Chapter 4 Magiaca Academy School for Wizards

3926 Words
Stella's POV Kring Kring Hayss! Ang ingay. Tumagilid ako at nagtaklob ng kumot. Tsk! Antok pako. Kring Kring Ayoko pa talaga bumangon. Kring Kring BOOGSH “Stella!” napabalikwas ako ng bangon dahil bigla nalang pumasok si Mile sa kwarto ko. “Ano ba yun?” antok kong tanong. 6:30 am palang, ang aga pa. “O my gosh Stella! Hindi kapa nag bibihis, Maaga pasok natin.” biglang sabi nya. Parang biglang nawala ang antok ko at agad nakong bumangon para mag ayos. Lintek! Nakalimutan kong may bagong paaralan nako na papasukan. Pagtapos kong maligo nag suot nako ng uniform. Ang cool ng uniform nila, black long sleeve, dark blue skirt na 2 inches above the knee at may nakaukit na M.A sa gilid ng dibdib. Fitted sakin ang uniform. Naka black shoes din ako at long socks. Patakbo akong bumaba at sinalubong sila Bela. “Let's go Grandine.” sabi ni Mile. Sumakay na kami sa dragon, medyo nasanay nako sa pagsakay pero may takot parin ako kaya mahigpit ang yakap ko kay Mile. Nakadating na kami sa bus kung saan kami sasakay papuntang school. Agad na kaming pumasok sa bus, buti marami pang tao or should I say mga Wizards. Umupo na kami sa bakanting upuan. “Kapit kang mabuti, baka ma fall ka.” sabi ni Mile. Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Ano yun hugot? “Anong ibig mong sabihi— aahhh!” muntik na akong mapamura sa bilis nang takbo ng bus at hindi lang yun lumilipad pa ito. Mas mabilis pa ang takbo ng bus kesa sa dragon. My Gosh! Lord ayoko papo mamatay. I silently pray for my life. “Aahhh!” sigaw kopa. Bakit ba kasi di nag wa-warning yung driver. Ano yun? Para surprise? Arg! Rinig ko ang tawa nila Mile sa tabi ko. Grr! Curse you both of you. Screecckk Gulat ako nang bigla nalang promeno yung bus dahilan ng pagsubsob ko sa sahig. Ang masaklap, una mukha. Asar! “We're here at Magiaca Academy.” anunsyo ng driver. Grr! Curse you too manong driver. “Hahaha! Stella, hahaha! Okay haha! kalang, haha! Pft!” tawang-tawang sabi ni Mile na nakahawak pa sa tyan nya, ganon din si Bela. Sinamaan ko naman sila ng tingin pero tawa parin sila ng tawa. Hay nako! Tumayo nako at inayos ang sarili ko, tumingin ako sa paligid. Marami din palang transferee, yung iba gulo-gulo ang buhok at yung iba mukang gulat sa pangyayare. Meron namang chill-chill lang tulad ng dalawang to. Tsk! Hanggang ngayon tumatawa padin sila. Bumaba na kami. Pagewang-gewang pa akong maglakad kaya bigla nalang akong na out of balance. Babaksak na sana ako sa lupa pero may nakasalo sakin. “Hey miss, careful.” gulat akong tumingin sa taong nakasalo sakin. Tinitigan ko sya, ang gwapo nya pala lalo pag malapitan. “Hey! You okay miss?” ngiting tanong ni Ice. Bumalik naman ako sa katinuan at umayos ng tayo. Oo si Ice ang naka-salo sakin, yung lalaking nakilala ko kahapon. “I'm fine sorry.” sabi ko. Bigla naman sumulpot sila Mile. “Yow Ice! Nice to see you.” bati ni Bela. “Hinanap mo daw kami kahapon?” tanong ni Mile. “Oh yeah! Papatulong sana ako, but I already finish it. Where's your other friend by the way?” takang tanong ni Ice. Di nya ata ko nakikilala? “She's right in front of you, duh!” sarkastikong sabi ni Bela. Gulat namang humarap sakin si Ice. “Wow! Stella is that you? You look… amazing.” manghang sabi nya. Medyo napayuko ako. “Thanks.” hiyang sabi ko. Ngumiti sya. “Let's go na! baka ma-late tayo.” sabi ni Mile at naunang naglakad. Sumunod kami. I roamed my eyes around the place. Ang magical ng paligid, puno ng halaman at mga puno. May mga nakikita din akong parang mga lumulutang na liwanag, nang tanungin ko si Mile, nalaman kong mga maliit na fairies pala yun. Sila ang nag papaganda at nag papaliwanag sa mga puno at halaman. Napakaliit nila pero kahit ganon napakalaking tulong nila sa kalikasan dito sa Magiaca. Sa di lalayuan naman ay may malaking pader akong nakita. Don ata kami papunta, may mga nagbabantay din, parang mga kawal katulad sa mga fairy tales. Nakadating na kami sa gate. The gate has the color gold with a touch of silver at may nakaukit na M.A(Magiaca Academy) sa gitna. Pumasok na kami medyo nailang pa ako kasi sumusunod ang tingin ng mga kawal sakin. “Bago kalang Kasi sa paningin nila.” bulong ni Bela. Naramdaman nya sigurong nailang ako, maliit lang akong ngumiti sakanya. Tumigil sila Mile at humarap sakin. “We're here.” sabi ni Mile. Tumingala ako at nakita ko kung gaano kalaki ang school. Wait, is this even a school? It looks like a palace to me. Nasa gate palang kami pero kitang kita na ang ganda nito, malaki din ang school. Grabe! malaki din naman yung dating school ko pero eto triple ang laki. May malaking fountain pa sa gitna, puno ito ng kristal kaya makinang tignan. Pumasok na kami sa loob. Parang palasyo talaga ang school na ito, Pahaba ang style ng building pero napaka laki. Mga limang palapag ata ang taas nitong school. May mga chandelier din sa loob, ngayon lang ako nakakita nito. “Ang ganda naman dito.” bulong ko pero narinig nila. “Ngayon kalang pala nakapasok dito?” tanong ni Ice. Tumango ak, malamang di naman ako nang galing dito eh. “Sigurado akong magugustohan mo dito.” sabi nya pa. Nginitian ko sya. Oo sa nakikita ko palang, maganda nga ang school nato. But I can't stay here. Pumasok na kami at nag lakad papunta sa office ng Headmaster. “Hanggang dito nalang ako girls, I need to find the others.” paalam ni Ice. Tumango sila Mile at tuluyan na syang umalis. “Others?” tanong ko kela Mile. “Oh we have more friends here, later papakilala ka namin.” sagot ni Bela sakin. Tumango nalang ako. Nasa harap na kami ng pinto ng office ng Headmaster, kumatok si Mile. “Come in!” sagot ng nasa loob. Pumasok na kami, bumungad samin ang malaking office. Parang katulad din sa mortal world, Pero mas malaki ang office nato. And did I mention na gawa sa marmol ang sahig ng School? Well, ngayon nasabi ko na. Puti kasi ang kulay sa lahat ng sahig sa school, nakakahiya ngang tumapak eh. Parang feeling ko madudumihan ko. “Mile, Bela kayo pala.” sabi ng lalaking nasa mid 40's maganda ang pangangatawan nya at kitang kita ang kakisigan nya. Seryoso eto ang Headmaster dito? “Hello po, Headmaster Lee.” bati nila Mile at nag bow. “Eto pala si Stella, she's a transferee here and she's from mortal world.” pakilala sakin ni Mile. Tumingin naman sakin si Headmaster Lee. “Hello po.” sabi ko at nag bow. “So you're from mortal world?” tanong ni Headmaster. “Yes po.” magalang kong sagot. Tumango sya. “Nice to meet you Stella, I'm Headmaster Lee Hernandez.” pagpapakilala nya. “May I ask, what is your magic?” biglang tanong ni Headmaster. Natigilan ako. “You know… we can't allow a mortal inside Magiaca.” sabi ni Headmaster. “She haven't know it yet Headmaster, her necklace brought her here.” sabat ni Bela. Kumunot ang noo ni Headmaster. “May I see your necklace?” pinakita ko sakanya ang Necklace ko na hindi parin bumabalik sa dati. Tinignan mabuti ito ni Headmaster. “Hmm! Your necklace seems to be magical, it looks familiar.” sabi ni Headmaster. Bakit kaya sinasabi nilang pamilyar ang necklace ko? Ang sabi kasi sakin ni Mama nag-iisa lang itong necklace nato eh. Ang isa pang katanungan ay bakit nawala ang pag ka ginto ang necklace ko? kumupas din ang bitwin. Medyo mapangit na tuloy tignan. "Hindi ganto ang itsura nya nung wala pako dito. Ano kayang nangyare?" Tanong ko. “Well we just have to know what's your Magic is, to find out what's happening to your necklace. I'm accepting you here to learn magic, I think you have potential, but on the couple of weeks you must prove it to us that you're really a wizard and not mortal.” simpleng sabi ni Headmaster. “What's going to be her section Headmaster?” tanong ni Bela. “For the meantime she can sit in your class Bela. Hanggang sa mag start na ang leveling.” sabi nya at binigay na ang sched ko pagtapos nun ay lumabas na kami. “Anong ibig sabihin ng Leveling?” nagtatakang tanong ko. May dapat ba munang gawin bago malaman kung sang class ako nararapat? “Ang Leveling? Yun yung ipapakita mo kung gaano ka kalakas. Sa gym ito ginaganap at papanoodin ka ng maraming tao. May isang malaking pader don at kailangan mong wasakin yon. Ang problema napakalaki non at mahirap wasakin, don din malalaman kung saang class ka nababagay. Hanggang 50 lang ang levels.” may nilabas syang book sa bag nya. Binasa nya sakin ang laman nito. “Pag 1-10 ang level mo magiging E Class Wizard ka, pag 11-18 D Class, 19-25 C Class, 26-35 B Class, 36-40 A Class. At ang huli 41-50 magiging isa kanang ganap na S Class Wizard.” paliwanag ni Mile habang nangniningning ang mga mata. Napa tango-tango ako medyo naiintindihan kona. “Ibig sabihin non napakalakas mo pag isa kang S Class Wizard. Alam mo si Ice? Di man halata pero isang syang S Class Wizard.” sabi ni Bela. “Wow! Ang lokong yun S Class? Ibig sabihin malakas sya.” manghang tanong ko. Tumango sila. “Eh kayo anong klaseng Wizards kayo? S class din ba kayo?” tanong ko. Umiling sila. “Hahaha hindi no. Ang Magic namin ay abilities lang, karamihan sa mga S Class ay may hawak ng malalakas na Magic. Tulad ng mga Elements. Water, Wind, Earth and Fire meron ding Light and Dark Magic. Ang mga Magic na pang laban talaga, katulad ni Ice hawak nya ang isa sa sub-elements ang ice.” sabi ni Bela, Tumango ako, ganon pala yun. “We are only B Class Wizards, but we're okay with it.” kibit-balikat na sabi ni Mile sabay turo nya sa uniform nyang may pin. Silver yun at nakalagay don ang letter B. Meron ding ganon si Bela. Para saan naman kaya ang mga yan? “Pero kahit sino naman pwede maging S class. Basta pag sisikapan lang at gawin ang lahat ng makakaya.” dagdag ni Mile. “Siguradong malalakas naman kayo.” sabi ko sakanila. “You haven't seen the rest of the wizards yet. They are 3x stronger than us.” sabi nya. Hmm? Sana mababait naman yung mga wizards nayon. Ayoko matulad sa nangyare sakin sa Mortal World, siguradong mas malala dito dahil lahat sila may Magic. Nagtuloy na kami sa paglalakad at pumasok na sa una naming klase. Pag pasok namin tumigil ang lahat ng tao sa loob at tumingin samin, pero tuloy-tuloy lang sila Bela kaya kahit nahihiya ako nag tuloy nalang din akong pumasok. Umupo kami nila Mile sa bakanting upuan sa likodan. Naiilang parin ako sa mga taong nakatingin sakin. “Good morning Wizards!” buti nalang dumating na ang professor namin sa unang subject. Kaya ang atensyon nila ay napunta sa harapan. “Good morning Sir” bati nila at umupo na. “My name is Mr. Delton,nI'll be your prof in Controlling Magic.” seryosong sabi ni Mr. Delton. Tumingin ako sa gawi ni Mile. “Wala kayong subject nang kagaya sa mortal world?” tanong ko. “Meron pero bihira lang nila tinuturo yun. The main subjects here are… Conrolling Magic- para yan sa di kayang kontrolin ang magic nila and Taming Creatures- nandun na ang Monsters, dragons, demons at iba-iba pang-uri ng mga elemento. Para sa dragons kailangan mo silang paamuhin. Tinuturo din dyan kung pano sila kalabanin. Ganon din sa iba kailangan mo malaman kung pano sila kalabanin at talunin—” I cut her. “Wait! May dragons, monsters, demons dito at kailangan pa paamuhin at kalabanin. Bakit?” gulat kong tanong. “Karamihan sa mga yan ay madalas ginagamit ng mga kalaban.” eryosong sabi ni Bela. Napatigil ako at nagtatakang tumingin sakanya. “I'll tell you later.” sabi nya pa. “Anyway next is Skilled Magic- Ite-test ang paraan ng pakikipag laban mo at para nadin maenhance ang skills mo, and we also have P.E syempre mga laro yan but with Magic.” pagpapatuloy ni Mile. Tumango ako, grabe sasakit ata ulo ko. Sumasakit na nga ulo ko kakaisip ng Magic ko, eto pa kayang mga activities nila? “Don't worry Stella, we will help you.” sabi ni Mile at ngumiti. Napa ngiti nalang din ako. “Okay class, let's start the introduction. Introduced yourself infront and tell us what is your magic.” sabi ni Sir Delton tumayo na yung nasa unahan at nag pakilala. Kinakabahan naman ako, hindi sa pagpapakilala kundi dahil wala akong maipapakitang magic. “I'm Megumi Hinji, I'm a Duplicater Wizard, I can duplicate myself.” sabi ng babaeng maganda pero mukang mataray. Pinadami nya ang sarili nya. “And other people.” dagdag nya ulit at pinadami din si Sir Delton “Nice, thank you Ms. Hinji you may now be seated. Next” “Nice, thank you Ms. Hinji you may now be seated. Next.” “Nice, thank you Ms. Hinji you may now be seated. Next.” Sabi ni Sir DeltonS with a capital S, ang dami eh. Naglakad na si Megumi papunta sa upuan nya, pero bago yun binalik muna nya sa dati si Sir Delton at naging isa na ulit si Sir. Tumayo na ang babaeng kakaiba ang aura. “I'm Yuma Hinji.” seryosong pagpapakilala nya. “Mag kapatid sila?” bulong ko kay Mile. “Oo, pero mag ingat ka sa dalawang yan. Hindi man halata, but they're a total bullies.” sabi nya. Napangiwi ako, pati ba naman dito? “I'm a Graviter Wizard, I can make things float even myself.” seryosong sabi nya at pinalutang ang sarili. Wala paring ekpresyon ang mukha nya. Ate uso ngumiti. Medyo creepy sua. Nagulat ako nang tumingin sya sakin. “Wahh!” sapasigaw ako. Dahil bigla nalang akong lumutang. “Hahahaha!” tawa nila. What the fudge! Nakikita na yung short ko. Kung kanina seryoso si Yuma ngayon naka ngisi na sya sakin. Okay! Binabawi ko na yung sinasabi ko. Mas okay palang seryoso lang sya. “Ibaba moko please!” sigaw ko. Nakakalula, nasa kisame nako at nagpagewang gewang ako, hindi ako mapakale, feeling ko malalaglag ako. “Put her down.” narinig kong sabi nila Bela. “Okay, I can also make things heavier.” sabi nya at bigla nalang akong binaba. “Aarrgg!” daing ko dahil ang lakas ng impact nang pagbaba nya sakin. “You!” galit na tonong sigaw ni Bela. Susugudin na dapat sya ni Bela nang magsalita si Sir. “Enough! go back to your seat Ms. Yuma Hinji!” galit na sabi ni Sir Delton pero binaliwala lang sya ni Yuma. Grabe ang sakit ng likod ko, ganon pala sya. “Okay kalang?” alalang tanong ni Mile. Tumango ako, ginamit naman ni Bela ang magic nya para mawala ang sakit ng likod ko. Malaki ang naging pasasalamat ko sakanya. “Next.” nag patuloy ang pag papakilala ng iba at pinakita din ang Magic nila. Maya-maya sunod na si Bela. “I'm Bela Megumi Lumina, I'm a Healer Wizard I can heal anyone even myself.” sabi nya at katulad ng pinakita nya sakin sinugatan nya ulit ang sarili nya. Hindi ko talaga maiwasang magulat pag ginagawa nya yun. Unti-unti naman itong gumaling umupo na si Bela at sumunod si Mile. “I'm Mile Laine Rondala.” ngiting pagpapakilala nya. “I'm a Speed Wizard I can run fast.” sabi nya at tumakbo sa bawat sulok ng room at maya-maya tumigil. Napahawak kami sa ulo namin dahil lahat kami nahilo sa ginawa nya. “And I can make things faster.” tinutok nya ang kamay nya sa orasan na nakasabit sa pinto. Kriiing Nagulat kami dahil nag bell na agad. Tumingin kami sa orasan ang kaninang 8:46 naging 9:30. “Ms. Rondala!” galit na sabi ni Sir. “Hehehe.” napa peace sign nalang si Mile. “Turn it back.” utos ni Sir. “Ops! Sorry Sir, but I can only make the time fast, hihi! sorry.” sabi ni Mile. Napa hilot naman si Sir ng sintido nya. “Okay let's just extend 5 minutes para makapag pakilala ang new student.” sabi ni Sir napatigil ako. Biglang sumabat si Mile. “But Sir its already tim—” Sir cut her. “No buts.” abi ni Sir. Walang nagawa so Mile kundi bumalik nalang sa upuan nya. “Sorry Stella, akala ko makakatakas kana sa introduction.” bulong sakin ni Mile kaya pala pinahuli nya ko. Tumayo nako dahil lahat sila nakatingin na sakin. “I-im Ste-Stella— ehem! I'm Stella Mayumi Mon-montella.” kabadong pagpapakilala ko. “What's your magic?” mataray na sabi ni Megumi hindi pala sya mukang mataray, Mataray na talaga sya. “I-i don't know yet.” bulong ko pero sapat na para marinig nilang lahat. “Sir is she really belong here?” tanong ni Yuma kay Sir. Napayuko nalang ako. “Balita namin may nag enroll na isang mortal, hula ko ikaw yon.” taas kilay na sabi ni Megumi. “Ang isang mortal ay hindi nababagay pumasok dito.” dagdag pa nya. “Mabuti pang umalis kana lang.” walang emosyong sabi naman ni Yuma. Pinag papawisan nako sa kaba, nanatili akong nakayuko. Nag bubulungan nadin ang iba na parang sangayon kela Yuma. “Gusto ko din umalis kaso… hindi naman ako makaalis dahil hindi gumagana ang kwintas ko.” mahinang Sabi ko. “Walang kinabibilangan ang isang katulad mo dito sa Magiaca. Kung hindi ka naman makakalabas ipalapa ka nalang sa mga werewolf!" sigaw ng babae sa likod. Sumangayon naman ang lahat na lalong nag pakaba sakin. “Quiet!” biglang sabi ni Sir. Nanahimik naman ang lahat. “Meron syang karapatang patunayan na may magic sya.” sabi ni Sir. Napaangat ang ulo ko sa sinabi ni sir. “If she has a magic then she belongs here. The leveling starts next next week, you still have two weeks to know your magic, we will give you a trainer so that someone will help you. If you still don't know your magic when the leveling ends, we're sorry but we have to kick you out of Magiaca Academy.” malumanay na paliwanag ni Sir Delton. “That all for today, goodbye class.” paalam ni Sir at lumabas na. “Goodbye Sir.” nagpaalam na sila at lumabas na din. Habang ako naka tulala parin sa pwesto ko. “Pano naman kaya sya naka pasok dito?” narinig kong bulong ng babae sa kasama nya. “May ginagamit ata syang bagay na nag tataglay ng magic. Malamang baka nakaw nya yan dito sa Magiaca, alam mo na, Mahilig mag nakaw ang mga Mortal tsk! tsk!“ sagot ng babae. Tumingin ako sa gawi nila, nakita nilang nakatingin ako kaya agad silang lumabas. Napa hawak ako sa kwintas ko. Kung totoong may magic man ang kwintas at sa Magiaca ito galing, ibabalik ko ito sa kanila. Ayokong pag hinalaan pa nila akong mag nanakaw. Alam ko may kakaiba sa kwintas nato, hindi ko lang alam kung ano. “Hey! what's with the face?” tanong ni Mile. Napa yuko ako. “What if I don't discover my magic or what if I don't really have a magic? what if I'm not a Wizard like you guys? What if… I dont belong here.” bulong ko sa last na sinabi ko. Ang dami kong what if at natatakot ako sa magiging kalalabasan ng training ko. “Stella wag kang ganyan—” pinutol ko ang sinasabi ni Bela. “Pano nga kung wala talaga ano mangyayare sakin? Marami na silang inisip tungkol sakin, naisipan pakong magnanakaw!” bulyaw ko kay Bela. Hindi ko maiwasang matakot I experience being bullied in my school, ayokong pati dito. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko. SLAP Napahawak ako sa pisngi ko at nanglalaking matang tumingin kay Bela. Bigla nalang nya kong sinampal. “Stella never let people treat you the way they think about you. Prove them wrong and let them see who there messing with!” bulyaw nya din sakin. Natulala ako sakanya, lumapit si Mile sakin at hinawakan ako sa mag kabilang balikat. “You're a Wizard and you're one of us. period.” sabi nya at ngumiti. Para akong nagising sa mga sinabi nila, mapa tango ako. “Sorry, I forgot that you guys are here to support me. I'm sorry, don't worry I will do my best.” sabi ko at ngumiti sakanila. Kumalma nadin ako, lumapit sila sakin at niyakap ako. “O my gosh! Stella huhu! Nasampal kita, I'm sorry.” biglang sabi ni Bela. Natawa naman ako, lkay lang naman sakin. Dahil dln nagising ang diwa ko. Although it kinda hurts a little. “Okay lang Bela dahil sayo nagising ako sa katotohanang di dapat ako mag pa-api.” sabi ko. “Teka namumula pisngi mo.” sabi nya. Tinapat nya ang kamay nya sa pisngi ko at pinagaling. Naramdaman kong di na mahapdi ang pisngi ko at nawala nadin ang pamumula. “Better!” ngiting sabi nya. “Anyway Stella, makakalabas ka parin, kung wala ka talagang magic.” biglang sabi ni Mile. Napatigil ako. “Makakabalik pako?” gulat kong tanong. “Well hindi kami sigurado. May spell kasi na nakakapag balik sa mortal world, pero nasa ikatataas yon kung ibabalik ka nila. Kaya naisipan naming pag aralin ka nalang dito Kasi walang kasiguradohan yun.” sagot ni Bela. Kahit may paraan pala, nasa kanila parin kung ibabalik ako na sa tingin ko ay hindi nila gagawin. “Isa sa batas na bawal ang mortal Stella, pasensya na.” pag paumanhin ni Mile. Umiling ako. “Wala yun.” sabi ko. “Meron nadin kasing nakapasok dito at lahat ng gamit na may magic ay dinala nila sa mortal world, hanggang ngayon hinahanap parin sila. Pinagkatiwalaan ang mga taong yun pero sinira nila ang tiwalang binigay ng Magiaca.” sabi ni Bela na may halong pagkadismaya. “Mahalaga ang mga nakuha nila, kaya hindi nadin ako magugulat kung isang araw marunong na gumamit ng magic ang mga Mortal.” sabi ni Mile. “Pero syempre wag naman sana.” pagbawi ni Mile. Malaking gulo pala talaga ang ginawa ng mga unang nakapasok dito. “Naiintindihan ko, pero sasabihin ko sainyo na hindi ako ganong tao.” ngiting sabi ko sa kanila. “Alam namin.” sabay nilang sabi. Napangiti ako. “Hay nako! tara na nga sa next class.” maligalig na sabi ni Mile at lumabas na kami. Diko mai-alis ang ngiti ko. Pumasok ako dito para malaman ang magic ko at para nadin makabalik sa mortal world, pero aaminin ko, dito ko lang na experience magkaroon ng tunay na kaibigan. Masaya ako dahil kay Mile at Bela. “God, thank you for giving me kind and helpful friends, even know they're Wizards“ I whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD