Chapter 17 Elemental Spirit Wizard

2296 Words
Stella's POV Poker face syang tumayo at naglakad pababa, kita kong nagpipigil ng paghiyaw ang mga girls. Lahat ng mga wizards ngayon ay nanatiling tahimik habang bumababa si Blaise. Tumaas din ang tensyo na hindi ko maintindihan. “Bakit biglang tumahimik?” tanong ko kay Mile. “Maraming takot sa kanya eh, baka mamaya hindi lang ang pader ang sunugin nyan.” sabi ni Mile na medyo natawa pa. Nanood nalang ulit ako. Pati sa leveling dala-dala nya ang pagka-sungit nya. Mahirap pa naman pag nainis ang wizard nato. Naalala ko pa nung sinunog nya nag palda ko, napangiwi nalang ako ng wala sa oras. Pinaliyab nya ang buong katawan nya, seryoso parin sya at walang ekspresyon ang mukha nya. Habang tumatagal, nararamdaman kona ang init at parang napapaso na ako. “Woooaah ang init na,” sabi ko. Grabe pinaliyab nya lang ang katawan nya ramdam ko na ang ang init mula dito. Hindi lang ako ang nakaramdam, pati na ang mga nasa paligid ko. Parang naging oven ang gym dahil sakanya. “Ganyan sya kalakas, kahit nasa malayo ka kaya nyang iparamdam sayo ang init or worst than that.” sabi ni Bela. Nanood ulit ako. May magic circle na lumabas sa kina-tatayuan nya. “I control this space,” bulong ni Blaise pero dahil sa mic na malapit sakanya ay rinig namin ang sinabi nya. Lalong nagliyab ang katawan nya. “Haaaaahhhh!” sigaw nya. “Fire Dragon!” nagulat ako nang may lumabas na higanting apoy na hugis dragon. Nilusob nito ang pader at... BOOOOGGGSSSHHH [Blaise Gerome Nevera -Level 49 -S Class Wizard] “W-what?” gulat kong usal. Thats so high. Is he for real? Alam kong malakas sya pero hindi ko akalaing ganto kalakas. Audience screaming “Kyyaaaaa as expected for the strongest Wizard!” “O my! Ang galing nya talaga.” “Waaahhh that's a high Level!” “He's the first that got 49 so cool!” “Waaaahhhh we love you Blaise!” “Marry me Blaise!” “Wooooohhhhh galing naman ni idol!” “Kyaaaaaa ang gwapo nya hihihi!” The crowd is going insane. Hindi na nila maiwasang hindi mag-ingay at mamangha kay Blaise. Walang tigil ang hiyawan nila. Tulala parin ako sa monitor at di makapaniwalang nakatingin sa level nya. “Wow ang taas ah.” manghang sabi ni Mile. “Expected na natin yan, sya ang pinakamalakas dito eh.” kibit-balikat na sabi ni Bela. Ako hindi ko expected. “What the f*****g hell! Bakit sobrang taas naman,” hindi makapaniwalang sabi ni Jack. Binatukan sya ni Kera. “Stop cussing idiot, and remember that's Blaise the strongest Wizard here. Nagtaka kapa, is easy for him to be level 49.” sabi ni Kera sabay irap. “That Jerk got serious huh,” sabi ni Mike. “I should train harder,” dagdag nya pa sabay ayos ng salamin nya. Ang lalakas ng boses nila. “Damn! Halos wala ng natira sa pader!” sbi ni Tob habang nakatingin sa nawasak na pader. Oo nga ang kaninang abot kisame na pader ay hanggang tuhod nalang namin. He should be level 50 if he turned that wall into a complete dust. “Tsk! I can do that too,” naka simangot na sabi ni Ice. “Stop it guys. We want to get stronger to help people in Magiaca, not competing with each other,” seryosong sabi ni Kera. Tumango silang lahat. “I know, that's why I need to train harder,” palusot ni Mike. “Yeah! We will get stronger to help, not to compete with each othe,” ngiting panggagaya ni Tob at hinakbayan si Kera. Inis namang inalis agad ni Kera ang kamay nya at tinignan sya ng masama. Tumawa lang si Tob. “Noted Ms. Fulltana,” nang-aasar na sabi ni Ice. Biglang naglabas ng hangin si Kera sa kamay nya at binato sa gawi ni Ice. Gumawa naman ng ice shield si Ice para di matamaan. Umirap si Kera at hindi na sya pinansin. Tatawa-tawa namang bumalik si Ice sa upuan nya. Ang ku-kulit nila. “Did you watch me?” nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko. Humarap ako at nakita kong si Blaise pala, ngumiti ako sakanya. “Oo, ang galing mo nga eh.” manghang sabi ko. Ngumiti sya sakin. Ramdam ko ang titig ng mga babaeng Wizards sakin, kung nakakamatay lang ang titig nakahandusay sa siguro ako dito. Now for the last Wizard, here we have our transferee. “You're next.” sabi ni Blaise. “Stella Mayumi Montella.” Nagulat ako nang marinig ang pangalan ko. Inaasahan ko nato pero hindi ko maiwasang magulat. “Hey you'll be fine, I'll be watching you.” sabi ni Blaise nang nakita nyang tahimik ako at hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan. Tumango ako sakanya at naglakad na pababa. “Kaya mo yan Stella!” sabi ni Mile at Bela. “You can do it,” Mike. “Go Stella!” Kera. “Nanonood kami sayo.” Tob, Jack and Ice. Tumingin ako sa gawi ni Blaise, tumango lang sya, parang sinasabing magpatuloy lang ako. Sila lang ang nagche-cheer sakin, pero sapat na sakin yon. Nginitian ko silang lahat at nagpatuloy na sa pagpunta sa stage. Nakita ko din si Almira na nag thumbs up sakin Nang makarating na ako sa baba halos malula ako nang tinignan ko ang pader. Sobrang taas pala nito sa malapitan, kung titignan para lang akong langgam. Kaya ko bato? Show us your magic Stella. Narinig kong sabi ni Headmistress. Tumango ako. Nanginginig kong inangat ang dalawang kamay ko at nag-concentrate. Kunot noo kong tinignan ang kamay ko, dahil wala akong maramdamang enerhiya hindi tulad nang sa training ko na may dumadaloy na agad na magic pagpinapalabas ko. Sinubukan ko ulit, pero wala, wala akong maramdaman. Napakagat ako ng ibabang labi ko. “Anong ginagawa nya bat ang tagal?” “Baka wala talaga syang magic?” Rinig kong mga bulungan. Huminga ako ng malalim at sinubukan ulit. Pero wala parin. “Anong nangyare?” frustrated kong bulong sa sarili ko. Pumikit ako at nag-concentrat. Inalala ko ang lahat ng tinuro sakin ni Blais, pagdilat ko tinignan ko ang kamay ko. Wala. Wala akong liwanag na nakita. “Gaganyan nalang ba sya?” Nanginginig ang kamay ko at gusto ko na din maiyak. Pinipigilan ko lang. “Ano bang ginagawa nya, may magic ba talaga sya?” “I think wala.” “Poor you.” pagpaparinig ni Andrea. Siguradong nage-enjoy sya sa nakikita nya at palagay ko ganon din sila Yuma. Halos manlumo ako sa mga naririnig ko, Okay naman nung training ah? Bakit naging ganito? bakit? Tumingin ako sa gawi nila Bela kita kong nag aalala silang lahat kahit hindi nila sabihin. Malungkot akong umiling, humakbang na ako, kita kong parang ayaw nila akong pabalikin sa pwesto hanggat hindi ko natatapos ang leveling. Pero pano ko magagawa kong wala akong magic? “Baba na dyan!” sigaw ng isa sa audience at binato ako ng plastic bottle. “Wala kang magic!” sigaw pa ng isa at pinagbabato na nila ako. “You don't belong here!” “Trash!” “You're not a Wizard!” Napapikit ako nang mariin nage-echoe lahat ang sinasabi nila sa utak ko. Naghalo-halo ang mga sigaw kasama na din sa naririnig ko ang mga sigaw galing mortal world. Bumabalik sila sa isipan ko. “Wala kang magic.” “You don't belong here.” “Trash human, disgusting.” “You're not a Wizard.” “Salot!” “Nerd!” “Geek!” “Isa kang walang kwentang tao!” “Pano kaba nakapasok dito.” Napahawak ako sa ulo ko, bigla itong sumakit. “AAAAHHHH!” napasigaw nalang ako. Nawala ako sa sarili hanggang sa naramdaman kong bigla akong lumutang. Bela's POV “AAAAHHHH!” malakas na sigaw ni Stella. Nagulat kaming lahat nang biglang lumutang si Stella. Kulay orange ang mata nya, kita din naming umilaw ang necklace nya at parang nag-iiba ng anyo. “T-teka yan a-ang,” utal na sabi ni Tob at nakaturo sa necklace ni Stella. Nang tinignan namin yun ay nagulat din kami. Halos mag muka kaming mga tarsier sa sobrang gulat. “Ang Star Key!” sabay-sabay naming sigaw. Purong ginto na ito at kita na ang nakaukit na bitwin. Sabi na may kakaiba sa kwintas ni Stella eh. “Elements.” narinig naming sabi ni Blaise. Tinignan namin si Stella, biglang naglabasan ang limang elements sa necklace nya. Air, earth, water, fire and light. “Kung sya ang may hawak ng Star Key, ibig sabihin isa syang—” biting sabi ni Ice na hindi parin makapaniwala. “Elemental Spirit Wizard.” bulong ko at nakatitig parin kay Stella. “And if she's the Elemental Wizard, that's mean she is Magiaca's long lost—” pabiting sabi ni Mike. “Princess!” nanlalaking matang sigaw namin, Nagkatinginan kami. “Stars that shines above.” Napatingin kami kay Stella nang bigla syang nagbigkas ng spell. “Cover the darkness with your light.” “No! Hindi pa sya bihasa sa spell na yan baka ma-pano sya,” hindi mapakaling sabi ni Mile. “Make the heavens filled with brightness.” “Damn it!” napamura si Ice. Hindi na din kami mapakali dito dahil alam naming delikado ang isang spell na hindi bihasa sa pag-gamit. “Give me the power of your scattering light.” “No Stella!” sigaw ko. Ang bilis ng tibog ng puso ko dahil sa kaba. “I am the ruler of the stars!” “NO!” sabay-sabay naming sigaw. Stella's POV Where am I? Tanong ko sa sarili ko. Nasa isang parang galaxy ako, madilim pero dahil sa mga bitwin lumiliwanag ang paligid. “Stella,” lumingon ako sa tumawag sakin. Gulat akong tumingin sa kanilang lahat. “Hi Master, I'm Sky.” pakilala ng isang babae na naka white na dress. Maputi sya at may maikling buhok, kulay itim yun na hanggang balikat, itim din ang mga mata nya. Meron pa syang tattoo sa likod ng palad nya, that symbolized "Air Magic", at may hawak din syang dalawang pamaypay. “Hello Master, I'm Aqua.” pakilala ng isa pang babae na naka blue mermaid bra at blue din na palda. Mahaba ang nakatirintas nyang buhok na hanggang bewang at kulay blue. Blue din ang mga mata nya at may bitbit syang gintong vase. Meron din syang tattoo sa tyan, that symbolized "Water Magic", kita ko yun dahil naka mermaid bra lang sya. “Hey Master, I'm Saber.” pakilala naman ng isang lalaking naka green shirt at black pants. Brown ang buhok nya at kulay brown din ang mga mata nya. Nakasalamin din sya, meron din syang tattoo sa kanang braso, that symbolized "Earth Magic". “I'm Dragneel, nice to meet you Master.” pakilala din ng isa pang lalaki. May pagka-seryoso ang mukha nya pero muka namang mabait. Naka all black sya at pula ang buhok, gray naman ang kulay ng mga mata nya. Ang tattoo nya naman nasa kaliwang braso, that symbolized "Fire Magic". “Ahm sino kayo?” taka kong tanong pagkatapos nilang magpakilala lahat. “Kami ang iyong spirit elements Master,” sagot ni Sky. “Ah Okay? Nasaan ba ako at wag nyo kong tawaging Master.” nahihiya kong sabi. Sino ba naman ako para tawaging Master diba? “Nasa spirit world ka Master. Ang mundo ng mga spirits na pwedeng isummond,” sagot ni Aqua. Sabing wag akong tawaging Master eh. “Spirit world?” gulat kong tanong. Patay na ako? “Yes Master, kami ang spirits mo. Kahit anong oras at saan pwede mo kaming tawagin, with the help of this keys.” sabi ni Sky at binigay ang susi na may nakaukit na hangin. Ganon din sila Aqua. Nalilito ako, ibig sabihin hindi pa ako patay nito? “See you Master!” paalam nila at biglang pumasok sa mga susi na hawak ko. “Teka lang!” pigil ko, pero hindi ko na sila napigilan. Biglang umikot ang paligid ko at sa isang iglap nasa gym na ako. Nagulat ako ng nakalutang nako sa ere, Ramdam kong nag iba ang kulay ng mata ko. “Stella you are the Elemental Spirit Wizard,” nagulat ako nang narinig kong nagsalita si Light Goddess sa isip ko. “Use your magic Stella,” sabi nya. “My magic? How?” tanong ko. “I will lend you my knowledge.” biglang umilaw ang buong katawan ko at parang pumasok sa utak ko ang isang spell. “Stars that shines above.” Bigla kong sabi. Nakatitig ako sa pader, parang may sariling utak ang katawan ko at tinapat ko ang mga kamay ko dun sa pader. “Cover the darkness with your light.” Nakaramdam ako ng malakas na enerhiya na gustong kumawala. “Make the heavens filled with brightness.” “Give me the power of your scattering light.” “No Stella!” “I am the ruler of the stars!” “NO!" “Haaaaahhhh!” “Eternal Glitter!” sigaw ko kasabay ng pagliwanag ng buong gym. “Haaaaahhhh!” BOOOOGGSSSHH Pag tapos kong gawin yun bigla akong nanghina. Naramdaman ko nag nahuhulog ang katawan ko. [Stella Mayumi Montella -Level 49 -S Class Wizard] Kahit nanlalabo ang paningin ko, nagawa ko padin makita ang level ko sa monitor. “Stella!” tawag sakin nila Mile, pero parang wala akong narinig dahil sa sobrang hina ng katawan ko. Malapit na akong bumaksak sa lupa. “Got yah!” nakita kong nasalo ako ni Blaise. Sinubukan kong magsalita pero hindi ko man lang maibuka ang bibig ko. Hindi nagtagal unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD