Chapter 14 Little Quarrel

2519 Words
Stella's POV “La lala lala~” kasama naming naglalakad si Almira. She's singing while leaping, nakasuot na din sya ng uniform. Papunta kami ngayon sa library, nandun ang mga S Class kaya dun kami pupunta. Ipapakilala namin sya. Nakilala na din sya ni Bela. Bela welcomed her with open arms, they're now friend too. “You have a wonderful voice,” komento ni Bela. Humarap si Almira sakanya. “Thank you! May mga nakakasama din kasi akong mga Siren,” sabi nya. “Anong siren?” tanong ko. “Hindi mo alam yun?” takang tanong ni Almira. Tumango ako. “Hahaha Sorry, I forgot to tell you. Stella came from the mortal world, so she's not familiar with Sirens,” si Mile ang nag sabi. “What?!” gulat na tanong ni Almira. I already thought that she might react like that. “Yeah, nanggaling ako don.” sabi ko at medyo ngumiti. Kinakabahan din ako baka kasi ipag tabuyan nya ako katulad ng mga istudyante dito sa M.A. “That's awesome.” pero mali pala ako. “I kinda like the songs from the mortal world,” ngiting sabi nya. Tumawa sila Bela. “Hahaha Halata nga eh,” sabi ni Mile. “Anyway about sirens. I think mortals called them mermaids,” sabat ni Bela. Well that's another word for mermaids, lumaki ang mga mata ko. "Teka teka! May mga sirena sa magiaca?" gulat kong tanong. Tumango silang tatlo. “Siren ang tawag sa kanila, nakanta din sila. Their voice is also magical like mine,” sabi ni Almira. Wow! I can't wait to see real mermaids. Nag patuloy na kami. Hindi ko talaga akalaing may mga sirena dito, marami pa talaga akong hindi nalalaman sa mundong to. Pagpasok namin sa library naabutan namin silang nagbabasa, maliban kay Jack at Tob na kumakain habang nag ce-cellphone. Did I mentioned na hindi lang sila malalakas at magagandang nilalang? Kundi matatalino din sila. Full package talaga ang mga S Class. “Hindi bat bawal ang pagkain sa library?” sermon ni Bela sa dalawa paglapit palang namin. Hindi din naman mawawala ang pagiging loko-loko nila. “Believe me Bela, I tried to stop them,” bagot na sabi ni Kera. Umupo kami sa bakanting upuan. “Well who do we have here?” tumayo si Jack at lumapit kay Almira. Inikutan nya to para matignan ng maigi. “Sya si Almira ang bagong friend namin,” sabi ko. Katulad ng ginawa ni Jack sakin, kinuha nya din ang kamay ni Almira at hinalikan ito. Medyo nagulat pa si Almira. “Ganyan talaga sya,” bulong ko sakanya. “Hi Almira babe, I'm Jack.” pagpapakilala nya. Tinulak sya ni Kera at pinabalik sa upuan. “Don't scare her,” nakangiwing sabi ni Kera, Tumawa lang kami. Na-kwento namin kung pano namin niligtas si Almira. Nagpakilala na din ang iba sakanya, except kay Blaise. “Dude mag-salita ka naman,” sabi ni Tob nang hindi man lang ito tumingin kay Almira. Busy kasi sya sa pagbabasa. Bumuntong hininga naman si Blaise sa sinabi ni Tob. “I'm Blaise,” napipilitang sabi nya sabay pag papatuloy ng binabasa nya. Napailing nalang kami, hindi talaga sya mahilig magpakilala. Nag si-alisan nadin sila dahil oras na ng klase. Kami nalang ni Blaise ang naiwan, na patuloy paring nagbabasa. Dapat nag tra-training ako ngayon eh. “Bakit hindi mo man lang sya kinausap? Mabait naman sya at maganda din,” sabi ko habang tinitignan ang mga naiwang libro sa lamesa. I feel bad sa mga gustong kumausap sakanya. Bubuka palang ang bibig mo ay parang gusto mo na isara dahil pagtitignan mo sya, muka talagang wala syang pakealam. “Not interested,” simpleng sabi nya. Hindi nalang ako sumabat, muka din naman ayaw nyang maistorbo. “Maglilibot lang ako,” paalam ko. Kesa tignan sya habang nagbabasa ay maglilibot nalang ako. Pabilog ang library at malawak ito. May mga upuan at lamesa para sa mga gustong magbasa. At lahat ng shelves na pinaglalagyan ng libro ay naka dikit sa pader. Tumingala ako. Sa sobrang dami kasi ng libro abot kisame na ito, nagtataka nga lang ako kung bakit wala man lang hagdan. “Iha.” “Ayy kabayo!” nagulat ako at napahawak sa dibdib ko. “Ayy pasensya kana,” sabi ng isang matandang babae. May tulak-tulak syang cart na puno ng libro, sya ata ang librarian dito. Naka brown syang blazer at pencil skirt na below the knee. Puti naman ang pang loob nya, naka heels din sya, mga 2 inches lang ang haba. May suot din syang salamin, hindi mawawala yun dahil matanda na sya. I think she's in her late 60's. “Hehe okay lang po,” nahihiyang sabi ko. “Nakita ko kasing kanina kapa nakatingala dyan,” sabi nya. Iniisip ko ho kasi kung bakit walang hagdan. Kumuha sya ng libro at naglagay sa mga shelf na may bakante, para punuin ang mga space nito. “Ah wala po yun, aalis napo ako.” sabi ko. Tatalikod na sana ako nang mag-salita sya. “May gusto ka atang tignang libro,” sabi nya. Tumigil ako at humarap sakanya. “Stomp your feet 3 times and a floating crystal will appear,” sabi nya at umalis na. Nagtaka ako sa sinabi nya. Huli nang tawagin sya dahil nakalayo na ito. Hindi pa naman pwede mag-ingay sa library kaya hindi ko nalang tinawag. A floating crystal will appear? Ano namang gagawin ko dun? Kahit nalilito ginawa ko nalang. Stomp Stomp Stomp Nagulat ako nang bigla akong lumutang. Lumitaw nga ang floating crystal na sinabi ng librarian sa paanan ko. Ngayon naka lutang lang ako. Nakita ko din ang ibang sumasakay sa floating crystal na ngayon ko lang napansin. Dinadala sila nito kung saan nila gusto, pero ako nanatiling nakalutang. Pano ba paandarin to? Yumuko-yuko ako para tignan kung may pinipindot ba dito. “You look stupid,” napaangat ako ng tingin para makita si Blaise. Nakalutang parin ako. Muka siguro talaga akong tanga kakatingin sa kristal kung may pinipindot ba dito para umandar. “Pano ba paandarin to?” tanong ko. Wala syang sinabi at nag stomp din para lumitaw ang kristal sa paanan nya. Lumutang sya at pumunta sa kabilang shelf para isauli ang mga librong hawak nya. Pasikat. Kumuha sya ng isa pang libro. Balak nya atang magbasa ulit? Pagkakuha nya bumalik sya sa harapan ko. Nag stomp ulit sya ng tatlong beses at unti-unti syang binaba ng floating crystal. Nawala na ang kristal, parang lumubog lang sa lupa. “The crystal is connected to you. Once you ordered the crystal to move, it will follow your command,” tun lang ang sinabi nya bago ako iwan para bumalik sa kinauupuan nya. Bakit ba pag tapos mag-salita umaalis nalang sila agad? Ganyan ba talaga ang mga wizards? Napa iling nalang ako. Kahit may pagtataka sinunod ko nalang ang sinabi nya. Tumingala ako. “Floating crystal, I want you to take me to book shelf number 137,” maatoridad kong utos. Nagjo-joke lang naman ako pero napa-luhod ako at napakapit sa kristal dahil bigla itong gumalaw. Gumana! Muntik pako malaglag, kinalma ko ang sarili ko at tumayo para bumalance upang hindi malaglag. Nagawa ko naman, ang galing dinala nga ako nito sa book shelf 137. Para syang voice command, katulad ng technology sa mortal world pero kakaiba to, kahit sa isip mo lang sabihin susundin ka nito. Nako, napapa sana all nalang ako sa mga natutuklasan ko. Tinignan ko ang librong kanina ko pa nakikitang umiilaw. May puting liwanag na nagmumula sa libro, hinawakan ko yon at kinuha mula sa shelf. “Stella,” halos mabitawan ko ang hawak kong libro nang biglang sumulpot si Blaise sa tabi ko. “Blaise ginulat moko!” sigaw ko sabay takip ng bibig dahil narealize kong nasa library ako. Sobrang lakas ng sigaw ko, kaya naka-attract ako ng mga wizards. Masama nila akong tinignan. “She shouted at Blaise.” narinig kong bulong ng isang babae sa katabi nyang nakalutang din, Dahil pumipili din sila ng libro. “How dare she!” sabi naman ng isa pang babaeng hindi kalayuan samin. “The f**k, she shouted Blaise and ruined my peaceful reading.” sabi naman ng babae na naka upo habang nag babasa at masama akong tinignan. “Aray!” napadaing ako nang may nalaglag na libro sa ulo ko. Ang sakit! Ang kapal pa naman ng libro na nalaglag. “Oppss!” napaangat ako ng tingin. Yung si Pink Hair nanaman, sya ang naglaglag ng libro. Nandito pala sya? Sakay din sya ng floating crystal. “Oh it's you sorry, I didn't see you there,” sarkastikong sabi nya. Pumunta sya sa tabi ni Blaise at kumapit sa braso nito. Walang reaksyon naman syang tinignan ni Blaise. “Blaise she shouted at you, Do you want me to punish her?” malanding sabi ni Pink Hair. Ano nga ba pangalan nya? And punish me? Nasigawan ko lang naman si Blaise, dapat na akong parusahan? “Tsk!” tinanggal ni Blaise ang pagkakapit nito sa braso nya. “Andrea sto—” she cut him. “Blaise alam mo bang tinapon nya yung magic loli na binigay mo sakin.” naiiyak nyang sabi, pero mukang umaarte lang sya. “Bayad nayon diba?” pag-depensa ko. “But still you need to be punish, ngayong sinigawan mo si Blaise.” gigil nyang sabi. Napa atras ako, baka mamaya atakihin nanaman nya ako. “Humihingi ako ng tawad. Bayad na din yun, kaya please kalimutan na natin ang nangyare.” sabi ko at umatras ulit. Kasi nag simula na syang lumapit sakin. “Tulad ng sabi ko, wala akong pake sa sasabihin mo.” taas kilay nyang sabi. Naglabas na sya ng pink cherry blossoms sa isang kamay nya. "At ito tatandaan mo wala kang karapatan sigawan si Blaise!” ngayon sumigaw na sya. Pinag-cross ko ang dalawang braso ko dahil ibabato nya na ang nasa kamay nya. Ayaw nya ako tigilan. Kasali naba sya sa list ng mga bullies sa M.A? “Tigil!” sabi ng nasa likod ni Pink hair. Dahil dun napatigil sya. Yung matandang babae kanina. “Lumabas kayo. Hindi pwede manggulo sa loob ng library!” galit na sabi ng librarian. Hindi ito sumisigaw pero ramdam mo talagang galit sya. Tinignan naman ako ng masama ni Pink hair. Kasalanan ko bang napagalitan tayo? Lumapit ulit sya kay Blaise at kumapit sa braso nito. Kiniskis nya pa ang pisngi nya sa balikat ni Blaise na medyo kinagulat ko. Pero mukang wala lang kay Blaise. “Blaise I'll go now, magkita nalang tayo ulit. Babye!” at umalis na sya. Yumoko ako at nag-sorry sa librarian. Binalik ko na din ang librong hawak ko kanina pa sabay baba. Marami paring mga napapa-tingin sakin at nagbu-bulungan, Ayoko na pakinggan ang mga sinasabi nila, kaya pag ka baba ko sa floating crystal ay lumabas nako agad. Sumunod naman si Blaise. “I apologies for startling you,” kalmadong sabi nya. Lumabas na kami ng library,nmuka ding balak nya ng umalis kanina dahil bitbit nya na lahat ng gamit nya. “Nagso-sorry ka dahil nagulat moko?” tanong ko. Pano na yung muntik na ako masaktan dahil sa babae nya? “Yes, isn't supposed to be the reason to apologize to you?” simpleng sabi nya. “Wow! Muntik na ako masaktan kanina. Nanonood kalang, hindi mo naman sinabing girlfriend mo yung si Pink Hair,” inis kong sabi. Kumunot ang noo nya. “Girlfriend?” tanong nya. Hindi ba nya alam Kung ano ibig sabihin non? “Girlfriend as in Jowa, karelasyon, kasintahan, babaeng minamahal.” paliwanag ko na naka kunot din ang noo. Halos hingalin ako sa sunod-sunod kong pagsasalita. “Tsk! I know what girlfriend means,” inis nya ding sabi. “Yun naman pala bakit nagtatanong kapa!” bulyaw ko. Nakakainis talaga sya. Buti nalang walang tao sa hallway dahil nasa klase pa sila. Nakalimutan kong sikat pala sya kaya ganon nalang nangyare sakin kanina. “Because I don't have a girlfriend.” sabi nya. Napatingin naman ako sakanya. “What's with her being clingy to you? and she said you gave her a magic loli? yung nalaglag ko kaya galit na galit sya sakin ngayon.” yun lang naman ang naisip ko kaya ko nasabing girlfriend nya si Pink Hair. Isa pa mukang close sila. “Tsk! Nonsense,” sabi nya sabay iling. Ayaw nya talaga sabihin o baka may secret relationship sila na ayaw nyang ipaalam? “And we don't have any relationship. Not even secret relation,” nabasa nya ata iniisip ko. “Andrea is not my girlfriend. As I said, I don't have one. She's just like the other girls who keep pestering me, and the magic loli? she stole that from my locker. I don't even give a a f if she's near me, I will just ignore her like she didn't exist at all. Tsk! Damn! Why am I explaining to you?” iling nyang sabi, Oo nga naman at bakit tanong ako ng tanong? “Sorry,” mahinang sabi ko sabay iwas ng tingin. Naging awkward tuloy sakin ang sitwasyon. “And besides I won't let anyone hurt you.” sabi nya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Parang natuwa? What the! “Dahil lagi tayong magkasama. Sabi sakin nila Mile na wag kitang hahayaang masaktan ng mga tagahanga ko daw. I have to protect you because they gave the responsibility to me. Tsk!” sabi nya habang nakatingala na parang inaalala nya ang mga sinabi nila Mile sakanya. Bumagsak ang balikat ko Inutusan lang pala sya nila Mile, akala ko naman kusa nya akong proprotektahan. “Anyway, here.” abot nya sakin ng isang libro. “Basahin mo yan, naghahanap talaga ako ng librong alam kong mababasa mo. It's about your magic, pagaralan mo yan dahil mawawala ako ng apat na araw.” kinuha ko ang librong inabot nya. May kabigatan ang libro pero sakto lang ang laki. “Teka san ka naman pupunta? Light ball at pag-gawa ng shield palang alam ko,” sabi ko apat na araw syang mawawala. Pano na ang training kong walang improvement? “Tsk! that's why I'm giving you that. Pag-aralan mo. Mag pasalamat ka nalang din na wala ako dahil walang mag papahirap sayo,” sabi nya. “Okay namang ako lang, pero parang hindi ko naman ata kayang wala ka.” mahinang sabi ko. Wait! Parang mali ata nasabi ko? I saw him smirked. Muntik na ako mapa facepalm. “Don't miss me too much. Apat na araw lang yun,” ngising sabi nya. Napa-iling ako. “I won't miss you I just— tsk ewan ko sayo!” nasabi ko nalang. Hindi ko din alam sasabihin. Lumawak ang ngisi nya. “It's okay Stella, ganyan din ang iba pag dating sakin,” nangaasar nyang sabi. Ah kala nya ba nagiging katulad na ako ng mga fans nya? Kapal ng mukha, tumalikod nako. “Dream on Liyab, I'll never fall for your charms.” madiing kong bigkas at iniwan na sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD