Stella's POV
“The left hemisphere of your brain is more active than the right. You are an analytical person, very focused on the success of your goals and organized. When you face a problem, you tend to be logic, calculator and objective.” naka halumbaba akong nakikinig sa prof namin sa science.
Oo sa science, kada friday nagle-lesson pala sila ng katulad sa mortal world.
“However, sometimes you think too much about the decisions you make, checking that they are correct, which makes you tend to be firm. Remember that a little humility will help you help away.” hindi ko maiwasang mapa-hikab. Ang boring.
Ganito din ako sa mortal world. Naboboringan sa mga lessons, pero isa naman ako sa mga achievers.
Kkkrrriiiiinnggg
“Okay, that will be all. Goodbye Class.” nag paalam na si Sir at naglakad na palabas.
Napa tayo ako. Sa wakas tapos nadin, alam ko nadin naman lahat ng nilesson nya.
Napa hikab nanaman ako. Nag streaching din muna ako dahil feeling ko napaka tagal kong nakaupo. Sa pag-pilit kong hindi makatulog ay nangalay tuloy ang pwet at likod ko.
“Tara na sa cafeteria Stella.” yaya ni Bela.
Wala si Mile ngayon dahil may pinuntahan daw. Ewan ko kung saan.
Naglakad na kami papuntang cafeteria, pagdating namin don nakita na namin sila Kera kaya don kami sa pwesto nila umupo.
“Hi guys.” bati namin sakanila. Wala din si Ice, Mike at Blaise.
“Saan sila Ice?” tanong ko nang naka upo na ako. Umorder naman si Bela ng pagkain namin.
“Nasa misyon yung mga yon.” sagot ni Tob habang kumakain.
“Ano palang misyon?” tanong ko pa sakanya. Napatigil naman sya sa pagkain at tumingin sakin.
“Oo nga pala, hindi mo pa alam yun.” sabi nya.
Tama sya diko pa alam yun, Ang alam ko lang ay may misyon sila, Yun lang.
“Hindi lang tayo basta students na puro aral lang Stella.” sabat ni Jack. Napatingin naman ako sakanya ng nagtataka. Ngumiti sya.
“Pag may problema sa ibat-ibang bayan Stella tayo ang pinapadala ng academy. Hindi rin biro ang mga ipapagawa satin dahil mahihirap ang mga misyon nayun, pero alang-alang sa Magiaca, tayo lang ang inaasahan nila parakalabanin ang mga Dark Mage.” paliwanag ni Kera. Nakadating na si Bela, nilapag nya ang pinamili nyang mga pagkain
“Ano pinaguusapan nyo?” tanong ni Bela nang makaupo na sya.
“Stella is asking about the mission” sagot ni Kera habang umiinom ng can coffee.
“Ah yung misyon.” humarap si Bela sakin
“Pinipili ang mga binibigyan ng misyon Stella. Katulad ni Mile, napili sya ngayon kaya wala sya kasabay ng iba pang napili na wizards.” sabi nya.
“Alam ko na yon may misyon sila kaya wala dito, pero bakit kailangan nilang unahin yon?” takang tanong ko diba pag-aaral dapat unahin? Ilang araw nadin silang wala.
“May pabuya din Stella pag natapos mo ang misyon. Don kami nakuha ng ginto, pilak at dyamante in short pera. Ginawa ang academy nato hindi lang sa pag-aaral kundi mabigyan kami ng trabaho.” paliwanag ni Bela. Napa tango-tango ako, naiintindihan ko na.
“Pero nung dumadami na ang napipinsala dahil sa mga hayop na mga itim na salamangkero na yon. Ang goal na ng academy ay palakasin pa lalo ang mga wizards para matalo na ang mga Dark Mage ” sabi ni Tob at nag patuloy na sa pagkain
“Lahat ginagawa nila makuha lang ang gusto nila, mga hayop nga sila.” galit na sabi ni Bela. Kumuyom ang kamao nya dahil sa gigil, nagulat lang si Bela nang hinawakan yun ni Jack.
“Dont worry, we're still here, we wont let that happen.” sabi ni Jack habang nakatitig kay Bela. Namula si Bela at nag iwas ng tingin. Hmm?
“Oo na.” sabi ni Bela at tinanggal ang kamay ni Jack na nakahawak sa nanginginig nyang kamao. Napatawa nalang ako sa reaksyon nya.
“Ano nga pala ang gusto nilang makuha?” bigla tanong ko.
Ano ang bagay na'yon at kailangan pa nilang gumawa ng kasamaan?
“Gusto nila pamunuan ang magiaca, patayin ang Prinsesa at kuhain ang star key.” walang emosyong sabi ni Kera.
Ang star key? Narinig ko nayun ah.
Silence
Napuno ng katahimikan ang table namin. Ang awkward tuloy, hindi ko inaasahang ganito sila kaseryoso. Kita kong malalim din ang kanilang iniisip, I didn't mean to triggered them.
Kera's Mind
Hindi ko hahayaang mapatay nila ang kauna-unahan kong bestfriend, hindi pwedeng mamatay si Asteria.
Tob's Mind
Kailangan naming mahanap ang prinsesa, bago pa sila ang makahanap sakanya.
Jack's Mind
Bela don't deserve this pain, makita ko lang ang buong angkan ng Dark Mage ako mismo ang uubos sa kanila.
Bela's Mind
Takot ang Dark Mages sa kapangyarihan ng star key. Kayang-kaya silang ubusin non. Sana mahanap ng mga S class si Asteria, sya lang ang makakatapos sa kanilang lahat.
“Hello people of Magiaca!” nagulat kami sa pag-sulpot ni Mile sa harapan namin. May mga galos ang mukha nya, pero hindi naman malala. Kita ko ang pagod sa mukha nya pero nanatili parin ang maligalig nyang aura.
“Anong nangyare sayo?” may pag-aalalang tanong ko.
“Pumunta ako sa kabilang bayan ang daming sumalakay na Dark Mage at mga werewolf grabe, pero okay nadin. Thanks to them.” sabi ni Mile at tumuro sa likudan namin. Tumingin kami don at nakita namin paparating sila Blaise, may mga galos din sila pero di malala.
“How's the mission?” tanong ni Tob.
“Good, we manage to defeat them.” sabi ni Ice na mukang pagod, ganon din si Mike. Maliban kay Blaise, nakikinig lang sya ng music habang naglalakad papunta sa lamesa namin. May mga galos sya pero mukang wala lang sakanya. Ano pa bang aasahan ko dito eh matatag tong isang to.
“Kain na tayo, I'm starving.” sabat ni Mile nang dumating ang pagkain nila. Nag order na pala sila ng pagkain.
Sabay-sabay na kami at tahimik na kumakain. Pero maya-maya biglang may lumapit sa aking babaeng istudyante. Nanginginig pa syang nakipag usap sakin.
“I-ikaw b-ba si Stell-lla?” tanong nya. Nagtataka akong nakatingin at tumango sakanya.
“M-may nag h-hanap sayo, p-punta kadaw sa tapat ng m-mid forest.” nakatungong sabi nya sakin. Medyo nauutal pa sya.
“A-alis nako ba-sta pumunta ka d-don and I-I'm sorry.” magsasalita na dapat ako pero tumakbo na sya papaalis.
Tumayo ako para sana habulin sya pero hinawakan ako ni Blaise sa pulsohan ko.
“What is it Stella?” seryoso ang tonong tanong ni Blaise. Humarap ako sakanila.
“Uhm! May naghahanap daw sa akin, punta lang ako ah? Sandali lang ako.” sabi ko sakanil. Hindi ko na sila pinagsalita dahil umalis nako agad.
Sino kaya yun?
Pumunta nalang akong mid forest. Buti nalang nilibot ako nila Mile nitong nakaraan sa buong academy kaya alam ko kong na saan ang mid forest. Nasa likod lang sya ng school pero kailangan mo pang lumabas sa academy. Buti nalang may gate din sa likod ng M.A, hindi kona kailangan dumaan sa harap, Maliit ang gate nato kumpara sa main gate
Nang nakadating na ako sa tapat ng mid forest ay wala akong nadatnang tao. Pinaglo-loko ba ako ng babaeng yun?
Aalis na sana ako nang biglang sumulpot sila Yuma at Megumi. May kasama pa silang tatlong babae mga kaklase din namin. Isa don ang babaeng kumausap sakin kanina. Nakayuko sya at hindi makatingin sakin. Tsk! I should have known.
“Nandito kana pala?” sarkastikong sabi ni Yuma. Kumuyom ang kamao ko.
“What do you want?” inis na tanong ko.
“We just want to play.” aarteng sabi ni Megumi.
“Wala akong panahon sa kalokohan nyo.” sabi ko at akmang aalis na pero biglang pinadami ni Megumi ang sarili nya.
“Oppss! Not so fast.” sabi nya at pinalibutan ako. Ano nanaman bang kalokohan to?
“Come on, cut the crap and just leave me alone.” Singhal ko, pero hindi nila ako pinakinggan.
BLAG
“Argg!” napadaing ako dahil tinulak ako ng isang clone ni Megumi dahilan ng pag bagsak ko sa sahig.
“Ano bang problema nyo saki— Argg!” tatayo na sana ako pero napadaing nanaman ako dahil malakas na sinipa ni Yuma ang likod ko, kaya napasubsub ulit ako sa sahig.
“Our problem is you! Masyado kang pabida pati sa Blaise ko.” sabi ni Yuma. Ano?! may gusto bato kay Blaise?
Parang biglang uminit ulo ko. Tumayo ako.
Ginagawa nila to sakin dahil kay Blaise? Aba kung may problema sila kay Blaise wag naman nilang ibuntong sakin. Ni wala ngang pakealam sakin ang wizard na yon.
“I'm not doing anything wrong.” walang emosyong sabi ko. Tumalikod na ako at naglakad, pero humarang nanaman ang mga clone ni Megumi.
“We're not done yet.” naka-ngisi nyang sabi.
Hinawakan ako ng clone ni Megumi sa magkabilang siko ko. Lumapit sakin si Yuma. Nagulat ako nang marahas nyang hinila ang kwintas ko. Sumakit ang batok ko dahil hindi pa natanggal ang kwintas ko sa leeg.
“This is special to you right?” tanong nya namay ngisi sa labi. Hindi ako umimik.
“Answer me!” sigaw nya. Kaya napa tango nalang ako.
“Really Huh!” sabi nya.
Biglang hinila nya ulit ang kwintas ko sa leeg dahilan para matanggal to ng tuluyan. Lumaki ang mga mata ko.
“ANO BA AKIN NAYAN!” sigaw ko habang nagpupumiglas. Hindi pwedeng mawala ang kwintas ko.
“You want it? come and get it.” sabi nya at pinalutang ang kwintas ko. Sabay tapon sa loob ng mid forest.
“No.” nanlulumong sabi ko, Binitawan nako ng clone at bumalik na sa dati si Megumi.
“Good luck finding your precious necklace hahahaha!” sabi ni Megumi at naglakad na sila papalayo. Asar!
Tinignan ko ang mid forest madilim sa loob nito, hindi katulad dito na maliwanag. May nagtataasang puno, may tinik ng mga sanga at halaman. Naalala ko ang sinabi sakin ni Mile.
“Yan ang mid forest, kaya tinawag na mid forest Stella dahil parang pinapagitnaan ng forest na yan ang dalawang mundo. Ang mundo ng magiaca at ang mundo ng Dark Mage. Pwede kang gumawa ng portal dyan papuntang underworld. Ang mundo ng mga Dark Mage, pero yun ay kung alam mo ang spell para bumukas ang portal ng underworld. I suggest to you to never go there. Wag na wag kang papasok dyan, may mga sabi-sabi na marami ng nakapasok dyan pero kahit isa wala nakabalik. May mga mababangis na hayop at ibat-ibang elemento dyan. May mga sabi-sabi ding may gumagala na Dark Mage dyan at kinukuha ang mga wizards para dalhin sa underworld at pahirapan. So if I were you I wont go there.” Mile.
Napapikit ako ng mariin. I need to find my necklace.
Inhale exhale
“Okay.” nagsimula na akong maglakad papasok. Unang hakbang ko palang parang gusto ko ng tumakbo papalayo. Napakalamig ng hanging dumadampi sa balat ko, pero kailangan ko talagang mahanap yun.
Tuluyan na akong nakapasok. Madilim kaya ginamit ko ang magic ko at pinailaw ang sarili ko. Kahit nanginginig ang tuhod ko nag patuloy parin ako sa paglalakad, alam kong nasa hindi kalayuan ang kwintas ko dahil nararamdaman ko ang magic na dumadaloy mula doon. Tahimik ang paligid, wala kang maririnig kundi ang tunog ng paa kong naglalakad at mga pagaspas ng mga dahon sa puno.
Maya-maya may nakita na akong kumikislap na bagay, mabilis akong lumapit don. Laking tuwa ko ng ang kwintas ko pala yun. Sinuot kona agad ang kwintas ko at tumakbo na ako papalabas.
GGGRRRR
“Aaahh!” sigaw ko dahil sa Werewolf na bigla nalang sumulpot sa harapan ko.
Dahil sa takot naglabas ako ng Light Ball at hinagis sa gawi ng Werewolf. Natamaan ang werewolf pero wala man lang nangyare sakanya.
“Oh No! I'm in trouble.” bulong ko at tumakbo papalayo sa Werewolf.
GGGRRRR
GGGRRRR
GGGRRRR
Mas lalo akong nanginig sa takot nang may makita akong mga mata sa sulok ng puno. Pula ang mga mata nila kahit diko nakikita alam kong Werewolf yun. Patay na!
“Aarrggg!” daing ko nang naramdaman kong nakalmot ako ng Werewolf sa likod. Kinapa ko yung likod ko, ramdam ko ang hapdi. Pagtingin ko sa kamay ko may dugo na.
BLAG
Bumaksak ako sa lupa at dinaganan ng Werewolf.
GGGRRR
“Aaahhh!” sigaw ko. Dahil kinalmot nanaman nya ko, ramdam ko ang mga matutulis nitong kuko.
“Light Shield!” bigkas ko at nagkaroon ng shield sa paligid ko. Hindi nya na ako nakakalmot. Pero nakita kong winawasak ng Werewolf ang shield ko.
“Awhoooo!” nagulat pa ako nang umalolong ang tahol ng Werewolf sa buong paligid at nag si labasan ang mga nagtatago sa puno.
Ang dami nila sabay-sabay nilang winawasak ang shield ko. Tinaas ko ang kamay ko at tinibayan ang shield pero masyado silang madami.
“Light Ball!” gumawa ako ng malaking light ball sa sobrang laki nito lumiwanag ang paligid.
Lalo ko tuloy nakita ang mga itsura ng Werewolf. Mabalahibo, matutulis ang kuko, mahahabang pangil, itim na aura at pulang mga mata na nanlilisik na nakatingin sakin.
Nanginig ang kamay ko kaya bago pa mawala ang light ball hinagis ko nato sakanila.
BBOOOGGSSHH
Napatakip ako ng mata nang sumabog ito ng malakas. Unti-unti na akong dumilat, nakita kong may ibang Werewolf ang bumagsak pero nanlumo ako nang may nakita pa akong madaming nakatayo. Wala na ang shield kaya tumakbo na ako ulit, paika-ika pa akong tumakbo dahil sa mga natamo kong sugat.
Nanghihina na ako.
“AAWWHHOOOO!”
Sabay-sabay na alolong ng mga Werewolf at sinugod ako! Umakyat ako sa puno kahit hinang-hina na ako.
BOSH
Napakapit ako ng mahigpit dahil ginigiba nila ang puno.
BOSH
BOSH
Nagtagumpay sila. Nawasak nila ang puno. Naramdaman ko nang natutumba na ito.
“Aaaahhhh!” sigaw ko. Napabitaw ako sa pagkapit sa puno. Nalalaglag na ako, kita ko sa baba ang mahahaba nilang pangil na handa na akong kainin, pumikit ako ng mariin.
“Katapusan kona.” bulong ko at hinintay ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa.
“Tornado fling attack!” Kera.
BOOGGSSHH
“Earth Drill!” Mike.
BOOGGSSHH
“Ice Geyser!” Ice.
BBOOSSSHH
“Card Explosion!” Jack.
BOOM BOOM BOOM
“Water Nebula!” Tob.
BOOOSSHH
“Sonic Boom!” Mile.
BOOOOMM
“Holy Sword!” Bela.
SHINNGG
Napadilat ako nang marinig ang boses nila Mile at ng S Class. Napangiti nalang ako.
They're here.
Naramdaman kong may sumalo sakin.
“You're so stupid.” sabi ni Blaise. Hindi ako naka-imik dahil sa sobrang hina. Napasandal nalang ako sa dibdib nya at unti-unting pumikit.
“FLAMING RING OF FIRE!” narinig kong sigaw nya, and everything went black.