Class at nakikita kong lahat sila malalakas. Nanliliit tuloy ako sa sarili ko. “Hey,” napalingon ako sa tumawag sakin. Paglingon ko si Blaise pala. “Nervous?” tanong nya. Tumango lang ako. “You'll be fine, just do your best. And remember I'm watching you,” sabi nya sabay ginulo ang buhok ko. Ewan ko ba pero parang nabawasan ng onti ang kaba ko. Ngumiti lang ako. Umalis na sya sa tabi ko at bumalik sa pwesto nya. Here we have a gigantic wall. You need to hit it using your magic to create damage, if you want to get higher level smash the wall with all your strength. Now let's begin! Nagtawag na si Headmistress. Kita kong maraming malalakas at mahuhusay na wizards. Madaming nagpakita ng kanya-kanyang magic nila at masasabi kong ang gagaling nila. “Megumi Hinji.” Si Megumi na. Tumayo sya at naglakad na papunta sa stage kung nasaan ang wall. Seryoso ang mukha nya, hindi katulad nung una ko syang nakita na maarte at mataray. Makikita mo talagang may similarities sila ni Yuma. “Duplicate,” bigkas nya at namangha ako ng dumami sya. Hindi kagaya ng dating onti lang ngayon sobrang dami nya na. Sa sobrang dami nya nasakop nya ang buong stage. Naglabas sya ng latigo, buwelo sya at biglang tumalon kasabay ng mga clone nya. “Yaaaahhhh!” “Yaaaahhhh!” “Yaaaahhhh!” “Yaaaahhhh!” Sigaw nya kasama ng mga clone nya at hinampas ang wall gamit ang latigo. BOOOGGSSHH Nasira nya ang wall pero kalahati lang. [Megumi Hinji -Level 34 -B Class Wizard] Kita namin sa monitor ang level nya at kung saang class sya. Tumaas ang level nya 30 naging 34, pero hindi nagbago ang class nya, nasa B class parin. Inis syang bumaba sa stage dahil sa resulta. “Next Yuma Hinji.” Tumayo si Yuma gaya ng dati seryoso parin sya. Nang nakababa na sya hindi na sya nag sayang ng oras at tinutok na ang dalawa nyang kamay sa wall. “Gravity,” sabi nya. Nakita kong may circle na pumalibot sa wall, yun ata ang tinatawag nilang magic circle. BOOOGGSSHH Nasira nya din ang wall. [Yuma Hinji -Level 34 -B Class Wizard] Katulad ni Megumi inis ding bumaba si Yuma sa stage, parehas parin silang B Class Wizards. “Andrea Blossoms.” Tumayo si Pink Hair este si Andrea at naglakad na pababa. Nang napadaan sya sa upuan nila Kera ay binigyan nya ng isang flying kiss si Blaise, kumindat pa sya. “Sya lang talaga ang may lakas ng loob na magpakita ng kalandian kay Blaise,” natatawang sabi ni Bela. “Bilib din ako sa babaeng yan eh hahaha!” tawa ni Mile. So kasali lang pala talaga sya sa mga taga-hanga ni Blaise. Kita ko din maraming masamang nakatingin sakanya. Nang dumaan naman si Andrea sa upuan namin, binigyan nya ako ng isang makamandag na death glare. Umiwas nalang ako ng tingin. “She's really head over heels for him.” iling na sabi ni Bela. Napa-tango nalang ako bilang pagsangayon. Nakababa na sya, pero tumingin muna sya kay Blaise. “This is for you Blaise~” may kilig na sabi nya. I heard groans from the girls habang napa facepalm naman kami nila Mile. “Poisonous petals!" at lumabas ulit ang kanyang pink magic. Kung titignan talaga maganda ang magic nya at mukang hindi ito nakaka-sakit. Pero nang tinignan ko ang pader, unti-unti itong natutunaw. [Andrea Blossoms -Level 38 -A Class Wizard] Kaya naman pala matapang, isa pala syang A Class. Malawak ang ngiti nya. Hindi ko nakikita ang reaksyon ni Blaise, pero sigurado akong naka poker face nanaman sya. “Almira Simson.” Si Almira na ang sunod. Nakita ko syang tumayo kung saan nakaupo ang mga C Class Wizards. Tumingin sya sa gawi namin, tumango ako para sabihing kaya nya yan. Nakadating na sya sa stage, agad syang kumanta. Hindi ko alam kung anong kanta yun pero may high notes. Patuloy nya lang inabot ang high notes. “Haaaaa~” BOOOGGSSSHH [Almira Simson -Level 40 -A Class Wizard] At tunay ngang isa syang A Class, pero nagulat pa din ako sa taas ng level nya. Pumalakpak ako, gusto ko syang puntahan kaso malayo sya sa inuupuan namin. “Kera Fenta Fulltana.” Si Kera na, tinignan muna nya kami at ngumiti. Confident syang naglakad papuntang stage. “Here I go,” sabi nya biglang humangin ang paligid. Nakalahad ang dalawang kamay ni Kera at parang nag-iipon ng hangin sa kamay nya. “Haaaahhh Tornado fling attack!” sigaw nya at nagpakawala ng higanting ipo-ipo sa magkabila nyang kamay. BOOGGSSHH [Kera Fenta Fulltana -Level 44 -S Class Wizard] Audience Clapping. Pumalakpak kami. Ang lakas ni Kera halos 1/4 ng wall nalang ang natira. “Ang galing mo Kera!” sigaw ng mga lalaki sa audience. “Mile Laine Rondala.” “Ako na,” saabi ni Mile. Tumayo na sya at tumakbo, sa isang iglap nasa baba na sya ng stage. Tinaas ni Mile ang paa nya na parang sisipa ng bola. Maya-maya nakita kong unti-unti may bumubuong enerhiya sa paa nya. “Sonic!” sigaw nya at tumakbo papalapit sa wall. “Boom!” sinipa nya ang wall at... BOOGGSSHH Nagawa nyang sirain ang wall sa isang sipa lang. Napanganga ako. [Mile Laine Rondala -Level 35 -B Class Wizard ] Nakita kong kumunot ang noo nya. Pumalakpak ako. Nung nasa harap na namin sya nag high five kami, level 35 na sya ngayon ang dati nyang level ay level 27. “Ang galing mo,” sabi ko sakanya. Tipid lang syang ngumiti. “Bela Megumi Lumina.” “Good luck,” sabi ko kay Bela. Ngumiti sya at naglakad na. Nang nasa stage na sya, nilabas nya ang sword nya. Pumikit sya at tinutok ang sword sa harap ng pader. Nakita kong napalibutan sya ng puting liwanag na may halong berde. Bigla syang dumilat at tumakbo papunta sa pader tumalon sya ng napaka-taas. “Holy white enchantment!” sigaw ni Bela. SHIIIIINNGG BOOGGGSSHHH She gracefully landed after that tremendous attack. Sa isang hiwa ng espada nya, na wasak nya ang pader. I can say now that never underestimate a healer like Bela. “Ang galing!” sabi ko at pumalakpak ulit. [Bela Megumi Lumina -Level 35 -B Class Wizard] Bumaba na si Bela na medyo naka kunot ang noo nya. “Something is wrong here,”inis nyang sabi napa-tango si Mile. “Mike Ulter Delroza.” Magtatanong na dapat ako nang biglang may nagsigawan. “Kyaaaaa!” “Miky Baby!” “My Gosh Mike.” “Waaaahhhh!” Woohh! Daming fans ah. Inayos muna ni Mike ang salamin nya bago bumaba. Mike is a nerdy type kind of guy, but he's hot and handsome. Kaya maraming nagkakandarapa sakanya, kahit tahimik lang sya at puro libro. Puwesto na sya sa gitna. Earthquake Nagulat ako nang biglang lumindol sa loob ng gym. Napahawak tuloy ako kela Mile dahil sa pagkabigla. “Hahaha dont worry,” tawa ni Mile. “Remember Mike's an earth wizard,” sabi ni Bela. Tumingin ulit ako sa gawi ni Mike. “Earth Drill!” sigaw ni Mike at nakita kong parang may gumapang sa ilalim ng lupa papunta sa pader. BOOOGGSSHH Ang lakas ng pagsabog dahilan para mapatakip kami ng mata. Maya-maya nang luminaw na, nakita naming wasak na wasak ang pader kagaya ng kay Kera. [Mike Ulter Delroza -Level 44 -S Class wizard] Ang gagaling naman nila. “Toby Kendo Limer.” “Toobbyyy kooo!” “Kyaaaa! sya na next.” “OMG!” Nagsigawan nanaman ang mga babae. Maangas na naglakad si Tob at hinawi pa ang buhok. Lalo tuloy nagsigawan ang mga babae. “Waaaaahhhh!” “TOB!” Mahina akong natawa, well gwapo naman talaga si Tob kaso mahangin lang talaga sya “Tsk! kala nyo naman sobrang gwapo.” narinig kong sabi ni Kera. Lumingon ako sakanya at kita kong kunot-noo syang nakatingin sa mga babaeng nag sisigawan. “Water Nebula!” narinig kong sigaw ni Tob naka baba na pala sya. Paglingon ko... BOOOGGSSSHH Wasak na ang wall. [Toby Kendo Limer -Level 46 -S Class Wizard] Wow ang lakas nya. “Jackson Timothy Pineda.” “Jackson! Jackson! jackson!” “Waaaahhhhh!” “Kyaaaaaaa!” “Go baby!” “Hoy boyfriend ko yan!” “Break na kayo!” “Wala din namang kayo!” “Tumahimik ka!” The crowd is going crazy, especially the girls. Nauwi sa away ang mga simpleng sagutan ng mga babae, pero hindi yun pinansin ni Jack. Kumaway si Jack sa mga babaeng nag che-heer sakanya sabay kindat. Nakita kong may mga babaeng nahimatay dahil sa kindat nya. Oa naman nila. “Ang Ooa nyo.” narinig kong sabi ni Bela. Naka cross arms sya habang nakatingin sa harap pero pakiramdam ko tinitignan nya si Jack. “Wooh easy Girls hahaha.” sabi ni Jack. Dinumog sya ng mga babae, eto namang isang to mukang tuwang-tuwa pa. “Aaahhh!” Sigaw ng mga babae nang tinangay sila ng hangin ni Kera. “Tsk! My gosh Jack pati ba naman dito?mamaya kana mang babae.” iritang sabi ni Kera. Tinaas ni Jack ang dalawa nyang kamay at tatawa-tawang nagpatuloy sa paglalakad. Snap He snapped his fingers at lumitaw ang mga baraha nya sa ere. Nagkumpol-kumpol yun at bumaba sa palad nya. Bumunit sya ng apat “Fire *snap*.” sabi nya at nagkaroon ng picture ng Fire ang isa sa baraha. “Water *snap*.” nagkaroon ng picture ng tubig ang isa pa. “Air *snap*.” hangin naman ang pangatlo. “Earth *snap*.” panghuli ay lupa. “Let me entertain you all,” ngiting sabi nya. “Im holding four cards which has the elements of fire, water, air, and earth.” pakita nya sa baraha. “Pretty ladies will you hold this for me and hide it.” sabi nya. Binigay nya sa mga babae ang barahang hawak nya. Kinikilig pa ang mga babae nang inabot sakanila ang baraha tumalikod sya at hinayaang itago nila. “I'll count to 5.” “1,” “2,” “3,” “4,” “5.” humarap na sya. “Hulaan ko kung saan nyo tinago,” sabi nya. Pumunta sya sa pwesto nila at hinanap nya ang mga cards. Napakamot sya ng ulo. “Hhmm hindi ko mahanap, pwede bang pahanap nalang girls?” sabi nya. Ano bang ginagawa nya? “Nandito lang yun,” sabi ng babae. Hinanap nila pero wala silang nakitang baraha. “Nasaan na yon?” takang tanong ng babae. “Nandito lang yun kanina ah.” sabi ng isa. “Hala nasaan n—” BOOOGGSSHH BOOOGGSSHH BOOOGGSSHH BOOOGGSSHH Nagulat kami sa apat pagsabog. Paglingon namin sa pader nakita naming wasak na ito. Lumakad si Jack papunta don, nakita kong may pinulot sya at yun ang apat na baraha na hawak nya kanina. “Woohhh ang galing.” manghang sabi ng mga babae. Namangha din ako, hindi ko akalaing yun ang balak nya. Ang galing! [Jackson Timothy Pineda -Level 45 -S Class Wizard] Audience clapping. “Ang galing ni Jack.” pagpuri ko habang pumapalakpak “He has an amazing strategy.” sabi ni Bela habang pumapalakpak din. “Ice Joseph Jefferson.” “Beat that Ice,” mayabang na sabi ni Jack. “Okay you ask for it,” sabi ni Ice na may nakakalokong ngiti at naglakad na papunta sa stage. Breeze “G-grrr ang lamig.” naginginig kong sabi. Biglang bumaba ang temperatura. “Takte tong Ice nato ggrrr.” sabi ni Kera na nakayakap sa sarili nya. “Hoy wag mo kami idamay sa lamig malilintikan ka sakin!” sigaw ni Mile. “Hahaha sorry.” tumawa lang si Ice. Maya-maya hindi na masyadong malamig. Tinapat nya ang kamay nya sa lupa at naging yelo ang buong stage pati na din ang wall. Tinapat naman nya ang dalawa nyang kamay sa pader. “Haaaahhhh!” sigaw nya nagkaroon ng magic circle ang pader. “Ice Geyser!” nagpakawala sya ng malakas na enerhiya. BOOOGGSSHH [Ice Joseph Jefferson -Level 47 -S Class Wizard] Halos mapanganga ako sa taas ng Level nya. Totoo nga ang sinabi nila Mile malakas nga talaga sya. “Woooohhh!” “Kkyaaaa you're so great baby Ice!” “Waaahhh ang taas!” Hiyawan ng mga tao lalo na ang mga babae. “Wow!” nasabi ko nalang. Pumunta na si Ice sa pwesto nya at kita kong nakabusangot ang mukha ni Jack. Hahaha! “Blaise Gerome Nevera.” Biglang tumahimik ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD