Chapter 10 Light Wizard

2282 Words
Stella's POV Naglalakad na ako ngayon sa hallway papuntang training room. Pangalawang linggo ko nato at hindi ko parin alam ang magic ko. Lahat ginawa na namin halos matusta na nga ako sa sobrang init ng apoy ni Blaise. Sinubukan ko nga ulit mag concentrate pero walang nangyare. Hindi kona nakita yung babaeng nakausap ko. Nakarating na ako sa training room, binuksan ko na ang pinto. BBOOSSHH Umilag ako sa bumulusong na fire ball papunta sakin. Nitong nakaraang araw habang hindi ko pa daw nalalaman ang magic ko ay tinuturuan nya muna aki ng mga paraan ng pakikipaglaban. Hindi naman ako nahirapan dahil sumasali ako minsan ng teakwando sa school ko dati, kaya may alam naman ako kahit papano. Hindi ko nga lang alam kung bat hindi ko nagagamit sa mortal world. Siguro dahil mag-isa lang ako at marami sila, kaya hindi ko magawang depensahan ang sarili ko. Clap clap Narinig ko ang pag-palakpak nya. “Nasanay kana.” sabi ni Blaise habang papalapit sakin. Bumusangot ako. “Pano ba naman araw-araw mong ginagawa yan.” inis kong sabi. Bahagya syang tumawa. Totoo yun, kung hindi ako masasanay uuwi talaga akong sunog. Knock knock Napalingon kami sa gawi kung sino yung kumatok. Nakita namin si Kera na naglalakad na papunta sa gawin samin. “Sorry for the disturbance. May meeting ang mga S Class ngayon at kailangan ka dun Blaise. Don't worry sandali lang naman daw.” malumanay na sabi ni Kera. Tumango si Blaise bago humarap sakin. “Sandali lang ako, I'll be back. Don't do anything stupid.” habilin nga at naglakad na palapit kay Kera. Napa-irap ako sa huli nyang sinabi. “Bye Stella.” paalam ni Kera. Nag bye din ako sakanya. Sumunod na sya kay Blaise at naiwan na akong mag-isa. Hmm! What to do? Aga-aga yung trainer ko wala na. Dahil wala naman akong magawa dito, pumunta ako sa gitna ng training room. Umupo ako don at pinikit ang mga mata ko, sinubukan ko ulit mag concentrate. Sana naman gumana na, lagi ko talagang sinusubukang mag concentrate lalo na sa bahay, sa loob ng kwarto ko nagsasanay ako pero wala namang nangyayare. Matagal din akong nakapikit. Maya-maya naramdaman ko nalang na nakatulog na ako. Dumilat ako. Laking tuwa ko nang makita ko nanaman ang napakagandang paraiso. Nandito parin ako sa kinatatayuan ko nung huli naming paguusap ng babae. Pero teka, nasaan na yung babae? Nag libot-libot ako at hinanap ang babae. May nakita akong maliit na ilaw na papalapit sakin una nagtaka ako kung ano yun, pero kalaunan unti-unting naging tao ang kaninang maliit na ilaw. “Maligayang pag babalik Stella.” napangiti ako. Sya nanga yung babaeng nakausap ko, ganon parin ang itsura nya at walang pinagbago. “Gusto ko ulit kayo makausap tungkol sa kwintas ko.” sabi ko. Ngumiti sya, yan nanaman ang nakakaginhawang pakiramdam kada ngingiti sya. Kahit siguro hirap na hirap kana sa problema mo isang ngiti nya lang magiging maayos kana. “Ang kwintas na yan ang pag-aari ng Mama mo, makapangyarihan ang kwintas na yan kaya dapat mong ingatan yan.” sabi nya habang masinsinang nakatingin sa kwintas ko. “Sino po ba talaga kayo?” tanong ko. Ngumiti nanaman sya sakin. “Ako ang Light Goddess, na nakatira sa loob ng kwintas mo.” sabi nya. Nagulat naman ako. Isa pala syang Goddess, napa kurap-kurap ako at prenoseso ang nalaman ko. Kausap ko ngayon ay isang Goddess! “Light Goddess.” pag-uulit ko. Tumango sya bilang pagkukumpirma. “Kaming mga Gods and Goddess ang nag bibigay basbas sainyo upang magamit nyo ang magic nyo.” sabi nya. “At ikaw Stella, you have the magic of light.” ngiting sabi nya. Natulala ako. “A-ako?” hindi makapaniwala kong sabi. “Matagal ng nasayo ang light magic Stella, hindi mo lang napapansin basbas lang ang kulang sayo kaya... ngayon Stella Mayumi Montella, binabasbasan kita, may the light guide your way.” usal nya at tinapat nya ang kamay sa noo ko. Umilaw yon ng napaka liwanag dahilan para mapapikit ako. Pagdilat ko ay nasa training room na ako. Nagulat pa ako nang tinignan ko ang sarili ko. Umiilaw ang buong katawan ko! “A-anong nangyayare?” kabadong tanong ko sa sarili. May ginawa bakong mali? bakit nailaw ang katawan ko? “Stella.” nagulat ako nang bumukas ang pinto at niluwa nyon si Blaise. Nakita kong kasama nya ang iba pa naming kaibigan. Nang nakita nila ako napa tigil sila. Agad naman ako humingi ng tulong sakanila. “Guys help me! A-anong nangyayare?” nagaalalang tanong ko. Hindi sila agad naka-imik. Hanggang sa nagsalita si Blaise. “Calm down Stella.” sabi ni Blaise. Lumapit sila sakin. “Calm down? umiilaw ang buong katawan ko. Pano ako kakalma? Mag lalaho naba ako? sabihin nyo.” taranta kong sabi. Hindi sila umimik. Iisipin ko na talagang may masamang mangyayare kung hindi lang sumigaw si Mile ng malakas. “Waahhh! Stella I'm so proud of you!” biglang sigaw ni Mile at tumakbo papunta sakin. Niyakap ny aako ng mahigpit. Sumunod si Bela at Kera na malawak ang ngiti sakin. “Teka! Bakit?” nagtatakang tanong ko. Tuck “Aray!” daing ko nang binatukan ako ni Ice. Napangiwi ako at napahawak sa ulo ko. Feeling ko tinuktukan ako ng bato. Ang sakit nun ah! “Hahaha! Ang oa mo kasi.” sabi ni Ice. Tinignan ko silang lahat ng may pagtataka. “You just discovered your magic Stupid.” sabi ni Blaise. Napatigil at parang nag loading ako sa sinabi nya. “Magic ko?” hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango sila. “You're a light wizard you have the magic of light.” dagdag ni Blaise. Nakangiti na silang lahat sakin, ako naman ay nakanganga lang. “Light Wizard? A-ako?” pagkukumpirma ko sabay turo sa sarili ko. Tumango si Blaise. “Waaahh!” napasigaw ako at nag tatalon-talon sa tuwa. Nalaman kona sa wakas ang magic ko. Pero teka may magic ako? Wizard ako? Pano nangyare yun kung una palang sa mortal world na ako nakatira? May malaking question mark ngayon sa isip ko. “Congrats Stella.” bati nila Ice at natutuwa rin sakin. Napangiti nalang ulit ako. Dahil sa tuwa ay hindi ko na maalis ang ngiti ko sa labi. Grabe! “She still has to train for the leveling.” biglang sabi ni Blaise dahilan para mapatigil kami sa pagsasaya. Lumapit sila Mile sakin at nagpaalam, kailangan ko pa daw mag training. Dumaan lang daw sila para bisitahin ako. Nang nakalabas na sila kami nalang dalawa ni Blaise ang naiwan ulit. “Teka umiilaw parin ang katawan ko, pano ko maaalis to?” tanong ko nang marealize ko na umiilaw parin ako. Napatitig ako sa kamay ko. Parang pamilyar ang pakiramdam hindi ko lang masabi kung ano. “Close your eyes at isipin mo na hindi ka umiilaw. Easy as that.” sagot ni Blaise. Ginawa ko ang sinabi nya at naramdaman kong di na ako umiilaw. “Ang galing.” manghang sabi ko. “Now that we know your magic let's start your real training.” sabi nya. Pumunta sya sa harapan ko at walang emosyong tumingin sakin. “Make a light ball.” bigla nyang sabi. My mouth form an O. Gagawa ako ng light ball! Pero pano ko gagawin? “How?” tanong ko. Pinakita nya sakin kung pano. “Release some energy trough your hand and hold it.” inilahad nya ang kamay nya at nakita kong nabubuo na ang fire ball. Pagkatapos nun saka nya tinapon at nagkaron ng pagsabog. BOOGGSSHH Napatakip ako ng mata dahil sa pagsabog, ang lakas! “Now your turn.” he said. Ginaya ko sya. Naka buo ako ng light ball palaki ito ng palaki. “Hold it.” tinigil ko ang pagrelease ng energy at pinirmi ang light ball sa kamay ko. Nahirapan ako sa paghold. “Now release.” utos nya. Papakawalan ko na sana pero parang may sarili itong isip at sa ibang direksyon pumunta. Nakita kong papunta ito sa gawi ni Blaise. “Blaise ilag!” sigaw ko. Patalon syang iniwasan ang light ball ko. Nagkaroon din yun ng pagsabog. BOOGGSSHH Sinamaan nya ko ng tingin. “Hala! I'm Sorry.” pilit akong ngumiti at nag peace sign pa. Umismid sya. “You still need to learn how to control your magic.” seryosong sabi nya. Nanlumo ako, marami pakong pagdadaanan. “Controlling magic is the most hardest thing to accomplish.” muka namang yun talaga ang pinakamahirap. King hindi kontrolado ang isang bagay, hindi ito aayon sa gusto mong mangyare. Yan ang sabi sakin ni Papa nung pinasakay nya ako sa maliit na kabayo. Ayaw kasi nitong maglakad eh, pero ang ending diko na pinilit ayaw ata sakin ng kabayo. “Practice controlling your magic, on your own.” sabi nya. Naglakad sya papunta sa sofa at humiga don. Hindi nya ko tutulungan? Fine! Nagsimula na akong kontrolin ang light ball ko, nag focus ako pero... BOOGGSSHH Kumawala nanaman sya. Umulit pa ako, naging maingat na ako at dahan-dahang ginawa ang light ball. Napangiti ako dahil di na sya gumagalaw, pero biglang naglaho ang ginawa kong Light Ball. Malalim akong bumuntong hininga. Kinontrol ko ang sarili kong wag magwala, hinabaan ko din ang pasensya ko. Gumawa ako ulit, pumikit ako at nag concentrate. Pero nawala nanaman. Haysss! Inis akong umupo at huminga ng malalim. “You can do it Stella.” nagulat ako nang may marinig akong boses. Boses ni Light Goddess. Imahinasyon ko lang ba yun o talagang kinakausap nya ako? “Feel the magic of light.” sabi nya. Tumayo na ako at sumubok ulit. Nag concentrate nako ng mabuti unti-unti nang bumubuo ang light ball. Napangiti ako dahil naco-control ko na sya, maya-maya ni release ko na. BOOGGSSHH Naging maayos ang pag gawa ko at naibato ko sa tamang direksyon ang Light Ball. Boses lang pala ni Light Goddess ang kailangan ko. "Yes nagawa ko!" masayang sabi ko sa sarili. Clap clap Lumingon ako sa gawi ng pumalakpak at nakita ko si Blaise na naglalakad palapit sakin. Nakapamewang akong humarap sakanya, proud ako dahil nagawa ko ang pinapagawa nya. “Now let me teach you some attacks.” sabi nya. Nag simula na syang turuan ako. Tinuruan nya ko kong pano gumawa ng shield at gumawa ng ibat-ibang klaseng atake. Katulad ng ginagawa nya, mga dalawang oras din kami natapos. Hindi ko kasi napalabas ang shield, tapos gusto nyang mag palabas ako ng madaming light ball. Hindi ko rin yon nagawa ng maayos, kaya natagalan kami, pero kahit ganon nag iimprove naman ako sa paglabas ng light ball pero hanggang dun lang muna ang kaya ko. “Woohh! Nakakapagod.” sabi ko at napahiga sa sahig. “Let's go home.” sabi nya. Tumayo na ako at sumabay na sakanya, tahimik kaming nag lalakad. Maya-maya tumigil kami sa isang kotse “Gumagamit kayo ng kotse?” takang tanong ko. Pero sabagay may bus din silang ginagamit, iba nga lang ang style ng mga sasakyan nila. “Yeah! Para lang din naman tong mortal world, only that the vehicles and other stuffs are operated through magic.” sagot nya. Binuksan nya na ang pinto. Nagtaka ako kung bakit hindi pa sya pumapasok. Tinignan nya ko. “What are you waiting for? Get inside.” inis nyang sabi. Napatigil ako. “Ihahatid moko?” taka na namang tanong ko. Muka na siguro akong tanga sakanya kakatanong. Ayy lagi naman akong tanga sa paningin sya. Tsk! “Of course its getting late. Anong oras na tayo natapos.” sabi nya. Sabagay. Sumunod nalang ako sakanya at pumasok, para walang away. Sinarado nya ang pinto at pumasok nadin. Umalis na kami. Buong byahe wala kaming imikan. Alam nyo yung naiilang? Ako yon, kasi naman wala akong masabi pati din naman sya kaya ang tahimik tuloy. Tumingin nalang ako sa bintana at tinanaw ang katahimikan ng paligid. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ginhawa sa pag tingin lang sa kalsada ng Magiaca. Medyo may kadiliman na, may mga ilaw na lumulutang na palagay ko ay mga Fairies. Nakita ko ang mga Villagers na nag aayos ng kanilang paninda. Maraming tao pero hindi magulo, maingay pero hindi ka makakaramdam ng pagka-irita. How I wish na ganto din ka-peaceful ang mortal world. Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay nila Mile. Tinigil nya na ang sasakyan, agad ko namang tinanggal ang seatbelt ko at humarap sakanya. “Uhhm! Alis na ako. Thank you nga pala.” naiilang na sabi ko. Tumango lang sya, lumabas na ako sa kotse. Papasok na sana ako, pero napatigil ako sa hindi inaasahang pag tawag nya. “Stella." tawag nya. Lumingon ako at hinintay ang sasabihin nya. “You did great today. Take care." Sabi nya at ngumiti. Pinaandar nya na ang kotse nya paalis. Hindi man lang ako naka reply sa sinabi nya. Pero parang hindi ko din matutugon ang sinabi nya dahil sa sandaling pagkakatulala sa kawalan. First time nyang mag sabi sakin ng ganon, puro nalang kasi tanga ang bukang bibig nya sakin. Iba din pala ang pakiramdam pag pinuri ka nya. “Hoy!” “Ay tanga!” napatalon ako dahil kay Mile na bigla nalang sumulpot sa harapan ko. Grabe ang gulat ko sa ginawa nya. “Nandyan kana pala tara na sa loob. Teka bakit namumula ka?” tanong nya. Nagtaka ako sa sinabi nya. Umiling lang ako at pumasok na. Namumula ba ako? Hindi naman ah. Nagpalit na ako ng damit at sumalampak nako sa higaan ko. Ngayon ramdam na ramdam ko na ang pagod, bumuntong hininga ako at napangiwi kada galaw ko. Matutulog na nga ako, ang sakit ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD