Stella's POV
Nilakad ko ang daan papunta sa puno kung saan ako nahulog. Gabi na at kitang-kita ko ang mga bitwin sa langit.
Napayuko ako. I miss my parents so much, if only they are here, edi hindi sana ako naguguluhan ngayon. Ang daming tanong sa utak ko, pano ako naging prinsesa? Bakit iba ang pangalan nila? Dito ba talaga ako na nararapat? Si Headmistress kapatid ba talaga sya ni mama? Latimer ba talaga apilyedo ko ? Kasi kung totoo lahat ng yun bakit wala man lang akong maalala. Oo may kapangyarihan ako, pero nakakalito parin talaga, walang ni isang pumapasok sa isip ko kung dito ba talaga ako nararapat.
Kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan ako tutuloy.
Tumigil ako sa paglalakad nang nakarating na ako sa puno. Hindi parin nagbabago, bumuntong hininga ako.
“Here I go,” I said, at tinapat ang palad ko sa puno. Medyo natagalan pero laking tuwa ko ng umilaw ito.
It work. Unti-unting nagkaroon ng portal. Nung natapos na, tumalikod muna ako para tignan ang buong Magiaca.
“It's time to go back,” bulong ko. Muntik pa ako mautal dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Humarap ako sa puno at pikit matang pumasok.
Naramdaman kong hinigop ako ng portal, nang tumigil na saka ko unti-unti minulat ang mga mata ko. Medyo nasilaw ako sa liwanag ng araw dahil pa-umaga na ata dito. Nang naging malinaw na.
“I'm back,” sabi ko nang nakita kong nasa giaca forest ako. Agad akong naglakad pauwi habang naglalakad may mga naririnig akong bulong-bulungan. Oo nga pala madadaanan ko ang dati kong school.
“Si Stella bayon?”
“Oo nga no. Wait where's her thick glasses?”
“Ang tagal ko na yang hindi nakita ah.”
“Naka uniform parin sya, akala ko ba di na yan nag-aaral?”
“Hhm medyo nag-bago sya, pero medyo lang. Her fashion taste is still yuck!”
“Balita ko nasapian daw yan ng masamang espirito,”
“Ayy oo, nako! wag kayong lalapit baka kung anong gawin nyan sainyo.”
“Oo nga, lets go.”
Nasapian? Tsk! Mga tao nga naman, baka pag sinabi ko sakanila na may kapangyarihan ako iisipin naman nilang baliw ako, or they might think that I have been possessed by a demon.
Pailing-iling nalang akong nagpatuloy sa paglalakad habang sila todo iwas sakin, yung iba nga kahit malayo palang ako sakanila umiiwas na agad. This is the life here in mortal world you have to look perfect to blend with them, but the heck I care, I'm already used to it.
Buti nalang at mag-papasukan na kaya onti nalang ang mga istudyante sa labas ng school. Wala paring pinagbago ang lugar. Pollutions, buildings, traffic and of course classy people with trashy attitude, nothing change. It's kinda irritating to know.
Ibang-iba sa Magiaca.
But do you know what's funny? That I miss this, I miss this world even if I dont have happy memories in my past life. There is still a part in my heart that this world is great, you just have to look on the bright side.
But I've been walking in the dark for so long, when will I ever see the bright side?
Nakadating na ako sa bahay namin. It's still the same when I left this place. Binuksan ko ang pinto at pumasok. The house is clean, siguro laging pumupunta dito si Manang Rowena para linisin ang bahay, sya lang ang naiwang taga linis dito sa bahay simula nang nawala sila Mama. I dont know why she choices to stay kahit wala na akong maibayad sakanya.
She still comes here every weekend to clean the house, she makes sure that there's no dust around. She even cook me breakfast sometimes, if she has time. Gosh! I can't believe I let her work for free, makes me guilty. I tried to push her away once, but she really insisted.
Pumunta ako sa kwarto nila Mama, pero bago yun nag-palit muna ako ng damit isang plain maroon T-shirt at short, nag sneakers din ako na maroon. Pagtapos ko magpalit umakyat na ako papunta sa kwarto nila mama.
Binuksan ko ang pinto at pumasok na. My thoughts tells me to go here, naghalungkat lang ako ng mga gamit nila. Ngayon ko lang to ginawa, all my life nabuhay ako ng walang pakealam sa paligid, now I need to find my self, who I really am.
Sa tagal kong naghalungkat wala akong nakitang kakaiba, puro mga gamit nila, gamit sa office, gamit dito sa bahay, old picture namin. Nothing else kaya naisipan kong lumabas nalang.
Kreeeck
“Hhm?” nakarinig ako ng tunog nung humakbang ako. Tumingin ako sa sahig, may nakita akong c***k.
Our house is made of wood. It looks like a house in spanish era, old style but elegant. But I still mentioned that it's old, it has a few cracks already. But this one?
Medyo malaki yung c***k. Nang tinapakan ko naramdaman kong lumulubog sya. Dahil sa curiosity, sinubukan kong tanggalin yun. Nang natanggal ko may nakita akong libro sa loob.
“Ano to?” takang tanong ko sa sarili. Binasa ko yung nakasulat.
“Ano? Spe bo?” medyo maalikabok kaya hindi ko mabasa ng maayos. Hinipan ko ang libro, naubo pa ako dahil sa dami ng alikabok.
“Spell Book.” Basa ko ng mawala ang mga alikabok. Kumunot ang noo ko pano nag karoon ng Spell Book dito?
Binuksan ko ang libro at ini-scan ang mga page, puro spanish ang nakasulat pero meron ding namang translation ng ibat-ibang lengguwahe. Binuklat ko ang libro sa last page. pagbuklat ko may nahulog, isang picture. Pinulot ko ito.
“Eterio's Majesties," basa ko sa nakasulat halos mabitawan ko yung picture. ako to nung bata pako diko masyadong maalala pero alam kong ako to kasama ko sila Mama nakasuot kami ni Mama ng gown at si Papa black tuxedo with a touch of gold were all wearing crown's for king. queen and princess
Biglang sumakit ang ulo ko.
“Aayysss tsk!” inis kong sambit. Hindi nagtagal nawala na din yung sakit.
Napapadalas ang sakit ng ulo ko ah, bakit kaya?
“Why can't I remember?” tanong ko sa sarili ko. Umupo muna ako sa sofa.
Nag-isip ako kung babalik ba ako sa magiaca o hindi. Maya-maya tumayo na ako.
“Alright I'm going back,” siguradong sabi ko. I think this picture is enough for me to go back, it's a proof that I have once been in magiaca.
Hawak parin ang libro, naglakad na ako papuntang pinto nang...
BOOOGGSSSHHH
“Hihihihi! Hello Princess,” isang babaeng may violet na buhok ang biglang pumasok. May kasama pa sya at marami sila,lahat sila naka suot ng cloak. Nakuyom ko ang kamao ko.
“Dark Mages.” Bulong ko.
Kita kong wasak na ang front door. Umatras ako. Ako ang pakay nila.
“S-sino kayo?” utal kong tanong. Ngumisi sakin ang lalaking kasama nyang kulay gray ang buhok. Yung mga taong nasa likod mukang mga tauhan ata nila
“I'm Zack your highness,” ngising sabi nya na parang nangiinsulto. Sinubukan nyang lumapit pero umatras ako.
“Dont scare her Zack, hihihi I'm Ashra by the way,” ngumiti ang babaeng may violet na buhok. Ngiting nakakakilabot kaya umatras ulit ako.
“Ha-Ha-Ha! are they really sure that this is the Princess? she looks weak to me,” sabi ni Zack at tinignan ang mukha kong takot na takot sa kanila.
“You look even pale today, then the first time I saw you,” natatawang sabi nya kumunot ang noo ko.
“Nagkita naba tayo?” kahit natatakot nagawa kong magtanong.
Ang sabi nya nung unang kita nya sakin, kailan yun? Hindi ko pa sya nakita buong buhay ko, ngayon lang.
“Remember the shadow?” sabi nya at naglabas ng anino sa kamay nya. Napuno ako ng takot sa katawan.
It's him?
“I-ikaw yun? Yung lalaki sa puno?” nanginginig kong sabi, pero hindi eh. Oo nakakatakot sya pero iba ang naramdaman ko ngayon kumpara sa naramdaman ko non.
“Oh no no no your highness, that's wasn't me, but I was there hahaha looking at your scared face makes me want to show my self to you. Good thing I holded back.” Ibig sabihin nandun din talaga sya. Pero kung hindi naman sya, sino ang nakita ko?
“What you saw, is the silhouette of the Prince of underworld,” sabat ni Ashra.
“The soon to be king of the world. Both underworld and magiaca world will be in his hands.” Ngising sabi ni Zack. Hindi ako nakaimik.
“Anyway kaya kami nandito para kunin ka at ang necklace mo. Ngayon kung ayaw mo masaktan...” lumapit si Ashra sakin. Aatras sana ko pero narandaman ko ang pader sa likod ko. Dead end.
“Sumama ka samin,” malamig na sabi ni Ashra. Hahawakan nya sana ako pero mabilis akong gumawa ng light ball at tinapon sa mismong mukha nya.
BOOGGSSSHH
Tumakbo na ako, dumaan ako sa back door. Paglabas ko.
SHIIINNNGG
“s**t!” umilag ako sa umatake sakin. Isa sa mga tauhan nila. Pinaulanan ko sya ng light ball, nakita kong bumagsak ito. Matutuwa na sana ako pero mas dumami pa ang kalaban.
“Hihihi you wont get away, kukunin at kukunin ka namin hihi,” kinilabutan ako nang magsalita si Ashra sa likod ko.
Sa bawat pagtawa na ginagawa nya ay nakakapanindig balahibo. Humarap ako at tinignan sya, wala manlang nangyare sakanya nang tinapunan ko sya ng light ball ko. Gumawa ulit ako ng light ball at tinapon sakanya
“Hihihi that won't work,” sabi nya at may lumabas na itim na usok sa kamay nya. Isang malamig na usok.
BOOGGSSHH
Gumawa sya ng shield at dun tumama ang light ball ko, pero ang nakakagulat gawa ito sa yelo.
“Dark Ice Magic.” Bulong ko at nakatingin parin sa ginawa nya. Nang nawala na ang Ice, tumingin sya sa gawi ko.
“We use dark magic, the darker it gets the stronger we are.” Madiin nyang sabi. Dumating na si Zack, ngumisi nanaman sya.
Then Zack snapped his fingers, after that multiple shadow appeared crawling towards me.
“Ashra is a Dark Ice Mage and I'm a Dark Shadow Mage,” sabi nya sabay ngisi. Mabilis na gumapang ang mga anino papunta sakin hindi na ako nakatakbo kaya nahawakan agad ako.
“Arrggg!” daing ko dahil hinawakan ako sa leeg ng isa. Pahigpit ito ng pahigpit.
“Oh Zack don't kill her yet hihi,” sabi ni Ashra na mukang gusto pa ako patayin dahil hindi naman nya pinipigilan si Zack.
“A-aarrg!" Hindi na ako makahinga.
BOGSSHH
“Aahh!” hiyaw ko nang bumagsak ako sa lupa. Nakita kong isang higanting ibon ang lumusob kela Zack. Nag landing ang ibon at unti-unti itong naging hugis tao. Pamilyar ang pigura ng taong naka talikod.
“Manang Rowena?!” gulat kong sabi. Ngumiti sya sakin at nag bow tapos nun seryoso syang humarap ulit sa kalaban.
“Ako na ang bahala dito Prinsesa, tumakbo kana,” seryoso nyang sabi at nag-transform bilang isang higante.
“Go now,” sabi nya.
“Manang hindi kita pwede iwa—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang humarap sya sakin at ngumiti.
“I'm a Shape Shifter Wizard Princess, I can transform into anything I want now go. Run away, go back to where you really belong,” nang sinabi nya yun at pikit mata akong tumakbo. Sana lang maging ligtas si Manang.
Lumingon ako nakita kong nakiki-paglaban si Manang sa mga tauhan nila Zack.
Pero nasaan sila?
“Looking for us?” tumingala ako sa taas. Magla-landing sila sa direksyon ko patalon akong umilag.
BOOGGSSSHH
Ang lakas ng impact ng paglanding nila, halos tumilapon ako.
“Told you. You can't get away,” sabi ni Zack. Nakita kong naglabas si Ashra ng dark Ice ball sa kamay nya. Agaran akong gumawa ng light shield nang tinapon nya yun sa gawi ko.
Sunod-sunod at walang tigil ang pagbato nya. Nakataas na ang dalawang kamay ko para suportahan ang shield.
“Yan lang ba kaya mo Princess? Ang dumepensa?” nangiinsultong sabi ni Ashra. !Napaluhod ako dahil sa hina.
“Weak,” bored na sabi ni Zack at nagbato ng shadow ball.
Nagkaroon ulit ng malakas na pagsabog.
“Arrgggg!” ang lakas ng atake ni Zack dahilan para tumilapon ako mismo sa puno. Unang tumama ang ulo ko, naramdaman ko biglang tumulo ang dugo mula sa noo ko.
“Dark Ice Cage,” bigkas ni Ashra. Sa isang iglap nasa kulungan na ako na gawa sa yelo.
Ang lamig.
“Shadow Clones,” gumawa si Zack ng mga anino na mga tao talaga. Hinawakan ako ng mga to.
“Pwede naman natin siguro kuhain ang magic nya kahit patay na sya diba hihihihi,” suhestiyon ni Ashra. Hindi ako makahinga dahil ang daming nakapulupot saking anino plus ang lamig pa dito sa loob.
“Yeah sleep tight princess,” sabi ni Zack at humigpit ang mga aninong naka pulupot sakin. Nakita kong may mga dugo ng umaagos galing sa ibat-ibang parte ng katawan ko.
Maya-maya unti-unti na akong nilamon ng anino ni Zack.
Para akong nalulunod, pero hindi sa tubig kundi sa kadiliman, at hindi ko alam kung makakaahon paba ako.