Stella's POV
3 weeks later.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, puting kisame ang agad na tumambad sakin. Tinignan ko ang paligid, I sigh after I realized na nasa infirmary nanaman ako.
Tatayo na sana ako nang biglang kumirot ang buong katawan ko. Tumingin ako sa sarili ko, halos manlumo ako sa itsura ko. Sugatan ako, puro gasgas at may mga bandages na naka pulupot sa dalawang braso ko.
Napatingin ako sa kanan ko, akita ko ang mga ang mga S Class. Natutulog silang lahat, kanya-kanyang pwesto sila sa pagtulog, kita kong mugto ang mga mata ng mga girls at halatang puyat naman ang mga boys.
“Guys,” bulong ko. Nandito nanaman sila at binabantayan ako, sana nagpahinga nalang sila sa kwarto nila. Hindi kasi maganda ang pwesto nila dito, siksikan sila at walang maayos na higaan.
Bumuntong hinga ako, pero nagulat ako nang biglang nagmulat silang lahat at tumingin sa gawi ko. Lumaki ang kaninang antok nilang mga mata at sabay na pumunta sa pwesto ko.
Ang talas naman ng pandinig nila, bumuntong hininga lang ako eh.
“Princess! gising kana, thank goodness!” tuwang sabi ni Mile.
“Gosh! I thought you would never wake up,” sabi ni Bela at pinunas ang tumulong luha sa mata nya.
“Our Princess is awake!” ngiting sabi ni Kera pero tumutulo ang luha sa mga mata nya.
Tumingin ako sa mga boys at kita kong masaya sila sa pag-gising ko, medyo nagtaka ako kung bakit ganyan ang reaksyon nila.
“Ilang araw ba akong walang malay?" Tanong ko. Nagsi-tinginan sila sa isat-isa.
“You're 3 weeks unconscious,” sabat ni Mike. Naka-nganga akong tumingin sakanya. Tatlong linggo?
“Tatlong linggo?! bakit ang tagal naman?” gulat na tanong ko.
“A unpractice powerful spell is dangerous Princess. It might lead you to unconsciousness for several weeks, months or worst a year and it can damage your body,” sagot ni Mike at tumingin sa mga sugat na natamo ko. Lalo akong napa-nganga at hindi makapaniwala sa sinabi nya.
Tanda ko parin ang nangyare nung Leveling. Delikado pala yung ginawa ko?
“Pero gising kana ngayon Princess, wala kanang dapat ipagalala,” sabi ni Tob. Tumingin ako sakanila.
“Teka, bakit ba princess ang tawag nyo sakin?” naiilang na tanong ko. Ngumiti silang lahat pero syempre hindi kasali si Blaise nakikinig lang sya samin.
“You're our princess Stella. Magiaca's long lost Princess,” sabat ni Ice. Kung kanina halos malaglag panga ko ngayon naman halos mag salubong ang kilay ko.
“Princess? ako?” takang tanong ko. Tumango sila.
Ang dami ng nagsasabi sakin ng kung ano-ano. Nalilito na ako.
“Wala ka bang naaalala Stella?” tanong ni Jack.
Umiling ako. Nagka-tinginan sila pero bumalik din yun sakin.
Ano ba nangyayare sa buhay ko? Hindi ko na maintindihan!
“Magpahinga ka muna Stella, dadating na ang tatlong healers para gamuting ang mga natira mong mga sugat.” sabi ni Kera ginawa ko nalang ang sinabi nila at pumikit na. At dahil sa panghihina nakatulog ako agad.
Kera's POV
Nakatulog na si Stella. I heavily sighed. Wala syang maalala tungkol sa magiaca at pati nadin samin.
She's extremely clueless.
“Bakit hindi nya tayo nakikilala?” malungkot na tanong ni Mile.
Yun din ang tanong ko, if she's our princess she should have recognized us. And yes, we know Stella, the princess a long time ago, all of us had been friends with her.
Hindi namin sya nakilala dahil ibang-iba na ang ayos nya ngayon. Pero dahil nalaman namin na sya ang prinsesa, kinikilala na namin sya hindi bilang Stella na nanggaling sa mortal world kundi ang prinsesa na naging kaibigan namin 12 years ago. I miss Asteria so much at ngayon nandito na sya.
“Maybe something happened,” tulalang sabi ni Tob. Nakita kong tumayo si Mike, pumunta sya sa bintana at sumilip dun.
“Maybe,” bumuntong hininga sya at napa iling-iling.
“I really can't believe that all this time, we've been searching for the person that's right in front of us,” sabi ni Mike.
Oo, matagal na namin syang hinahanap matagal na din naming misyon yon. Muntik na nga kami mawalan ng pag-asa.
“Yeah me too, but you know what? The first time I saw her without glasses, she looks like the former Queen. I didn't see it through before but now I know I'm correct." sabi ni Ice. Tumango kami, tama. She really looks like Queen Irene, her mother.
I have many questions in my head, but I will just ask later.
“No doubt she's really the Princess," abi ko.
“She's still beautiful,” sabi ni Jackson. Habang nakatingin kay Stella na mahimbing na natutulog. She's sleeping like a princess.
Binatukan ko nga si Jack.
“Aray naman” daing nya.
“Seryoso kami dito tapos yan lang sasabihin mo? Tsk! Thanks for stating the obvious,” sabi ko sabay irap. Napakamot naman sya ng batok.
“Ahm Guys, if she wakes up, what would we do? Should we tell her everything?” tanong ni Bela. Biglang nagsalita si Blaise.
“We don't know if she'll believe us. Looking at her reaction, she it completely confused. But we can't hide her true identity, she deserves to know, so yeah we have to tell her,” seryosong sabi ni Blaise na ngayon lang nagsalita.
We all nodded and went back to sleep, wala na din naman kaming magagawa.
Sana lang talaga maniwala sya.
Stella's POV
Nandito ako ngayon sa Headmasters office kasama sila Kera. Nandito din si Headmistress Ginna. After akong pagalingin ng mga healers, dumiretsyo kami dito, nagtataka parin ako sa kinikilos nila.
“Ano bang pag-uusapan natin?” takang tanong ko.
“It's about you Stella,” sagot ni Kera. Kumunot ang noo ko.
“What about me?” takang tanong ko.
“You're an Elemental Spirit Wizard Stella, one of the most powerful wizards. That necklace is the prof,” sabi ni Ice sabay turo sa necklace ko.
“Isang Elemental Wizard lang ang may ganyang necklace,” dagdag nya pa. Tumango ako.
“Nasabi na sakin ni Light Goddess, pero dahil naipaliwanag mo, naiintindihan ko na.” sabi ko. Tumango si Ice.
“About your parent...” si Headmaster naman ang nagsalita.
“Their real name is Queen Irene Karen Latimer and King Peter Ronald Latimer, they are the former King and Queen of magiaca.” seryosong sabi nya kaya alam kong hindi ito biro. Kumunot ang noo ko.
“And I'm your Auntie, your mother's sister Stella you are my Nieces,” sabi naman ni Headmistress at niyakap ako. Dahil sa pagka-bigla ay hindi ako naka-tugon, hanggang sa humiwalay na sya ng yakap.
“What? You're my auntie?” tanong ko nang mahimasmasan na sa pagka-gulat. Tumango sya, umiling ako.
No, I mean is it possible?
“Imposible, wala silang nabanggit saking mga kamaganak ko, and my parents are Montellas not Latimer. They're just normal people,” sabi ko habang umiling-iling. Tumayo na ako, parang ang sikip kasama sila sa iisang kwarto.
I need to go.
“Don't you remember me Stella? I'm the one who taught you how to summoned your earth spirit,” muling sabi nya at muli din akong napailing.
Ang bilis ng t***k ng puso. Bakit ngayon ko lang to nalalaman? Ni-hindi ko alam kung maniniwala ba ako.
“But it's true you're a Latimer Stella, you're a princess,” sabat ni Headmaster.
“How?” seryosong sabi ko habang nakatitig isa isa sakanila. Napayuko si Headmistress.
“12 years ago there was a war between Wizards and Dark Mages. They want to kill you Stella and get rid of the star key, that's why Peter and Irene run away carrying you with them. We don't know where you were Stella, but believe me we searched for you." malungkot na sabi ni Headmistress nanatili lang akong tahimik. Nagpatuloy sya.
“Hinanap din namin kayo sa mortal world, pero wala parin kaming nakalap na impormasyon kung nasaan kayo. We decided to stop the search, since you might have a new life with Irene and Peter, but we know that one day you three will come back to where you belong.” tumulo ang kanina nya pang pinipigilang luha. Umiwas ako ng tingin, biglang sumakit ang ulo ko.
“W-why? Why can't I remember? I don't know you, even them.” turo ko sa mga kaibigan kong wizards.
“I just known all of you recently.” nalilitong sabi ko kay Headmistress. Napapikit ako ng mariin nang tumigil ang sakit ng ulo ko.
“Maybe they erased your memory Stella? I know Irene, she will do anything just for you to be safe.” sabi nya. Umiling-iling ako, nothing sinks inside my mind, lalo lang itong sumasakit.
To many informations, and I can't take it anymore! Please stop!
“Stella, this is where you belong. It's time for you to go back to Eterio, Kingdom of Magiaca.” sabat ni Headmaster. Umiling ulit ako.
Go back where? Eterio? Ano yun? Saan yun?
“No! I'm going back to where I came from.” walang emosyong sabi ko. Nagulat sila sa sinabi ko.
Tama, doon ako nababagay. Mortal world it is.
“Stella dito ka nababagay, bakit kapa babalik?” nangingilid ang mga matang sabi ni Mile. Nagbabadya ng tumulo ang luha nya.
“I'm sorry,” sabi ko sabay iwas ng tingin.
“Stella we won't allow you to leave. You belong here, please believe us,” sabi ni Bela at hinawakan ako sa braso. Tinanggal ko yung kamay nya at lumayo ng kaonti.
“Let me take some time,” sabi ko.
Nalilito talaga ako sa nangyayare, 10 years akong mag-isa, 10 effing years. Tapos ngayon malalaman ko nalang na iba ang pinanggalingan ko? Naghirap ako, I almost lost myself. I didn't know what to do.
They are searching for me? Why didn't they found me? Am I to difficult to find? Hindi ko ramdam ang mga sinabi nila, naalala ko lang ang mga araw na mag-isa ako.
Tumalikod na ako, tinalikuran ko silang lahat.
“I have so many questions in my mind right now. I need some time, I'm going back to mortal world I need to think. Please.” may pagsusumamong sabi ko habang nakayuko.
Narinig kong bumuntong hininga si Headmistress at Headmaster.
“Okay,” sabay nilang sabi. Alam kong napilitan lang silang sabihin yun, but I already made up my mind. I'm going back to mortal world whether they like or not.
“Thank you,” bulong ko.
“You're still our princess Stella. Even the day when you were gone, nothing changed.” pahabol na sabi ni Headmistress. I don't no but hearing those words touches my heart.
Naglakad nalang ako at tuluyan ng lumabas.
Pumunta ako sa sakayan ng bus para sumakay pauwi. Nang makarating na ako agad akong sumakay, habang bumabyahe hindi ko maiwasang balikan ang mga sinabi nila. Mabagal ngayon ang takbo ng bus kaya malaya akong nakakapagisip. Napatingin ako sa labas.
“I'm a princess?” tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang repleksyon ko sa bintana.
“Parang imposible,” bulong ko. Buong buhay ko si Mama at papa lang ang nagtrato sakin na parang prinsesa. All of the people around disliked me. Napa buntong hininga ako.
Naramdaman kong huminto ang bus, bumaba na ako at naglakad papuntang village nila Mile. Nang makauwi nagpalit agad ako ng damit, ito yung suot ko nung napadpad ako dito, ang school uniform ko sa mortal world. Medyo nanibago ako kasi maluwag sya, binaliwala ko nalang at lumabas na sa bahay nila Mile.
“Hindi kana ba namin mapipigilan?” nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Paglingon ko nakita ko silang lahat, kompleto silang nakahilera. Umiling ako bilang sagot, Mile sighed.
“Hindi mo naman kailangan umalis, we can help you remember Stella, just please dont go.” pigil ni Bela.
Humarap ako sakanya, binigyan ko sya ng isang maliit na ngiti.
“Pumasok ako sa M.A para malaman ang magic ko at para makabalik diba?” tanong ko. Tumango sya.
“Eto na yun, I'm going back.” ngiting sabi ko pero ang ngiting yun ay pilit. Biglang hinawakan ako ni Kera sa magkabilang balikat ko.
“Don't you remember us Stella? we're your friends." sabi ni Kera habang inaalog-alog ang balikat ko. Kumunot ang noo ko.
“Oo naman, kaibigan ko kayo.” I said. Umiling sya.
“No, dati! Dati pa tayong mag kaibigan, 12 years ago Stella. Bakit hindi mo kami maalala?!” umiyak na sya sa harapan ko. Nagulat ako, hindi ko alam ang sinasabi nya.
“Kera stop! She needs time.” pinatahan sya ni Tob. Tumango lang si Kera, pinunasan nya ang tumulong luha sa mata nya at tumingin sakin.
“Sorry Stella,” sabi nya at niyakap ako.
“Sshh it's okay Kera. Don't worry, kung totoo yang sinasabi mo, matatandaan ko din kayo. But please you know I need some time, so can you give me some time to think?” sabi ko naramdaman kong tumango sya.
“I-ill miss you.” utal nyang sabi. Nangingilid na ang labi nya dahil sa pagiyak.
Niyakap ko sya. Kahit papaano napamahal na sila sakin. Sunod kong niyakap ang iba hanggang si Blaise nalang ang hindi ko pa nayayakap. Tumigil ako sa harapan nya.
“You know you're stupid right?” sabi nya dahil don niyakap ko sya bigla. Naramdaman kong nagulat sya, napangiti ako.
I'm sure gonna miss this hot headed guy. Hindi ko na sya pinatugon sa yakap dahil humiwalay na ako agad.
“Bye,” bulong ko at umalis na. Hindi ko na sila pinasunod.