Stella's POV
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Nasaan ako?
Tumingin-tingin ako sa paligid may kurtinang puti sa side ko. May mga bote na ibat-ibat kulay sa lamesa at mga gamot, May mga materyalis din na pang-gamot. Napagtanto kong nasa infirmary pala ako, sinubukan kong tumayo pero naramdamam kong may kumirot sa likod ko. Tinignan ko ang sarili ko, ang dami kong bandages sa katawan at puro gasgas din ako.
Napatingin ulit ako sa side ko at hinawi ko ang kurtina. Nakita ko si Blaise at ang iba. Tulog silang lahat at si Blaise lang ang gising, may mga nakita din akong mga onting gasgas sa katawan nila. Na-guilty ako, dahil sakin kinalaban nila yung mga Werewolf at nadamay pa sila.
Pag-angat ko ng tingin, nagulat ako nang mag tama ang mga mata namin ni Blaise.
“You're awake.” malamig nyang sabi na nakapag pataas ng mga balahibo ko.
“Ahm—” magsasalita na sana ako pero nagising bigla sila Mile
“*yawn* STELLA!” bigla nyang sigaw at patalon akong niyakap.
“Arrg!” daing ko dahil naramdaman kong kumirot ang sugat ko sa likod. Nakalmot nga pala ako ng Werewolf.
“Mile yung sugat ni Stella.” paalala ni Bela at nilayo si Mile sakin.
“Ayy sorry huhuhu! Pinag-alala mo kami waahhh!” nagulat ako nang umiiyak si Mile, Napa nganga ako at natatarantang pinatahan sya.
“Mile Okay na ako sshh. Wag ka ng umiyak, buhay pa ako oh hahaha!” pagbibiro ko at pakita ko sa sarili ko. Pinunasan nya ang mata nyang puno ng luha. Hinampas nya ako sa braso kaya napadaing nanaman, natatawang nilayo ni Bela si Mile sakin.
“Stella!” nagulat ako nang niyakap din ako ni Ice. Hindi masyadong mahigpit ang yakap nya kaya hindi naman ako nasasaktan.
“Pinag-alala mo kami, pinag-alala mo ako.” bulong nya. Sandali akong natigilan, pero maya-maya natauhan din.
“Sorry.” ang tanging nasabi ko nalang at niyakap din sya. Humiwalay na sya sa yakap at ginulo ang buhok ko, napabusangot tuloy ako. Masaya akong makita sila, pero ramdam ko ang bigat ng dibdib ko dahil sa guilt, kita kong talagang nag-aalala sila sakin.
“Teka payakap nga din ako.” biglang sabi ni Jack. Akmang yayakapin nya din ako pero hinarang ni Kera ang kamay nya sa mukha ni Jack.
“Wag na baka man tsansing kalang eh.” sabi ni Kera. Sabay tulak sa mukha ni Jack, napatawa nalang kami.
“Hahaha!” tawanan namin. Napa-kamot nalang ng batok si Jack.
“Are you okay now?” tanong ni Mike. Tumango ako.
“Salamat sa pagligtas nyo sakin. Nakakahiya.” nakatungo kong sabi.
“Wala yun Stella.” sabi ni Tob.
“We will do anything for the sake of our friends.” sabat ni Mike.
“We're a team remember?” sbi naman ni Kera, parang may humaplos sa puso ko dahil sa mga sinabi nila.
This is how much they care for a friend.
“Thank you guys.” pasasalamat ko. Dahil don niyakap nila akong lahat.
“Pano ka nga pala nakapunta sa mid forest?” biglang tanong ni Icem Umupo sya sa tabi ko, napaiwas ako ng tingin.
“May naghahanap daw kasi sakin. I thought is was important, but I just saw Yuma and Megumi.” mahina kong sabi.
“Those Bitches.” abat ni Kera habang nanggigigil.
“What happened next?” tanong ni Mike.
“Kinuha nila ang necklace ko at binato sa loob ng mid forest.” bulong ko.
BLAG
Nagulat kami dahil padabog na tumayo si Blaise sa kinau-upuan nya.
“So you entered mid forest by Yourself? How can you be so stupid? You should have called us for help!” nabigla ako sa sigaw ni Blaise. I didn't know he's this angry for what happened.
“Hey! Blaise calm down.” away ni Ice, pero hindi kumalma si Blaise.
“No! You knew that place was dangerous. You should think before you act Stella. What if we didnt came? Or what if we came late? What will be waiting for us there? Your dead body?” sigaw nya.
Hindi ko napigilang ang pagtulo ng luha mo. Seeing him mad at me and saying those words are like sharp knifes stabbing on my chest.
“Look what happened to you? You know that you're not skilled at fighting, but you still have the guts to entered mid forest. Dont you have any brain? Or you're just plain stupi…”
SLAP
Gulat kaming tumingin kay Bela nang bigla nyang sampalin si Blaise.
“Please stop Blaise!” sigaw ni Bela.
Napatigil si Blaise. Tinignan nya ko at umiling, pinapahiwatig na disappointed sya sakin. Parang nag slow-mo ang paligid ko nang unti-unti syang naglakad papalabas ng infirmary.
Silence
Isang mahabang katahimikan ang bumalot samin nang lumabas si Blaise. Gulat parin kami sa pag-sigaw nya. Parang ngayon ko lang sya nakitang sumigaw ng ganon. Kahit araw-araw kong naririnig ang sigaw nya sa tuwing nag tratraining kami ay ngayon lang nya ko sinigawan na may halong galit. Akala ko sanay na ako.
Pero masakit din pala.
“I'm sorry this is all my fault.” sabi ko at yumoko. Ako na bumasag ng katahimikan.
“Sshhh! No Stella its no one's fault.” sabi ni Bela at hinahaplos ang likod ko. Naramdaman kong humihilom ang sugat ko sa likod.
“Hindi na ba masakit?” tanong nya tumango ako. Hinilom nya ang sugat ko sa likod.
“I'll talk to Blaise.” sabi ni Ice. Akmang tatayo pero pinigilan sya ni Kera.
“Let him be.” mahinahong pagpigil ni Kera.
“What? Do you think I will let this pass? Of course not.” inis na sabi ni Ice.
“Calm your t**s Ice, let's deal with that bastard some other time. Right now let Stella deal with him.” sabi ni Mike at inayos ang salamin nya.
“He's mad at me. How can I talk to him? baka bigla nya kong sunogin.” alalang sabi ko. Umiling si Kera.
“No Stella. He wont do that to you. Well baka, But you know? Hindi lang halata pero saming lahat sya ang pinaka nag-alala sayo.” pagbibigay alam nya. Kumunot naman ang noo ko.
“Mukang imposible yang sinasabi mo, yung cold at walang pakealam na lalaking yon mag aalala sakin? Impossible!” sabi ko na may pagiling-iling pa.
He doesn't care for me, I know it.
“If you dont believe me ask them.” sabi nya at tinuro sila Mile. Tumingin ako sa gawi nila.
“Oo nga Stella, tama si Kera.” sabi ni Jack.
“Well behind those cold eyes... is a good person, and he's caring at some point.” sabi ni Bela.
“Sya ang unang tumakbo nang nalaman nyang nasa mid forest ka.” sabi ni Mile na may nakakalokang ngiti.
“Sya din ang unang nakaalam kong nasaan ka.” mahinang sabi ni Ice, pero tama lang para marinig ko.
“Muntik nya nadin masunog ang buong forest at idadamay pa ang Academy. Buti nalang napigilan namin sya onti lang ang pinsalang nangyare.” sabi ni Tob. Napatigil naman ako sa sinabi nya, muntik na masunog ang forest?
“He may seem like a cold Bastard, moron, idiot, asshole and a jerk sometimes but he's nice. Well, sometimes.” sabi ni Mike bigla syang binatukan ni Tob
“Is that even a complement?” nakangiwing sabi ni Tob
“Yeah.” kibit balikat na sabi ni Mike.
“Tumigil nga kayo. Anyway let's get back to class.” sabi ni Kera.
Sabay-sabay kaming lumabas sa infirmary. Pwede na daw akong lumabas dahil magaling na ako, sa tulong ng Healers nila. Plus nandito pa si Bela kaya mabilis akong napagaling. Although may mga gasgas parin ako, pero di na kumikirot.
I'm really thankful na dumating sila. Hindi ko alam kung ano mangyayare sakin pagwala sila.
Pumasok na kami sa room. Nakita ko ang gulat nila Yuma nang makita nila ako. Tila parang nakakita sila ng multo, kung titignan mo ang itsura nila ngayon.
“You have a lot of explaining to do, Hinji Sisters.” seryosong sabi ni Kera.
Oo nga pala kasama pa namin sila kaya pala gulat ang lahat ang reaksyon ng mga B Class Wizards.
“Hah! So you manage to get out of mid fores with the help of the S classes? How Pathetic.” maarteng sabi ni Megumi.
“Oh! Hi Kera how's it going?” sarkastikong sabi ni Yuma nang naglakad sya papalapit kay Kera.
“Yuma!” gigil na banggit ni Kera sa pangalan nya.
Hindi ko alam pero parang may namumuong tensyon sa pagitan ni Kera at Yuma. Ngumisi lang si Yuma sakanya at lumingon sa gawi ko.
“Stella nandyan ka pala.” inosenteng sabi nya at kunyaring nagulat pa. Halatang nangaasar.
“I never knew you could survive in mid forest. You're such a weakling, so I thought you're gonna die.” dugtong nya at ngumisi. Biglang sumugod si Kera sakanya.
“Dont you dare insult my friend.” gigil nyang banggit.
“Hurricane Dance!” sambit nya at biglang nag karoon ng mga ipo-ipo sa loob ng classroom. Para itong mga sumasayaw dahil pumupunta ito sa ibat-ibang direksyon. Umiwas si Yuma sa pag-atake nya.
“Gravity.” sambit ni Yuma.
BLAG
“Kera!” sigaw namin ng halos halikan na ni Kera ang sahig sa sobrang pag sobsub nya.
Buti natungkod nya ang dalawa nyang kamay, pero kahit ganon kita ko ang hirap nya sapagtayo dahil sa force na nanggagaling kay Yuma. Wala na din ang ginawa nyang Hurricane Dance.
“Tumigil na kayo!” sigaw ko, pero nginisian lang ako ni Yuma. Nanghihina pa ako, gustong gamitin ang magic ko ngayon.
“Water Nebula!” narinig kong sigaw ni Tob.
Nakita kong tinangay si Yuma ng tubig. Mabuti at dumating sya.
“Ayos kalang?” tanong ni Tob kay Kera. Lumapit kami don at tinulungan namin tumayo si Kera.
“Yeah, okay lang ako.” sagot ni Kera.
“Kera tama na punta na kayo sa klase nyo ayoko ng gulo, I'll be fine.” pagkumbinsi ko at ngumiti. Ayokong mas lumala pa ang gulo sa pagitan nila.
“You sure?” tanong nya. Tumango ako.
“Hayss! fine.” walang gana nyang sabi at lumabas. Pero bago yun.
“You will pay for that Yuma.” madiin nyang sambit.
“I'll see you try.” sagot ni Yuma tuluyan ng lumabas sila Kera. Tumayo na si Yuma at lumabas din, kita kong basang-basa ang uniform nya dahil kay Tob.
“What a pain.” nandidiring sabi ni Megumi nang dumaan sya sa gilid ko. Hindi ako naka imik.
“Show is over people!” sigaw ni Mile at bumalik na ang mga tao sa kani-kanilang mga pwesto.
“Hay, salamat walang masyadong pinsala ang nangyare sa room natin.” sabi ni Bela habang tinitignan ang c***k sa sahig na gawa ni Yuma at mga gasgas sa dingding dahil kay Kera.
“Mag kaaway ba yung dalawa?” bigla kong tanong sakanila. Hindi ko inaasahan ang pag tango nila bilang sagot sa tanong ko.
“Tagal na nilang magkaaway, dating mag kaibigan ang dalawang yun mga 2-3 years ata. Pero dahil sa inggit ni Yuma nasira ang pag kakaibigan nila.” sabi ni Mile.
“Inggit si Yuma kay Kera?” tanong ko pa.
“Oo, hindi ata nya tanggap na mas malakas at mas lamang si Kera kesa sakanya. Pangarap ni Yuma maging S Class pero napunta sya sa B Class, Sikat ang mga S Class kaya sikat din si Kera dahil dun kinamuhian na ni Yuma si Kera.” paliwanag ni Mile. Hindi pala tunay na kaibigan si Yuma. Masyadong inggetera.
Pero hindi kopa alam ang buong kwento.
“Do you think magkakasundo parin sila?” tanong ko. Nagkibit balikat si Mile.
“Ewan ko lang.” sabi nya, Hhm! feeling ko magkasundo parin yung dalawa.
Hindi man ngayon pero alam ko sa paglipas ng panahon makakasundo rin sila. Ako kasi nasasayangan sa pinag samahan nila, I Know that Yuma is not that bad, ewan ko lang sa kapatid nya. Kahit naman binubully nila ako tumitingin parin ako sa positibong pag-uugali nila.
Humalumbaba ako sa desk ko, wala kaming prof ngayon dahil may mga meeting sila.
Lumipas ang ilang minuto wala parin kaming prof at dahil sa sobrang inip ko ay lumabas na lang muna ako. Hindi kona inabala sila Mile dahil may ginagawa sila. Habang nag lalakad may mga nakikita akong mga estudyante may nag tatawanan, nag kukulitan at may ibang mga naguusap lang. Para silang normal na tao kung kumilos, naalala ko tuloy ang dati kong school. Kung nandoon pa kaya ako mararamdaman ko parin ba ang saya na nararamdaman ko ngayon? Hmm! Palagay ko hindi, ngayon lang naman ako nagkaroon ng mga kaibigang tunay talaga.
Patuloy akong naglakad hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang pamilyar na lugar. Ang Garden, pumasok ako dun pagpasok ko napatigil ako. Nakita ko sya. Nakahiga sya sa gilid ng fountain, naka unan ang dalawa nyang kamay at nakapikit ang mga mata nya.
“Blaise.” bulong ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung aalis ba ako o mag papatuloy sa pag pasok.
Alam kong ayaw nyang naiistorbo.
Naisipan kong umalis nalang, naalala ko na sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako papasok sa garden na ito, pero eto ako ngayon.
Tumalikod na ako at naglakad na papunta sa gate. Baka din kasi galit pa sya sakin.
“Stella.” nagulat ako nang bigla nya akong yakapin sa likod. Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa nya.
“I'm sorry for what I did lately.” sabi nya.
Naramdaman ko ang hininga nya sa batok ko, dahilan para di ako makaimik agad.
Sinubukan kong tanggalin ang pag kakayakap nya pero lalo nyang hinigpitan.
“Let me hug you for now.” sabi nya at sinandal ang ulo nya sa balikat ko. Ano to? Nagwawala ang nasa loob ng dibdib ko. Parang hindi ako sanay sa ganitong kilos nya.
Wala akong nagawa kundi tumango at hayaan syang yakapin ako sandali.
“Are you okay? are you still hurt?” tanong nya.
Ang bango nya, naamoy ko sya sa sobrang lapit nya sakin. He has a manly perfume, his breath smells like mint and its kinda addicting
Pero ramdam ko parin ang pag ka inis nya.
“Stella.” bumalik ako sa katinuan nang tinawag nya ako. Agad akong umiling.
“Okay na ako.” sabi ko. Naramdaman kong bumuntong hininga sya.
“You're not responding fast. Are you mad at me for shouting at you?” tanong nya. Hindi ba dapat ako magtanong kung galit parin sya sakin?
Pero ako naman talaga may kasalanan eh dapat lang yun sakin. Dapat lang na magalit sya.
“Hindi ako galit. Deserve ko naman yun eh matigas ulo ko.” sabi ko. Naramdaman kong umiling sya.
“No!” tinanggal nya ang pagkakayakap sakin at pinaharap ako sakanya.
“You dont deserve that.” mahina nyang sabi.
“Blaise okay lang.” sabi ko. Hindi sya umimik.
“Uhm Blaise.” tawag ko sakanya. Tumingin naman sya sakin.
“Galit ka parin ba dahil sa katangahan ko?” ako naman ang nagtanong kung galit pa sya. Baka kasi dahil sa katangahan ko malaki ang epekto nito sa tungkulin nila lalo na't muntik na madamay ang academy dahil sa sunog. Saka ayoko din mag-away ang mga S Class dahil lang galit sakin si Blaise.
Sa totoo lang. Takot talaga ako pag-galit sya.
“Of course not, I'm just...” napatigil si Blaise.
“Im just…” napakamot sya ng batok nya.
“Just…” kumunot ang noo ko. Parang nag-aalangan syang sabihin.
“Just ano?” tanong ko na medyo kinabahan.
“Just...” sabi nya pa pero hindi naman nya tinatapos. Mukang masakit na salita ang sasabihin nya kaya hindi nya masabi sakin. Nadala na siguro sya sa pag sigaw sakin kanina.
“Aalis na ako.” sabi ko.
Mamaya paulanin nya ako ng mga mura or worse baka ayaw nya nang maging trainer ko dahil sa nangyare. Tumalikod na ako at humakbang na pero...
“Worried.” narinig kong sabi nya, Lumapit sya sakin, dahilan napa singhat ako.
“I'm just worried— no, scratch that.”
“I'm so damn worried Stella.” bulong nya sa tenga ko. Napatigil ako sa kinatatayuan ko.