Stella's POV
Humarap ako sakanya.
“Ano ulit yun?” tanong ko sakanyan.
Napatigil sya sa tanong ko. Biglang bumalik sa dati ang eskpresyon ng mukha nya, malamig at walang emosyon.
“I don't repeat what I said.” sabi nya at nag cross arm. Luhh! Kanina lang nag so-sorry sya, tapos ngayon nag su-sungit nanaman sya.
“Ang daya dali ulitin mo.” pangungulit ko at inalog-alog ko pasya. Tama ba ang narinig ko? Worried sya sakin? Ibig sabihin may kabaitan din pala talaga syang tinatago.
“Tsk!” Singhal nya. Inalis nya ang kamay ko sa braso nya at naglakad na papalabas. Tignan mo to. He's in his sungit mode again.
Sumunod ako sakanya sa paglabas.
“Siguraduhin mong maayos ka lang. You need to get ready for tomorrow.” seryosong sabi nya. Oo nga pala.
Mage-ensayo pa ako ng matindi bukas, nalalapit na kasi ang leveling. Don ko din ipapakitang may magic ako, ipapakita ko sa lahat ng wizards na naghusga sakin na isa ako sakanila.
Umalis na si Blaise pagtapos akong bilinan, hindi man lang nag-paalam. Hay nako! Pero okay lang maayos na din naman kami eh.
Tapos na ang meeting ng mga prof kaya nag klase na ulit. Wala naman kaming masyadong ginawa pero feeling ko pagod na pagod ako. Nang nakauwi nga kami agad akong nag ayos para matulog. Sabi din sakin ni Bela kailangan ko magpahinga, masyado ko daw nagamit ang Magic ko.
KINABUKASAN
“Fire ball!” umatake si Blaise at nailagan ko naman. Gumawa din ako ng light ball sa dalawa kong kamay sa pinagba-bato ito sakanya. Walang kahirap-hirap nya naman nailagan yon.
Kanina pa kami dito, hindi ko sya magawang tamaan kahit daplis man lang. Napakabilis nyang umilag, napahawak ako sa tuhod ko at sandaling naghabol ng hininga.
“Let's take a break.” tigil nya at umupo sa sofa. Ako naman dahil sa sobrang pagod humiga na ako sa kinatatayuan to.
“Bakit ba sobrang bilis mo?” natanong ko nalang habang nakatingin sa kisame. Tinaas ko din ang dalawang kamay ko. Ang dami kong paso galing sa apoy nya, ilang beses nya akong natamaan pero sya hindi ko man lang madaplisan.
“I'm not fast, you're just too slow.” sabi nya nya napasimangot ako. Hindi pa pala mabilis yung ginagawa ko?
“Then how to be you po?” biro ko. Napa tsk sya. Medyo natawa ako
“Senses,” banggit nya. Bumangon ako at umupo ng maayos
“Wag puro mata ang gamitin mo, pakiramdaman mo din sa paligid mo,” paliwanag nya
“Nakikiramdam naman ako ah?” or not?
“You only use your eyes. Ni-hindi mo nalalaman kung san na napupunta ang mga atake ko,” napayuko ako.
Tama sya. Lagi akong nagugulat nang biglang may bumubulusong na apoy sa likod ko. Minsan kahit nasa harap nagugulat parin ako na may paparating nanamang atake nya. Nalalaman nya agad ang bawat galaw ko, pero ako hindi ko malaman kung anong susunod nyang gagawin. Napa buntong hininga ako.
“Don't be so down,” sabi nya napaangat ang ulo ko. Kino-comfort nya ba ako?
“Kung ira-rank kita. Pasado ka ng E Class Wizard.” naka-ngisi nyang sabi. Bumaksak ang balikat ko at sumimangot, yun ang pinaka mababang rank.
“Ewan ko sayo,” inis kong sabi.
Natawa sya. Lately hindi na sya masyadong naka poker face, nakakatawa nadin sya, pero minsan nga lang.
“Tumayo kana,” sabi nya.
“Uyy teka lang! Hindi pako nakakapag pahinga,” sandali palang ako nakaupo dito eh.
Tinitigan nya lang ako. Tumayo nalang din ako, wala eh nakakatakot sya, baka magalit.
“Time is running,” pumunta na sya sa pwesto namin kanina. Sumunod ako.
“All Wizards have charp senses. Gamitin mo ang sayo,” seryoso nyang sabi.
“Once you hit me, you are good to go.” sabi nya pa. He positioned himself like a fighter.
Pumusisyon na din ako. Kahit pagod na susubukan ko pa ding matamaan sya.
Una syang sumugod at pinaulanan ako ng suntok hirap akong mailagan yon. Paatras ako ng paatras, ayoko matamaan nya dahil isang suntok nya mapapabaksak nya ako agad.
Bigla naman din syang umatras.
“Burning Blast!” umatake sya.
Tumalon ako paatras para makailag, sumalampak pa ako sa sahig dahil sa pag talon ko. Another gasgas.
Tumama ang atake nya sa pader, hindi pa natatapos dun yon dahil sumabog pa ito. Nagulat ako.
“Easyhan mo lang naman Blaise.” sabi ko habang tumatakbo. Patuloy parin sya sa pag bato, kada tama ng burning blast nya literal na sumasabog ito. Nai-imagine ko ang sarili kong nataman nyon, siguradong lasog-lasog ang katawan ko.
“Are you just going to keep running?” nababagot nyang tanong.
kung saan-saan nya nalang binabato ang atake nya pero napupunta parin sa direksyon ko. Tumigil ako at nag-isip.
Pano ko ba sya tatamaan?
Pakiramdam ang paligid. Naalala kong sabi nya.
Huminga ako ng malalim at pumikit. Maya-maya napa-ngiti ako. Ayon!
Dinilat ko ang mga mata ko. Umilag ako, saktong may tatama dapat sakin. Tumakbo ako papalapit sakanya, nararamdaman ko na ang bawat atake sya, pero kahit ganon hindinko talaga maiwasang madaplisan ako habang papalapit sakanya. Binaliwala ko nalang yon, ang importante matamaan ko sya. Nakalapit na ako sakanya, hindi man lang sya nagulat.
“Stary sky, shine from the west!” bigkas ko.
Umilaw ang katawan ko at nag likha yun ng sobrang liwanag. Tulad ng inaasahan napatakip sya sa mata nya. Sandaling nakakabulag ang ginawa ko kaya hindi agad sya naka-porma ng pag-atake.
Hindi na ako nag-sayang ng oras.
“Light ball!” binato ko mismo sa harap nya.
Tumama yon sa abdomen nya dahilan para tumalsik sya. Nagulat pa ako sa lakas non.
“Argg!” daing nya nang bumaksak sya.
"YES!” napasigaw ako sa sobrang tuwa. Nagtata-talon pa ako, natamaan ko sya. Yes! yes! yes!
Nakita kong tumayo na sya. Hindi man lang ata sya nasaktan, nakaka-ngisi pa din sya. Pero okay lang, natamaan ko naman sya.
“Let's go.” sabi nya at lumabas na sumunod ako. Tumigil ako sa pag didiwang.
“Hindi mo man lang ba ako ico-congratulate?” tanong ko.
Para sakin achievement yun. Aba ang hirap kaya ng ginawa ko, hindi ko nga alam na gagana pala yun.
“Why would I?” tanong nya pabalik.
“Sabi ko nga wala kang pake.” nakabusangot na sabi ko. Tumawa sya.
“I will only congratulate you if you passed the leveling.” sabi nya. Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang cellphone nya.
Tinignan nya yon at binasa ang mesahe, pagtapos ay tumingin sya sakin.
“Got to go. Puntahan mo na si Mile sa cafeteria.” sabi nya.
Hindi na ako nakapagsalita nang umalis na sya. Grabe ang busy nya, kada tapos ng training namin umaalis sya.
Pumunya nalang ako sa caferiteria, pagkadating ko ay nakita kong kasama ni Mile si Kera at Ice.
“Saan yung iba?” tanong ko nang nakarating na sa harapan nila.
“Mission,” simpleng sagot nila. Hindi na ako nagsalita at umupo nalang, ngayon ko lang naramdaman ang pagod.
“You okay?” tanong ni Ice tumango lang ako.
May inabot sya sa aking maliit na bote, kulay green ang liquid na nasa loob nito.
“Para saan to?” nagtatakang tanong ko.
Iniinom ba to? Binuksan ko ang bote at akmang iinomin nang pigilan ako ni Ice.
“Don't drink that,” pigil nya sakin. Kumunot ang noo ko.
“That's a magical ointment, ipahid mo yan sa mga gasgas at sugat mo. Maya-maya mawawala nayan.” naliwanag nya. Napangiti ako.
“Talaga? Thank you Ice.” niyakap ko sya.
Medyo nagulat pa sya pero binaliwala ko nalang. I'm very thankful, wala kasi si Bela. Walang mag papagaling sakin kaya malaking tulong itong ointment na binigay ni Ice.
“Hahaha You're welcome.” sabi nya sabay ngiti sakin. Tinukso naman kami ni Mile Kaya nagtawanan lang kami.
Nagpahid na din ako para mawala na agad ang mga sugat at gasgas ko. Habang may kanya-kanyang ginagawa kami ay biglang binaba ni Kera ang binabasa nyang libro. Napatingin kami sakanya dahil ang seryoso ng mukha nya.
“Did you guys hear that?” tanong nya. Nagtaka kami.
“Hear what?” tanong ni Mile.
“Someone is calling for help,” sabi nya kinilabutan ako. Pati ba dito sa magiaca may multo?
Although may nararamdaman din akong kakaiba, pilit ko yung binabaliwala. Parehas ang pakiramdam nato nung namatay ang mga magulang ko.
“Fallow me,” sabi nya at mabilis na tumayo sa kinauupuan nya. Agad naman namin syang sinundan.
Ayoko sanang sumama pero ayoko ding maiwan.
Kera's POV
“Hahahaha!” tawanan nila Stella. Napangiti nalang ako habang nag babasa, ang kukulit nila.
“Help!”
Napatigil ako. Napakahina ng narinig ko pero malinaw na may humihingi ng tulong. Dinadala ng hangin ang sigaw na yon papunta sakin, kaya ako lang ang nakarinig.
Binaba ko ang librong hawak ko.
“Did you guys hear that?” tanong ko padin kahit na halatang hindi nila narinig.
“Hear what?” they didn't hear it.
“Someone is calling for help,” nilikpit ko na ang libro ko.
“Follow me,” tumayo nako. Mabilis akong tumakbo, ramdam ko namang sumunod sila.
“Tulong please, tulungan nyo ko!”
I heard it again.
Malayo parin. Binilisan ko pa ang takbo ko, sa layo ng boses ng sumisigaw nagawa naming maka labas ng M.A.
“Teka saan ba—”
“Tulong!”
Napatigil sa pagsasalita si Stella nang narinig nya ang sigaw. Malapit na kami, palakas na ng palakas ang sigaw.
“Aahhh! Bitawan moko!” sawakas naradating na kami.
Nakita namin ang isang babaeng binabalot ng itim na usok, katapat nya ang isang lalaking naka itim na cloak.
“Stop it right there.” sigaw ko para makuha ang atensyon ng Dark Mage. Hindi ito lumingon, pero tumigil sya sa ginagawa nya sa babae.
He's taking her magic.
“Mile, Stella take the girl. Kami ni Kera bahala sa Dark Mage.” sabi ni Ice.
Tumango ako sakanya, sabay naming sinugod ang Dark Mage.
Stella's POV
“Ate okay kalang?” tanong ko habang nakikipaglaban sina Kera. Pasimple naming dinala ang babae malapit sa gate ng M.A.
“O-oo s-salamat sainyo,” nanginginig nyang sabi.
Dark red ang buhok nya at kulay violet ang mata, naka itim syang dress at wala syang suot sa paa. I wonder where did she came from?
“Wag kang mag-alala, magiging okay kalang.” pagpapakalma ni Mile.
Ako naman ay nanatili lang sa tabi nila. Hindi ko alam kung bakit nag iba ang pakiramdam ko simula nang dinala namin sya dito. Bumigat ito nang hindi ko maintindihan.
“S-salamat t-talaga sainyo.” yumoko sya habang patuloy na nag pasalamat.
“Stella, Mile.” dumating na sila Kera. Tumayo ako at hinarap sila.
“Nasaktan ba kayo? Ano nangyare?” tanong ko. Nagalala ako sakanila, baka mapano na sila ng Dakr Mage na yon.
Ngumiti lang si Ice.
“Hindi namin sya natalo dahil naka takas sya, pero wag kang mag-alala Stella walang nangyare saming masama.” sabi ni Kera na nakapag paginhawa sakin. Buti naman.
“Kamusta pala sya?” banggit ni Ice sa babaeng niligtas namin. Nakayuko parin ang babae at hindi mapakalma. Lumapit si Kera sakanya.
“The Dark Mage is gone, you can calm down now,” malumanay na sabi ni Kera. Tumigil ang babae sa panginginig.
“Salamat-salamat,” sabi nya. Mukang takot na takot talaga sya sa nangyare sakanya.
“Anyway, what's your name?” si Ice naman ang nag tanong. Napaangat ang ulo nya at tumingin kay Ice, namula ang babae. Tignan mo nga naman may gana pasyang mamula, medyo natawa ako.
“Ah ako si Almira,” pagpapakilala nya at umiwas ng tingin kay Ice.
“So Almira, pano ka napunta sa sitwasyong yon?” tanong ni Kera. Hindi agad naka sagot ang babae na si Almira daw.
“K-kinidnap ako ng m-mga Dark Mages, ang swerte ko lang dahil n-naka takas ako pero na tunton p-parin pala n-nila ako.” paliwanag nya.
Pagtapos sya kausapin ay nag desisyon sila Kera na dalhin si Almira sa M.A para makausap nya si Headmaster.
“I suggest that you stay here, mas ligtas ka dito wag ka mag-alala. Wala pang Dark Mage na nakapasok dito,” sabi ni Headmaster.
Dito na sya mamamalagi at mag aaral. Wala na din pala syang mga magulang kaya mag-isa nalang sya sa buhay. She's a Controller Wizard, kayang komontrol ng bagay, tao at kahit halimaw sa pamamagitan ng pagkanta. Sa antas daw ng magic nya ay maaaring isa syang A Class wizard, pero dahil hindi pa nasisigurado kung gano sya kalakas kaya inilipat muna sya sa C Class.
Nag-sampol din sya kanina kay Headmaster. Pinalutang ang mga gamit nito habang nakanta. Napabilib non si Headmaster, dahil hindi lang sya magaling, maganda din ang boses nya as in maganda talaga.
She has a sweet voice.
“Maraming salamat talaga sainyo!” tuwang sabi ni Almira. Nakangiti na sya at wala ng kahit na anong bakas ng takot.
Papunta kami sa tutuluyan nya dito sa Academy, may dorm din pala dito. Dito din namamalagi sila Kera dahil busy maging S Class. Unang araw palang daw ng pasukan lumipat na sila dito, pero hindi sila nag kakasama kasi may kanya-kanya silang kwarto.
“Dito na tayo,” sabi ni Ice at binuksan nya ang kwartong nasa harap namin. Nang pumasok kami hindi ko maiwasang mamangha.
“Wow!” sigaw ni Almira. Tumakbo sya sa loob at tumalon sa kama.
“Ang ganda dito!” sabi nya.
Kahit ako gagawin ko din ang ginawa nya. Talagang maganda tong kwarto, para ka nabding nag hotel kung ikukumpara sa mortal world.
May chandelier din tas buong kwarto may carpet, kulay blue ang carpet nya. Sabi sakin ni Mile ang blue para sa ordinaryong wizard, samantalang red naman sa mga S Class at mga head ng Academy.
“Glad you like it. Iiwan kana namin dito, sana maging komportable ka,” sabi ni Kera. Tumango si Almira at muling nagpasalamat samin. Lumabas na kami.
“She's nice,” kumento ni Mile. Tumango sila Kera, nanatili lang akong walang imik.
Medyo hindi parin maganda ang nararamdaman ko.
“Yung kinanta nya kanina parang narinig ko na yon,” sabi ko nalang. Pero totoo, hindi ako mahilig sa music pero parang narinig ko nayong kinanta nya.
I think it's entitled Blue Bird I heard it from an anime, na nakalimutan ko.
“We know a lot of songs from mortal world. That's why it sounds familiar,” sabi ni Ice.
Naalala ko yung kinanta ni Blaise, hindi na nakapag-tatakang marami silang alam tungkol sa mga mortal.
“Let's call it a day,” sabi ni Kera.
Nag kanya-kanyang daan na kami. May klase pa sila at ako uuwi na, mag pra-practice nalang siguro ako.
“Aray!” habang naglalakad sa hallwa ay may nakabangga ako.
Maraming tao ngayon sa hallway, kaya hindi maiiwasang may makabangga ka talaga.
“Bulag kaba!” sigaw sakin ng isang babae. Pink ang kulay ng mata nya, pink din ang buhok nya. May kasama syang isang babae at tatlong lalake.
“Nakita mong dadaan kami hindi kamanlang tumabi!” sigaw nya ulit. Marami ng nag titinginan samin dahil sa pag sigaw nya. Yumoko ako.
“Sorry,” paghingi ko ng tawad.
Uuwi na nga lang may eksena pang mangyayare. Ano ka ba naman kasi Stella?!
“Anong sorry! Kita mo ba to?” napaangat ang ulo ko at napatingin sa tinuro nya.
May hawak pala syang lollipop at nalaglag yun sa sahig. Yun ang hindi ko napansin, transparent kasi yung lollipop, kakaiba sa ordinaryong lollipop sa mortal world.
Hindi ko alam kung anong silbe ng lollipop, pero mukang mahalaga ito sakanya.
“Bayaran moto,” maatoridad na sabi ng babae. Lumaki ang mga mata ko.
“Ha?” nasabi ko nalang.
“Aba hindi kalang bulag, bingi kapa! Sabi ko bayaran mo!” bulyaw nya ulit.
“Sorry talaga, pero wala akong pangbayad nyan.” mahina kong sabi.
Lahat ng damit, pagkain at gamit ko ay galing kela Mile. Hindi ko nga alam kung pano sila babayaran eh.
“Andrea, I think she's poor.” sabi ng babaeng kasama nya. Nanatiling nanonood ang tatlong lalakeng kasama nila.
“I don't care. Hoy! ikaw bayaran moto this cost one gold bar.” marami ng nag bubulungan.
Pero teka, one gold bar? Seryoso? Wala akong ganon.
“Ano tutunganga kalang?” taas kilay nyang sabi.
“Pasensya kana talaga wala akong pan—” hindi na ako nakatapos nang atakihin nya ako.
Napalibutan ako ng cherry blossoms na may kasama pang mga glitters. Maganda sa paningin, pero nang hindi ko na maigalaw ang katawan ko ay don na ako natakot.
“Ginagalit mo ako,” sabi nya pa. Aatakihin nya sana ulit ako nang...
“Teka lang!” biglang dumating si Almira.
“And who the hell are you?” tanong ng babae. Walang sinabi si Almira pero may inabot ito sakanya.
“Eto pakawalan mo na sya,” inabot ni Almira ang isang gold bar. Napanganga ako.
Totoong ginto!
Saan sya nakuha ng Ganyan?
“Oh! Meron naman palang pangbayad, pasalamay ka sa friend mo tinulungan ka.” ngising sabi ng babae at basta nalang ako pinakawalan kaya napa-salampak ako sa sahig. Aray!
Umalis na sila na parang walang nangyare kaasabay ng mga nanonood. Inalalayan ako ni Almira.
“Salamat Almira, pero hindi mo na dapat ginawa yun,” mahinang sabi ko.
“Okay lang, tinulungan mo din naman ako kanina, kaya dapat tulungan din kita.” sabi nya at binigyan ako ng isang malawak na ngiti. Bumuntong hininga ako.
“Babayaran kita Almira, hindi man ngayon pero babayaran kita,” sabi ko. Tumawa sya.
“Nako maging magkaibigan lang tayo, okay na sakin.” sabi nya.
Mabait naman sya, wala namang masama kung kaibiganin ko din sya.
“Sige payag ako.” ngiting sabi ko. Mas lalong lumawak ang ngiti nya.
“Yes!” tuwang sabi nya. Para syang Bata kung umasta pero nakakatuwa naman sya.
Hindi nagtagal umalis na din sya nang masiguradong okay nako. Lumabas lang daw sya para bumili ng makakain sa cafeteria. Medyo nagtaka ako dahil ang layo ng cafeteria kung dito sya dumaan, pero naalala ko ding bago lang pala sya dito, kaya binaliwala ko nalang at umuwi na.